Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Pagbuko sa Impostor

Ang Pagbuko sa Impostor

Ikakasal na ang pinakapopular na babae sa amin noong high school. Inimbitahan niya ang lahat sa aming klase para sa kaniyang kasal. Gusto kong kumilos na parang hindi ko nakita ang message na ipinadala niya sa akin pero walang tigil niya akong tinag sa group chat. “Nagkunwari kang mayaman gaya ko noong high school, pero hindi kita masisisi sa ginawa mo. Sa totoo lang, iniimbitahan kita sa kasal ko bukas para makita mo kung paano maging isang tunay na mayaman.” Agad na nagsalita ang iba naming mga kaklase. “Napakabait mo talaga, Haley. Kaya hindi na ako magtataka kung paano mo nagawang pakasalan ang isang miyembro ng pamilya Baumer. Hindi ako makapaniwala na mapapatawad mo ang isang materialistic na kagaya ni Emma!” “Ano ba ang deserve ng isang kagaya ni Emma Larkin para makaattend sa kasal ni Haley? Masyado siyang mayabang.” Habang tumitindi ang mga pangiinsulto, umabante si Haley Stockwell para mapanatili ang kapayapaan sa chat. “Sige na, kalimutan na natin ang mga hindi maganda nating nakaraan. Hindi na ako naaapektuhan sa mga ito dahil masyado nang matagal mula noong mangyari ang mga iyon. Anyway, huwag na tayong maghinanakit kay Emma dahil masyado na itong mahirap at pangit.” Walang tigil na umulan ang mga papuri sa kaniya ng lahat sa group chat habang tinatawag siya ng ilan sa amin na mabait at inosente. Napasinghal ako sa aking nakita. Si Haley ang babaeng nagkukunwaring mayaman sa amin—ako ang tunay na tagapagmana ng isang mayamang pamilya pero pinalabas pa rin niya na sinungaling ako. Ginawa niya akong target ng mga pangiinsulto ng lahat. Tiningnan ko ang digital wedding invitation para makitang gaganapin sa aking villa ang kaniyang kasal. Mukha ring pamilyar ang kaniyang groom—hindi ba’t ito ang driver ng aking asawa? Ngumiti ako nang maisip ko ang mangyayari. Sumagot ako sa chat ng, “Sige! Kailangan kong umattend ng kasal mo!”
Short Story · Romance
807 viewsCompleted
Read
Add to library
SCALPEL'S KISS

SCALPEL'S KISS

Ang pag-ibig ay isang laro na puno ng hiwaga at roller coaster. Si Champagne Miranda, ang nag-iisang anak ng bilyonaryo at tagapagmana ng Miranda Empire, na nagmamay-ari ng sikat na restaurant chain at pastry outlet sa buong bansa. Si Champagne ay isang dalaga, napabayaan sa kusina ngunit pinalaki ng mag-asawang Mercy at Herbert, mga bilyonaryo at sikat na chef. 5 years niyang crush si Stephan, ang anak ng kanilang driver, at ang kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at force marriage, isang masakit na lihim ang unti-unting sumira sa kanyang puso. Natikman ni Champagne ang pinakamatinding sakit – pagtataksil mula sa lalaking pinakaminahal niya. Sa kanilang mismong tahanan, nakita niyang pinaglalaruan siya ng asawang si Stephan at ang kabit nitong si Pia Vasquez. Ang tagpong iyon ang nagbukas ng sugat na hindi lamang tumagos sa kanyang puso kundi nagdulot ng trahedyang nawala sa kanya ang pinakamahalagang bagay sa kanyang buhay – ang kanyang anak. Sa gitna ng dilim, isang estranghero ang naging sagot sa kanyang panalangin. Si Vash Delos Santos, isang tall, dark, and handsome billionaire at isang cosmetic surgeon na may-ari ng Vlash Aesthetic, sikat na cosmetic surgery clinic sa Bangkok at sa Pilipinas. Isang makapangyarihan at magiting na cosmetic surgeon ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong bumangon mula sa pagkakadapa. Sa tulong ni Vash, hindi lamang muling nabuo ang kanyang pagkatao – nabago rin ang kanyang anyo. Ngayon, si Champagne ay hindi na ang mahina at inosenteng babaeng minsang minanipula ng kasinungalingan. Siya ay naging isang matatag, makapangyarihan, at kaakit-akit na reyna, handang harapin ang kanyang mga kaaway. Ngunit sa kanyang puso, may nananatiling tanong: sa paghihiganti ba siya tunay na makakatagpo ng kapayapaan? O sa piling ni Vash, ang lalaking nagbigay ng liwanag sa kanyang madilim na kahapon, siya ay matututo ulit magmahal?
Romance
102.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status