Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
9.81.2K viewsOngoingAdded to Library 30 Times as init ng paghihiganti
Read
+Library
POSSESSED BY THE DON

POSSESSED BY THE DON

Sa gitna ng isang malamig at maka pangyarihang mansion, pumasok si Ysabel Aragon isang babaeng hindi lang basta nanny, kundi si Vivienne Calista Montclair, na nagbago ng pagkakakilanlan upang makapasok sa mundo ng mga Whitmore. Ang tunay niyang pakay ay hindi trabaho, kundi isang lihim na misyon ang makalapit kay Aurelius Whitmore, ang kinatatakutang Don na posibleng may kinalaman sa pagkawala ng kanyang ina. Ang trahedyang iyon ang nagbago sa buong buhay niya, kaya sa likod ng bagong pangalan at bagong katauhan, matagal niyang pinagplanuhan ang bawat hakbang para makapasok sa buhay ng lalaking kinamumuhian niya. Sa mata ng lahat, isa lamang siyang simpleng nanny, pero sa likod nito ay isang babaeng puno ng galit, sakit, at matinding paghahanap ng katotohanan. Ngunit sa pagpasok niya sa mansion ng mga Whitmore, hindi niya inaasahang may batang si Isabella na unti-unting babago sa direksyon ng kanyang misyon. Sa halip na malamig at magulong kapaligiran, nakita niya ang isang inosenteng bata na dahan-dahang nagbubukas ng pinto ng tiwala at emosyon na matagal nang nakasara sa kanya. Habang mas lumalalim ang koneksyon ni Ysabel kay Isabella, mas nagiging komplikado rin ang kanyang misyon dahil unti-unti siyang nahihila sa misteryosong si Aurelius. Isang lalaking puno ng kapangyarihan, panganib, at madilim na nakaraan-na sa bawat titig ay unti-unting sumisira sa matitibay niyang depensa. Sa pagitan ng paghihiganti, lihim na pagkakakilanlan, at unti-unting pagkapit ng damdamin, nagiging mas magulo ang lahat. Hanggang saan niya kayang panindigan ang kanyang misyon kung ang puso niya mismo ang unti-unting kumakalaban dito? At sa mundong puno ng kasinungalingan at kapangyarihan... sino nga ba ang tunay na kalaban ang Don o ang sariling damdamin niya?
758 viewsOngoingAdded to Library 27 Times as init ng paghihiganti
Read
+Library
Healing The Billionaire's Broken Heart

Healing The Billionaire's Broken Heart

Si Ivan Alejandro Montenegro ay isang matagumpay na negosyante na lihim na nagtatag ng sarili niyang kumpanya—isang imperyo na walang nakakaalam, kahit ang sarili niyang pamilya. Nasa rurok na siya ng tagumpay at handa nang magsimula ng bagong buhay kasama ang babaeng mahal niya, nang isang trahedya ang sumira sa lahat. Sa isang malagim na aksidente, nawalan si Ivan ng kakayahang makalakad. Kasabay nito, nawala rin ang respeto ng kanyang pamilya at ang pagmamahal ng kanyang fiancée na agad siyang iniwan nang makita ang kanyang kalagayan. Isa-isa ring kinuha sa kanya ang lahat ng proyekto at responsibilidad sa kumpanya, na para bang wala na siyang silbi. Sa desperasyon na mailigtas ang apo, kumuha ang matanda ng isang caregiver mula sa probinsya—si Ayesha Dela Cruz, isang simpleng babae na may matapang na puso at hindi natitinag sa sungit ni Ivan. Sa kabila ng malamig na pagtanggap nito, pinili ni Ayesha na manatili at alagaan siya, kahit paulit-ulit siyang itaboy. Dahil sa nakakalason na kapaligiran ng mansyon, dinala si Ivan sa probinsya kung saan nagsimula ang kanyang paghilom—hindi lamang sa katawan kundi pati sa puso. Sa katahimikan ng lugar at sa malasakit ni Ayesha, unti-unti niyang natutunang magtiwala muli, harapin ang sakit ng nakaraan, at muling lumaban sa buhay. Ngunit habang siya ay nagpapagaling, lihim din niyang binubuo ang plano ng kanyang pagbabalik. Hindi alam ng kanyang pamilya na ang lalaking kanilang minamaliit ay siya ring may hawak ng tunay na kapangyarihan. Ngunit sa gitna ng kanyang paghihiganti, may isang tanong na mas mahalaga kaysa sa kayamanan o kapangyarihan: Pipiliin ba ni Ivan ang galit… o ang pag-ibig ng babaeng naghilom sa kanyang pusong wasak?
167 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as init ng paghihiganti
Read
+Library
Tempted By My Husband's Uncle

