Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"

Demon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lumuhod sa kanyang harapan makuha lamang ang kanyang atensyon at pagmamahal. Subalit lahat sila ay nabigo sapagkat hindi pa ipinanganak ang babaeng kayang tunawin ang nagyeyelong puso ni Allaric Dela Vega, ang pinakatanyag, mayaman at maimpluwensyang tao sa buong mundo. Ngunit nagbago ang lahat ng ibinenta sa kanya ni Mayor Enrique ang bunsong anak nito na babae, bilang kabayaran sa sampung milyong dolyar na halaga ng pagkakautang nito sa kanya. Walang balak si Allaric na bilhin ang anak ng alkalde, ngunit ginawa niya pa rin dahil hinamon siya ng kalupitan ng ugali ng dalaga. Siya lang ang tanging babae na hindi natatakot mamatay sa harapan niya; kahit pa tinagurian siyang, Adonis the greek god, sa kagwapuhan, wala pa ring epekto ito sa dalaga. "Kahit pilitin mo man akong magpakasal sayo, katawan ko lang ang makukuha mo, ngunit hindi ang puso ko." - Jayna "Hindi mo makuha ang kalayaan na gusto mo, dahil mamamatay akong nakakukong ka parin dito sa puso ko."- Allaric May mabubuo pa kayang pagmamahal sa kanilang dalawa gayung wala silang ibang ginawa kundi ang saktan ang isa't-isa? Magagawa kayang palayain ni Allaric si Jayna, kung ang gusto lang nito ay makalaya sa kanya at bumalik sa lalaking nagmamay-ari ng puso niya? What fate awaits the mafia king in his battle for love?
Romance
1019.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Si Léa ay namumuhay ng mapayapa kasama si Thomas, isang mahinahon at predictable na lalaki na kanyang pakakasalan. Ngunit ang hindi inaasahang pagbabalik ni Nathan, ang kanyang kambal na kapatid na may nakakamanghang alindog at malayang kaluluwa, ay nagpapabagsak sa kanyang maayos na mundo. Sa isang salu-salo na inihanda para sa kanya, si Nathan ay pumasok nang may kapansin-pansin na presensya at sa puso ni Léa, isang bitak ang nagbukas. Ang kanyang nag-aapoy na tingin, ang kanyang mga salitang puno ng pagnanasa, ang kanyang paraan ng pamumuhay na walang hangganan… lahat sa kanya ay naguguluhan at hindi maiiwasang humahatak sa kanya. Sa pagitan ng rasyonalidad at pagnanasa, katapatan at tukso, si Léa ay naguguluhan. At kung ang tunay na pag-ibig ay hindi matatagpuan sa lugar na palagi niyang inisip? Kapag ang dalawang puso ay tumitibok sa hindi pagkakasabay… aling dapat pakinggan?
Romance
708 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Twins: Daddy, Take Our Mommy Back!

The CEO's Twins: Daddy, Take Our Mommy Back!

Sa loob ng dalawang taon, inakala ni Therese na may puwang pa siya sa puso ng kanyang asawang si Ezekiel Craig. Pinanghawakan niya ang pangakong "hanggang sa dulo," ngunit isang araw, bumagsak ang mundong inakala niyang sa kanya. Natuklasan niyang hindi siya tunay na anak ng pamilyang Forbes—isang kasinungalingang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Kasabay nito, itinakwil siya ng pamilyang minahal niya, at ang mas masakit, pinalitan siya ng babaeng may tunay na karapatan sa pangalang iyon… at sa lalaking minahal niya nang labis. Sa isang iglap, nawala ang lahat. Ang pamilya, pagkatao, at maging ang kasal na buong puso niyang ipinaglaban. Ngunit sa pagkawala niya, isang mas matinding katotohanan ang lumitaw na hindi siya basta-basta mawawala. Dahil sa kanyang dugo, may pamilyang mas makapangyarihan ang handang ipaglaban siya. Sa kanyang pagbabalik, hindi na siya ang dating Therese na kayang yurakan ninuman.
Romance
728 viewsOngoing
Read
Add to library
THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE

Si Mildred ay pwersahang ikinasal sa isang bilyonaryong walang puso alam ni Mildred na hindi siya sasaya sa lalaking maitim ang budhi kaya naman tumakas siya,ngunit hindi siya nagtagumpay sa pagtakas at tuluyan itong ikinasal sa bilyonaryong lalaki at doon nagsimula ang pagbabago ng kaniyang buhay sa isang iglap nagbago ang lahat.
Romance
1035.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)

The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)

Ipinangako niyang wawasakin siya… pero nauwi sa pagnanasa. *** Umuwing buo ang loob ni Caleigh Villamor—handa siyang ipaglaban ang ama niyang ikinulong dahil sa isang operasyong nauwi sa kamatayan ng isang kilalang pasyente. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbabalik niya sa Pilipinas ang mismong magiging simula ng pagkawasak niya. Si Drako Valderama, isang brutal at makapangyarihang billionaire, ay gutom sa paghihiganti. Sa mata niya, ang pamilya ni Caleigh ang dahilan ng lahat ng sakit niya. At ngayon, ang plano niya ay simple lang: pagbayarin ang pamilya ni Caleigh... durugin ang puso nito hanggang sa magmakaawa. Ngunit sa isang gabing puno ng galit, init, at pagkakamali—may nabasag. Ang puso ni Drako. At habang lalo niyang sinasaktan si Caleigh, mas lalo siyang nalulunod sa sarili niyang pagnanasa. Ito ba'y paghihiganti—o isang nakakalasing na pagnanasa sa babaeng dapat niyang kamuhian?
Romance
9.911.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Four Years of Marriage, His Heart was never Mine

