Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Playboy's Heart

A Playboy's Heart

msidlemind
Some people says life is easy. But in Blaine's belief life is never been easy for those who dream. Life is a journey that must be traveled no matter how bad the roads and accommodations because life doesn't get easier it only makes you more stronger to conquer difficulties. Nang makapagtapos ng second year college si Blaine Cammie Montes ay napagpasyahan nitong huminto muna sa pag-aaral para makapag-ipon at makabayad sa utang ng kan'yang mga magulang. Nakapasok s'ya bilang isang kasambahay sa isang kilalang Senator. Naging maganda ang naging trabaho niya. Ngunit paano kung alukin siya ni senator na maging personal maid ng kanyang anak na lalaki, tataasan ang sahod at pag-aaralin ito. Ang kapalit lamang ay maging mabuti at tapat sa trabaho niya pero hindi niya man lamang ito kilala. Tatanggapin niya ba ito o hindi? May magbabago ba o wala?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally Married To A Billionaire’s Son

Accidentally Married To A Billionaire’s Son

Sa isang marangyang party kung saan alak ang hari at kasiyahan ang batas, nagtagpo sina Megan Anastasia Davis at Primo Rafael Giovanni—isang simpleng babae at isang bilyonaryong sanay sa luho. Sa kalasingan at kapusukan, nadala sila ng laro ng tadhana—isang “pekeng” kasal na tinawanan lang nila noon. Pero paggising nila kinaumagahan, isang legal at totoong marriage certificate ang bumungad sa kanila. Kasado. Pirmado. Walang atrasan. Gulat. Panic. Hindi makapaniwala si Megan. Paano siya napasok sa isang kasal na hindi niya ginusto? Ngunit hindi doon nagtatapos ang gulo. Habang pilit niyang hinahanap ang paraan para makawala, isang mas malalim na sikreto ang kanyang nadiskubre—si Primo ay engaged na pala sa iba! Isang arranged marriage na matagal nang planado, pero hindi niya kailanman ginusto. Ngayon, may isang babaeng lumalaban para sa lugar niya bilang legal na asawa. May isang pamilyang nagdidikta ng kapalaran ni Primo. At may isang pusong unti-unting nahuhulog, kahit na pilit lumalaban. Tatakas ba si Megan mula sa isang pagkakamaling naging totoo? O haharapin niya ang laban para sa lalaking hindi niya inaasahang mamahalin? Samantala, si Primo—mananatili ba siya sa buhay na pinili para sa kanya? O pipiliin niya ang babaeng aksidenteng dumating pero hindi na niya kayang pakawalan?
Romance
1010.3K viewsOngoing
Read
Add to library
MR. ALCAIN THE GREAT WOMANIZER

MR. ALCAIN THE GREAT WOMANIZER

Angel
Dalawang taong pilit na tinatago ang tunay na nararamdaman, hangang sa di inaasahang pangyayari muling pinagtagpo ang kanilang mga landas. Ngayon paano ipapaliwanag ni Dian kay Fred na nagkaroon sila ng anak matapos ang gabing pinagsaluhan nila anim na taon ang nakalipas.Ano ang gagawin ni Fred para matanggap siya ng kaniyang anak na hindi siya tanggap biglang tatay nito at ano ang gagawin niya kung isang araw dahil sa kagaguhan at pambabae niya ay may bigla nalamang lalapit sa kaniya upang alukin siya na pakasalan ito sapagkat buntis ito at siya ang ama. Paano nila ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan gayong magkakaanak na naman si Fred sa ibang babae. Matatangap ba ni Dian na maging pangalawa na lamang sila ng kaniyang anak sa buhay ni Fred o lalayo siya para hanapin ang lalaking para sa kaniya, at paano kung muli na naman pagtagpuin ng tadhana ang kanilang mga landas, paano kung muli na namang nabuhay ang kanilang nararamdaman para sa isat isa. Magkakaroon na ba sila ng happy ending o may sisira na naman sa happy ending na hinahangad nila?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Sight of Soul

