Share

Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire
Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire
Author: Bellianne

Kabanata 1

Author: Bellianne
last update publish date: 2026-05-20 15:00:38

“Asher, totoo bang pinabalik mo si Sofia dito sa bansa? Hindi ka ba natatakot na magalit si Venice?” tanong ng kung sino ang bumungad kay Venice, lingid sa kaalaman ng mga taong naroon na nakaririnig na siya.

Matapos ang isang taong pagkawala ng kanyang pandinig ay sa wakas muling bumalik ang pandinig si Venice. Ngunit sa sandaling marinig niya ang usapan mula sa loob ng pribadong silid ng club, tila nanigas ang buong pagkatao niya.

“Kapag wala kayong sinabi, wala siyang malalaman,” malamig na sagot ni Asher. “Mahigit isang taon na ring nasa abroad si Sofia. Namimiss na niya rito kaya mabuti lang na umuwi siya dito.”

Napatawa ang isa nilang kasama. “Sa tingin ko hindi rito ang nami-miss niya—ikaw.”

Sabay-sabay na nagtawanan ang nasa loob, habang siya ay unti-unti ng namumuo ang sakit sa kanyang dibdib.

“Kung anu-ano ang sinasabi niyo,” sagot ni Asher. “Kapatid lang ang turing ko sa kaniya.”

“Talaga ba? Eh nakita kitang hinalikan niya kanina. Mukhang hindi kapatid ang tingin niya sa’yo.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Asher.

“Lumapit lang siya nang biglaan. Hindi ako nakailag agad. Bata pa siya, kaya hindi ko na binigyan ng malisya.” Pagkatapos noon ay naging seryoso ang boses nito. “Walang magsasabi kay Venice tungkol dito. Kapag dumating siya mamaya, hindi ko gustong marinig niya ang pangalan ni Sofia.”

May isa pang nagsalita matapos ang ilang segundo ng katahimikan.

“Pero seryoso, Asher hindi mo ba talaga pananagutin si Sofia? Halos mamatay si Venice dahil sa ginawa niya. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang pandinig.”

Walang pag-aalinlangang sumagot si Asher.

“Labinsiyam lang si Sofia noon. Nagkamali lang siya dahil padalos-dalos siya. Isang taon na rin siyang nahirapan sa abroad. Nagbago na siya.”

Nagkamali lang? Pakiramdam ni Venice ay may sumabog sa isip niya.

Parang biglang bumigat ang hangin sa paligid at hirap siyang huminga.

Isang taon na ang nakalipas nang banggain siya ni Sofia gamit ang sasakyan nito dahil sa sobrang selos kay Asher.

Dahil doon, nawalan siya ng pandinig.

Noong mga panahong iyon, galit na galit si Asher kay Sofia. Halos patayin nito ang dalaga bago ito ipinadala ng pamilya sa ibang bansa.

Sa loob ng isang taon, hindi siya iniwan ni Asher. Dinala siya nito sa iba’t ibang doktor. Sinamahan sa therapy. Yinakap tuwing umiiyak siya.

Paulit-ulit ding sinabi ni Asher na sana ito na lang ang nasaktan kaysa sa kanya.

Kaya naniwala siyang mahal na mahal siya nito. Napahawak siya sa maliit na velvet box sa loob ng sariling bulsa.

Naroon ang singsing na palihim niyang ipinagawa para kay Asher.Paulit-ulit nilang ipinagpaliban ang kasal dahil sa aksidente.

Ngayon na muli ng bumalik ang kanyang pandinig, akala niya matutupad na rin sa wakas ang pangarap nilang dalawa.

Pero mali siya. Pinatawad na pala ni Asher si Sofia. Ganoon lang kadali.

Natigilan siya sa pag-iisip ng biglang mag-vibrate ang cellphone niya.

Mensaheng galing sa kaniyang ina. Mahaba iyon, pero iisa lang ang laman—nakikiusap itong umuwi siya ng Hong Kong upang pakasalan si Hendrick Monteverde bilang kapalit ng stepsister niyang si Bianca.

Kanina lamang ay tumawag na ang kaniyang ina tungkol doon. May kasunduang kasal ang Valencia family at Monteverde family.

