Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo

Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo

Suplada Ako, Pero Hindi Ko Sinasadyang Mahulog Sa’yo Si April Ivy Lozano ay eksperta sa pagiging suplada—may mga mata na kayang patayin ka sa isang tingin at mga salita na kayang magpawala ng gana kahit sa pinakamagaling na manliligaw. Sa kabilang banda, si Dominick Elite ay isang professional bolero—flirt sa lahat, charm sa lahat, at walang balak sa kahit anong seryosong relasyon. Para kay April Ivy , si Dominick ay parang virus: nakakaaliw pero dapat iwasan. Pero paano kung sa bawat biro, bawat pa-flirt na linya, at bawat “oops, hindi ko sinasadya” moment, unti-unti niyang natutuklasan… nahuhulog na pala siya sa isang bolero?
Romance
9.92.1K viewsCompleted
Read
Add to library
ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN

ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN

Isang salitang “diborsyo” ang wawasak sa pitong taong kasal ni Mariel Benning. Sa loob ng isang iglap, ang asawang si Billie Walter—ang lalaking minsang nangakong “habambuhay”—ay humiling ng kalayaan para pakasalan ang ibang babae: si Vicky Singson, ang babaeng sinasabing may anim na buwang taning ang buhay. Habang pinupuri ng mundo si Vicky, unti-unting naglalaho si Mariel sa mga anino ng kasinungalingan. Ngunit sa ilalim ng kanyang katahimikan, may lihim siyang tangan—isang lihim na mag payanig sa lahat. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti—isang kwento ng babaeng iniwan, ngunit hindi natalo. Dahil kapag ang puso’y minsang sinugatan, matututunan nitong tumibok muli—hindi para sa iba, kundi para sa sarili. “Hindi ko kailangan maging perpekto para manatili ka. Pero sa pag-alis mo, doon ko natagpuan kung sino talaga ako.”
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Si Alexandria Saavedra— Maangas. Basagulera. Walang trabaho. May bisyo. Matigas pa sa adobe ang puso. Higit sa lahat, galit sa mundo. Lalo na sa sariling amang ginamit lamang siya para sa pansariling pangangailangan... Hanggang ang magulo niyang mundo ay binulabog ni Heiz Mikael. Isang binatang basta na lamang sumusulpot sa t'wing nasa panganib ang kanyang buhay. Sa pagdating ni Heinz sa kanyang buhay, 'di inaasahan ni Alexandria na pati na ang nananahimik niyang puso ay ginulo ng binatang ito. . . Sa unang pagkakataon, ang pusong niyang kasintigas ng adobe ay napalambot nito. Subalit isang araw, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang biglang pagsulpot nito sa kaniyang buhay...
Romance
1025.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Mafia Series I: Cigarettes After Sex

Mafia Series I: Cigarettes After Sex

Isang babae na pilit pinag-aagawan ng magkapatid. Buong akala ng kanilang magulang na isang disente at nakapag-aral ang babaeng kinababaliwan ng kanilang anak. Ngunit isa itong bayarang babae na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan sa White Coast Stripper’s Club. Maria, tunay na mahinhin ang itsura ngunit may nakakaakit na labi at mga mata na pumukaw kay Victor at Vladimir. Dalawang binata mula sa bigating pamilya sa Pilipinas ngunit magkaiba ang pananaw sa buhay. Tila nag-iisang babae sa mundo ang turing kay Maria kung pag-agawan siya ng dalawang magkapatid na handang magpakamatay para sa kanya. Pero paano kung nagpakabulag si Maria sa pera at tunay na tinalikuran ang lalaki na kaya siyang mahalin kahit may pagkukulang ito sa pera? Pagsisihan niya ba ito, o ito ang hudyat upang mailagay ang buhay niya sa peligro?
Romance
1071.5K viewsCompleted
Show Reviews (24)
Read
Add to library
Lauv Lany
I have read a lot of stories here pero this one's captivating, that I'm too excited what's gonna happen next. Really a good read - the plot, it's twists and turns, the characters, and all. Keep it up. Looking forward for more updates, and more stories to read from you, Author.
Mharieyah Mhaeyou
isa na naman ito sa mga gawa ng manunulat na hindi nakakasawa at nakakaumay basahin. Hindi makompleto ang araw na hindi ito mababasa.. naging parte na rin ng buhay ng mambabasa ang pangalang Vic,Maria at Vlad
Read All Reviews
Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18)

Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18)

Blurb: Pakiramdam ni Graeson Santillan, may kulang pa sa sarili niya kaya hindi niya magawang magseryoso sa buhay. Kaya hinanap niya ang sarili niya. Nilibang din niya ang sarili sa mga babae, bar hopping, car racing at iba pa. Pero gano’n pa rin ang pakiramdam niya kaya nagdesisyon siyang sumama sa kaibigang si Isagani pauwi ng probinsya, baka sakaling mahanap niya ang sarili doon. Hindi niya akalaing magiging wild ang unang gabi niya sa bayang iyon. Isa yata iyon sa hindi niya malilimutang karanasan. Pero minalas siya dahil basta na lang siya iniwan ng babaeng nakaniig na nagngagalang Beth. Hindi pa naman niya nakita nang malinaw ang totoong itsura nito. Hinanap niya ito ng mga sumunod na araw pero walang nakakakilala sa kanya. Saka naman dumating sa buhay niya ang Ate Athena ni Isagani, na matanda sa kanya ng anim na taon. Ginulo din nito ang naguguluhang puso niya, na mas lalong nagulo nang makatanggap siya nang balita tungkol kay Beth…
Romance
1045.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Naughty Boss

