Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Bar Owner

The Bar Owner

Roimi
Si Cleven Romano ay napilitang mag pakasal sa babaeng napili ng kaniyang mga magulang dahil nakasalalay dito ang kaniyang negosyo at mamanahin. Dahil sa paniniwala niyang lahat na babae ay pare pareho lang pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman para sa kaniyang asawa. Hinusgahan niya agad ang kaniyang asawa dahil sa kaniyang nakaraan. Hindi nga niya ito sinasaktan sa pisikal na anyo ay sinasaktan niya naman sa emosyonal na paraan na pinagsisihan niya. Nag bago ang trato niya sa kaniyang asawa ng malaman niya ang nakaraan nito. Ngunit ang kaniyang pag babago ay huli na lalo na't dumating ang kaniyang dating kasintahan, dala ang kaniyang anak na tinago. Sa kagustuhang nais niyang makabawi sa kaniyang anak ay nakalimutan niya ang kaniyang asawa. Nakalimutan niyang sinusuyo niya pala ito. Dala-dala sa sinapupunan ni Gabby ang kanilang anak ay umalis itong walang paalam. Hindi man lang hinanap ni Cleven ang kaniyang asawa dahil naniniwala siyang kung sino ang umalis siya ang dapat bumalik. Galit at poot ang naramdaman niya ng malaman na hindi niya naman pala totoong anak ang sinabi ng kaniyang dating kasintahan. Paghihinayang naman dahil nasayang ang panahon niya. Hinanap niya ang kaniyang asawa at natagpuan niya naman ito. Ngunit hindi na nais bumalik ng kaniyang asawa sa kaniya kung kaya't ginamit niya ang anak nilang dalawa upang maibalik sa puder niya ang kaniyang mag-ina.
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Isabella Flores

Isabella Flores

Isabella Flores, isang dalagang pinambayad utang ng sariling ama. Bunga siya ng kataksilan at siya ngayon ang nagdurusa sa kasalan na ginawa ng kaniyang mga magulang. Buong buhay niya, ginawa siyang alila sa mansyon na mga Bustamante—ang legal na pamilya ng kaniyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tiisin ang pagmamalupit sa kaniya sapagkat wala siyang ibang matutuluyan. Buong akala niya ay sapat na ang pagpapakaalila niya upang bayaran ang kasalanan ng magulang niya, subalit higit pa pala roon ang kailangan niyang isakripisyo, dahil kailangan niyang pakasalan ang pinagkakautangan ng kaniyang ama—si Maximo Castellano. Mayaman, makapangyarihan at matunog ang pangalan nito lalo na sa mundo ng negosyo, subalit wala pang nakakakita kung ano tunay na hitsura nito. Ganunpaman, ang katotohanang magpapakasal si Isabella sa taong hindi naman niya mahal ay malaking kahibangan para sa kaniya lalo na't hindi naman siya ang orihinal na ipambabayad utang kundi ang nakatatandang kapatid na babae—si Catriona Bustamente. Ano kaya ang posibleng mangyari sa oras na malaman ni Maximo na ang pinakasalan niyang dalaga ay hindi pala ang ipinangako sa kaniya? Panibagong dagok sa buhay na naman kaya ang dadanasin ni Isabella o kabaliktaran ito sa inaasahan niya?
Romance
1010.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Nang dahil sa hirap ng buhay walang nagawa si Elyze kundi humingi ng tulong pinansyal sa kaniyang long time boyfriend na si Renz nang lumala ang sakit ng kaniyang ate Hope na asthma at nagkaroon pa ito ng komplikasyon sa puso. Kaya lang nagalit si Renz nang mag usap sila sa labas ng Hospital. Nag away silang dalawa at nauwi sa sumbatan. Naghiwalay sila dahil hindi matanggap ni Elyze na pagsasalitaan siya ng hindi maganda ni Renz. Narinig naman ni Oliverio ang pag uusap nang dalawa at nang tumakbo palayo si Elyze bumangga siya sa nakapaguwapong Bilyonaryo walang iba kundi si Oliverio, na siya ring CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Nakilala naman ni Elyze ang Boss kaya mas lalo siyang nahiya dahil naiyak siya nang mga oras na iyon. Hindi naman pinalampas ni Oliverio ang pagkakataon at inalok ng Kontrata tungkol sa kasal ang dalaga kapalit ng pagtulong nito sa problema niya. Dahil walang ibang pagpipilian pumayag si Elyze para maisalba ang kapatid. Ikinasal sila at napagamot ang kaniyang ate. Habang tumatagal nahulog sila sa isa't isa at nanatili silang in denial sa nararamdaman. Hahamakin kaya nila ang lahat para sa pag ibig?
Romance
1023.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Shoemaker

