MISERABLE WIVES CLUB SERIES #1: Bigla na lang nag-aya ng divorce si Kaia kay Bastian noong panahong naghihirap siya. Ang dahilan nito? Mahirap si Bastian at may minamahal nang ibang lalaki si Kaia. Galit ang namuo sa puso ni Bastian sa pagiging walang puso ng babaeng minamahal at pinangakong gaganti siya rito sa hinaharap. Makalipas ang limang taon, nagkrus muli ang landas nila. Si Bastian, bilang isang matagumpay na CEO ng AA World Group of Companies habang si Kaia, mula sa pagiging anak mayaman ay nahulog sa pedestal at nauwi sa pagiging waitress na lang sa isang nightclub. Ginawa ni Bastian ang lahat ng pinangako niya sa sarili, mahal man si Kaia, mas matindi ang galit niya rito. “Kaye, we can't go back to the past. My hatred for you won't stop even if you die.” Ngunit nang maubos si Kaia sa lahat ng pananakit ni Bastian sa kanya at nawalan ito ng hininga, doon napagtanto ni Bastian na mas malalim pala ang pagmamahal niya sa asawa kaysa sa galit niya at mas matimbang ang pagsisisi kaysa sa kamatayan. “Kaye, matagal na kitang pinatawad dahil ang pagmamahal ko sa ‘yo, parang hininga. Hindi matitigil. Ako dapat ang nawala… kapag namatay ba ako, maibabalik ko ba ang buhay mo?”
Lihat lebih banyakChapter 1
NAGSINDI ng sigarilyo si Bastian, nakasandal sa ulunan ng kama habang dahan-dahang bumuga ng usok.
Nanginginig ang boses ni Kaia sa pag-iyak, habang nakabitin ang mga luha sa kanyang mahahabang pilikmata. "Mag-divorce na tayo."
"Kaye, do you know what you're saying?"
"...Pasensya na, may mahal na akong iba. Hindi ko na kaya ang buhay na mahirap, Basty. Tama na, maghiwalay na tayo."
Namutla at halos mawalan ng kulay ang mukha ni Kaia, kita sa mata ang sakit at ang labi niya na namaga sa halik ng lalaki ay bahagyang nanginig.
Magkatabi sila sa kama ngunit nang mapansin ni Bastian na may mali sa kanya, doon na ito nagtanong. At iyon nga ang lumabas sa bibig ni Kaia. Gusto niyang maghiwalay sila. Sa sandaling iyon, parang pinitpit ang puso niya.
Mahal na mahal niya si Bastian, higit pa sa sarili niya. Pero sa huli, nauwi rin sila sa ganito...
Tahimik na tumalikod si Kaia, habang walang tigil ang pagbagsak ng mga luha niya. Tahimik lang din na nakaupo si Bastian sa tabi ng kama. Napaso na ang daliri niya sa sigarilyong hawak, pero parang hindi niya ramdam.
Parang isang siglo ng katahimikan ang lumipas. Saka si Bastian nagsalita sa paos at nanginginig na boses. "...Mabait ba siya sa’yo?"
"Mabait na mabait."
"O-Okay, then I'll be at ease."
"Sorry..."
Habang nakatingin sa papalayong likod ni Bastian habang sakay ito ng wheelchair, para bang hinihiwa ang puso ni Kaia. Tinakpan niya ang kanyang bibig at ilong at humagulgol.
Gusto na sana niyang sabihin kay Bastian na hindi siya nagmahal ng iba at na may anak siya sa lalaki.
Pero bumagsak na ang kanyang ama at nasira na ang buong pamilya nila. Paano niya madadamay si Bastian sa bigat ng problema nila? Hinding-hindi niya isasama sa paghihirap si Bastian… kahit pa kamuhian siya nito.
*
Limang taon ang lumipas, nakaupo si Kaia sa isang sulok ng hotel box, tahimik.
Bumalik sa isipan niya ang lahat ng alaala, parang rumaragasang tubig. Pagpasok ni Bastian sa box kasama ang isang babae, halos lahat ng tao ay agad na lumapit para bumati.
"Pasensya na. Na-late ako dahil may inaasikaso."
Malumanay na sabi ni Bastian sa gitna ng mga papuri ng mga tao.
Hindi pa siya tapos magsalita, may sumagot na agad.
"Busy talaga si Mr. Alejo ngayon. Akala nga namin hindi ka na darating."
May mga taong gusto ng kasiyahan kaya sumigaw.
"Kompleto na ba lahat? Paano kung pasayawin natin ang anak ng mayor para pampasigla?"
