The CEO's Twins: Daddy, Take Our Mommy Back!

The CEO's Twins: Daddy, Take Our Mommy Back!

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Oleh:  GoldilocksOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
6Bab
132Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sa loob ng dalawang taon, inakala ni Therese na may puwang pa siya sa puso ng kanyang asawang si Ezekiel Craig. Pinanghawakan niya ang pangakong "hanggang sa dulo," ngunit isang araw, bumagsak ang mundong inakala niyang sa kanya. Natuklasan niyang hindi siya tunay na anak ng pamilyang Forbes—isang kasinungalingang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Kasabay nito, itinakwil siya ng pamilyang minahal niya, at ang mas masakit, pinalitan siya ng babaeng may tunay na karapatan sa pangalang iyon… at sa lalaking minahal niya nang labis. Sa isang iglap, nawala ang lahat. Ang pamilya, pagkatao, at maging ang kasal na buong puso niyang ipinaglaban. Ngunit sa pagkawala niya, isang mas matinding katotohanan ang lumitaw na hindi siya basta-basta mawawala. Dahil sa kanyang dugo, may pamilyang mas makapangyarihan ang handang ipaglaban siya. Sa kanyang pagbabalik, hindi na siya ang dating Therese na kayang yurakan ninuman.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

“Dalawang buwan kang nawala, tapos isang round lang? May problema ka ba sa bato? O baka naman… hindi mo na kaya?”

Magaan na liwanag ng umaga ang sumisilip sa kwarto, at matapos ang isang gabi ng matinding p********k, pakiramdam ni Therese ay parang namatay at nabuhay siyang muli.

Basang-basa ng pawis ang katawan niya, pagod ang bawat kalamnan, at hirap siyang huminga nang pantay. Pero sa kabila ng lahat, nakayakap pa rin siya sa matipunong baywang ng asawa, nang-aasar.  

Paalis na ng kama si Ezekiel para maligo nang marinig ang sinabi nito. Napahinto ito, saka lumingon at hinawakan ang baba niya. His deep voice laced with a dangerous edge.  

“Hmm? Wasn't that enough for you?"

Ngumiti siya at sumagot nang pabiro, "Syempre hindi. Masyado mo kasi akong nasanay." Pinanood niya itong umalis ng kama at tumayo. "Pero kung may problema ka nga sa bato, magpatingin ka na lang sa doktor. Huwag mo nang itanggi—"

Bago pa niya matapos ang sinasabi, sinakop na nito ang kanyang labi sa isang madiin at mapusok na halik.

“Therese, I’ll make sure you know just how capable I am today!”

Natawa siya pero hindi umangal. Alam niyang ang lalaking ito ay hindi kailanman nagpapatalo sa ganitong mga bagay.  

Kahit hindi siya mahal ni Ezekiel sa mga sandaling tulad nito, nagagawa nitong iparamdam na mahal siya nito. Pero hindi iyon mahalaga sa kanya.  

Dalawang taon na silang kasal. At sa isip niya, may oras pa siyang gawing totoo ang pagmamahal na iyon. Pinangarap niyang magkaanak sila, bumuo ng pamilya, at gawing mas matibay ang pagsasama nila.  

Sa isiping iyon, hinapit niya ang matipunong balikat ng asawa, habang ang kanyang katawan ay tila isang bangkang inaanod ng alon…

Pagdating ng alas-kuwatro ng hapon, tuluyan nang napatunayan ni Ezekiel na wala itong problema—sa katunayan, nasa r***k ng lakas pa ito.

Matapos maligo, nagbihis ito gaya ng nakasanayan. Isang puting long sleeve na perpektong bumagay sa matikas niyang pangangatawan. Matangkad at matipuno, kitang-kita ang tikas ng kanyang mga balikat, makitid na baywang, at mahahabang binti. Ang gwapong mukha nito, parang hinulma ng mga diyos. Ang phoenix eyes ay bahagyang paakyat sa dulo, may lalim at pwersang mahirap ipagsawalang-bahala. Buo ang karisma, elegante at puno ng awtoridad.  

