Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
CEO'S MAFIA HEIRESS

CEO'S MAFIA HEIRESS

Isang mafia heiress. Isang batang CEO. Isang lihim na misyon. Si Margarette “Blue Rose” Zobel ay bihasa sa lahat ng paraan ng laban—mula sa martial arts hanggang sa diskarte sa mundo ng krimen—pero ang pinakahuling utos ng kanyang ama ay magbantay sa anak ng isang batang CEO na pinaghihinalaan nilang may kinalaman sa pagkawala ng mahalagang shipment. Sa bawat galaw at desisyon, unti-unti niyang natutuklasan ang katapatan, tapang, at puso ng taong dati niyang kinamumuhian. Ngunit sa mundong puno ng intriga, pagtataksil, at lihim, ang kanilang galit at pagdududa ay unti-unting napapalitan ng pagnanasa at pagmamahal. Sa pagitan ng aksyon at pag-ibig, sino ang mananaig—ang tungkulin o ang pusong hindi inaasahan? Sa bawat hakbang na kanilang tatahakin, matutuklasan nilang minsan, ang pinakamalaking panganib ay ang mahalin ang taong dapat sanang labanan.
Mafia
89 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife

Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife

Dahil sa kalasingan ay nagpresenta ang sekretarya'ng si Katherine Garcia na maging contract wife ni Cain Vergara, Presidente ng kompanyang pinagtatrabahuhan. Sa loob ng dalawang taon ay nanatiling lihim ang kanilang kasal... hanggang sa mabuntis si Katherine. Kasabay nito ay ang pagbabalik ng dating nobya ng asawa, si Margaret. Nagpasiya si Katherine na tapusin na lamang ang kasunduan sa pagitan nila ng asawa dahil doon din naman sila hahantong. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Hanggang isang aksidente ang muntik ng ikapahamak ng bata sa kanyang sinapupunan. Dahil sa pangyayaring iyon ay tuluyan niyang iniwan si Cain. Muling nagkrus ang kanilang landas sa mismong araw ng kanyang kasal kung saan ay halos magwala at mabaliw ito. "Bakit ka magpapakasal sa iba, Katherine? Akin ka lang at ako lang ang kikilalaning ama ng anak natin."
Romance
9.2809.0K viewsOngoing
Show Reviews (52)
Read
Add to library
Antonette Auditor
maganda ang takbo ng story sa umpisa pero after ng divorce nla at habang tumatagal yung plot twist paulit ulit nawawalan na ng dignity yung character ni katherine tapos ang obsession ni cain parang hindi na angkop sa character nya as a president ng company na iginagalang.
Love Garcia
bakit parang ang pangit ng kwento ang gulo tska namatay kaybigan ni katherine.. lalong pumangit kce wala na sya ibang makaksama tska lalong gumugulo at nag papalala sa relasyon nila mag asawa paulit ulit na lang ung lagi nilang pag aaway
Read All Reviews
Glimpse of Loving You

Glimpse of Loving You

sachtych
Siya si Kellissa Elarque. Labing walong taong gulang na estudyante na nag-aaral ng kursong Business Administration sa isang unibersidad. Scholar na Bayan. Breadwinner ng kanyang pamilya. Bukod sa pagiging isang matalinong estudyante, marami ang nabibighani sa taglay niyang ganda sa kabila ng laging suot nitong may kalakihan na puting t-shirt at leggings na pinaresan ng lumang itim na rubber shoes. Binansagan pa ang dalaga bilang "Beauty and Brains" ng kanilang department. Tahimik lamang itong estudyante at tila ba walang pakielam sa paligid. Ngunit nagbago ang lahat sa takbo ng buhay niya simula nang buksan niya ang kanyang puso sa isang Cayden Guerrero. Ang isang sikat na basketball player na tinaguriang "King of Court." Isang binata na epitome ng "Tall, dark and handsome". Na para bang isang ngiti lang niya ay kaya nitong patibukin ang puso ng kahit sino man. Tama nga ba ang naging desisyon niya na bigyan ng pagkakataon ang binata o magiging sanhi lamang ng pagguho ng mundo niya?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
He’s Not The Father!

He’s Not The Father!

