The Witch has Fallen
Kokonti pa lang ang friends ko dahil kakagawa ko lang, sa tulong syempre ni Dindi, todo kontra pa si Marinda kesyo bakit daw nasa maliit na parihabang bagay ang mukha namin nung minsang nagselfie kami.
Karamihan ay mga naging kaklase ko noon at ang iba naman ay mga kablockmates ko ngayon ang friends ko sa f******k. Iilan lang ang mga immortal na nasa friendlist ko, sila Dindi, Vina, Caloy, at bongie lang. Nagpagawa 'din kasi si Bongie kay Dindi dahil naingit siya sa f******k ko. Si Marinda naman todo pangangaral sa amin, kesyo pano daw kapag nalaman ng mga mortal na hindi talaga kami tao.
Hindi naman nila malalaman kapag hindi mo sinabi sa kanila.
Bab Populer