Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

Sa loob ng tatlong taon, namuhay si Clarissa Montefalco sa ilalim ng anino ng kasinungalingan—isang simpleng babae sa paningin ng lahat, ngunit sa likod ng tahimik na anyo ay ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking business empires sa bansa. Minahal niya si Joaquin nang totoo, kahit pa hindi nito alam ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit sa pagbabalik ng babaeng mahal ni Joaquin, iniwan siya nito nang walang pasabi—pinahiya, sinaktan, at sinabihang siya pa ang pilit na humahabol. Hindi alam ni Joaquin na ang babaeng tinapakan niya ay may kapangyarihang baguhin ang buhay ng kahit sinong lalaki… kabilang na siya. Sa muling pag-uwi ni Clarissa sa Maynila upang pamunuan ang kompanyang iiwan ng kanyang ina, hindi niya inaasahang makikilala niya si Luis Antonio Dela Cruz—ang pinsan ng kanyang matalik na kaibigan, at isang lalaking may sarili ring itinatagong yaman at lihim. Sa gitna ng sakit, isang gabing puno ng alak ang nagtulak kay Clarissa sa piling ni Luis. At sa isang hindi inaasahang kasunduan upang makaiwas sa mga piling asawa ng kanilang mga magulang, lihim silang nagpakasal. Ngayon, si Clarissa Montefalco ay hindi lamang isang tagapagmanang hindi kinikilala—isa na rin siyang asawa ng isang secret billionaire. At si Luis? Isang lalaking dumarating sa mga panahong hindi niya inaasahan, dala ang pag-ibig na kailanman ay hindi naibigay ni Joaquin. Ngunit handa ba si Clarissa na magmahal muli, o mananatili siyang bihag ng sakit ng nakaraan?
Romance
1022.3K viewsCompleted
Read
Add to library
My Beloved Corazon

My Beloved Corazon

Imyham
Dahil sa hindi inaasahang aksidente nawalan ng paningin ang binatang si Benny, ang mundo niya ay binalot ng kadiliman kasabay noon ay ang pagnanais n'yang muling babalik ang kaniyang minamahal. Sapagkat gusto niya na kahit hindi na bumalik ang kaniyang paningin ayos na sa kaniya basta makasama niya lang si Corazon. Bulag ang kanyang mga mata ngunit hindi nawawalan ng pagasa ang kaniyang puso na hintayin ang dalaga sa muli nitong pagbabalik kahit batid niya na suntok sa buwan ang pangarapin na muli pa niyang makikita ang babaeng unang nagpatibok ng kaniyang puso.
Romance
103.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Unfaithful Love

The Unfaithful Love

Blurb: "YOUR MOTHER IS DYING...." "I WANT YOU TO BECOME MY MISTRESS!"   Hindi inakala ni Rozelle Lynn na ang matapat at totoo niyang pamumuhay at pananaw patungkol sa pagmamahal ay magsisimulang magbago dahil sa mga pangyayari sa kaniyang buhay na ni sa hinagap ay hindi niya inasahan.   Ano ang gagawin ni Rozelle Lynn para muling bumalik sa dati ang lahat sa kaniya?   Paano kung biglang may dumating sa buhay niya na ibig niyang makuha?   Magagawa kaya niyang talikuran ang tao na pinagkakautangan niya ng buhay o makikipaglaro siya sa tadhana para makuha lang ang nais?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ella

My Ella

Ma. Zaira Cailles
Is cheating a choice or a mistake? Sabi sa "Wikipedia" cheating generally describes various actions designed to subverb rules in order to obtain unfair advantages. It is also define as infidelity at madami pang iba. Pero ikaw as a person do you see yourself cheating to the one you love? Dahil sa kanya mo nahanap ang wala sa present partner mo? Or Nagsasawa ka na dahil sa tagal n'yong magkarelasyon naging, dull na ang lahat at nawala na ang "spark" sa pagitan n'yong dalawa. Sino ang dapat sisihin? Ang taong nawalan ng oras o ang taong naghanap ng iba? Zander Alvarez isang binatang nabighani sa karisma ni Michaella Tan. Nagkrus ang landas ng dalawa sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging malapit sa isa't isa at hindi naglaon ay mas lumalim ang kanilang pagiging magkaibgan at nauwi sa hindi inaasahang pagkakaintindihan. Pinagtagpo ang dalawa ng tadhana sa maling panahon at maling pagkakataon. Maitatama pa kaya ng dalawa ang mga pagkakamali ng pinagbabawal na relasyon? Tama bang ipagpatuloy ang isang relasyong sinira ng tukso at kasinungalingan? Ipagpapalit mo ba ang sampung taong relasyon sa isang walang kasiguraduhan na pagmamahalan?
Romance
3.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Between The Words