The Shoemaker

Achyxia
Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The VonTobel's Heir

The VonTobel's Heir

Si Gianna Marie Falcon ay galing sa isang mahirap na pamilya, kaya naman ay matindi ang pagpupursigi niya upang makaahon sila sa kahirapan. Kaya no’ng niyaya siya ng kaniyang Tiya Sabel na maging isang stripper sa isang prestihiyosong club ay kaagad niya itong tinanggap kahit labag ito sa kalooban niya. Doon ay nakilala niya ang isang mala-adonis na pangangatawan at pantasya ng mga kababaihan,siya ay si Ivo Stephan VonTobel isang bilyonaryo at may-ari ng respetado at sikat na kompaniya sa buong Pilipinas. Si Ivo ang naging una’t huling costumer ni Gianna, una palang niyang nakita ang lalaki ay hindi niya alam kung bakit may anong kiliti sa kaniyang puso kapag nakikita at nakadikit ito sa kaniya. Isang mainit na gabi ang pinagsaluhan nila, gabing hinding-hindi niya malilimutan kailanman. Ngunit paano kaya kung bumunga ang gabing pinagsaluhan nila? Dalawang cute na tsikiting at kamukha pa ito ng ama nila. Sila ba ang magsisilbing paraan upang sila ay magkasamang muli, o hahayaan lang ni Ivo ang mag-iina niya dahil may asawa na siya?
Romance
1014.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Kahit Ayaw Mo Na

Kahit Ayaw Mo Na

“Ayokong makiusap sa ‘yo na mahalin mo uli ako, kahit hindi na ay ayos lang. Mamahalin pa rin kita kahit ayaw mo na.” Walang pag-aalinlangang hiniwalayan ni Lilah Daza ang kanyang dalawang taon nang kasintahan na si Alester Hernandez dahil sa pag-aakalang hindi niya ito mahal. Pakiramdam din kasi niya ay pinapaasa lang niya ito sa wala. Pero isang araw, aksidente niyang nakita si Alester na may kasamang ibang babae. Sa kanyang tingin ay nagkakamabutihan na ang mga ito. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit siya nasasaktan gayong wala naman na silang ugnayan pa ng lalaki. Huli na nang mapagtanto niya kung ano ang tunay na nararamdaman—na mahal niya si Alester at nagsisisi siya kung bakit pinakawalan niya ito nang gano’n-gano’n lang. Ano ang gagawin niya para maibalik sa kanyang piling ang lalaking minsan niyang nasaktan nang sobra? Meron pa nga bang pagkakataon na maiparamdam niya kay Alester ang kanyang tunay na nararamdaman para dito? O mananatili na lang itong masakit na aalala na habang-buhay niyang pagsisisihan?
Romance
1040.1K viewsCompleted
Read
Add to library
When A Meet E

When A Meet E

LovieNot
Sa mundo ng mga mang-aawit ay hindi maiiwasang magkaroon ng kompetisyon.Bilang lider ng isang grupo ng mang-aawit na kung tawagin ay QuadroQueens, isa si Angelic Tomas sa magpapatunay na hindi madaling maging singer. Hindi madaling makipagsapalaran sa mundo nila. Bawat pagkakamali ay may taga-husga, bawat kahinaan ay may handang humila pababa. Kaya, nananatili siyang palaban at may paninindigan para sa karera na tinatahak niya. Wala siyang inuurungan kapag reputasyon at talento na nila ang pinag-uusapan. At isang mapanganib na paing para sa kanila si Eionn Santino. Mula kasi nang lumipat ito sa company kung saan sila napapabilang ay mas nakahatak pa ito ng atensiyon at suporta mula sa mga taga-suporta nila mismo. Alam niyang may ibubuga naman siya at kaya niya ring tapatan ang lalaki kung gugustuhin niya lang pero hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng takot at pangamba tuwing ito ang itinatapat at kinukumpara sa kanya. When two same poles meet at the center of the same color of line, is it possible for them to attract each other? Or will they be the strong evidence of the 'same poles repel' law? "Don't come to me if you'll just going to destroy me."- Angelic.
Romance
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The One-Year Contract

