Falling For The Billionaire CEO
Si Aya Dizon, 23 years old, isang overworked at underpaid event coordinator sa isang luxury hotel, ay desperada para sa pera dahil may malalang sakit ang kapatid niyang si Nico. Nasa bingit na sila na mapaalis sa apartment na tinutuluyan nila at hindi na sapat ang kinikita niya. Sa gitna ng gulo ng buhay niya, nakabangga niya ang isang lalaki na kinatatakutan at hinahangaan ng buong hotel. Si Lucius Alvero, isang napakayamang CEO na kilala sa pagiging malamig, suplado, at walang pakialam sa kahit kanino...maliban nalang sa trabaho. Isang gabi, dahil sa sablay na wedding event na hindi niya kasalanan, muntik nang mawalan ng trabaho si Aya. Pero isang biglaang nakakagulat na desisyon ni Lucius ang nagligtas sa kanya...isang desisyon na hindi niya maintindihan dahil hindi naman sila magkakilala. Habang tumatagal, mapapansin ni Lucius na kakaiba ang tapang, kabaitan, at pagiging totoo ni Aya...mga bagay na matagal nang nawala sa mundo niya. Pero hindi ganun kadali. Dahil ang puso ni Lucius…matagal nang sarado. At si Aya, may secret burden na hindi niya gustong malaman ng kahit sinong lalaki. Matatalo kaya nila ang distansya sa pagitan nila, o mananatili silang magkaibang mundo kahit ramdam nila ang nararamdaman sa isa’t isa?
××××××××××××××××××××××××××
📌 Disclaimer:
Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, lugar, pangyayari, at karakter ay bunga lang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakatulad sa totoong tao o pangyayari ay nagkataon lamang.
Don’t forget to comment!
I-share ang thoughts niyo sa bawat chapter—sobrang naa-appreciate ko ang feedback niyo 💖
⭐ Please rate the story
Malaking tulong po ang ratings niyo para mas marami pang readers ang maka-discover ng story na ito.
📚 Follow & add to library
Para updated kayo sa mga bagong chapters. Salamat sa support! ✨