Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Muling Maging Akin

Muling Maging Akin

R-18!! Napagkasunduan ni Rayn Jasper at Arym Zchrynne “MaiMai” na magsama bilang mag-asawa sa loob ng isang taon matapos ay maghihiwalay kapag hindi nila natutunan mahalin ang isa't-isa. Kapwa sila brokenhearted nang mga panahon na iyon.  Balak sana sorpresahin ni MaiMai si Jasper tungkol sa kanyang ipinagbubuntis sa araw ng anibersaryo ng kanilang kasal ngunit kabaligtaran ang nangyari. Si MaiMai ang na sorpresa nang iabot sa kanya ni Jasper ang annulment paper na pirmado na nito. Kahit nasasaktan ay pinirmahan niya ang papel at umalis kinabukasan ng walang paalam. Pinangako ni MaiMai sa sarili na kailanman hindi niya ipapaalam sa dating asawa ang tungkol sa anak nila hanggang sa kanyang huling hininga.  Makalipas ang pitong taon, napilitan bumalik si MaiMai sa Pilipinas dala ng kanyang trabaho bilang secretary ng isang CEO sa Singapore na isa rin niyang matalik na kaibigan. Hindi inaasahan ni MaMai na ang kliyente nila ay ang dating asawa.  Paano kapag nalaman ni Jasper ang tintagong lihim ng dating asawa? Muli ba silang magkakabalikan o mas lala lang ang sitwasyon? 
Romance
1061.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Lust In Love (Tagalog version)

Lust In Love (Tagalog version)

Latte
Nang makapagtapos si Charm ng kolehiyo sa England, bumalik agad siya ng Pilipinas para surpresahin ang kapatid na si Clara. Ngunit laking gulat niya nang matuklasan niyang apat na taon nang patay ang kanyang kapatid, at wala siyang ideya tungkol dito, at hindi rin ito ipinaalam sa kaniya ng mga kamag-anak nila. Kaya naman, nag-imbestiga siya tungkol sa nangyari sa kanya. Marami ang nagsasabi na ito ay nagpakamatay, ngunit naniniwala siya na hindi kailanman iisipin ni Clara na magpakamatay, at sa tingin niya ay kusa siyang pinatay. Hindi siya tumigil sa paghahanap at pagresolba sa krimen hanggang sa napagtanto niyang may tatlong lalaki na hinihinalang pumatay sa kanyang kapatid. Pero hindi lang sila ordinaryong tao na pwedeng lapitan at kausapin. Kaya, ang tanging naiisip niya ay ang pasukin ang kanilang misteryosong buhay. Plano niyang akitin ang tatlong lalaki na alamin ang katotohanan sa likod ng biglaang pagkamatay ng kanyang kapatid. Magtatagumpay kaya siya sa kanyang mga plano kung malalaman niya kung gaano kadelikado ang mga taong haharapin niya, o magagawa ba niyang itago ang tunay niyang pagkatao nang hindi nahuhuli ng mga ito?
Romance
6.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Spying my Billionaire Husband

Spying my Billionaire Husband

Alyana Lopez, isang raketerang babae, ulila at layunin ay makaipon ng maraming pera, mga sampung milyon para makapamuhay ng komportable sa buong buhay niya, kaya naman tinatanggap niya ang kahit na anong trabaho o raket na inaalok sakaniya. Nilapitan siya ng isang kaibigan na isa ring raketera at inalok siyang maging spy sa isang kilalang bilyonaryo na si Jeffrey Anderson, kailangan niyang malaman ang mga susunod nitong hakbang sa loob ng anim na buwan tungkol sa mga investments, deals, at negotations ng korporasyon nito. Inaral ni Alyana ang lahat ng detalye tungkol rito at namasukan siya bilang sekretarya at personal assistant nito. Hindi inasahan ni Alyana ang karismang taglay ni Jeffrey, at ang inaakalang puro trabaho lang ang gagawin niya sa pagpapangap bilang sekretarya ay nagulat siya nang alukin siya nitong maging asawa lang sa papel. Mula sa pagiging spy, pagpapanggap bilang sekretarya, hanggang sa pagiging asawa sa papel, mapasubo kaya si Alyana sa pinapasukang raket para makaipon ng sampung milyon? O hahayaan niya ang lahat ng pinaghirapan kapalit ng konsensya niya at ang namumuong damdamin para kay Jeffrey?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The billionaire's willing victim

The billionaire's willing victim

Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang Babae na naging biktima ng labis na pagmamahal sa Isang guwapong bilyonaryo na nagngangalang YVO DORCHER. hanggang saan kaya Ang kaya nilang gawin para lang sa pag-ibig? at kung umabot na sa sukdulan? kaya mo bang maging manhid para lang manatili sya? o kaya mong pumatay masigurado mo lamang na tanging sa 'yo na Lang sya? billionaire's willing victim (super SPG)
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Bride's Mask