The One-Year Contract

solasabegail
OUT of boredom, Apple thought of sketching a teddy bear on the blank side of a contract in front of her, without her realizing that it was actually a contract and her sketch would be counted as her signature. Nakasaad ditong kailangan n'yang samahan si Dravour Ichigo Forestier, isang sikat na modelo, sa loob ng isang taon, hindi lamang upang maging alila nito kundi upang paibigin ito bago matapos ang kontrata. Sa kabilang banda, kontrata ang naisip na paraan ni Dravour upang makahanap ng babaeng ihaharap sa kaniyang ina. Ito ay bilang pagtutol niya sa kagustuhan nitong ipakasal siya sa kaniyang kababatang si Shantall na hindi naman niya mahal. Ang kaibigang sina Hiro at Kio ang tumutulong sa kan'ya sa paghahanap ng babae, at kapag hindi n'ya ito nagugustuhan ay s'ya na mismo ang tumatapos sa kontrata. Bagama't mas'yadong isip-bata at 'weird' ang dalaga ay hindi kaagad tinapos ni Dravour ang kasunduan kahit na malaya siyang gawin iyon sa simula pa lamang. Hindi n'ya rin magawang ipakita sa babae ang kaniyang tunay at itinatagong kondisyon dahil sa takot — takot na iwan din s'ya nito katulad ng ginawa ng mga naunang babaeng kaniya ring pinaperma. Sa kabila ng mga balakid at problemang idinulot ng kontratang iyon, pipiliin pa rin ba nila na ipagpatuloy ito? O sila na rin mismo ang kaagad na tatapos dito?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Two Flames In A Dress

Two Flames In A Dress

MarkusJuan
Labing isang taong gulang si Andrea nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Sa paghihiwalay ng mga ito, naghiwalay din ang landas nila ng kanyang kakambal na si Althea. Napunta siya sa kanyang ina kung saan nakaranas sila ng labis na paghihirap na kanilang pinagdaanan. Pero mukhang habulin si Andrea ng malas, natanggal siya sa kanyang pinagtatrabahuhan na kompanya kung saan nagde-design siya ng mga damit. At sa pagkakataong iyon, doon naman nagbukas ang oportunidad sa kanya nang makilala niya ang lalaking si Matthew nang minsang magpunta siya sa bar at yakapin siya nito. Dahil may sarili itong designing company, nagtrabaho siya rito. Hanggang sa nakilala niya ito at tuluyang nahulog ang loob nila sa isa't isa. Inalok siya ng kasal ni Matthew at pumayag siya dahil mahal na nga niya ito. Nagsimula ang masayang relasyon nila na akala niya'y magtatagal. Hanggang sa isang araw, bumalik ang kakambal niyang si Althea. Ano'ng dalang pasabog ni Althea sa kaniya? Babalik pa ba sa dati ang kanilang relasyon bilang kambal o ito ang sisira sa masaya niyang buhay kasama si Matthew?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Lust In Love (Tagalog version)

Lust In Love (Tagalog version)

Latte
Nang makapagtapos si Charm ng kolehiyo sa England, bumalik agad siya ng Pilipinas para surpresahin ang kapatid na si Clara. Ngunit laking gulat niya nang matuklasan niyang apat na taon nang patay ang kanyang kapatid, at wala siyang ideya tungkol dito, at hindi rin ito ipinaalam sa kaniya ng mga kamag-anak nila. Kaya naman, nag-imbestiga siya tungkol sa nangyari sa kanya. Marami ang nagsasabi na ito ay nagpakamatay, ngunit naniniwala siya na hindi kailanman iisipin ni Clara na magpakamatay, at sa tingin niya ay kusa siyang pinatay. Hindi siya tumigil sa paghahanap at pagresolba sa krimen hanggang sa napagtanto niyang may tatlong lalaki na hinihinalang pumatay sa kanyang kapatid. Pero hindi lang sila ordinaryong tao na pwedeng lapitan at kausapin. Kaya, ang tanging naiisip niya ay ang pasukin ang kanilang misteryosong buhay. Plano niyang akitin ang tatlong lalaki na alamin ang katotohanan sa likod ng biglaang pagkamatay ng kanyang kapatid. Magtatagumpay kaya siya sa kanyang mga plano kung malalaman niya kung gaano kadelikado ang mga taong haharapin niya, o magagawa ba niyang itago ang tunay niyang pagkatao nang hindi nahuhuli ng mga ito?
Romance
6.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status