Tearsofpaige
Sa unang pagkakataon, si Donna Oraiz na isang byente-dos anyos na pinakainiingatan ng pamilyang Oraiz ay nakagawa ng ikinaguho ng kanilang pamilya. Nabuntis siya bago pa man sila ikasal ng kaniyang fiance at ang masaklap pa ay hindi ito ang ama ng kaniyang dinadala. Disappointment, disbelief, disgusts, at unworthiness ay kaniyang naranasan buhat noong nangyaring iskandalong binigay niya sa kaniyang pamilya at sa pamilya ng kaniyang fiancee. Pinalayas siya ng kaniyang mga magulang at nakatanggap pa ng mga masasakit na salita mula sa kaniyang pinakamamahal na fiance. Sa panahong lugmok na lugmok siya at walang makakapitan, dumating naman si Clive Fabella na siyang nag-iisang tagapagmana ng Fabella’s Legacies. Ang malamig at walang-pusong si Clive ay naging tahanan ni Donna, ang kaniyang sandigan. Matapos ang lahat ng kaligayahan at sakripisyong pinagsaluhan nilang dalawa, paano nila haharapin ang mga pagsubok na nagmamadaling putulin kung anuman ang namamagitan sa kanila? Makakaasa kaya si Donna sa mga bisig at pangako ni Clive kahit na ang katotohanan ay hindi ito ang ama ng bata?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Signed with Lust

Signed with Lust

"Hindi tinta ang ginamit nya sa kontrata, kundi isang sandata na kasinungalingan ang dala" DISCLAIMER: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang. Naglalaman ito ng mga tema ng pagtataksil, sakit, emosyonal na tunggalian, at sekswal na nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay nakalaan lamang para sa mga mambabasang nasa wastong gulang. Magbasa nang may bukas na isip at sariling pag-unawa. Copyright Notice: Lahat ng nilalaman sa akdang ito, kabilang ang mga tauhan, plot, at kabuuang istorya, ay orihinal na likha ng may-akda. Ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya, pag-aangkin, pagbabago, o distribusyon ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda. Ang paglabag ay maituturing na pagnanakaw ng intelektwal na ari-arian at maaaring humantong sa legal na aksyon. Plagiarism Warning: Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagkopya ng akdang ito sa anumang anyo—printed man o digital—nang walang paunang pahintulot. Respeto sa orihinal na may-akda ang pinakamahalagang bahagi ng bawat likha.
Romance
248 viewsOngoing
Read
Add to library
Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him

Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him

Nang sandaling malaman ni Hiraya ang pagtataksil at pagsisinungaling ng kan’yang nobyo na si Jack sa kababata nitong si Rosamie, labis na nasaktan si Hiraya ng sobra tila ba nadurog ng pino ang kan’yang puso nang piliin pa ng kasintahan ang kababata nito kaysa sa kan’ya. Dahil sa epekto ng alak ay naglakas-loob siyang puntahan ang kwarto ng kaibigan ng kan’yang nobyo na si Reyko Takahashi, isang sikat at magaling na doktor sa buong Asya. Matapos ang mainit na gabing pagtatalik, alam ni Hiraya na sa mga mata ng lalaki ay isa siyang maruming babae at hitad na kumakapit sa iba’t-ibang lalaki. Pinulot ng lalaki ang mga damit niya at inihagis iyon sa kan’ya. “Umalis ka na sa kwarto ko.” Nagulat si Hiraya ng ihagis nito ang panty niya’t sapol na sapol iyon sa kan’yang mukha. “Naiwan mo. Too cheap, it's not worth it to keep it.” Halata sa boses ng binata ang pagka sarkastiko at panunuya.
Romance
1013.3K viewsOngoing
Read
Add to library
She's Back

She's Back

Isang di inaasahang insidente ang tumapos sa kanyang buhay. Dahilan ng panghihinayang niya sa isang bagay na di niya nagawa. At isang sinserong pagdarasal ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik sa lupa. Sa kabila ng pagmamanipula ng isang Fallen sa kanyang muling pagbabalik, magawa niya kayang gawin ang bagay na di niya nagawa at mahanap ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik? O tuluyan siyang mahulog sa kamay ng Fallen?
YA/TEEN
103.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Merry me ,Mr.Montereal