Tahimik nitong isinusuot ang relo nang biglang tumunog ang cellphone. Sinagot nito iyon habang ipinagpapatuloy ang pagbibihis.  

Maya-maya, umangat ang isang kilay niya sa narinig.  

Pagkatapos ng tawag, lumingon siya kay Therese, na halos mahimbing na sa pagod. Pilit nitong iminulat ang mga mata at mahina pero nag-aalalang nagtanong, “Ano ‘yon? Sino ‘yon?"

Sa malamig at kalmadong tono, sumagot si Ezekiel. “Si Mama. Sinabi niyang… hindi ka talaga anak ng pamilya Forbes. Wala kang kaugnayan kay Anthony Forbes. At ang totoong anak… ay natagpuan na."

Napakislot ang puso ni Therese, agad siyang nagising sa antok.  

Isang buwan na ang nakalipas mula nang magpa-checkup ang kanyang ama at matuklasang hindi magkatugma ang kanilang blood type. Agad nagsagawa ng public search ang pamilya Forbes para sa tunay na anak, at dalawang linggo ang nakalipas, natagpuan nila si Rebecca Forbes.

Noong gabing iyon, nagkaroon ng engrandeng welcome party para kay Rebecca. Pero sa gitna ng kasiyahan, nahulog siya sa swimming pool. At ang mas masaklap, itinuro siya nito.  

Pinaratangan siyang nagtangkang patayin si Rebecca. Mula noon, tuluyan nang nabunyag na isa siyang "pekeng anak." At walang pag-aalinlangan siyang itinakwil ng pamilya Forbes.

Dalawang buwan nawala si Ezekiel para sa isang business trip. Wala itong alam sa lahat ng nangyari. Plano niyang sabihin dito sa tamang panahon. Pero hindi niya inasahan na mauuna pang magsumbong ang biyenan niya.  

Tumango siya, mahina ang boses. "Oo… tama ‘yon. Ano raw sabi ng Mama mo?"

Kalmado pa rin ang tono ni Ezekiel, tila para lang siyang nagkukuwento ng isang bagay na walang halaga.  

“Ang kasal na ito ay pinagkasunduan ng pamilya Craig at Forbes. Ngayong bumalik na ang totoong anak… dapat siya ang pumalit sa pwesto mo."

Ibig sabihin, gusto nilang ipaubaya niya kay Rebecca ang pagiging asawa ni Ezekiel.

Nanghina siya.  

Walang sinuman ang nag-akala na hindi siya ang tunay na anak ng pamilya Forbes. 

Dalawang taon silang kasal ni Ezekiel—hindi maitatanggi ang katotohanang iyon. Pero… maaari ba talagang ipasa ang isang kasal na parang damit lang?  

Ngunit higit pa sa sinasabi ng biyenan niya, mas mahalaga kay Therese ang magiging sagot ni Ezekiel.

Bumuntong-hininga siya at tinitigan ito. "Ikaw? Ano'ng iniisip mo?" 

Hinintay niyang makita kung may bahagyang pag-aalinlangan sa mukha nito.  

Sa loob ng dalawang taon, ibinigay niya ang lahat para sa kanya. Pinagsilbihan niya ito. Sinigurado niyang palaging maayos ang lahat, mula sa pagkain nito hanggang sa pang-araw-araw na buhay nito.  

Hindi siya mahal ni Ezekiel, pero akala niya kahit papaano, naging malapit na ito sa kanya.  

Subalit ang sagot nito ay isang malamig na sampal sa kanyang mukha.  

"Hindi ko pa masyadong pinag-iisipan. Kasal lang naman ito. Kahit kanino, pareho lang sa akin." Matigas, walang emosyon. "May flight ako mamaya—business trip. Aalis na ako." 

At sa isang iglap, kinuha nito ang suit at lumabas ng kwarto, hindi man lang lumingon.  

Sa sandaling marinig ni Therese ang marahang pagsara ng pinto, para bang may pumipigil sa kanyang paghinga. Kasabay nito, parang may matalim na kutsilyong bumaon sa kanyang puso, napakasakit, halos hindi na siya makahinga.  

Paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang isipan ang huling sinabi ni Ezekiel.

"Kahit sino... ayos lang?"

Tama nga naman.  

Para kay Ezekiel, ang kasal ay isang bagay na walang halaga. Isang bagay na puwedeng mawala na lang nang walang pag-aalinlangan. Lahat ng ito, siya lang ang nagbigay ng kahulugan. Siya lang ang nag-assume.  

Sa wakas, ngayon niya lang napagtanto kung gaano kabagsik at kasinglamig ng yelo ang puso ng lalaking iyon. Isang pusong kahit gugulin niya ang buong buhay niya, hindi niya kailanman mapapalambot.

Matapos ang isang oras mula nang umalis si Ezekiel, dumating si Donya Amalia, ang biyenan ni Therese, dala ang isang divorce agreement. 

Ibinato niya ito sa mesa. "Dalawang taon kayong kasal, ni itlog nga hindi ka nakaproduce!” May pang-iinsultong sinabi nito. “Tapos, isa ka pang pekeng anak ng mayaman! I told you before—you don't have the face of someone destined for wealth, and I was right! Now, your identity is a mess, at may kaso ka pang attempted murder. With such a venomous heart, how are you worthy of my son? Hurry up and sign the papers at lumayo ka na sa pamilya ko!”

Mabigat na ang loob ni Therese, pero nang literal pang ibato sa mukha niya ang divorce papers, para siyang natulala. Ilang sandali bago siya muling nakahanap ng boses.  

"Ito ba ang gusto niya... o gusto mo lang?" tanong niya sa malamig na tinig.  

Matapang na sumagot si Donya Amalia. "Pareho namin ito gusto! Ang babaeng tulad mo, hindi kailanman bagay sa pamilya Craig! Pagkatapos ninyong mag-divorce, pakakasalan ni Ezekiel si Rebecca sa susunod na buwan! Siya ang tunay na magiging daughter-in-law namin!"

Nanikip ang dibdib ni Therese. 

Ni hindi pa man siya nakakaalis ng bansa, pero heto, nasa harap na niya ang divorce agreement.  

Pinipigil ang kirot sa kanyang puso, binuksan niya ang dokumento.  

At nang mabasa niya ang nakasulat—wala siyang makukuha kahit piso.

Kahit ang mga kasambahay may suweldo. Pero siya? Dalawang taon niyang ginampanan ang papel ng isang pagiging Mrs. Craig, ang asawa ni Ezekiel. At sa huli, wala siyang natanggap kahit singko.  

Nakakatawa.  

Baliw lang ang babalik sa ganitong klaseng pamilya! 

Takot na baka may hilingin pa siya, muling nang-insulto si Donya Amalia. "What more do you want? Kung hindi ka lang napagkamalang mayaman, ni minsan hindi mo mararanasan ang marangyang buhay! Kaya wag ka nang umasa na may makukuha ka! Pirmahan mo na ‘yan, kundi papalayasin kita ng sapilitan!”

Parang may bumara sa lalamunan ni Therese. Wala na siyang sinabi. Kinuha niya ang panulat at pinirmahan ang dokumento.  

Akala niya, matatahimik na si Donya Amalia. Pero hindi pa pala tapos ang babae.  

"At oo nga pala," dagdag nito, "ibalik mo na rin ang wedding ring niyo ni Ezekiel. ‘Yung African blue diamond ring, custom-made at milyon-milyon ang halaga. You’re not worthy of it! Pati ‘yung matching necklace, isama mo na rin!" 

Hindi nagpakita ng emosyon si Therese. "Nasa safe. Hindi ko man lang isinuot,” sagot niya.

Maliban noong araw ng kasal, hindi niya man lang iyon hinawakan.  

"Mabuti naman! At tandaan mo, wala kang kahit anong madadala mula sa pamilya namin!" gigil pang dagdag ni Donya Amalia.  