Tumaas ang kilay ni Bastian, umupo sa gitna at hindi nagsalita.
"Kaia, narinig ko marunong ka ring mag-pole dance. Nandito si Mr. Alejo, baka pwede mong ipakita sa amin?"
"Sige na! Sayaw ka!"
Sa harap ng kantyaw ng mga tao, hindi maitago ni Kaia ang kahihiyan.
Pinagdikit niya ang kanyang mga labi, bahagyang nakayuko ang balikat, at halata ang lungkot sa katawan niya.
Habang tinitingnan siya ng mga tao na may awa o aliw. Lalong namutla ang mukha niya.
Kung wala lang si Bastian doon, baka nakaya pa niyang bale-walain ang tingin ng mga tao.
Pero...
Si Bastian, ang lalaking iniwan niya noon ay nakatingin ngayon sa kanya na parang nanonood ng isang palabas.
Sa isip ni Kaia, siguradong tuwang-tuwa si Bastian na makita siyang ganito kaawa-awa.
Ang babaeng naka-red bodycon na katabi ni Bastian ay ngumiti para awatin ang mga tao. "Tama na siguro. Dapat kwentuhan na lang tayo, yun naman ang purpose ng alumni meeting. Tsaka, naka-skirt si Miss Quintos, hindi bagay sumayaw."
Pagkatapos niya magsalita, kinindatan pa niya si Kaia at ngumiti ng magiliw.
May lumabas na dalawang maliit na dimples sa pisngi niya.
Parehong-pareho kay Kaia.
"Mr. Alejo, sino siya?"
"Ipakikilala ko, si Roxanne Lombart, ang fiancé ko." Sabi ni Bastian habang nakaakbay kay Roxanne, kalmado at languid ang kilos.
Nang malaman ni Kaia na may fiancé na si Bastian, hindi na niya kayang magpanggap na walang nararamdaman.
Tumayo siya nang dahan-dahan at mahina ang boses na parang bulong, "May lakad pa ako, mauna na ako."
Ang totoo, kaya siya pumunta sa alumni meeting ay para makipagkilala kay Cooper Aguilar, isang lalaki na dalawang taon ang tanda sa kanya.
Lima taon na ang nakalipas mula nang bumagsak ang Quintos family at ang ama niya ay naging bilanggo.
Kamakailan, nalaman niya sa mga dati nilang tauhan na ang Aguilar family pala ang nagsumbong sa ama niya at ibinintang ang lahat ng kasalanan dito.
Kaya balak sanang lumapit ni Kaia kay Cooper Aguilar para mapag-usapan ang pagbawi sa kaso. Kaso, hindi nakapunta si Cooper Aguilar dahil may biglaang lakad. At mas nakakatawa, dumating si Bastian na dati ay nagsabing hindi pupunta.
"Kaia, bakit ka aalis agad?" Tanong ng kaklase niya.
"May emergency."
Nararamdaman ni Kaia ang tingin ni Bastian sa kanya, kaya medyo nanigas ang likod niya.
"Anong emergency? Sayang naman, ang tagal nating hindi nagkita."
"Tama!"
"Kung aalis ka, dapat uminom ka muna ng tatlong shot."
Wala siyang nagawa kundi inumin ang tatlong baso ng alak.
Hindi talaga siya malakas uminom, isang baso pa lang, medyo hilo na siya.
Ngayon tatlong baso agad.
Pakiramdam niya, lumulutang siya habang naglalakad, parang nakatapak sa bulak.
Sa loob ng box, nang makitang paalis si Kaia, nagbulungan agad ang mga tao.
"Kawawa naman siya. Dati siyang mayor's daughter, ngayon ganito, nauwi sa pagiging mahirap."
"Deserve niya naman."
"Ang malas lang niya. Pagkatapos nila mag-divorce ni Mr. Alejo, bigla siyang naging tagapagmana ng malaking kayamanan."
"Ganun talaga ang gulong ng kapalaran."
---
"May emergency sa kumpanya, mauna na ako."
Sabi ni Bastian habang tinitingnan ang hindi nakalapat na pinto, hindi interesado ang tono niya. Pagkasabi niya noon, ininom niya agad ang tatlong baso ng alak.
Paglabas niya ng hotel, nakita niya si Kaia na sumesenyas para mag-taxi.
Medyo malamig ang boses niya at dahil sa alak, paos ito nang bahagya habang umaalingawngaw sa dilim, "Dumating ka na rin lang, bakit ang bilis mong umalis?"
Lumingon si Kaia na gulat, tumingin mula kay Bastian papunta kay Roxanne.
