I Become A Concubine
"Naalala ko pa nang una akong pumasok sa palasyo, bata pa lang ako. Naisip ko na napakataas ng mga pader. Ngunit bigla ko na lang nakita ang isang bata, halos kasing edad ko, na umaakyat ng puno sa may hardin. Sumigaw ako at pinababa ko siya dahil baka mahulog siya. D'on ko nakilala si Hongchi, ang emperor."
Hongchi...
'Yon pala ang totoong pangalan ng emperor.
"Simula n'on, lagi na kaming magkasama. Lumipas pa ang mga taon at mas lalo lang kaming naging malapit sa isa't isa. Minsan, umakyat kami sa puno para makaakyat sa bubong ng palasyo. Nabanggit ko sa kaniya na napakataas ng mga pader. Sinabi niya sa'kin na kung papayag akong maging asawa siya at tulungan siyang maging emperor, ako ang
Hot Chapters