Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mamamatay Na Ako... Bukas!

Mamamatay Na Ako... Bukas!

Maja Rocha
Pito kami sa barkada: sina Laila, Janine, Eve, Alden, Dan, Jomari at ako —si Bianca. Sa maniwala kayo’t sa hindi, apat na ang nalagas sa amin matapos magpunta ng iba sa isang bulung-bulungang manghuhula sa University. Hindi nito hinuhulaan ang love life mo, o kung ano ang magiging career mo in the future, kundi ang petsa ng kamatayan mo at kung paano ka mamamatay. Sundan ang kuwento ni Bianca. Makatakas kaya siya sa kamatayan niya, o magaya rin kaya siya sa mga barkada niya? “BUKAS” na... Nakahanda ka na ba?
Paranormal
7.4K viewsOngoing
Read
Add to library
ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Kung saan sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato siya ay napadpad. Habang nasa biyahe ay hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng mga masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na mga pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob si Rose. Dinala sya ng grupo sa kuta ng mga ito at ginawang bihag. Sa puntong iyon alam niyang nasa panganib ang kanyang buhay lalo na at natipuhan siya ni Horan ang mabagsik na pinuno ng mga bandidong dumukot sa kanya. Napasakamay siya sa pangangalaga ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaking tulisan.
Romance
1010.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Arranged Marriage With The Mommy Of My Son

Arranged Marriage With The Mommy Of My Son

Limang taon ang nakakalipas sinet-up si Althea ng kanyang step-sister at ng kaibigan nito para mawala ang kanyang pagkababae. Pagkalipas ng limang taong pagtira sa Paris ni Althea ay sa wakas bumalik na siya ulit sa Pilipinas kasama ang kanyang lalakeng anak. Hindi niya lang aakalain na sa pagbabalik niya ay mayroong mag-aalok ng kasal sa kanya upang makabayad sa kanya. Ngunit tinanggihan niya ito, hindi niya kailangan magpakasal sa lalake. Kaya niyang palakihin mag-isa ang kanyang anak at hindi nito mababayaran ang buhay ng kanyang ina na nawala sa pagpapakasal lang. Ngunit mapaglaro ang tadhana, ang nag-alok ng kasal sa kanya ay kanya na ngayong amo sa kumpanyang kanyang pinapasukan. At tila ba gusto nitong makipagkunsaba sa kanyang anak upang mapapayag siya sa kasal na inaalok nito. "Gusto mo ba maghanap ng ama?"
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Dangerous Temptation

Dangerous Temptation

snowqueencel
Lumaki sa isang marangyang pamumuhay si Kylie Aragon. Kaya naman ay sanay itong nakukuha ang anumang gustuhin niya. Bukod roon ay palagi rin itong nangunguna sa buong klase. Marami rin ang mga kalalakihan na talaga namang humahanga sa kaniya nang dahil sa taglay niyang ganda at talino. Higit sa lahat ay ito lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng Aragon Group of Companies. Ngunit ang hindi alam ng nakararami na sa likod ng halos perpekto niyang buhay ay mayroon itong sikreto na pilit itinatago. Dahilan para ilayo niya ang sarili sa iba upang maiwasan na muling maulit ang isang trahedya mula sa kaniyang nakaraan na hindi pa rin niya magawang ibaon sa limot hanggang sa kasalukuyan. Ngunit nagbago ang takbo ng kaniyang buhay nang makilala niya si Caleb Valiente. Ang lalaking itinalaga ng kaniyang ama upang maging personal niyang bodyguard na magpoprotekta sa kaniya. Ang kaso lang ay hindi sila magkasundong dalawa. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiirita si Kylie sa presensya nito. Para kasi siyang bata kung tratuhin ni Caleb at talaga namang wala itong palya sa pagbuntot sa kaniya saan man siya magpunta. Kung tawagin pa siya nito sa kaniyang pangalan ay para bang matagal na silang magkakilala. Pero paano kung kailan naman nahulog na ang loob niya rito at nadala na siya sa temptasyon ng pangangatawan nito na tila balewalang inilalantand nito sa kaniyang harapan ay saka naman niya madidiskubre na mayroon pa itong ibang pakay bukod sa pagiging bodyguard niya? Na mayroon itong personal na dahilan kaya gusto siyang protektahan nito? Mapipigilan ba ng mga malalantad na sikreto ang pag-ibig na unti-unting umuusbong sa kaniyang puso? O magsisilbi niya itong sandigan para sa mga paparating pa lamang na pagsubok?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Something Borrowed