Tempted By My Husband's Uncle

She forced Theo Alcaraz to marry her, but later found herself tempted by another Alcaraz. ***** Malandi at mang-aagaw. Iyon ang tingin ng lahat kay Luna Amaris Pedrigal. Nagkagusto siya kay Theo Alcaraz, ang boyfriend ng pinsan niya at anak ng mayamang pamilya sa kanilang bayan. May nangyari sa kanila ni Theo at nabuntis siya, ngunit tinatanggi nito na ito ang nakabuntis sa kaniya. Sa huli, wala na rin itong nagawa kundi ang pakasalan siya. Pinilit ni Luna na maging mabuting asawa kay Theo sa kabila ng malamig nitong pagtratosa kaniya. Kahit na palaging pinamumukha nito sa kaniya na hindi siya nito mahal at ang batang nasa sinapupunan niya lamang ang dahilan kung bakit sila nagpakasal. Ngunit isang aksidente ang naganap at nawala ang nag-iisang batang nag-uugnay sa kanilang mag-asawa. Dahil sa nangyari ay mas lalong nawalan ng pakialam si Theo kay Luna. Hanggang sa muli bumalik ang dating girlfriend ni Theo na si Candice upang bawiin daw umano ang lalaki. Pero kasabay noon ay dumating sa buhay nila ang gwapo at makisig na si Atticus Alcaraz, ang illegitimate son ng Lolo ni Theo. Sa pagdating nina Candice at Atticus, mas lalong gugulo ang buhay nilang mag-asawa. Hindi inaasahan ni Luna na magkakaroon ng interes sa kanya ang lalaki. Kaya ba niyang iwasan ang tuksong dala ni Atticus upang hindi magkasala sa asawa? O magpapadala siya sa init ng mga haplos at yakap nito? Sino nga ba ang pipiliin ni Luna? Si Theo na asawa niya o si Atticus na handang gawin ang lahat, makuha lang siya?
993 viewsOngoingAdded to Library 36 Times as init ng paghihiganti
Read
+Library
Don't Fall in Love

Don't Fall in Love

Yuki Yceej
Sa gabi ng tinatawag nilang Bluemoon night, ang gabi ng mga single, ay magtatagpo ang landas nina Hunter Ace, isang sikat na modelo at artista at Jolie Vargas na isa lamang ordinaryong babae. Hinahangaan ang binata dahil sa kanyang gwapong mukha, magaling na actor at ganda ng pangangatawan habang si Jolie ay simpleng babae pero palaban. Isang gabi, dahil sa kabiguan sa pag-ibig ay pumayag si Hunter na sumama sa kaibigang si Tom na dumalo sa once a year event na tinatawag nilang Bluemoon night. Ito ang gabi na mapagkakamalan ni Hunter ang No Boyfriend since birth (NBSB) na si Jolie na siya si Danica, ang girlfriend niya. Walang pag-aalinlangan, dinampi ng binata ang labi niya sa labi ng lasing na si Jolie. Dahil sa wala sa tamang katinuan ang dalaga, tumugon naman siya sa halik. Pinagsaluhan nila ang maiinit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hindi lang halik ang kanilang pinagsaluhan, pati ang init ng katawan ay kanilang pinadama. Isang bangongot ang maituturing ni Jolie ang nangyari sa kanya sa gabing iyon nang magising siyang katabi ang mayabang at supladong modelo sa kama at pareho silang walang saplot. Hindi na niya ito ginising bagkos ay umalis na agad sa silid. Magtatagpo pa kaya ang landas nila kung ang akala ni Hunter ay si Danica ang babaeng nakasama niya sa kama? May mabubuo kayang pagtitinginan kina Hunter at Jolie kung ang dalawang babae ay may mukhang pinagbiyak na bunga?
1.1K viewsOngoingAdded to Library 38 Times as init ng paghihiganti
Read
+Library
THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER

THE BILLIONAIRE HUSBAND’S HIDDEN DAUGHTER

Dalawang sikreto ang bumabalot sa kasal ni Elle. Una, kailanman ay hindi siya tinanggap ng pamilya Cortez bilang manugang. Bago pa man ang kasal, niloko ng buong pamilya si Brandon para pirmahan ang divorce agreement nang hindi nito alam. Pitong taon lang ang itinakda para sa pagsasama nilang dalawa. Pangalawa ay palihim siyang nagsilang ng anak na babae nang hindi nalalaman ni Brandon. Sa loob ng pitong taon ng pagsasama, ni minsan ay hindi nalaman ng lalaki na mayroon siyang limang taong gulang na anak. Akala ni Elle ay sapat na ang pitong taon para lumambot ang puso ni Brandon. Akala niya, darating din ang araw na mamahalin siya nito kahit kaunti. Pero tatlong buwan bago magkabisa ang divorce agreement, saka niya nalaman ang pinakamasakit na sikreto. May ibang babae sa puso ni Brandon. At ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Janica, ang itinuring nitong nakababatang kapatid noon. Parang isang nakakatawang biro ang pitong taon niyang paghihintay. Pitong taon ng pagpapanggap na masaya. Pitong taon ng pagmamahal na siya lang ang may dala. Tahimik na napangiti si Elle, pero wala nang init ang mga mata niya. Para na lang iyong abo matapos masunog. Hindi na rin niya binalak sabihin kay Brandon ang tungkol sa anak nila. Tutal, malapit na rin namang matapos ang lahat. Mas mabuti nang tuluyan na siyang mawala sa buhay nito. Malayang ibabalik niya ang pagiging asawa. At pati pagiging ama ay hindi na rin niya ipagpipilitan pa.
187 viewsOngoingAdded to Library 6 Times as init ng paghihiganti
Read
+Library
Vengeance of the Heiress

