The Return Of The Abandoned Ex-Wife
Nakahawak ito sa kanyang braso, tila ba inaalalayan siya—o pinipigil na baka sugurin niya ang mga kalsada para habulin ang motorista.
“Nagawa mo pa talagang matawa?” iritang tanong ni Natasha. “Muntikan na ako ro’n!”
“Hahayaan ko bang madisgrasya ka?” kalmadong sagot ng lalaki. “Not on my watch, Miss Ferrer.”
Iniwas ni Natasha ang tingin sa lalaki nang maramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi.
Suot nito ang paborito niyang disguise: itim na jacket, cap, shades, at mask. The Jael Yoshiro she knew—cold, calculating, feared in many circles—was nowhere to be seen in this playful, low-profile version of himself.
Bab Populer