Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Heather Drumpt MINAHAL NGUNIT KINULANG

Heather Drumpt MINAHAL NGUNIT KINULANG

Isang pagkakamali na naging sanhi ng isang aksidente. Pinagsisishanhan ngunit huli na ba ang lahat kung ang mahal mo ay nasa bingit ng kamatayan na alam mo ikaw ang may kasalanan. Kayanin mo ba harapin ang katotohanan kung sa huli ay ikaw ang sisihin ng lahat. Kaya sa puntong ito ang tanging magagawa mo lang ay ipagdasal ang kaligtasan ng mahal mo dahil kung hindi dahil sa iyo hindi siya ngayon nakaratay sa ICU naghintay ng oras ng pagbigay ng didisyon ng maykapal kung mabuhay ba siya o hindi.
Romance
10618 viewsOngoing
Read
Add to library
Be my Boyfriend,Senyorito

Be my Boyfriend,Senyorito

Teaser:Jefferson Alcantara -the heir and soon to be CEO of Alcantara Holdings .Nasa kaniya na ang lahat karangyaan,kayamanan at taglay rin ang gandang lalaki na hinahangaan at kinababaluwan ng halos lahat ng kababaihan .Shiella Miranda-anak ng katulong na magmamahal sa binata. At dahil sa pagibig ay magagawang makiusap ni Ella na makiusap na maging boyfriend ito ng palihim kahit sa loob lang ng dalagang buwan,dahil gusto ng dalaga na magtiwala at mapatunayan na magagawang mahalin siya sa ng binata .Ngunit ng mapapayag naman niya ito ay malalaman niyang hindi pala ganoon kadali dahil pinatigas na nito ang puso at sinabing hindi na kailanman ito maniniwala sa pagibig.Makakaya ba niyang gawin ang lahat at maghintay kung kailan siya matutunang mahalin ng binata o susuko na lang tulad ng palaging sinasabi nito sa kaniya?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

Isa akong stripper o sa madaling salita, tagabigay ng ligaya sa mga lalaking nagnanais ng mainit na sandali tuwing gabi. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko ang kliyente kong Zander Almeda. Isang flash lamang ng kamera nang magbago ang buhay ko at naging instant hot issue sa social media. At sa isang iglap, ang stripper na katulad ko ay naging instant girlfriend ng isang bilyonaryong CEO na si Zander Almeda sa bisa ng agreement na magkukunwari ako sa harap ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit paano ko mapipigilan ang puso ko kung mahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya? Paano kung malaman ng lahat ng tao na isa akong dating tapagbigay ng ligaya sa mga lalaki sa isang club? Kaya niya ba akong ipaglaban?
Romance
10345 viewsOngoing
Read
Add to library
Death Judge Noble Park

Death Judge Noble Park

Maganda ang mundo, ngunit malupit din ito. Sa mundo ng Gaia, mayroong apat na rehiyon. Iyon ay ang Normous, Defracia, Bandalia Cifalia, at Isla ng Anino. Sa bawat rehiyon ay mayroong Death Judge, ang pag-asa ng bayan, ngunit ang Rehiyon ng Normous lamang ang walang Death Judge at ang umako sa posisyon nito ay ang emperor mismo. *~* Si Maximaze Lativitus Park ay isang mamamayan ng Normous at nasa pinakamababang-antas lamang ng sibilisasyon sa rehiyon. Sa ibang salita, siya ay isang alipin ng nakatataas. Nang siya ay hindi pa ipinapanganak ay nawalan na ito ng ama dahil sa kabayanihang ginawa. Nang dumating ang kaibigan ng kaniyang magulang, nagbago ang kaniyang buhay. Siyaʼy binigyan ng pagkakataon na makapag-aral at makalaya sa pagkakaalipin, ngunit sa isang kondisyon. Kailangan niyang maging isang kandidato sa paglalakbay at maging Death Judge ng Normous sapagkat ang emperor ay nanghihina na. Ang tahimik niyang buhay kasama ang kaniyang ina ay naging magulo—mas malala sa pagkakaalipin. Marami siyang inaasahan sa mundo ngunit nang kaniyang malaman ang katotohanan, ang kaniyang pangarap ay nawasak sa pira-piraso. Sa araw na iyon, nakatanggap siya ng isang masamang paalala.
War
9.73.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Walang Kapantay