Pero tumakas si Bianca bago pa ang engagement.

Kilalang makapangyarihan ang pamilya Monteverde sa Hong Kong, lalo na si Hendrick Monteverde.

Marami ang nagsasabing halimaw ito sa negosyo at walang awa. Kapag nalaman nitong tinakbuhan siya ng babaeng ipapakasal sa kaniya, siguradong dudurugin nito ang buong Valencia family.

“Venice,” pakiusap ng kaniyang ina, “wala na kaming ibang malapitan ng daddy mo. Tulungan mo kami.”

Unang beses iyong pagmamakaawa ng kanyang ina.

Simula pagkabata, lagi siyang masunurin dahil ayaw niyang maging pabigat.

Pero dalawang beses siyang naging suwail sa buhay niya—at parehong dahil kay Asher.

Una, nang iwan niya ang Hong Kong para sumunod dito.

Pangalawa, nang tanggihan niya ang arranged marriage para rito.

Dahil naniwala siyang mahal siya ni Asher.

Mapait siyang napangiti sa naalala.

Noong una, pinagmamayabang pa niya sa kanyang ina na bumalik na ang kanyang pandinig. “Bumalik na ang pandinig ko, mom. Matutuloy na ang pagpapakasal namin dahil alam kong mahal na mahal pa rin ako ni Asher.”

Ngayon, gusto niyang pagtawanan ang sarili niya. Gaano karami sa pag-aalaga ni Asher ang totoo? At gaano karami ang dahil lang sa awa?

Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang mas lalong sumisikip ang dibdib niya.

Pagkatapos ay mabagal niyang tinype ang mensahe. “Mom, papayag akong pakasalan si Hendrick Monteverde.”

Nang masigurong naisend iyon, itinulak niya ang pinto ng pribadong silid.

Agad na tumahimik ang buong paligid.

Lahat ng tao sa loob ay napatingin sa kaniya.

Nakatayo si Venice sa may pintuan, suot ang simpleng itim na damit na lalong nagpalutang sa maputi niyang balat. Pero ang dating malinaw at masigla niyang mga mata ay tila nawalan ng kislap.

Sa kabilang dulo ng silid, nakaupo si Asher habang may hawak na sigarilyo. Pagkakita sa kaniya ay bahagya itong nagulat.

Ngunit nang mapansing wala siyang suot na hearing aid, tila nakahinga ito nang maluwag.

Tumayo agad si Asher at lumapit sa kaniya.

“Bakit ngayon ka lang?” senyas nito gamit ang kamay.

Halos matawa si Venice. Bago pa man siya makasagot, may boses na muling narinig mula sa likuran niya.

“Ang saya naman yata rito.”

Sabay-sabay na napalingon ang lahat.

Nakasandal sa may pinto si Sofia. Suot nito ang pulang fitted dress na halos abot hita ang hiwa.

Nakangiti ito habang diretso ang tingin kay Asher.

Agad namang nagbago ang ekspresyon ng lalaki.

“Bakit ka nandito?” madiing bulong nito. “Hindi ba sinabi kong manatili ka sa kabilang room?”

Ngumiti lang si Sofia. “Miss lang kita.” Pagkatapos ay sumulyap ito kay Venice. “Relax ka lang. Hindi naman niya tayo maririnig.”

May ilang natawa sa sinabi ni Sofia.

“Nakalimutan kong bingi nga pala siya.”

“Ako rin. Kinabahan ako bigla.”

Parang pinipiga ang puso ni Venice habang isa-isang pumapasok sa isip niya ang bawat salita.

Dahil malinaw na malinaw niya iyong naririnig ngayon.

Ngumiti nang matamis si Sofia. “Hindi ba, Venice?” mapanuyang sabi nito. “Nakakalungkot naman. Hindi ka pinatay ng aksidente—biningi ka lang.”

“Tama na!” mariing saad ni Asher.

Pero hindi nagpatalo si Sofia.

Lumapit pa ito kay Venice.