Vengeance of the Heiress

Pinagkatiwalaan. Minahal. Pero tinraydor. Gumuho ang mundo ni Dari nang mahuli niyang magkasama sa kama ang kanyang asawa at kakambal. Sa sakit at galit, tumakas siya sa gabing puno ng dalamhati—at natagpuan ang sarili sa bisig ng isang estranghero. Si David Kranleigh, isang bilyonaryong CEO. Isang gabing dapat ay malimutan. Pero hindi iyon basta nawala. Sa pagtatangkang magsimulang muli, isang trahedya ang tuluyang sumira sa kanya—isang aksidenteng nagdulot ng kanyang pagkabulag. Wala nang saysay ang lahat. Hanggang sa muntik na siyang sumuko… at isang pamilyar na tinig ang pumigil sa kanya. Si David. Hindi siya nito nakalimutan. At sa pagkakataong ito, hindi na siya nito hahayaang mawala. Upang iligtas siya mula sa mga traydor, pineke ni David ang kanyang pagkamatay at dinala siya sa Australia para magpagamot. Limang taon ang lumipas. Ngayon, hindi na siya ang dating Dari Wilson. Bumalik siya sa mismong anibersaryo ng kanyang pekeng pagkamatay—hindi bilang biktima, kundi bilang isang babaeng uhaw sa hustisya. Sisirain niya ang mga taong sumira sa kanya. Babawiin niya ang lahat ng ninakaw sa kanya. Ngunit isang sagabal ang hindi niya inaasahan—si David. Ang lalaking hindi sumuko sa kanya. Ang lalaking handang ipaglaban siya. Pero kaya ba niyang pigilan ang galit ni Dari? Sa laban ng pag-ibig at paghihiganti, sino ang mananalo?
101.3K viewsOngoingAdded to Library 45 Times as init ng paghihiganti
Read
+Library
Debt And Pleasure

Debt And Pleasure

Mariin akong napakapit sa bedsheets ng kama sa bawat baon at labas na ginagawa niya. Sobrang init Ng kwartong kinaroroonan naming dalawa na tila ba tinutupok kaming dalawa. "Ugh! You're so hot baby" Ungol nito habang binabayo Ako sa likod at minamasahe Ang dibdib ko, tila ba doe Ang dibdib sa ginagawa nito, patuloy lang ito sa walang humpay Niyang pag bayo hindi ko alam Kong ilang beses akong nanginig sa sarap. Sa laki ba Naman Ng pag-aari niya. "Ughhh I'm coming again" Ungol ko and for an instance, tumirik Ang mata ko sa sarap. Hinihingal kaming pareho, bagsak sa kama at bumabawi Ng lakas dahil sa matinding labanan. I crawled in the top of the bed Saka inihilig Ang sarili sa unan na naroroon. Ilang sandali pa'y gumapang Rin ito papunta sakin Saka ako'y niyakap. Kailangan Kong Gawin to at lunukin Ang delekadesa ko. Kung kasalanan man Ang ginagawa Kong ito handa akong matupok sa apoy Ng impyerno maligtas lang Ang buhay ko. "What is your name?" Napalunok Ako sa laway ko Saka huminga Ng malalim. Just for tonight, I hope someone will save me. "I'm A-a-shanti" Nauutal na sambit ko. I saw him getting up Saka kinuha Ang baso na may lamang alak, nilagok niya ito habang naka talikod sakin at naka harap sa glass window na Mula floor Hanggang ceiling. "P-please---" I swallowed the lump and cleared my throat again before I continued to talk. "Bid for me Mr. Billionaire"
108.1K viewsOngoingAdded to Library 266 Times as init ng paghihiganti
Read
+Library
Taming The Ruthless Mafia King