Something Borrowed

SELCOUTHLOVE
Nakauwi si Misha sa pamilya at fiance niya pagkatapos ng halos apat na taong pagkakatulog dahil sa coma. Sa pagbalik niya, kasabay ng pagtuklas ng katotohanan na hindi siya tunay na anak ng kinikilala niyang mga magulang ay nalaman din niyang engaged na sa iba ang lalaking pinakamamahal niya. Sa isang iglap nawala ang lahat sa kanya. Pero isang bagong pangyayari ang dumating sa buhay niya na nag-udyok para hiramin niya ang buhay ng isang babaeng kamukha niya. Hanggang saan siya dadalhin ng pagpapanggap niya? Kakatok ba ang pag-ibig sa puso niya habang nagpapanggap siya?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Love At First Night

Love At First Night

Jane_Writes
“Unang beses pa lang tayong nagkatagpo, mahal na agad kita, Terrence Anderson.” - Gillian Gomez. Matapos niyang makipag hiwalay sa kaniyang kasintahan. Pumunta si Gillian sa bar para kalimutan ang lahat. Pero ng paalis na siya sa bar ay hinaras siya ng grupo ng kalalakihan. Nang biglang sumulpot ang isang maskuladong lalaki para tulungan siya sa mga lalaking humaharas sa kaniya. Nakaramdam kaagad si Gillian ng kakaibang pakiramdam at nasabi niya sa sarili na “I like this man” . Dahil sa kalasingan at pagkahumaling sa estranghero ay ibinigay niya ang kanyang pagkabirhen sa lalaking iyon.Isangg umuusok na gabi na nangyayari. Pinagsaluhan nila ang isang romantikong gabi sa pagitan ni Gillian at ng estranghero. Ano ang mangyayari kay Gillian, kapag napagtanto niyang isang malaking pagkakamali ang ginawa niya? Pagmamahal nga ba ang nararamdaman niya sa lalaking unang beses niya pa lamang nakilala? O isang temptation lamang dahil sa matinding kalasingan?
Romance
8.76.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Nawawalang Bilyonarya

Ang Nawawalang Bilyonarya

Sa kahirapan ng buhay ay namulat ang isang bilyonaryang si Glory Belle Padilla Arevallo. Noon ay wala pang kaalam-alam ang babae sa totoo niyang pagkatao at sa tunay niyang mga magulang. Lumaki siya sa pamilyang puno ng pagkukunwari. Lingid sa kaalaman niya, binalak ng tumayong magulang niya'ng ibenta siya sa bahay-aliwan para maging bayaran at maruming uri ng babae. Iyon daw ay para mabayaran niya ang mga sakripsisyo ng pamilya sa pagpapalaki sa kaniya. Wala nang nagawa si Glory Belle sa naging plano ng mag-asawa. Sa kaunting halaga ay nagawa siyang ipagpalit ng mga ito nang ganoon kadali. Ang masaklap pa, hindi nga siya naibenta bilang babaeng nagbibigay ng aliw pero mas higit pa roon ang kinasasadlakan niya-- ang maikasal sa isang lalaking hindi niya at mahal na isang matandang halos dalawampung taon ang tanda sa kaniya---si Samson Aguirre na isa nang biyudo, kilala sa lipunan at mula sa mayamang angkan! May isang anak na lalaki ang matanda na nangangalang si Loid Xavier Favila Aguirre. Ang inaasahang pilegro ni Glory Belle/ Yzza sa kamay ni DOn Samson ay mas malala pa pala sa inaasahan niya! Ayaw kasi ng binata na ikasal ang Dad niya o may pumalit sa namayapang ina nito. Ginawa ng binata ang lahat para siraan siya sa Dad nito at dumihan ang pangalan niya. Paano kung ang pagnanais ni Loid na hindi maikasal siya sa Dad nito ay may mas malalim pang dahilan? Paano kung this time, si Loid na mismo ang gustong mapasakaniya ang babae? Paano nga ba ni Glory Belle haharapin ang katotohanang ampon lamang siya ng kaniyang Itay Ramon at Inay Miriam at ang solong dahilan kung bakit gusto siyang ipakasal sa DOn ay dahil din sa kaniyang pagkatao? Paano mahahanap ng isang nawawalang bilyonaryang ang daan pauwi sa mga totoong nagmamahal sa kaniya?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Dangerous Man Series 1: Edwyn Patterson