Walang Kapantay

Sinusundan ng kuwento ang buhay at paglalakbay ni Juan, isang matalino ngunit karaniwang binatang ipinanganak na may payak na talento sa mundong ang kapangyarihan at paglinang ang nagtatakda ng kapalaran. Sa pamamagitan ng pagsisikap, talino, bihirang pagkakataon, at malulupit na karanasan, tinatahak ni Juan ang mahaba at mapanganib na landas ng paglinang—pilit na nilalampasan ang kanyang likas na kakulangan upang umangat tungo sa tunay na lakas. Sa kanyang paglalakbay, haharap siya sa mga pagsubok na buhay‑o‑kamatayan, matitinding pagkalugi, mababangis na sekta at karibal, at ang malupit na katotohanan ng mundong pinamumunuan ng lakas at walang-awang ambisyon. Mula sa simpleng pangarap na maging “isang taong may saysay,” unti‑unting hinuhubog ang kanyang landas ng paghihiganti, pag‑iral, pag‑ibig, at pag‑aklas laban sa kapalaran. Sa paglipas ng mga taon—at maging ng mga buhay—matutuklasan ni Juan ang mga natatanging teknik sa paglinang, haharapin ang siklo ng buhay at kamatayan, at susubukin ang hangganan ng kung ano ang maaaring maging isang tagapaglinang. Sa huli, tatahakin niya ang landas na wala pang sinuman ang naglakas-loob tahakin, tinatangka ang imposible at hinahamon ang mismong batas ng pag-iral.
Fantasy
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Twin Fate: Wife, Please Love Me Again

Twin Fate: Wife, Please Love Me Again

Sa loob ng dalawang taon, inakala ni Valerie na may pag-asa siyang mapalambot ang pusong kasingyelo ng kanyang asawang si Harvey Alcantara. Ngunit isang araw, nagbago ang lahat—nalaman niyang hindi siya ang tunay na anak ng pamilyang Lozano, at kasabay nito, itinakwil siya ng kanyang sariling pamilya at itinaboy mula sa buhay na marangyang inakala niyang kanya. Sa isang iglap, nawala ang lahat—pamilya, pangalan, at maging ang kasal na pinanghawakan niya nang buong puso. Pinalitan siya ng babaeng tunay na may karapatang maging anak ng Lozano… at maging asawa ni Harvey. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkawala, isang hindi inaasahang katotohanan ang mabubunyag—isa siyang bahagi ng isang makapangyarihang pamilya na mas higit pa sa kayang ipagkait ng mga Lozano at Alcantara. At sa kanyang pagbabalik, hindi na siya ang Valerie na kayang aapihin ng sino man.
Romance
107.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Refuse To Divorce: In The Arms Of  Ruthless Billionaire

Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire

Eto ay isang kuwento ng babaeng naipakasal sa isang bilyonaryong may edad sa pamamagitan ng shot gun wedding na kagagawan ng kanyang gusapang ama. Ngunit ang babae ay may lihim naman paghanga sa lalaki noon pa man kung kaya naman hindi siya komontra at na excite pa nga itong mmaging asawa ng Bilyonaryo. Ngunit ang kaligayahan sa piniling kapalaran ay hanggang panaginip na lamang pala dahil kailan man ay hindi siya trinayong asawa ng lalaki. Ngunit a kabila ng lahat ng hirap ng katawan at kalooban sa pagsasama at sa klase ng trato sa kanya ng lalaki ay minahal pa rin at sinamba ni Yuna ang asawang si Felix Altamirano. Pero umabot na sa sukdulan ang lahat dahil sa isang mas masakit na katotohanang sumampal sa ilusyon ni Yuna. Wala palang pagasa, nagiilusyun lamang pala siya.
Romance
10112.7K viewsOngoing
Show Reviews (13)
Read
Add to library
Ashley ا
Okay naman ang story but sorry I stopped it, mas okay po maiksi pero marming twist and learnings..almost 80% na natapos ko pero medyo nawalan na ako ng gana sa nangyayri kay Yuna. Sorry author, hope more writings to come na maka inspire po. Thanks
BABY JANE GUAVES
Nangangalahati pa lang ako ng nababasa sa kwentong ito pero talagang papatak ang luha mo. Makararamdam ka ng awa para sa bidang babae, maiinis ka sa character ng bidang lalaki pero may dahilan naman kung bakit siya ganon at magagalit ka sa kontrabida at sa mga alipores nito. Worth it pong basahin! ...
Read All Reviews
BAKAS NANG KAHAPON

