Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MS. CEO'S FIRST LOVE

MS. CEO'S FIRST LOVE

Zhyllous
Pinagmasdan ko ang pamilyang Villiary.. masayang pamilya, mayaman at mababait rin ang mga taong ito pero hindi ko lang maintindihan kung bakit kinulong nila dito ang nagiisa nilang anak. Walang kaibigan at walang muwang sa mundo. Kahit twenty years old na ito para siyang bata kung umasta. Isa lang naman ang masisi ko kundi ang parents niya. Hindi magalit ang anak niya sa ginawa nila dahil napaka inosente ni Irriene. Hindi niya alam kung anong nangyari sa labas ng mansyon nila. Wala rin siyang pakialam dahil simula bata nandito na siya sa loob. Umiyak ito na parang bata sa harap ng mommy at daddy niya habang ang mommy niya kinausap siya na parang bata rin. Okay lang sana kung tratuhin siya ng nababagay sa edad niya pero hindi. Tama lang na ipakilala ko si Dinnese sa kanya para mabantayan ko parin siya kahit hindi ako nagtuturo sa kanya. The world is cruel and her world is the worst.
Romance
10907 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother

Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother

alfiellore
Simula nang mamatay ang mga magulang nina Hendrick at Althea ay nagbago rin ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Naging mahigpit kasi ang lalaki kay Althea kahit na ginagawa naman ng dalaga ang lahat ng gusto nito. Mabuti na nga lang at may mabuting puso si Althea dahil kahit kailan ay hindi nito pinatulan ang pagsusungit ni Hendrick Hanggang sa dumating ang isang gabi na magpapabago sa sitwasyon ng dalawa. Sa kalagitnaan kasi ng gabi ay umuwi si Hendrick ng lasing at doon ay may naganap sa dalawa. Simula noon ay unti-unting nagbago ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Naging malambing ito at maalaga na ikinatuwa ni Althea ng husto. Subalit panandalian lang pala ang lahat. Kasabay kasi ng pagdating ni Isabel ay magbabago rin ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Si Isabel daw kasi ang nag-iisang babae na minahal ni Hendrick sa buong buhay nito. Dahil doon ay napagdesisyunan ni Althea na iwanan si Hendrick at magpakalayo-layo. Paano kung sa huli ay si Hendrick naman ang maghabol kay Althea? Papapasukin pa kayang muli ni Althea si Hendrick sa buhay niya o iiwasan na ito dahil may Harry na sa buhay niya?
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Loving Mr. Chavez

Loving Mr. Chavez

Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
Romance
10727 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Desire of a CEO

The Desire of a CEO

Simula't-sapul, inlove na si Graziana Iglesias sa boss na si Thunder Santillan. Ang CEO ng Santillan Group of Companies. Dahil sa pagkamatay ng asawa nito, ibinuro nito ang sarili sa isang lugar sa bicol. Namuhay ito ng normal. At siya, na sekretarya nito, sa kan'ya iniatang nito ang responsibilidad nito bilang CEO. Lahat kinaya niya mapansin lang ng boss.Lahat ginagawa niya ma-appreciate lang siya ng boss. Ang buong akala ni Graziana, tutugunin na nito ang matagal na niyang pinapangarap na pagmamahal mula sa boss. Hindi pa pala. Umibig na naman ang boss niya sa isang babaeng estrangherang, na sadyang pinapalitan nito ang mukha, at isinunod sa dating asawa nito. Isang araw, nagising na lang siyang pagod na. Pagod na sa kakahintay sa boss. Nag-resign siya sa kompanya nito. Dalawang araw bago ang flight niya papuntang US, hindi niya inaasahang ipapatawag siya ni Thunder. Dinamayan na naman niya ito sa problema nito sa babae. Nagpakalasing sila, hanggang sa dumating sa puntong isinuko niya ang pagkababae dito at hindi niya akalaing magbubunga iyon... Ano nga ba ang gagawin ni Thunder kapag nalaman nitong nagbunga ang isang maiinit na gabi nila ng sekretarya?
Romance
10170.0K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (33)
Read
Idagdag sa library
Rizalyn Joy Borres
this story will teach you what love really means. that love should be patience, understanding and unconditional. patience interms of kung paano at kailan ka susuko at lalaban.understanding interms of understand the situation whether its good or bad but then again chose to be right and be kind.
Che Dee
mat,gal na akong silent reader ni Miss Ava nah, ang pinka una kong nabsa sa knya yung My secretary owns me, dun nagumpisa na mahook aq sa mga story ni missA, natigil lang ako nong nabsa ko ung Chasing Magda ...... natrauma ako dun, ksi nwala ung FL, pero nakita ko meron pla si mssA dito sa GN, kya
Basahin ang Lahat ng Review
Every Second Count