Taming The Ruthless Mafia King

Sa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, pera, at takot, walang puwang ang isang tulad ni Katarina Monteiro. Isa lamang siyang mababang antas ng tagapaglingkod sa Kingswell Empire. Lumaki sa kahirapan, hindi nakapagtapos ng pag-aaral, at araw-araw na nakakaranas ng pangmamaliit mula sa mga taong mas mataas ang estado sa buhay. Ngunit sa kabila nito, hindi kailanman yumuko si Katarina. Matapang, palaban, at handang lumaban para sa kanyang dignidad. Ang hindi niya alam, isang tao ang bigla na lang papasok sa buhay niya. Si Lucien Kingswell. Ang nag-iisang Mafia King ng Prime Dominion. Isang lalaking kinatatakutan ng buong bansa. Isang lalaking kayang magpabagsak ng mga makapangyarihang tao sa isang utos lamang. Malamig, walang awa, at walang interes sa pag-ibig. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang simpleng banggaan sa loob ng mansyon ang naging simula ng isang koneksyong hindi nila pareho maipaliwanag. Habang unti-unting nahuhulog si Katarina sa madilim na mundo ng mga Kingswell, natutuklasan niya ang mga lihim na matagal nang itinago ng pamilya. Kasabay nito ang pagdami ng mga kaaway na gustong gamitin siya upang pabagsakin ang Mafia King. At nang ialok ni Selene Kingswell kay Katarina ang isang posisyon bilang undercover operative ng Kingswell Empire, napilitan siyang pumili. Manatiling isang hamak na tagapaglingkod o tanggapin ang pagkakataong baguhin ang kanyang buhay kapalit ng pagpasok sa mundong puno ng panganib, kasinungalingan, at dugo. Ngunit habang lumalalim ang kanilang pagsasama, isang mas malaking problema ang unti-unting nabubuo. Dahil sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, may isang taong naging kahinaan si Lucien Kingswell. At para sa isang Mafia King, ang pagkakaroon ng kahinaan ay maaaring maging dahilan ng kanyang pagbagsak. Sa pagitan ng kapangyarihan at pag-ibig, paghihiganti at katapatan, hanggang saan ang kayang isugal ng isang hari para sa babaeng hindi niya kailanman inaasahang mamahalin?
52 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as init ng paghihiganti
Read
+Library
My Cold Secret CEO

My Cold Secret CEO

Noong mga araw ng dalisay na pag-ibig, sila ang perpektong pares. Magkaklase at laging magkasama, nagbahagi sila ng mga pangarap at pangako sa ilalim ng matandang puno—nanata na hinding-hindi maghihiwalay. Siya ay puno ng ningning at init noon, habang si Elara ang kanyang liwanag: simple, tapat, at mabuti. Payapa ang kanilang samahan, hanggang sa isang mabigat na dahilan ang nagpilit sa kanilang maghiwalay. Walang paalam o paliwanag; nawala ang ugnayan, at ang lahat ay naiwan lamang bilang alaala sa kanilang mga puso. Lumipas ang maraming taon at nagbago ang lahat. Ang lalaking kilala niya noon ay bumalik na ibang-iba—si Kaelian na ngayon, isa sa pinakamakapangyarihan, mayaman, at pinakamalamig na CEO sa industriya. Tinitingala at kinatatakutan, itinayo niya ang matibay na pader sa paligid ng sarili upang itago ang nakaraan at mga lihim. Ang pusong minsang mainit ay nagyelo na, sarado na sa sinuman, at determinado siyang panatilihing lihim ang kanyang tunay na pagkatao. Sa kabilang dako, nanatiling simple at payapa si Elara, namumuhay nang karaniwan at malayo sa ingay ng kanyang mundo. Masaya siya sa buhay, walang kaalam-alam na ang lalaking akala niya ay bahagi na lamang ng nakaraan ay isa na sa pinakakilalang tao sa bansa. Para sa kanya, si Kaelian ay alaala na lamang na tahimik niyang iniingatan. Hanggang sa pagtagpuin sila muli ng tadhana nang hindi inaasahan. Sa unang pagkikita matapos ang mahabang panahon, nababalot ng pagdududa ang kanilang mga mata. Makikilala pa kaya ng malamig na CEO ang babaeng minsang nagbigay kulay sa kanyang mundo? O mananatili siyang nakatago sa likod ng matigas na anyo, itinatago pa rin ang mga lihim na naghiwalay sa kanila noon? Ang muling pagtatagpo ay simula ng pagbukas ng nakaraan at pagsubok kung ang dating pag-ibig ay sapat pa upang gibain ang mga pader na itinayo ng panahon.
83 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as init ng paghihiganti
Read
+Library
PREV
1
...
3233343536
...
50

Read Init Ng Paghihiganti Novels & Stories Online

Here are 500 novels related to init ng paghihiganti for you to read online. Generally, init ng paghihiganti or similar novel stories can be found in various book genres such as Romance and Mafia. Start your reading from Doctor 's Bargain Wife (Series 2) at GoodNovel!
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status