Accidentally Married to a Mafia Boss
"Be my bride… or I’ll be your groom?"
Sabi ng matatanda, kapag sinukat mo ang isang wedding gown nang hindi para sa ’yo, hindi ka makakapag-asawa. Akala ni Azura pamahiin lang iyon hanggang sa araw na pinaglaitan siya ng tadhana.
Nakita niya lamang ang sarili nakidnap at dinala sa simbahan habang suot-suot ang wedding gown na sinukat lang naman niya at dinadala sa harap ng altar. At ang groom? Nakangising demonyo habang tutok ang baril sa kanyang sentido, pilit siyang pinapa-"I do."
Doon niya napagtantong hindi ito ordinaryong lalaki. She accidentally married a mafia boss— a cunning, cold, breathtakingly handsome alpha, and dangerously untouchable.
Pero paano paninindigan ni Azura ang pagiging asawa ng isang lalaking ubod ng sungit, laging ipinapaalala sa kanyang papel lang ang kasal nila, at tila ba ayaw siyang bigyan ng puwang kahit sa puso?
At paano siya lalayo kung simula’t sapul… lihim na pala niya itong minahal?
Sa gitna ng panganib, pagtataksil, at isang nakalipas na kinalimutan ng lalaki—may paraan pa ba para kumawala si Azura sa kamay ng mafia boss? O matagal na pala siyang bihag hindi sa baril… kundi sa pagmamahal?
Language: Taglish