Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
PERFECT TIME

PERFECT TIME

“Ano ba ang pagmamahal? Saan ba nakakahanap nito?" Bigo sa pag-ibig si Katherine dahil sa mga pagkakamali na nagawa niya sa nakaraan. She was the ex-wife of Governor Adam Sebastian Dela Vega. Pero dahil sa mga maling desisyon niya ay naghiwalay sila at nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali. Ang pagkakamali na habang buhay niyang pinagsisihan. Kaya nawalan na siya ng pag-asa na may magmamahal pa sa kanya. Hanggang sa dumating ang isang lalaki. Ang lalaki na hindi tumigil na i-persue siya. Ang lalaking magpapaniwala sa kanya na masarap pa lang magmahal. Ang pagmamahal na nasa tamang oras at panahon. Pipigilan ba niya ang kanyang sarili o hahayaan niya ang sarili na sumaya?
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Deadline Cinta Akira

Deadline Cinta Akira

Ana'na Bennu
Kisah ini menceritakan tentang sosok perempuan yang berprofesi sebagai jurnalis sebuah media lokal di kotanya. Yah, Qifah Akira namanya. Di tengah kesibukannya memburu berita, tuntutan untuk menikah muncul dari ibunya. Namun kecintaannya terhadap profesi itu, membuatnya enggan menerima rencana tersebut. Selain itu, gadis berparas cantik yang hobi makan dan tidur itu hanya ingin calon pendamping hidupnya adalah orang yang dipilihnya sendiri. Lantas sang ibu pun memberikannya tenggat waktu 5 bulan agar Akira bisa segera mendatangkan calon suami pilihannya. Namun hal itu tampaknya akan sulit. Sebab, bagaimana bisa segera mendapat jodoh jika dalam kesehariannya sikap gadis itu terkesan acuh pada pria yang mendekatinya. Nah mampukah Akira menemukan cinta sejatinya? Inilah Akira mengajak kamu ikut dalam lika-liku menjadi seorang jurnalis wanita.
Romansa
104.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Weakness

The Billionaire's Weakness

ultimategel
Kilala si Anna Zamora dahil sa kaniyang Ama na tumatakbo bilang mayor sa kanilang bayan. Hindi naging madali para sa kaniya ang popularidad na ito. Ganoon pa man ay mas pinili niya pa rin na mamuhay ng simple lang. Nakilala niya si Daniel Fortez na noon ay nagtatrabaho sa kanila. Sa araw-araw na nagsasalamuha sila ay hindi niya maiwasan na mapalapit dito. Ngunit siguradong hindi papayag ang kaniyang mga magulang na umibig siya rito. Isang aksidente ang nangyari sa magulang ni Anna. Dahil sa pangyayaring iyon ay nagpakalayo siya para na rin sa kaligtasan niya. Ilang taon ang nakalilipas nang muling maglandas ang mundo nila Anna at Daniel ngunit malaki na ang pinagbago ng binata dahil hindi na lamang ito pangkaraniwang tao, he's now a Billionaire.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My gay husband (TAGLISH)

My gay husband (TAGLISH)

High school palang ay crush na crush na ni Trixie si Ken kahit na alam niya ang secreto nito, na isang bakla si Ken. Maraming babae ang nagkakagusto pero ang di nila alam na kagaya nila, lalaki rin pala ang gusto ni Ken. Nang maka graduate sila ng college ay napilitan si Ken na pakasalan si Trixie dahil sa mga magulang nila, labag man sa kalooban niya ay pumayag siya kahit na may kasintahan na itong lalaki. May pag-asa kayang magkagusto ang isang bakla na kagaya ni Ken sa babaeng pinakaayaw niya sa lahat? Ilang taon pa kaya ang dadaan bago pa ma-realized ni Ken kung gaano siya kamahal ni Trixie? Lagi nalang ba silang parang aso at pusa na laging nag aaway?
Romance
1011.9K viewsCompleted
Read
Add to library
When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back

When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back

Pinagpantasyahan ni Atasha si Magnus ng matagal na panahon at ng nagkaroon siya ng pagkakataong makalapit dito ay doon naman nangyari ang isang gabing pagkalimot dahil sa kalasingan. At nagbunga ang isang gabing iyong ng isang batang babae na kinagiliwan ng pamilya ni Magnus, na naging dahilan para matupad ang pangarap ni Atasha na maging asawa ng isang Magnus Alvaro. Ngunit iyon din ang naging dahilan para kamuhian siya nito. Mas lalo itong nanlamig sa kanya, at pinakasalan lang siya nito dahil sa kanyang dinadala. At sa kasunduan nila ni Magnus na kapag naipanganak na niya ang kanilang anak ay mapapawalang bisa na ng tuluyan ang kanilang kasal. At sa siyam na buwan na pananatili ni Atasha sa piling ni Magnus bilang asawa nito ay doon siya unti-uting nagising na walang patutunguhan ang pagmamahal niya dito kung patuloy lang siya nitong pinapakitaan ng kalamigan. At ng muling banggitin ni Magnus ang paghihiwalay nila ay hindi na siya nagdalawang isip sa pagpayag. Wala na rin naman siyang panghahawakan, at gusto na rin niyang buuin ang kanyang sarili na matagal niyang tinalikuran dahil sa pagmamahal niya kay Magnus. Kailangan niyang lumayo, para tuluyang makalimot sa pasakit na pinaramdam nito sa kanya. Ngunit bakit kung kailan gusto na niyang magbagong buhay at tuluyang kalimutan ito ay doon naman siya ayaw pakawalan ni Magnus. At lagi nitong iginigiit sa kanya na kailangan siya ng kanilang anak kaya hindi siya dapat umalis sa piling nito.
Romance
104 viewsOngoing
Read
Add to library
The Secretary Ex-wife

