Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Possessive Maniac Boss!

My Possessive Maniac Boss!

I don't want you to be just my secretary! I want All of YOU! Your time, mind, body and soul. I own you whether you like it or not! Kung di ka madaan sa santong dasalan, sa santong paspasan kita kukuhanin. -Boss L. NBSB ako, meaning-NO BOYFRIEND SINCE BIRTH! Gusto ko Yung paninindigan na 1 man-woman ako, yun bang sya ang first bf ko tapos sya na din Yung last. Sabihan nyo na ako ng old school, manang, at kung ano pa.. Pero 24 years ko na iniingatan ang pagka-birhen ko no! Pero Lord, sobrang gwapo ng boss ko-makalaglag panty nga daw Kung I-describe ng karamihan, marami ng nag sasabi maswerte daw ako at ako ang sekretarya ni Boss L . Kung alam lang nila! Sobrang sungit ni boss L , kailangan lahat ng isasagot ko YES BOSS! Tapos palagi na lang akong pinapagalitan, 'yon bang parang wala na akong naging tama na ginawa sa mata nya?! Bilang sekretarya ni boss L, kailangan perfect ka! Gusto ko na mag-RESIGN! Kaso paano? Lord ang laki ng sahod, bilang bread winner ng pamilya kelangan ko mag tiis! 'Di ako pwede basta-nasta mag-RESIGN na lang kasi ayaw ko na at 'di ko na kaya ang trabaho. May responsibilidad ako. Buti na lang nandyan sila Karen at Adryan, ang mabubuti kong kaibigan, sandalan sa mga oras na bugnot ako sa napaka bait pero gwapo naman naming boss! Pero bakit ganto minsan feeling ko may iba sa boss ko, parang may something. Pero di ko maintindihan, may gusto sya na 'di ko alam kung handa ko ba Ibigay sa kanya...
Romance
1027.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Dangerous Temptation

Dangerous Temptation

snowqueencel
Lumaki sa isang marangyang pamumuhay si Kylie Aragon. Kaya naman ay sanay itong nakukuha ang anumang gustuhin niya. Bukod roon ay palagi rin itong nangunguna sa buong klase. Marami rin ang mga kalalakihan na talaga namang humahanga sa kaniya nang dahil sa taglay niyang ganda at talino. Higit sa lahat ay ito lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng Aragon Group of Companies. Ngunit ang hindi alam ng nakararami na sa likod ng halos perpekto niyang buhay ay mayroon itong sikreto na pilit itinatago. Dahilan para ilayo niya ang sarili sa iba upang maiwasan na muling maulit ang isang trahedya mula sa kaniyang nakaraan na hindi pa rin niya magawang ibaon sa limot hanggang sa kasalukuyan. Ngunit nagbago ang takbo ng kaniyang buhay nang makilala niya si Caleb Valiente. Ang lalaking itinalaga ng kaniyang ama upang maging personal niyang bodyguard na magpoprotekta sa kaniya. Ang kaso lang ay hindi sila magkasundong dalawa. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiirita si Kylie sa presensya nito. Para kasi siyang bata kung tratuhin ni Caleb at talaga namang wala itong palya sa pagbuntot sa kaniya saan man siya magpunta. Kung tawagin pa siya nito sa kaniyang pangalan ay para bang matagal na silang magkakilala. Pero paano kung kailan naman nahulog na ang loob niya rito at nadala na siya sa temptasyon ng pangangatawan nito na tila balewalang inilalantand nito sa kaniyang harapan ay saka naman niya madidiskubre na mayroon pa itong ibang pakay bukod sa pagiging bodyguard niya? Na mayroon itong personal na dahilan kaya gusto siyang protektahan nito? Mapipigilan ba ng mga malalantad na sikreto ang pag-ibig na unti-unting umuusbong sa kaniyang puso? O magsisilbi niya itong sandigan para sa mga paparating pa lamang na pagsubok?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Single Dad

The Single Dad

Salome
Ito ay isang perpektong plano. Hanggang sa ang pekeng narararamdaman niya ay nagsisimula ng maging totoo... The last thing on Tyler's mind is romance. Sa pagitan ng pagiging isang solong ama at pamamahala sa kanyang matagumpay na karera sa pagsusulat, mayroon siyang higit sa sapat sa kanyang plano. Ngunit nang magpasya ang kanyang ex na labanan siya para sa kustodiya ng kanilang anak, alam niyang kailangan niyang ipakita sa hukom na siya ay isang solidong tao sa pamilya. Ang kakailanganin niya ay isang pekeng kasintahan, Ngunit hindi niya alam kung saan siya makakahanap ng isang babaeng handang magpanggap bilang kanyang asawa sa lalong madaling panahon. Ang pagkumbinsi sa kanya na tumulong ay hindi isang problema. Hindi na niya pinapansin kung paano niya papakinggang ang napakabilis na tibok ng puso niya para rito. Ngayon ito na ay isang problema. Ang gusto lang ni Ellie Diaz ay isang trabaho sa pagtuturo sa prestihiyosong paaralan ng Lincoln Academy, ngunit ang pagkuha sa kanila na isaalang-alang ang kanyang aplikasyon ay isang hamon. Ang magtrabaho dito bilang isang guro ay matagal niya ng minimithi. Pagkatapos ay nalaman niyang may mga koneksyon si Tyler doon—at handa siyang gamitin ang mga ito kapalit ng isang maliit na maliit na pabor. Ang kailangan lang niyang gawin ay mula sa pagiging yaya ng kanyang anak hanggang sa pekeng kasintahan ni Tyler ...at kahit papaano ay magpanggap na hindi siya naaakit sa kanya. Kung magiging maayos ang lahat, mapapatunayan ni Tyler sa hukom na magdedesisyon sa kaso ng kustodiya ng kanyang anak na siya ay isang solidong tao sa isang pamilya, at makukuha naman ni Ellie ang kaniyang tiket sa pangarap niyang trabaho. Ano ang posibleng maging mali? Ano ang gagawin mo kapag ang linya sa pagitan ng reyalidad at pantasya ay lumabo?
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Loved and Chained

Loved and Chained

A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him? Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon. Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya. Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
Other
1013.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status