“Asher,” malakas nitong sabi habang nakatingin sa lalaki, “hindi ka ba natatakot na malaman niyang nakabalik ako? Relax ka lang. Kahit tawagin ko siyang—”

*Pak!*

Umalingawngaw sa buong silid ang malakas na sampal. Napahawak si Sofia sa kaniyang pisngi habang nanlalaki ang mga mata sa gulat.

Tahimik na tahimik ang buong kwarto.

Lahat ay nakatitig kay Venice.

Dahil ngayon lang nila naisip ang iisang bagay—nakaririnig na si Venice.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 191

    .........LAST CHAPTER... Lumipas ang ilang taon. Marami nang nagbago sa buhay nina Venice at Hendrick, pero may isang bagay na nanatili—ang paraan ng pagtingin nila sa isa't isa. Si Venice ay naging isa sa mga kilalang composer at Music Director sa industriya. Marami nang artista ang gustong maka

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 190

    Maaga pa lang ay gising na ang buong bahay. May mga taong pabalik-balik sa hallway, may nag-aayos ng bulaklak, may nagdadala ng mga kahon, at may ilang staff na abala sa pag-check ng mga gamit para sa seremonya. Sa gitna ng lahat ng iyon, tahimik na nakaupo si Venice sa harap ng salamin. Nakaayos

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 189

    Lumipas ang ilang linggo mula nang tanggapin ni Venice ang offer ng Aurelia Music Group. Sa simula, maayos pa ang lahat. May schedule sila ni Hendrick para sa hapunan, minsan ay sabay silang umuuwi, at kapag may libreng oras si Venice, sinisikap niyang maglaan ng panahon para sa asawa. Pero haban

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 188

    Kinabukasan, bumalik si Hazel sa Star Music para harapin ang resulta ng ginawa niya. Hindi na siya kasing kumpiyansa tulad noon. Tahimik siyang naglakad papunta sa HR office habang mahigpit na hawak ang kanyang bag. Ilang empleyado ang napatingin sa kanya, pero wala nang nagkomento. Hindi na kaila

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 187

    Kinabukasan, hindi pa man nakakarating si Venice sa Star Music, nagsimula nang kumalat ang panibagong issue tungkol sa kanya. Mas malala ito kaysa sa nangyari noong nakaraang araw. May mga post na nagsasabing peke raw ang pagkakakilanlan niya bilang si Rose. May ilan pang nagsabing baka binayaran

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 186

    “Ano?” “Ang asawa ko.” Natahimik si Venice. Hindi niya napigilang ngumiti. “Hindi ka talaga marunong magsalita nang hindi ako kinikilig.” “Hindi ko naman sinasadya.” “Mas malala.” Napailing si Venice habang natatawa. Maya-maya, dumating ang pagkain. Ngunit bago pa sila makapagsimula, tumuno

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 7

    Saglit na tumigil si Hendrick sa pagsasalita bago muling nagpatuloy. “One year agreement.” Madiing sabi nito. “Pareho tayong makikinabang, dahil pareho nating makukuha ang kailangan natin.”Tahimik na pinroseso ni Venice ang mga sinabi nito bago maingat na nagtanong.“Anong kailangan mo sa akin?”Da

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 4

    Pagkalipas ng dalawang araw, ang mga sugat ni Venice ay unti-unti na ring gumagaling at bumalik na rin sa normal ang boses niya. Sa loob ng dalawang araw na iyon, ni minsan ay hindi siya dinalaw ni Asher. Ang tanging natanggap niya ay isang package mula sa mommy niya sa Hong Kong.Tahimik siyang nak

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 3

    Bahagyang natigilan si Venice sa narinig.Sa loob ng isang taon, nakita niya kung paano halos mabaliw si Asher sa paghahanap ng paraan para gumaling ang pandinig niya, pero walang naging epekto. Hanggang anim na buwan na ang nakalipas, nang si Dr. Lucas mismo ang humawak sa gamutan niya saka lamang

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 2

    Mabilis na namula ang mukha ni Sofia bakas dito ang sampal na ibinigay ni Venice.Napahawak ito sa namumulang pisngi habang nakatitig kay Venice nang hindi makapaniwala. Ilang segundo rin bago ito nakapagsalita.“Ikaw, sinampal mo ba talaga ako?!”Galit nitong itinaas ang kamay para gumanti, pero ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status