Four Years of Marriage, His Heart was never Mine

Apat na taon ng kasal sila Xyriel at Ralph nang bumalik ang isang babaeng minahal ni Ralph. Noon lamang napagtanto ni Xyriel na kaya pala malamig na pagtrato at tila walang pagnanasa sa kanya ni Ralph ay hindi pala siya ang totoong mahal nito. Siya ang kasama sa bahay at katabi sa kama ngunit ang puso at isip ni Ralph ay nasa babaeng nililihim niyang mahalin, ang kabit nito. Binibigyan siya ni Ralph lagi ng panggastos buwan-buwan, tatlong libo ang saktong pera ngunit kulang ito sa mga gastusin sa pang-araw-araw ni Xyriel. Habang si Ralph ay tinitipid ang pera sa kanyang asawa na si Xyriel, nagwawaldas naman ng halos tatlong milyon para sa paghahanap sa kanyang kabit, ang babaeng matagal ng nakaukit sa puso nito. Sobrang sakit para kay Xyriel na hindi niya mapapantayan ang pagmamahal na pinaparamdam ni Ralph sa kabit nito.
Romance
15 viewsOngoing
Read
Add to library
You Broke Me First

You Broke Me First

Diosa Mei
Nagkamali si Yhzel nang tanggapin niya ang pag-ibig ni Menard. Naniwala siya sa matatamis nitong salita ngunit sa huli ay sinaksak siya nito ng patalim mula sa likuran. Pagkatapos nitong makuha ang lahat ng kayamanan niya ay saka nito inilabas ang mga sungay na hindi niya nakita dahil sa pagkabulag sa pagmamahal dito. Nalaman niyang matagal ng may relasyon sina Menard at ang sekretarya niyang si Sasha. Hinayaan niyang isipin ng mga itong patay na siya para sa kanyang pagbabalik ay pagbayarin niya ang mga ito sa kahayupang ginawa sa kanya. Walang puwang sa puso niya ang pagmamahal hangga’t hindi niya naipaghihiganti ang kahihiyang ipinalasap ng mga ito sa kanya at ang muntikan nang pagpatay ng mga ito sa kanya at sa kanyang anak. Ngunit mapipigilan nga ba ang puso? Kung sa tuwing kakailanganin niya ng lakas at masasandalan ay nariyan ang isang Rhett Montezar na handa siyang protektahan at ipaglaban sa kahit na sinong gustong manakit sa kanya?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

Dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig, nakipagkasundo si Leina Valencia sa kanyang sariling ninong. Si Emil Vergara, isang lalaking seryoso, nasa kwarenta na ang edad, at hindi niya kailanman inakalang magiging parte ng puso niya. Isang peke lang sana ang kasunduan nilang kasal at walang halong damdamin. Pino-protektahan siya ng kanyang Ninong Emil mula sa taong gumawa ng masama sa kanyang buong pamilya. Ngunit habang tumatagal, unti-unti niyang naramdaman ang kakaibang damdamin sa puso niya. Hanggang sa isang araw, may natuklasan si Leina ang isang madilim na lihim na matagal nang tinatago ni Emil. Isang katotohanang babago sa lahat ng akala niyang totoo. Paano kung ang lalaking minahal na niya ay siya ring magwawasak sa kanya? At, paano niya matatanggap ang isang relasyon na kasuklam-suklam?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally Love You

Accidentally Love You

Ylle Elly
I hate his guts, ang bastos niya. Every time na magkikita kami para kaming mga aso't pusa. I told myself that, I won't fall for him. Then, one day kusa na lang tumibok ang puso ko sa kaniya and I can't help it. Should I give him a chance or not? Hahayaan ko na lamang ba na ang puso ko mahulog sa kaniya? Or do I deserve someone better than him?
Romance
8.32.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Vengeance of the Ugly Assistant

Vengeance of the Ugly Assistant

BrownEyes
Mahirap mabuhay sa mapanghusgang mundo , lalo na kung ikaw ay nabibilang sa hanay ng di gaanong kagandahan. Tukso , panlalait at pandidiri ang makukuha mo. Si Nathalia Montessa ay isang Executive Assistant . Hindi ito kagandahan at madalas ay tampulan ng tukso dahil sa itsura nito. Siya ay iibig sa kanyang boss na si Luisito Monteverde na isang napakagwapo na CEO. Kapalit ng sampung milyong piso ay makikipagrelasyon ang binata sa kanyang Assistant . Sobrang kinadurog ng puso ni Nathalia nang malaman ang pangloloko na ginawa sa kanya ng lalaking iniibig. Ito ang magtutulak sa kanya para magparetoke at mabuhay sa bagong katauhan. Paano nga ba niya isasagawa ang kanyang paghihiganti bilang si Rosalia Montes , isang sikat na modelo. Magtatagumpay ba siya sa pagdurog sa puso ni Mr. Monteverde o siya mismo ang mahuhulog sa sarili niyang paghihiganti?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1516171819
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status