"Rox, mauna ka na." Malamig ang tono ni Bastian, walang puwang para sa pagtanggi.
Tinaas ni Roxanne ang kilay, suot ang matataas na takong at sumakay sa isang pulang Ferrari.
Hindi na lumingon si Bastian at diretso siyang lumapit kay Kaia.
"Mr. Alejo, bakit po?"
Dahan-dahan na bumagsak ang mata ni Kaia sa kamay ni Bastian na nakahawak sa pinto ng taxi at marahan niyang pinagdikit ang labi niya.
"Hindi ba siya sumundo sa’yo?"
Diretsong tanong ni Bastian.
"Sino?" Medyo lutang na tanong ni Kaia.
Hindi niya alam kung sino ang naghahalo ng alak sa inumin niya kanina.
At dahil mababa talaga ang tolerance niya sa alak, agad siyang nalasing.
Noong una, naaalala pa niya na ex-husband niya ang kaharap niya, pero habang nakatitig sa mukha nito, nawala ang lahat ng iniisip niya.
Isa na lang ang bumubulong sa isip niya. Ang sexy ng kaharap niya...
Napakunot ang noo ni Bastian nang titigan siya nito, at may mabilis na dumaan na hindi maipaliwanag na emosyon sa mata niya.
Nakita niyang namumula ang pisngi at malalabo ang mata ni Kaia.
Bigla siyang umatras at humalukipkip.
"Anong problema? Ganito ka na ngayon sa kalsada? Nagpapapansin ka ba sa iba, Miss Quintos?”
***
"Yenna, okay ka lang?""Okay lang ako.""Nasan ka? Pupuntahan kita.""Nasa bahay ako ni Flint. Huwag kang pumunta.""Pinilit ka ba niya?"Agad siyang tumayo, nagbihis at lumabas, "Bastian, ihatid mo ako. Pupuntahan ko si Yenna.""Hindi niya ako pinilit. Gusto ko rin siya."Nakuha ni Yenna ang role na gusto niya, at may gusto rin siya kay Flint. Pero hindi niya matanggap ang lifestyle nito na puro inom at party.Ngayong gabi, tinanong lang niya ito kung bakit hindi siya sinagot kanina, pero sinigawan lang siya nito at lumabas."Totoo?"Huminto si Kaia, kalahating nagdududa."Oo, totoo.""E bakit umiiyak ka?""Hindi ako umiiyak. May sipon lang ako kaya barado boses ko."Nalilito si Yenna. Dati, hindi siya umaasa sa lalaki para sa future niya. Pero ngayon, parang totoong nahulog na siya kay Flint."Okay, magpahinga ka na."Pagkababa ng tawag, bigla niyang tinignan si Bastian nang masama. "Totoo ba ‘yung sinabi mo? Anong ginawa ni Flint sa kanya?""Paano ko naman malalaman...""E di tanun
Chapter 120"Ayokong magpa-check up." Ayaw ni Kaia na malaman ni Bastian na may malubha siyang sakit at malapit na siyang mamatay.Gusto niyang manatili siyang malusog at maganda sa paningin nito. Kahit umalis siya, gusto niya tahimik lang.Sabi nila, sa huling yugto ng sakit, sobrang pumapayat ang tao at dumaranas ng sobrang sakit sa iba't ibang bahagi ng katawan. Ayaw niyang masaktan si Bastian."Sumunod ka na lang." Hindi siya binigyan ni Bastian ng pagkakataong tumanggi.Matagal na niya itong pinag-isipan. Sinabi ni Kaia na nakita niya si Daniel kahapon, pero kahapon, bukod sa pagpunta sa ospital, abala siyang ayusin ang mga plano sa kumpanya.Ibig sabihin, malamang na nagkita sila ni Daniel sa ospital. Nagkita sila sa ospital. Anong nangyari at parang may tinatago si Kaia, na parang may hawak si Daniel laban sa kanya?Isang posibleng paliwanag—baka may sakit siya, o baka buntis. Kahit ano pa 'yon, hindi niya ito sasabihin kay Bastian."Mayumi, pwede bang huwag mo na akong itinata
