Addicted to Professor Yugi (Book 1)
Si Professor Yugi Zafara, ang pinakabatang guro sa Donald-Walyen University, ay hinahangaan ng lahat dahil sa kanyang taglay na kakisigan at kagwapuhan. Ngunit sa lahat ng mga kababaihang nagkakagusto sa kanya ay tanging si Elyan lamang ang bukambibig ng kanyang puso at isip.
Si Elyan Marquez ay ang kanyang 22-year-old na student. Anak ito ni Mr. Yal Marquez na siyang co-founder ng University at ang taong tumulong sa kanya upang makapasok siya roon bilang professor.
The first moment that Elyan stepped into the university, hindi niya na nagawa pang alisin ang kanyang tingin at atensyon sa dalaga.
Lihim niyang pinagpapantasyahan ito.
Alam niyang mali at alam niyang hindi iyon ang nararapat na gawin ng isang tulad niyang professor. Kaya naman bago pa man humantong sa kung saan ang kanyang nararamdaman ay pinilit niyang baliktarin iyon.
He changed the way he acts and treats her – getting mad and getting grumpy at her.
Ngunit sa pag-aakala niyang magiging matagumpay ang planong iyon ay kinuha siya ni Mr. Marquez upang maging tutor ni Elyan.
Sa tuluyang paglalapit ng kanilang mga landas, magawa pa kayang kontrolin ni Yugi ang kanyang sarili sa pagkahumaling sa dalaga? Magawa kaya niyang makaiwas sa dalaga kung gagawa ito ng paraan upang tuluyan siyang mahulog sa isasagawa nitong bitag?