Every Second Count

Sa inis ni Aura Beatriz Diaz, nakuha niyang makipag-usap sa kaklase at kapitbahay niyang iniiwasan ng lahat. Sa ngalan ng plus points, pinilit niya si Shintaro Terrano na magpalit sila ng points sapagkat ito ang dahilan kung bakit siya na-late sa klase. “Sino naman ang nagsasabi sa iyong ayaw ko ng points? Pasensiya ka na, ‘di ko magagawa iyan...” Sagot ni Shintaro sa kanya. “Pero may ibang paraan ako para makakuha ka nito...” Namangha niya nang namalayan niyang kaya naman palang makipag-usap nito sa mga tao. “Babaguhin natin ang nakaraan.” Sinabi pa nito. Napatigil siya nang hawakan nito ang kamay niya at literal na umikot ang kanyang mundo. Pumikit siya ng mariin at noong sa tingin niya'y tumigil na ang pag-ikot. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Wala na sila sa paaralan. Nasa waiting shed na sila kung saan sila nag-agawan ng pwesto sa jeep kanina. “P-Paano mo nagawa ito? I-Isa ka bang w-wizard? G-Guardian? Guardian angel?!” Halos pasigaw na tanong niya. Mababaliw na siya. Paano ito nagawa ng isang Shintaro Terrano? Ano nga ba si Shintaro Terrano? Umangat ang gilid ng labi nito. “Akala ko ba matalino ang isang Aura Beatriz Cortes Diaz? Bakit hindi mo napagtagping maaaring isa akong manglalakbay sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap… Oo, manlalakbay ako. Kaya kong baguhin ang nangyari na. Itong kaharap mo ngayon ang totoong Shintaro. Ikaw lang ang nakakaalam ng totoong Shintaro Terrano… Ikaw lang ang hahayaan kong makaalam.”
Fantasy
2.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Surrogate for the Tycoon

Surrogate for the Tycoon

Handang gawin ni Erika Benedicto ang lahat upang maisalba ang sarili sa kahirapan. Kaya naman nang dumating sa kaniyang buhay ang isang alok ng bilyonaryong si Calton Fortalejo ay kaagad niya itong tinanggap nang walang pag-aalinlangan. Ito ay ang maging surrogate mother ng anak nito kapalit ng malaking halaga. Ngunit biglang nagbago ang isip niya nang tuluyang maipanganak ang sanggol. Gusto niya nang ibalik ang pera ng lalaki nang buo. But Calton was determine to have his own kid in any way.
Romance
370 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE OBSESSION SERIES BOOK 1 Jervis Dean Peddleton

THE OBSESSION SERIES BOOK 1 Jervis Dean Peddleton

LYNN
Jervis Dean Pendleton successful businessman and owner of Pedle/Vie pharmaceutical company met Adelyn Axelle Dela Fuente na isang pharmacist, Para makuha ang babae ay gumawa ito ng kontrata. babayaran niya ito kapalit ng serbisyo nito para maging babae niya. sa unang paghaharap nila ay tila hindi nito nagustuhan ang offer ni Jervis hanggang sa magkasakit ang ama niya, kailangan nila ng malaking pera para matustusan ang dialysis nito tatlong beses sa isang linggo. Pumayag siya sa offer ni Jervis. nung una nga ay sumusunod lang siya sa gusto nitong mangyari hanggang sa may nangyari na sa kanila, unti unti na siyang nahuhulog dito at minahal na nga niya ang lalaki na ganun din naman ang nararamdaman sa kanya, hahadlangan nga yun ni angelica na gagawin ang lahat para makuha si Jervis, Sisirain niya ang reputasyon ni Adelyn bilang isang lisensyadong pharmacist. Sisirain niya ito sa trabaho kay Jervis at sa magulang nito nang magtagumpay sa paninira si angelica ay nagpakalayo layo si adelyn kasama ang magulang at ang magiging anak nila ni Jervis na nasa sinapupunan niya pa. Nang malaman ni Jervis ang paglayo ni adelyn ay halos ikabaliw niya ito pinahanap niya ang dalaga na inabot ng taon. at nang matagpuan ito ay dinakip niya ito at dinala sa maliit na isla ng balabac, dito nga ay ipaparamdam niya sa babae ang sobrang pagmamahal at obsession na nararamdaman niya
Romance
830 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BABY IT'S ONLY YOU