Sight of Soul

ferocéarcadiaSuperpowerDrama
The future can't be seen, pero sa kaso ni Percy ay hindi para sa kanya ang kasabihang iyon nang mangyari ang isang kakatwang aksidente sa pagitan nila ni Luke—isang estranghero. Hindi akalain ng dalawa na magkakaroon sila ng isang matibay na pisi na magkokonekta sa kanilang pagkatao, na walang anu-ano'y nababalutan na ng misteryo. Makakabalik pa nga ba sila sa kani-kanilang pagkatao o tuluyan nang babalutin ito ng kadilimang hatid ng isang 'di-kilalang nilalang.
Fantasy
103.5K viewsCompleted
Read
Add to library
A Wife's Tears: Billionaire Scoundrel Husband's Regrets

A Wife's Tears: Billionaire Scoundrel Husband's Regrets

MISERABLE WIVES CLUB SERIES #1: Bigla na lang nag-aya ng divorce si Kaia kay Bastian noong panahong naghihirap siya. Ang dahilan nito? Mahirap si Bastian at may minamahal nang ibang lalaki si Kaia. Galit ang namuo sa puso ni Bastian sa pagiging walang puso ng babaeng minamahal at pinangakong gaganti siya rito sa hinaharap. Makalipas ang limang taon, nagkrus muli ang landas nila. Si Bastian, bilang isang matagumpay na CEO ng AA World Group of Companies habang si Kaia, mula sa pagiging anak mayaman ay nahulog sa pedestal at nauwi sa pagiging waitress na lang sa isang nightclub. Ginawa ni Bastian ang lahat ng pinangako niya sa sarili, mahal man si Kaia, mas matindi ang galit niya rito. “Kaye, we can't go back to the past. My hatred for you won't stop even if you die.” Ngunit nang maubos si Kaia sa lahat ng pananakit ni Bastian sa kanya at nawalan ito ng hininga, doon napagtanto ni Bastian na mas malalim pala ang pagmamahal niya sa asawa kaysa sa galit niya at mas matimbang ang pagsisisi kaysa sa kamatayan. “Kaye, matagal na kitang pinatawad dahil ang pagmamahal ko sa ‘yo, parang hininga. Hindi matitigil. Ako dapat ang nawala… kapag namatay ba ako, maibabalik ko ba ang buhay mo?”
Romance
107.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Married To A Billionaire Beast

Married To A Billionaire Beast

“What did you do to me?!” Galit na galit ang boses ng lalake, mababa at matalim. Nag-panic si Katrice. Hindi niya alam ang nangyayari. Hawak pa rin ang kanyang leeg, napailing siya at pilit nagsalita, “A-Ako, wa-wala po akong ginawa... H-hindi ko alam…” Bigla siyang binitiwan. Pero hindi pa siya nakakahinga nang maayos, naramdaman na lang niyang hinawakan siya sa bewang at idinikit sa katawan ng lalake. Mainit ang balat nito, parang may lagnat, at sobrang lapit nila sa isa’t isa. Nang magsalita ang lalake, halos dumikit sa balat niya ang mainit na hininga, “Binibigyan kita ng pagkakataon. Itulak mo ako. Lumabas ka dito.” Napamulagat si Katrice. Pinalalabas niya ako? Hindi ba siya kuntento? Iniisip ba niyang hindi ako interesado? Pero hindi siya puwedeng umalis. Hindi para sa sarili niya—kundi para sa kapatid niya. Wala na siyang karapatang mag-inarte pa. Nandito na siya. Wala nang atrasan. “Hindi ako lalabas. Tonight… I’m yours,” mahinang bulong niya.
Romance
8.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Miren's Blood