Merry me ,Mr.Montereal

Haliyah
Nang dahil sa pag takas ni Summer sa araw ng kanyang mismong kasal, ay napad-pad siya sa lugar ng Maynila kung saan ni kahit sa panaginip ay hindi pa niya narating.Mabuti na lang at may kaibigan siyang maasahan na tumulong sa kanya para may matuluyan ng pansamantala. Nagtanong- tanong siya ng trabaho sa mga mayordoma sa bahay ng kaibigan nito. dalawang choices lang ang may'roon si Summer ang maging Maid o Isang Secretary ng isa sa pinaka mayamang negosyante sa syudad ng maynila ang kompanyang Montereal corp.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Accidental Wedding

The Accidental Wedding

Dahil sa maagang pagpapagawa ng last will and testament ng Daddy niya, hindi tuloy alam ni Autheia ano ang gagawin. Wala siyang nobyo paano niya mabibigay ang hiling ng Daddy niya na bigyan ito ng apo. Dahil hindi niya makukuha ang mana nilang magkakapatid hangga't hindi nila mabibigyan ng apo ang Daddy nila. Hindi lang apo, kailangan ay maikasal sila. Sa kaso ni Autheia wala pa sa isip niya ang mga bagay na iyon. Hindi pa niya natutupad ang pangarap niyang makapagpatayo ng sariling negosyo. Isang pangyayari ang nagpabago ng buhay niya, nang dumalo sila sa kasal ng pinsan ng kaibigan niyang si Qiana. Hindi sinipot ng bride ang groom na pinsan ni Qiana. At sa hindi inaasahan ay magkakilala pala ang Daddy ni Khrysaor at Daddy niya. Kaya naman humandong ang mga ito sa isang desisyon na ipakasal ang mga anak nila. Hindi lang para sa negosyo kundi parehong gusto ng mga magulang nila na magkaroon na ng apo. Mapapayag kaya si Autheia sa desisyon ng Daddy niya, o susuwayin niya ang gusto neto. Kilala niya ang lalaki pero isang beses lang niya nakausap ito noon, noong nag-aaral pa lang sila hindi niya alam ano ang ugali neto. Mas lalong nabahala siya sa dahilang iniwan ito ng bride niya sa mismong kasal neto. Baka may mas malalim itong dahilan. Matutuloy kaya ang planong kasal sa kanila o tatakasan niya na lang ito gaya ng ginawa ng dating bride ni Khrysaor.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

Sa loob ng tatlong taon, namuhay si Clarissa Montefalco sa ilalim ng anino ng kasinungalingan—isang simpleng babae sa paningin ng lahat, ngunit sa likod ng tahimik na anyo ay ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking business empires sa bansa. Minahal niya si Joaquin nang totoo, kahit pa hindi nito alam ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit sa pagbabalik ng babaeng mahal ni Joaquin, iniwan siya nito nang walang pasabi—pinahiya, sinaktan, at sinabihang siya pa ang pilit na humahabol. Hindi alam ni Joaquin na ang babaeng tinapakan niya ay may kapangyarihang baguhin ang buhay ng kahit sinong lalaki… kabilang na siya. Sa muling pag-uwi ni Clarissa sa Maynila upang pamunuan ang kompanyang iiwan ng kanyang ina, hindi niya inaasahang makikilala niya si Luis Antonio Dela Cruz—ang pinsan ng kanyang matalik na kaibigan, at isang lalaking may sarili ring itinatagong yaman at lihim. Sa gitna ng sakit, isang gabing puno ng alak ang nagtulak kay Clarissa sa piling ni Luis. At sa isang hindi inaasahang kasunduan upang makaiwas sa mga piling asawa ng kanilang mga magulang, lihim silang nagpakasal. Ngayon, si Clarissa Montefalco ay hindi lamang isang tagapagmanang hindi kinikilala—isa na rin siyang asawa ng isang secret billionaire. At si Luis? Isang lalaking dumarating sa mga panahong hindi niya inaasahan, dala ang pag-ibig na kailanman ay hindi naibigay ni Joaquin. Ngunit handa ba si Clarissa na magmahal muli, o mananatili siyang bihag ng sakit ng nakaraan?
Romance
1023.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status