UNCLAIMED VOWS
Matapos mahuli ang fiancé niyang may ibang babae at mawalan ng trabaho sa loob lamang ng isang linggo, handa na si Amelie Mitchell na magtago sa mundo, hanggang sa isang alok ang biglang nagbigay sa kanya ng pag-asa.
Isang kasunduan.
Isang kasal.
Isang kasinungalingang magliligtas sa kanyang pamilya.
Ang nag-alok?
Si Elijah Chen, matalino, at sikat na Neurosurgeon. Tagapagmana ng isang bilyong dolyar na imperyo.
Simple lang ang usapan..
Pakakasalan niya ito.
Gagampanan ang papel.
At mababayaran ang lahat ng problema niya.
Pero gumuho ang lahat nang makaharap niya ang half-brother nito—
si Dylan Luis Suarez Chen,
ang unang binatang kanyang inibig,
ang iniwan niya para tuparin ang pangarap,
ang lalaking ayaw na ayaw na sana niyang makita muli.
Ngayon, kailangan niyang pakasalan ang isang kapatid…
Habang ang sigaw ng kanyang puso ay ang isa.
At sa pamilyang punô ng lihim, kapangyarihan, at ipinagbabawal na pag-ibig,
isang maling hakbang ay maaaring magwasak sa kanilang tatlo.