BABY IT'S ONLY YOU

Nagpasya si Aldrin John Villafuerde na umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng pag-aaral niya sa kolehiyo. Maaga siyang nagbook ng kanyang ticket para maaga rin siyang makarating ng Pinas. Excited na siyang makauwi para bisitahin si Jamaica Montefalcon, ang kababata niya at malapit na kaibigan noong sekundarya. sa di inaasahang pagkakataon ay makakasalubong niya si Athena Salazar, dati nilang kaklase ng sekundarya at matagal ng may gusto sa kanya. Napagplanuhan na ng mga magulang ni Jamaica at Aldrin na ipakasal sila sa lalong madaling panahon kaya naman ay nag-usap sila tungkol sa kasalang magaganap. Pumayag sila sa kagustuhan ng kanilang mga magulang dahil mahal naman nila ang isa't isa pero hindi pa nila ito inaamin sa bawat isa. Matagumpay silang ikinasal ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay unti unting masisira ang tiwala nila sa isa't isa.
Romance
423 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Life As An Omega

Life As An Omega

AshMeNaeNae
Alpha bilang pinakamataas, Beta bilang normal, at Omega naman bilang pinakamababa. Nang nadiskubre ng mga tao ang ikalawang sekswalidad (secondary sexuality), ito na ang naging basehan nila ng estado sa buhay. Nang matuklasan ni Nikko na isang siyang omega, pinakamababang secondary sexuality, nawalan na siya ng tiwala sa ibang tao. Alam niya ang trato ng mga tao sa mga kauri niya kaya naman pakiramdam niya ay lahat ng mga tao ay pinagbabalakan siya ng masama. Ang tanging tao na pinagkakatiwalaan lamang niya ay ang matalik na kaibigan niyang si Pier - isang alpha. Bilang isang alpha at omega, manatili pa rin kaya ang pagkakaibigan nila sa oras na magsimula na ang problema nila tungkol sa ikalawang sekswalidad nila? O may mas malalim pa na koneksyon na mabubuo sa pagitan nilang dalawa?
LGBTQ+
101.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Chasing The CEO's Peculiar Wife

Chasing The CEO's Peculiar Wife

Madam Ursula
Labis ang galit ni Kaye ng mabalitaan sa kanyang ama na ipinagkasundo siya nitong ipakasal sa anak daw ng kaibigan nito na pinakamayaman sa kanilang lugar. Pagma may-ari daw ng pamilya ng lalaki ang lahat halos ng lupain kaya magiging maayos daw ang buhay niya kesa ang maging simpleng trabahador lamang sa sakahan. Ngunit ang higit na ipinaghimutok ng butchi ni Kaye ay dahil sa napakaliit na halaga nang naging kapalit ng kanyang kalayaan. Ipinagpalit lang naman siya ng kanyang ama sa isang lumang Kiskisan. Ganun lamang ang halaga niya? kaya naman lumabis ang galit niyasa kung sino man ang nakipagkasundo sa ama. Mukhang inabuso at dinehado ng mga ito ang ama niya. Pero ng malaman ni Kaye kung sino ang sinasabing lalaki ng kanyang ama ay halos bumulwak ang galit ng dalaga. Hindi niya matatanggap na ipakakasal siya sa lalaking kinamumuhian niyang tunay. Hindi papayag si Kaye na maipakasal sa isang Nicolas Buencamino. Hinding hindi niya gagawing madali ang lahat para sa lalaking iyon. Samantala naman si Nicolas ay sabik at excited umuwi dahil sa balitang nakatakda na daw siyang magasawa
Romance
105.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2425262728
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status