Share

IX

BAKAS pa rin sa mga mata ni Melody ang saya. Para sa kaniya parang nananaginip pa rin siya. Kasama niya talaga si Elijah at hindi mababago ang katotohanan na 'yon.

"Okay ka lang ba?" bahagya pa siyang nagulat dahil sa boses ni Elijah sa likuran niya. Nakalapit na pala ito sa kaniyang hindi niya man lang namalayan.

"Ayos lang ako. Napakaganda lang ng paligid, lalo na ang bughaw na karagatan, Elijah."

"Salamat naman at nagustuhan mo, Melody. Maganda talaga dito, kaya nga mas minabuti kong mamalagi sa lugar na 'to."

Hindi napigilan ni Melody na mapangiti sa harap ni Elijah nang makalapit ito sa kaniya.

Simple lang pala ang lalaking nasa harap niya ngayon, dahil nga sa sinabi nitong mas gugustuhin nitong tumira sa lugar na 'yon keysa sa siyudad na mas komportableng tirhan ng ibang katulad nito.

"Ikaw ba? May pagkakataon bang gusto mo rin tumira sa isla?" tanong nito sa kaniya.

Sa totoo lang minsan niya na rin naman naisip ang bagay na 'yon. Iyon nga lang alam niyang hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status