Dangerous Man Series 1: Edwyn Patterson

gurlxmilo
Kwento ito ng dalawang tao na kung saan ay magtatagpo sila ng landas dahil lang sa isang dare na naganap. Si Raine ay walang ibang iniisip kundi ang makaahon sa kahirapan upang makabawi sa kaniyang pamilya ay binuhos jito ang kaniyang atensyon sa pamilya ngunit niloko siya ng kaniyang nobyo. Wala na ulit sa isip niya na pumasok ulit sa relasyon ngunit. Isang araw ay bigla na lang siyang kinuha ng isang lalaki na lingid sa kaniyang kaalaman na ang lalaki palang kumuha sa kaniya ay hindi isang mabuting tao.
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Hot Na Mekaniko

Ang Hot Na Mekaniko

Si Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng matipuhan ay nakukuha nya. Pero paano kung sa isang dalagang mas bata sa kanya ng labing tatlong taon sya nakaramdam ng init na katawan? Na ang turing sa kanya ay parang kuya. Mapigilan nya kaya ang pagnanasang nararamdaman sa dalaga o magpapaalipin sa nais ng katawan na maangkin ito. Pierre Allen Rosca at Anika Robles story.
Romance
1015.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Fusion of Two Worlds

The Fusion of Two Worlds

Mathealogy
Isang babaeng pinangalanang Sithya ang nadisgrasya dahilan ng pagkawala ng kanyang memorya, hindi niya alam kung paano mamumuhay ng walang kaalam alam kung sino at nasaan siya. Wala siyang ibang magagawa kundi ang magpanggap at makisama sa mga mageno na napag-alamanan niyang may espesyal na abilidad. Namuhay siyang nagpapanggap na kabilang sa mga naninirahan sa Voreios, lugar kung saan nakatira si Ravus — ang lalaking nagligtas sa kanya, hanggang sa makuha niya ulit ang kanyang memorya. Nang sa gano’n ay makabalik siya sa totoong kanyang pinanggalingan, at hindi iyon Voreios. Naging matunog ang kanyang pangalan sa Voreios dahil sa kanyang pambihirang pisikal na abilidad na kayang makipagsabayan sa pakikipaglaban sa mga mageno kung kaya’t sa maikling panahon ay itinuring siyang isa sa mga mageno kahit walang taglay na espesyal na abilidad. Sa maikling panahon ay marami na siyang nagpadaanan sa loob ng Voreios at pakiramdam niya ay kabilang talaga siya dito. Kaya gumuho ang lahat nang bumalik ang kanyang memorya. Hindi siya si Sithya. Hindi siya taga-Voreios, at lalong lalo nang hindi siya mageno dahil siya si Seffyre Nicolisle Lestridge na isang tao. Siya pala ay mula sa mundo ng mga tao na kinamumuhian ng mga mageno. Nauunawaan niya na kung bakit kakaiba ang kanyang pisikal na abilidad. Iyon ay dahil siya ay hindi lang ordinaryong tao kundi isang agent na hubog sa pakikipaglaban. Ngayon ay kailangan niyang gumawa ng paraan upang makabalik sa mundo ng mga tao na kanyang totoong kinabibilangan habang wala pang nakakaalam sa kanyang lihim. Sa kanyang pagbabalik sa mundo ng mga tao ay nabalitaan niya na ang mundo ng mga mageno ay nasa panganib. Pipiliin niya bang bumalik para tumulong? O manatiling mamuhay ng ordinaryo sa kanyang sariling mundo?
Sci-Fi
4.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status