“Huwag kang mag-alala, ni isa hindi ko dadalhin ang bagay na hindi akin,” malamig ang tingin ni Therese nang sumagot.

Mga gamit. Mga tao. Wala siyang totoong pag-aari sa pamilyang ito.  

Sa wakas, nang masiguro ni Donya Amalia na wala nang natitira kay Therese, iniutos niyang ipack ang mga gamit nito at pinalayas siya palabas ng bahay ng pamilya Craig.

**

Isang linggo ang lumipas, sa kahabaan ng Santabenita expressway, isang convoy ng mga luxury Bentley cars ang mabilis na bumabaybay patungong Bonifacio Global.

Sa loob ng isa sa mga sasakyan, isang lalaking may marangal at matikas na aura ang mahigpit na hawak ang kanyang cellphone. "Alam na namin kung nasaan ang kapatid natin. Papunta na ako para sunduin siya. Hindi niyo na kailangan pang sumama lahat.”

"Penelope Inanov is the only daughter of the Inanov family. Everyone in the family has been waiting for her. A dozen helicopters aren’t enough! We should send more and form a proper formation. It has to be grand!"

Habang mainit ang diskusyon ng tatlong lalaki, isang malalim at matigas na boses ng isang nakatatandang lalaki ang biglang umalingawngaw.  

"Shut up, all of you! Penelope is my daughter! What does this have to do with you brats? None of you are allowed to go! Her mother and I will personally pick her up!”

Mabilis nagprotesta ang lahat.

"No way! First come, first served! Kung sino ang maunang makarating, siya ang magdadala sa kanya pauwi sa bahay—no exceptions, not even for our dad!”

**

Anim na taon ang lumipas – Bonifacio Global Hospital

Kakatapos lang ng isang anim na oras na operasyon ni Therese nang makatanggap siya ng sunod-sunod na messages mula sa kanyang baby girl na si Jassy.

“Mommy! May ilang lalaki na naman na pumunta sa bahay, nagpe-presenta bilang stepdad ko! Napikon si Grandpa, pinakawalan ‘ang mga aso para habulin sila! Uncle even asked them where they got the guts. Did the Grim Reaper himself give them permission? It was hilarious!"

"Those uncles really don’t know their place. My mommy is the best and most beautiful mommy in the world—of course, kailangan niya pumili ng pinakagwapong lalaki!"

"Don’t worry, Mommy! I’ll help you get rid of all those rotten suitors! Hindi kita hahayaang istorbohin nila!"

Napatawa si Therese habang binabasa ang messages. Halos maisip niya ang riot sa bahay nila.  

Smiling, she typed back. "Thanks, my little protector!"

Putting her phone away, she was about to head to the break room when she overheard a conversation at the nurses’ station.

"I heard that little guy is here looking for a doctor to treat his father. If anyone can cure him, they’ll get to be his stepmom… That kid is from one of the wealthiest families in the country!"

“Huh? Kung gano’n, bakit hindi na lang sila maghanap ng pinakamagaling na doktor? Mukhang si Doc Ella ang pinaka-nababagay doon. Isa pa, bata pa siya at maganda!”

Kailanman ay walang interes si Therese sa mga tsimis. Pero kanina lang, may gustong tumayong maging ama sa kaniyang anak. Ngayon naman, may naghahahanap ng bagong ina?

Kaya naman nakuha nito ang kaniyang kuryusidad.

Ilang sandali pa ay napansin niyang may isang maliit na bata na pinaliligiran ng mga tao.

Mukhang apat o limang taon na ito, may nakapakagandang mga katangian at malambot na mukha na gaya ng isang sanggol, ang kaniyang mamula-mulang mga labi at maputing balat ay mas nagpamukhang inosenste at kaibig-ibig sa kaniya.

Sa pagkakataong iyon, nakaupo ang batang lalaki sa isang upuan kung saan ang kaniyang mga maliliit na binti ay pabalik-balik nitong iwinasiwas. Habang ang mga malalaki, at madilim nitong mga mata ay nakatingin naman sa paligid niya.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
6 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status