Miren's Blood

Isang simpleng College Student at hindi naniniwala sa bampira, werewolf at iba pang lamang lupa si Miren. Para sa kanya isa lamang itong guni-guni o kathang-isip na lamang ng mga tao. Hindi siya naniniwala sa mga iyon. Nagbago ang lahat ng malaman niyang tinakda siyang maging katipan ng susunod na hari sa mundo ng mga bampira. Papayag ba siya ikasal sa Hari ng mga Bampira o gagawin niya lahat para maputol ang nasa propesiya.
Fantasy
106.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Only Love

My Only Love

Re-Ya
Isang ubod lalim na paghinga ang ginawa ni Anya bago inilibot ang tingin sa kanyang paligid. Pagkatapos ay sinuot niya ang de- kulay na salamin sa mata. Sinukbit ang signature na shoulder bag at maingat na hinila ang katamtamang maleta. Marahan siyang naglakad palabas ng paliparan. Dalawampu’t taon ang lumipas ng lisanin niya ang bansang Pilipinas para manirahan sa Amerika. Baon ang labis na hinagpis at pagkabigo sa pag-ibig ay nakipagsapalaran sya sa ibang bansa. Kaya naman ngayon sa muling pagtapak ng kanyang mga paa sa bansang kanyang tinakasan ay may kung anong pakiramdam sa dibdib niya ang hindi niya sukat mawari. Isa lang ang sigurado si Anya naroon pa rin ang bigat sa puso niya. Tila nanariwa ang pighati na dulot ng nakaraan. May butil ng luha na gustong bumukal sa sulok ng kanyang mga mata. Agad niyang pinawi iyon at pinuno ng hangin ang nagsisikip na dibdib. Mayroon siyang mahalagang pakay sa kanyang pagbabalik. Iyon ay ang lalaking kanyang inibig ng wagas subalit nagawa niyang talikuran. Subalit lagi na’y naroon ang katanungan sa isip niya. Kaya ba niya itong harapin? Handa ba siyang anihin ang poot at galit ni Clark sa kanilang muling pagtatagpo? Pagka’t ang tingin na ng lalaki sa kanya ay isang talusira.
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire

Deceived by the Millionaire, Reborn for the Trillionaire

Nagtaksil sa akin ang taong pinili kong mahalin—ang aking asawa—at ang matalik kong kaibigan. Sinasabi ng lahat, ngunit nagbulag-bulagan ako. Pinili kong manahimik at maniwala sa kasinungalingan. Ang katigasan ng ulo kong iyon ang naging kapalit ng aking buhay. At sa huli, inangkin nila ang lahat ng aking pinaghirapan at iniwan. Ngunit hindi doon nagtapos ang aking kwento. Binigyan ako ng tadhana ng panibagong buhay—isang pagkakataong wala na ang dating saya, ngunit puno ng iisang layunin: paghihiganti. Sa bagong buhay na ito, mas pinili kong lapitan ang kanyang pinsan—isang ruthless businessman. Mas pinili kong danasin kung ano man ang bago kong kapalaran sa kamay ng kanyang pinsan na iniiwasan niyang maging katunggali sa anumang bagay. "What are you doing with my condoms?" "Bakit ka nandito? Akala ko ba ayaw mong makisama sa akin sa iisang kwarto? Saka pwede ba, magdamit ka!" “It’s my room, so I can do whatever I want. I’ll sleep without clothes, I’ll walk around however I like… and if you happen to look at my body, I won’t stop you. After all…I'm your husband.”
Romance
681 viewsOngoing
Read
Add to library
Through the Waves of Tomorrow

Through the Waves of Tomorrow

Ririmavianne
Hindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtatagpo, may mabubuo nga bang pag-iibigan kung nagsimula lamang ang lahat sa kasinungalingan? Saksi ang alon sa mga nangyaring karahasan sa nakaraan. Ngunit sa pagsira sa kasulukuyan, anong mangyayari sa bukas na inaasahan? How can a spark of love survive over deep-seated hatred, life-altering decisions, and a desire for vengeance? Sa tabing dagat nagsimula ang lahat, doon nga rin ba magtatapos?
Romance
104.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status