BAKAS NANG KAHAPON

Angela De Dios. Ang babaeng sinubok at pinatatag ng panahon at karanasan. Hindi sinukuan ang lahat ng hamon at dagok na dumating sa kaniyang buhay. Norman Villanueva. A certified bachelor. Kilala at mayamang negosyante. Mas inakala ng iba na isa siyang womanizer dahil sa sobrang kasungitan at aloof sa mga babae. Paano kung pagtagpuin sila ng tadhana? Magagawa kayang punan ng bawat isa ang isang bahagi ng kanilang mga pusong tila may kulang pa? Paano kung mabunyag ang isang pangyayaring gigimbal sa pagkatao ng bawat isa sa kanila? Matanggap pa kaya nila ang sukli ng tadhana? O, tuluyang kalilimutan nalang na minsan naging mapaglaro ang kapalaran?
Romance
9.924.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Before The Vows Were Broken

Before The Vows Were Broken

Ipinagkasundo si Cassidy ng kanyang mga magulang kay Chester Montecalvo. Bata pa lang ay minamahal na ng dalaga si Chester kaya tinanggap niyang maikasal dito. Pero sa loob ng dalawang taon nilang pagiging mag-asawa ay walang ginawa si Chester kundi pasakitin ang puso niya. At nang mamatay ang mga magulang niya ay mas lalo pang lumabas ang tunay na kulay ni Chester nang ikulong siya nito at pilitin papirmahin ng mga dokumento para mailipat dito ang pagmamay-ari ng kompanya. Cassidy killed herself bago pa makuha ng asawa niya ang lahat ng meron siya. Hindi niya hahayaan na mapunta sa walanghiya niyang asawa ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang. Pero iba ang plano ng kapalaran sa kanya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa harapan siya ng altar, ikinakasal muli kay Chester. She had given a second chance, nabuhay siyang muli.
Romance
441 viewsOngoing
Read
Add to library
Fated to Love You, My Prince

Fated to Love You, My Prince

He is Prince Dymitri Lance Montague of the Kingdom of Nirvana, and she's his maid. They both fell in love with each other, but Serene clearly knew that their story was not a Cinderella-like love story with a happy ending. Hindi lamang ang estado nila sa buhay ang hadlang sa kanilang pag-iibigan kundi higit ang magulang ng binata na tutol sa kanilang relasyon. Ginawa ng mga ito ang lahat para paghiwalayin sila. Isang masakit na kasinungalingan na naging dahilan para labis siyang kamuhian ng binata. Na deport si Serene pabalik ng Pilipinas kasabay ng pagkakatuklas niya na siya'y nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, habang naghihintay ng masasakyan si Serene kasama ang apat na taong gulang na anak mula sa pinapasukan nitong kindergarten, bigla itong tumawid sa kalsada ng hindi niya namamalayan. Muntik na itong masagasaan kung hindi lang mabilis ang driver ng SUV sa pagpreno. Ngunit hindi lang iyon ang nagpayanig sa buong pagkatao ni Serene, ikinagimbal niya rin ng labis ng masilayan niya ang mukha ng lalakeng bumaba mula sa backseat ng sasakyan. Si Dylan.. na noo'y biglang tumiim ang mga mata ng mapadako ang tingin sa kanyang anak.
Romance
1016.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2223242526
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status