The Secretary Ex-wife

Zachy
Si Zai Ramirez, 22 taong gulang ay isang simpleng babae na nakapagtapos lamang ng High School na kasalukuyang nagtratrabaho sa isang mall.Kung saan nakilala niya ang lalaki na una niyang inibig,ang kaniyang asawa na si Zachary Lu, isang half Chinese. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay may kaakibat na pagsubok na humantong sa kanilang hiwalayan.Pero walang kaalam-alam ang lalaki na nagbunga ang kanilang pag-ibig.Dalawang taon ang lumipas ng sila ay muling pagtagpuin ng tadhana ng maging sekretarya siya ng dati niyang asawa na ikinabigla din niya na baka ay malaman na nagkaanak sila at ilayo ang bata sa kaniya.Malaman kaya ito ni Zachary?Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagtagpo ulit?Magkabalikan kaya sila?
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Heat and Passion

Heat and Passion

Nagbunga ang isang gabing pagkakamali na nagawa ni Gwen at ng boyfriend ng kaibigan niya. Nang nalaman niya na siya'y buntis ay agad siyang umuwi sa Iloilo at itinago kay Alexander ang kanyang ipinagbubuntis. Masaya na siya sa buhay niya kapiling ang kanyang anak at ama na palaging sumusuporta sa kanya sa lahat ng oras. Ngunit sadyang walang sekreto na hindi nabubunyag. Nalaman ni Alexander na nagbunga ang isang gabing namagitan sa kanila at gusto nitong panagutan ang responsibilidad nito bilang ama sa anak niya. Ngunit paano kung malaman ng kaibigan niya na ang boyfriend nito ang ama ng kanyang anak? At paano na lamang siya ngayong nahuhulog na ang loob niya kay Alexander ngunit ang anak lamang niya ang nais nitong panagutan at hindi siya dahil engaged na ito kay Alice na kaibigan niya? As heat, passion, tears and love will invade them both. Will things fall into the right places or not?
Romance
1054.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Signed with Lust

Signed with Lust

"Hindi tinta ang ginamit nya sa kontrata, kundi isang sandata na kasinungalingan ang dala" DISCLAIMER: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang. Naglalaman ito ng mga tema ng pagtataksil, sakit, emosyonal na tunggalian, at sekswal na nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay nakalaan lamang para sa mga mambabasang nasa wastong gulang. Magbasa nang may bukas na isip at sariling pag-unawa. Copyright Notice: Lahat ng nilalaman sa akdang ito, kabilang ang mga tauhan, plot, at kabuuang istorya, ay orihinal na likha ng may-akda. Ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya, pag-aangkin, pagbabago, o distribusyon ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda. Ang paglabag ay maituturing na pagnanakaw ng intelektwal na ari-arian at maaaring humantong sa legal na aksyon. Plagiarism Warning: Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagkopya ng akdang ito sa anumang anyo—printed man o digital—nang walang paunang pahintulot. Respeto sa orihinal na may-akda ang pinakamahalagang bahagi ng bawat likha.
Romance
367 viewsOngoing
Read
Add to library
No Love Between Us (Filipino)

No Love Between Us (Filipino)

Sa edad na 32 ay hindi pa naranasan ni Andrea ang magkaroon ng boyfriend. In short, siya ay NBSB o No Boyfriend Since Birth. Hindi naman siya kapangitan ngunit napakailap ng pagkatataon sa kanya. May nagawa ba siyang malaking kasalanan sa kanyang past life? Sa edad niya ay hindi na siya umaasa pa na may lalaki na magmamahal sa kanya ngunit gusto niya na magkaroon ng kahit isang anak man lang. Puwede naman na magkaroon ng anak na walang asawa kaya naisip niya maghanap ng sperm donor. Hindi artificial insemination ang gagawin kundi natural method. Sa kalagitnaan ng paghahanap niya ay nakilala niya si Martin na isang guwapong bilyonaryo. Unang pumasok sa isip niya na perfect match ang binata para sa kanya ngunit ang problema lang ay hindi siya nito gusto. Mapapayag kaya ito ni Andrea sa nais niyang mangyari? Paano kung hindi? Itutuloy pa ba niya ang paghahanap ng sperm donor o ititigil na lang at tatanggapin na lang na kailanma'y hindi siya magkaroon ng asawa't anak?
Romance
13.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status