Love Between The Words

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?
Romance
105.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Drag me to Death

Drag me to Death

WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT Mahigit 11 years na rin magkasama ang magkasintahang sina Lara Yves Cassidy at Lemuel Torres. Masaya ang pagsasama nila sa loob ng ilang taon so they decided to fix their marriage for eternity love. Sa araw ng kasal habang nag aayos ang bride na si Lara Yves may balitang dumating sa kanya na hindi niya inaasahan na naging dahilan nang pagkadismaya at pagkalungkot niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon hindi niya namalayan na nasa bingit na pala siya ng kamatayan at inaalalayan ng nag ngangalang Miguel Vinn, isang grim reaper. Habang nasa kanyang paglalakbay may sekretong mabubunyag na magiging sagot sa mga katanungan niya.
Mystery/Thriller
103.4K viewsCompleted
Read
Add to library
YOUR FACE

YOUR FACE

Si Liam at Lara, boss and employee in the same company na hindi nila kilala ang isa't-isa. Sa gabi ng kaarawan ni Liam ay binigyan siya ng kanyang mga kaibigan ng makakasama buong gabi ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, si Lara ang nadala sa kanya dahil lang sa isang pagkakamali. Lara got pregnant broke up by her boyfriend, pinalayas din siya ng pamilyang umampon sa kanya at walang mapuntahan. Liam was shocked nang makitang empleyado niya pala ang babaeng naka-one night stand niya at buntis ito. Hindi niya gustong tumakbo pero natatakot siyang ipagtapat dito kung sino siya.
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Deathly Fate Two: Faith

Deathly Fate Two: Faith

charmainglorymae
Ang pagtakas ni Raven mula sa masasakit na pangyayari sa buhay niya ay siyang nagbigay ng dahilan upang magbago ang dating Raven. Ilan taon ang nakakaraan, ang dating Raven na kilala ng lahat ay malayo na sa kanilang inaakala. Ang mabait at inosente ay hindi na mahagilap sa pagkatao ni Raven. Ang kataksilan ni Vander ang maghimok kay Raven para magbago. Pero paano niya haharapin kung ang Vander na kilala niyang taksil ay patuloy pa rin sa pagpapanggap bilang isang mabuting tao at niloloko ang lahat? Pero kung maloloko ni Vander ang lahat, hindi niya maloloko si Raven. Hinding hindi niya mapapatawad si Vander, kahit malaman pa niya na siya ang kanyang amour. Pinapangako ni Raven na hindi na titibok ang puso niyang ginawang bakal kay Vander.
Sci-Fi
1.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Young Hearts

Young Hearts

Ang inakala nilang isang pangkaraniwang gabi ay siyang magpapabago ng takbo ng buhay nila. Kapwa nakulong sa hindi inaasahang pagkakataon. Cyril is still waiting for his long-time and only serious girlfriend, who dumped him for his best friend. April is an ordinary, jolly and simple lady who is in the middle of fulfilling her dreams. A single night that changed everything. Are their young hearts ready for heartbreak?
Romance
1017.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Mamahalin mo Kaya?

Mamahalin mo Kaya?

Hindi sukat akalain ni Marisse na dahil sa isang pangyayari ay magbabago ang pananaw niya sa buhay . Kung kaylan pinili niya ang magpakatino ay saka naman niya malalaman na puro lang pagkukunwari ang pinakita at pinaramdam ng taong nagkakaroon na ng puwang sa kaniyang puso. Makakaya ba niya ang magpakabait para lang mahalin nito o babalik ang dating siya na inaayawan ng lahat?
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status