Naughty Boss

Theresa Clarita
Sonya is not your typical woman. Hindi siya nagsususuot ng mga damit na sexy, hindi rin siya nag-aayos ng sarili. Manang at Baduy kung tawagin. Madalas din siyang hindi natatanggap sa mga ina-applyan na trabaho dahil sa itsura at pananamit niya kaya naman laking tuwa niya ng may isang tumanggap sa kanya. Ang akala ni Sonya ay magiging normal na ang pag-ikot ng kanyang mundo. But despite of being Manang and Baduy, her boss began to show actions that he's beginning to likes.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage: Marrying The Gentle Billionaire

Contract Marriage: Marrying The Gentle Billionaire

"Are we getting married for real?" Dahil sa hirap ng buhay, walang ibang solusyon si Zia Wisley kundi maghanap ng mayamang lalaki. Bagamat hindi problema sa kaniya ang itsura, inaasahan niyang matandq at matabang lalaki ang kaniyang papakasalan ngunit malayo si Christian Vandelmor sa kaniyang inaasahan. Isa siyang bilyonaryo at tila naghahanap din ng babaeng magpapanggap bilang asawa niya. Magiging matagumpay kaya sila sa mga personal nilang plano? Hanggang kailan kaya magkakabisa ang kanilang kasal kung ganoong may kontrata silang kailangang sundin.
Romance
793 viewsOngoing
Read
Add to library
Married to Ugly Woman

Married to Ugly Woman

Pinakasalan ni Andrew si Hannah dahil sa palugi na ang kanilang kumpanya. Napabayaan niya ito dahil sa pagkaaksidente na nangyari kay Ashley. Hindi akalain ng lalaki na ang mapapangasawa niya ay kabaliktaran ng itsura ng kanyang Girlfriend na si Ashley. Samantalang nagpapanggap lang pala si Hannah na pangit para malaman kung ano ang tunay na ugali ni Andrew. Dahil sa napilitan silang magpakasal ay hindi matanggap na isang pangit ang kanyang Asawa. Ano kaya ang magiging buhay ni Hannah sa kamay ng lalaki? Paano niya pakikitunguhan ang ang lalaki kung nandidiri ito sa kanya?
Paranormal
8.713.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Best of Me

The Best of Me

Si Veronica ay isang simpleng babae na buong buhay ay inilaan sa pag-aalaga kay Nanay Belen at sa kanyang kinakapatid na si Barbara. Si Barbara ay maganda, matalino, at palaging nakukuha ng gusto niya, ngunit sa likod ng kanyang perpektong imahe ay isang spoiled brat na sanay sa pagmanipula ng mga tao. Habang nag vi video call si Veronica sa kanyang boss na half-Filipino, half-Italian na si Anthony Rossi ay agad niyang napansin ang kagandahan ni Barbara. Nabighani ito kaya't dali daling pumunta ito ng Pilipinas bitbit ang kanyang 6 years old na anak na si Bianca at ang kanyang pilipinang ina upang kuning magmodelo ng kanyang merch at magtayo na din ng kumpanya. Inisip niyang seryosohin ang pakikipag relasyon nito ngunit nang masaksihan niya kung paano nito tratuhin ang sariling ina, naisip niyang hindi ito ang babaeng para sa kanya. Nang magkaroon ng problema si Bianca sa eskwelahan, napagtanto ni Anthony na kailangan nito ng isang maternal figure. Sa isang praktikal na desisyon, inalok niya si Veronica ng isang kasunduang kasal—hindi para sa pagmamahal kundi para samahan si Bianca. Ngunit sa kabila ng kasunduan, isang damdaming hindi nila inaasahan ang unti-unting umusbong dahil sa kabila ng ka walang personalidad na itsura sa panlabas ng assistant ay may nakatago itong ganda at higit sa lahat-mabuti itong tao. Nang malaman ni Barbara ang tungkol sa kasunduan, gumawa ito ng eksena—sinaktan ang sarili at muntik nang kitilin ang sariling buhay. Sa gabing dapat ipagdiwang ang engagement nina Veronica at Anthony, isang rebelasyon ang yumanig sa kanilang mundo—buntis si Barbara, at si Anthony ang sinasabing ama. Totoo kaya ito? O isa na namang kasinungalingan upang wasakin ang kanilang pag-iibigan?
Romance
356 viewsOngoing
Read
Add to library
Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Ang aking asawa ay isang air traffic controller. Sa aming mga nakaraang buhay, ang aking anak na babae ay inatake sa puso nang ang flight na aming sinasakyan ay humarap sa isang bagyo. Nakipag-ugnayan ako sa aking asawa sa control tower para maghanda ng priority landing. Kasabay nito, bumagsak ang kabilang flight na sinasakyan ng soul mate ng asawa ko matapos tamaan ng kidlat. Ang aking asawa ay kumilos nang normal pagkatapos ng insidenteng iyon. Gayunpaman, nang maglaon sa kaarawan ng aking anak na babae, ikinulong niya ang aking anak na babae at ako sa bahay, at kami ay sinunog hanggang sa mamatay. "Kung hindi ka nagrequest ng priority landing, hindi sana bumagsak ang flight ni Kelly! Sa tingin ko ay wala namang problema sa anak mong babae. Ginawwa mo lang yun dahil sa selos mo para kay Kelly, ikaw ang rason ng pagkamatay ng ilang daang mga inosenteng buhay.” Ang aking anak na babae at ako ay hindi nakatakas, kami ay namatay nang kakila-kilabot. Sa susunod na pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa araw na ang aking anak na babae ay inaatake muli sa puso. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang nadiskonekta ng asawa ko ang tawag ko sa control tower. Gayunpaman, nang malaman niyang namatay ang aming anak na babae dahil sa atake sa puso, nabaliw siya.
Short Story · Romance
767 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1516171819
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status