DARK POSSESSION: Bound by Blood
Ipinagbili si Elaris Vaeloria ng sarili niyang ama sa makapangyaring pamilyang Montefalco— at doon, tuluyan siyang nawala sa mundo ng kalayaan at dangal. Ginapos ng utos, kontrol, at takot, natutunan niyang ang bawat sandaling malaya ay may kapalit.
Sa gitna ng sakit at pagdududa, matapos iligtas ay tumakas siya kay Damian Vossryn, naniniwalang lahat ng kapangyarihan ay nagdudulot ng pagkawasak.
Pero nagbaho si Damian. Ang halimaw na kinatatakutan ng mundo ay natutong maramdaman... ang pagmamahal.
At nang muling pagtagpuin sila ng tadhana, hindi na niya hinihingi ang pagsuko ni Elaris— ang puso na niya ang kaniyang nais.
Ngunit sa mundong pinaghaharian ng dugo at lihim, may puwang pa ba ang pag-ibig na marupok... o nakatadhana rin itong masira?