Unconscious na si Cooper nang isakay siya sa kotse.Sa lagay niyang ‘yon, wala na siyang kakayahang iligtas ang sarili niya.“Baka hindi ako makauwi ngayong gabi. Uminit na masyado ang isyu, kailangan kong kontakin ang PR department para sa emergency na damage control.”“Mag-ingat ka.”Ang nasa isip ni Kaia, ngayong nailigtas na si Cooper, malamang kailangan na niyang umarte bukas at putulin ang engagement sa harap ng lahat.Isa na lang sa anim na taong nasa video ang hindi pa natatagpuan.Magaling daw magtago 'yung taong 'yon, at baka ni si Cooper ay hindi siya nakikilala.At tungkol sa video, malamang hindi na niya makukuha ‘yon.Sa sitwasyong ito, wala nang silbi ang kasal niya kay Cooper...Kinabukasan ng umaga, habang papunta sa ospital si Kaia, narinig niya ang balita na si Cooper ay pinaghihinalaang pumatay ng isang business partner.Kung mapapatunayan ito, posibleng mahatulan siya ng bitay.Para mailigtas ang Huanyu Group, pansamantalang tinanggal si Cooper bilang executive pr
Chapter 119Gloomy ang mukha ni Bastian at biglang lumamig ang aura niya.Tinulak niya si Daniel sa gilid at malamig na sinabi, "Kung ganun kalakas ang desire ni Mr. Daniel na umarte, bakit hindi ka na lang mag-perform sa National Theater?"“Wag mo siyang galawin!” Nagmamadaling lumapit si Daniel matapos makatanggap ng balita.Napatingin siya sa mga pasa sa binti ni Kaia na hindi masyadong natakpan, at mas lalo siyang nag-alala. “Okay ka lang ba? May masakit ba sa katawan mo?”Nahihiyang pinagkrus ni Kaia ang mga binti niya at mahina niyang sagot, “Mr. Daniel, ayos lang ako.”“Kailangan mo bang dalhin kita sa ospital?” Tanong ni Daniel, halatang takot na baka ma-trigger pa lalo ang lagay ni Kaia. Kita sa mga mata niya ang pag-aalala.“Hindi na, ayos lang ako.”Umiling si Kaia at palihim na kumindat kay Daniel, natatakot na baka masabi nito ang sikreto niya.Nakita ni Bastian ang buong eksena nila, at agad nawala ang magandang mood niya.Binuhat niya si Kaia at nilampasan ang tanong-ta
Pero ngayon, kahit tawagan pa niya si Bastian, hindi na ito aabot sa oras.Bahala na, kung talagang wala nang ibang paraan.Kailangan niya na lang tawagan si Bastian at sabihin ang huling habilin niya."Kaia, sino pa ang gusto mong tawagan sa ganitong oras?"Pero bago pa man tuluyang makausap si Bastian, lumapit na sa kanya ang dalawang lalaking nasa kotse.Agad nilang inagaw ang cellphone sa kamay niya.Isa pa ang humawak sa braso niya at pilit siyang ibinalik sa loob ng sasakyan."Wag niyo akong patayin! Hindi lang ako ang target ni Cooper, pati kayo rin!""Pakawalan niyo na ako, please? Siguradong may bomba o kung ano man sa loob ng kotse. Kapag pumasok tayo, sabay-sabay tayong mamamatay."Alam ni Kaia na hindi niya mapapakiusapan ang dalawang lalaking ito, dahil kapag pumayag si Cooper sa kasunduan nila, masyadong malaking benepisyo ang makukuha nila.Pero sa ganitong sitwasyon, kahit konting pag-asa lang, kailangan niyang subukan."Malapit ka nang mamatay pero sinusubukan mo pa r
Chapter 118"Cooper, anong meron?" Kabado si Kaia habang mabilis ang tibok ng puso niya.Simula pa lang nung nakita niya kung sino ang dalawang tao sa mesa, alam na niyang delikado ang gabing ‘to.At dahil wala pa rin si Bastian hanggang ngayon, mas lalo siyang nalito at nawalan ng pag-asa.Pinapasara ni Cooper ang pinto ng private room sa bodyguard. Lumapit siya, hinila si Kaia pabalik sa mesa, pinuwersa siyang paupuin ulit sa tabi niya habang mahigpit na hinahawakan ang balikat nito."Cooper, kailangan kong pumunta sa CR. May mantsa kasi sa damit ko."Pinilit ni Kaia na magmukhang kalmado, pero di niya namalayang nakakapit na pala siya sa basang parte ng kwelyo niya."Inumin mo muna 'yan, saka ka pumunta."Malamig ang tingin ni Cooper habang nilalagyan ulit ng gatas ang baso at iniabot sa kanya.Alam ni Kaia na hindi siya makakatakas. Kaya para hindi siya piliting painumin ni Cooper, nanginginig niyang kinuha ang baso at kunwaring uminom ng kalahati.Hindi naman siya masyadong pinan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen