Come To Me, Mistress
Si Seraphina Velarde—isang masipag, maganda, at palaban sa buhay ay isang babaeng nahulog sa bawal na pag-ibig. Isa siyang kabit—isang relasyong lihim, isang pagmamahalang itinatago. Sa kabila ng init at atensyong natatanggap niya, nananatiling may kulang… sapagkat hanggang kailan siya magiging pangalawa? Hanggang kailan siya mamahalin sa dilim?
Dahil kahit ilang ulit pa siyang angkinin sa mga gabing punong-puno ng pagnanasa, may isang alaala pa rin siyang hindi matakasan, isang gabing nangyari walong buwan na ang nakalipas. Isang one-night stand na punong-puno ng damdamin, init, at koneksyon. Hindi niya matandaan ang mukha ng lalaki, pero hindi niya malilimutan ang haplos. Ang gabing iyon ang nagbukas sa kanya sa tunay na sarap—ang klase ng sensasyong hindi niya muling naranasan.
At ang lalaking iyon ay si Pierce Damien Saveedra—isang makapangyarihan, misteryoso, at hindi niya inaakalang muling papasok sa buhay niya. Sa bawat pagtatama ng kanilang mga mata, sa bawat paglapit, dama ni Seraphina na siya ang lalaking iyon—ang unang dumampi sa kanya, ang lalaking hindi lang nagpagising sa kanyang katawan kundi sa kanyang pagkatao.
Si Pierce ang lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi palihim. Sa mga titig at haplos niya, ramdam ni Seraphina na hindi siya kailanman magiging pangalawa. Naramdaman nyang karapat-dapat din siyang mahalin ng buo, walang kahati, at walang limitasyon.
Sa piling ni Pierce, unti-unti niyang natutuklasan kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal na totoo—yung hindi kailangang itago, hindi kailangang ipaglaban sa dilim… kundi isang pagmamahal na malaya, malinaw, at buong-buo.