A Bride's Mask

tineta
"Pwede bang ako naman, Blaze? Pwede bang ako naman ang piliin mo?” nagmamakaawang wika ni Jane sa harapan ni Blaze. “Don't get me wrong, nagpakasal ako sa 'yo hindi dahil kamukha mo na si Gizelle kundi para manahimik na ang mga magulang natin. Kahit pagbali-baliktarin mo man ang utak ko, si Gizelle pa rin ang mamahalin ko. Siya at siya lang. Apelyido ko lang ang gamit mo pero kahit kailan hindi mo ako magiging pagmamay-ari! ” Para kay Jane, ang pagsusuot ng maskara lamang ang tanging sagot upang tanggapin siya ng lalaking mahal niya. Ngunit kailan nga ba siya matatanggap? Hanggang saan ang kaya niyang tiisin? Hanggang saan pa ang kaya niyang gawin sa ngalan ng pag-ibig? Hanggang kailan siya magpapanggap bilang ibang tao? May patutunguhan pa rin kaya ang pagmamahal niya para kay Blaze?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Isa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan. Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel. May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa. Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba. Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob. Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel. Buntis na pala siya kay Magnus. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya. Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita. Makakatakas pa ba siya sa dating asawa? Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak? O mabubunyag ang kaniyang lihim? Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
Romance
1011.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Unwanted Baby

The Billionaire's Unwanted Baby

"The first time I tasted you, I knew that I will never get enough of you." Maging yaya sa umaga at babae nito sa gabi—ito ang gustong ipagawa ni Uno kay Isa kapalit ang malaking pera. Para makasama ang anak na kinuha nito, pumayag si Isa sa ganoong arrangement. Pero paano kung malaman ni Uno ang tungkol sa kaniyang sikreto? Will she let him know about her little secret or will she hide the billionaire's unwanted baby forever?
Romance
9.1205.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Isusulat Kitang Muli

Isusulat Kitang Muli

mangograhamsx
Sabi nga sa kanta, ❝Kay gandang pagmasdan ang iyong mga mata, kumikinang- kinang at di ko maintindihan.❞ Yun pa lang, ramdam ko kung gaano kita gustong makita'ng lagi. Dahil sa segundong madampian ang labi ko ng mga labi mo, sa mga oras na masilayan kong nakatingin ka rin sa'kin, yung saya na ipinaparamdam mo, abot langit. Yung tipong hindi ko maipaliwanag. ❝At sa paglisan ng araw, akala'y di ka mahal. At ang nadarama'y di magtatagal. Malay ko bang hindi mapapagal. Iibigin kita kahit gaano pa katagal.❞ Mahal, para sa'yo yan dahil sa magpakailan man, ikaw at ikaw lang ang alam ng puso ko na ibigin. Ngayon, bukas, at hanngang sa araw na ang ating mga paa'y magpantay, ikaw at ikaw lang aking mahal. It was Veronica's letter to her present lover, Miko Diaz. Both were in love, have set their future together, and plans to hold hands until eternity. But one night, the moment she opens her eyes, she found herself in the strange world where Lance (her ex-lover is still alive) In that place, he is her husband and they have kids together. Drowned in many unanswered questions, will she find her way out or she will continue to live in the world of which her past love belongs.
Fantasy
2.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

"Boss! Nasa panganib pong muli ang buhay ng asawa mo!" wika ng kanang-kamay ni Kaizer. "Ihanda mo ang mga tauhan at ililigtas natin siya!" malakas na sigaw ng mafia boss. Mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Devil's Angel Mafia Organization. Lahat sila ay handang ialay ang buhay para sa kanilang reyna. Buong tapang na sumakay si Kaizer sa sasakyang naghihintay sa kan'ya. Ngunit ang mga mata niya ay punong-puno ng lungkot. Tumatagos doon ang sakit na nararamdaman ng kaniyang puso. Siya ang asawa ngunit ang puso ng babaeng mahal niya ay nahahati sa dalawa. Hindi siya pwedeng gumamit ng dahas dahil baka tuluyang mawala sa kan'ya si Kryzell. Ang babaeng una at pinangakuan niyang huling iibigin. Sa pag-ibig kung saan ay nakikihati lamang siya, hanggang kailan ni Kaizer kayang maging biktima? May halaga ba ang pagiging mafia boss kung ang mafia's hidden angel ay magdesisyon na muling mabuhay ng payapa at malayo sa magulong mundo na meron siya?
Romance
9.8240.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Nabuntis si Samantha Davis at wala siyang alam tungkol sa lalakeng nakabuntis sa kanya. Matapos siyang itakwil ng kanyang ama, nilisan niya ang lungsod para magsimula muli. Pinalaki niya mag-isa ang mga anak niya, nagsumikap at nalampasan ang hirap. Lingid sa kanyang kaalaman, hinahanap ng kambal niyang mga anak ang tunay nilang ama at hindi sila pipili ng iba! Sa edad na tatlong taong gulang, nagtanong ang mga anak niya, “Mama, nasaan si Dada?” “Ano… nasa malayo si Dada.” Ito ang pinakamadaling paraang para kay Samantha na ipaliwanag sa kanyang mga anak ang dahilan kung bakit wala ang ama nila. Sa edad na apat na taong gulang, nagtanong sila muli. “Mommy, nasaan si Daddy?” “Ano… nagtatrabaho siya sa Braeton City.” Pinili muli ni Samantha na magpalusot. Napagtanto niya na sasagutin din niya balang araw ang tanong ng mga anak niya tungkol sa kawalan nila ng ama at napagdesisyunan na oras na para sabihin ang totoo. Pero, isang araw, lumapit ang mga anak niya sa kanya habang kita ang kinang sa kanilang mga mata, “Mommy, nahanap na namin si Daddy!” Nakatayo sa harapan niya ay isang bloke ng yelo, si Mr. Ethan Wright, ang pinakamakapangyarihang businessman sa lungsod.
Romance
10138.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
22
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status