Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Bride of the Nine Tailed

The Bride of the Nine Tailed

Aurum Jazmine
Tinanggap ni Celestina ang isandaang bilyong dolyar kapalit ay pakakasalan niya at pakikisamahan si Lestre Sylverstain sa loob ng isang buwan. Akala niya ay matanda na ang pakakasalan subalit isa palang guwapo at matipunong lalaki ito. Ngunit sa kabila ng taglay na kakisigan ay nagtatago ang lihim nitong itinatago. At kung kailan mahal na siya ni Celestina ay saka pa magbabalik ang babaeng tunay na iniibig ni Lestre. Subaybayan ang kuwento ni Lestre at Celestina at ang lahat ng gusot sa kanilang buhay.
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Love beyond the gilded cage

Love beyond the gilded cage

Inosente at bata pa ang puso ni Solana nang mahulog siya kay Edward. Dahil dito ay pumayag siya na maikasal habang si Edward naman ay pumayag para sa kompanyang mamanahin. Ngunit sa limang taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Solana ang pagmamahal ng kanyang asawa. Mararanasan pa kaya ni Solana ang tunay na pag-ibig?
Romance
10588 viewsOngoing
Read
Add to library
MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

Sa halos walong taong pagsasama ni Henry at Estelle ay walang pag-ibig na nabuo sa pagitan nila dahil isa lamang iyong kasunduan, ngunit sa kabila nito ay minahal niya si Henry kahit na kinamumuhian siya nito at hindi itrinato bilang asawa. Ginawa niya ang lahat ng utos ng lolo ni Henry lalo na ang suhestiyon nito na pasukin niya ito sa sarili nitong silid at sa isang beses na iyon ay nabuo ang nag-iisang anak niya na si Mia. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana dahil sa dami ng tao na magkakaroon ng karamdaman ay ang anak niya pa talaga. Dahil sa pasirang relasyon at nasa kalagitnaan ng paghihiwalay, hiniling niya kay Henry na magpakaama kay Mia sa loob ng isang buwan. Ayaw man nito ay pumayag din ito sa wakas sa ngalan ng pagiging madali niya sa pagpirma ng kanilang kasunduan para mapakasalan na ang kaniyang unang pag-ibig na si Gwen. Kaya lang ay namatay ang anak niya ng dahil kay Henry. Nang malaman nito ang totoo tungkol sa sakit ng anak niya ay pilit itong nagmamakaawa na patawarin niya ngunit paano niya iyon gagawin kung sa tuwing makikita niya ang mukha nito ay maaalala niya ang sinapit ni Mia. Mapalambot pa kayang muli ni Henry ang naging bato nang puso ni Estelle?
Romance
108.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Kakaibang Tikim

Kakaibang Tikim

Tatlong taon nang kasal sina Keilani at Braxton, pero sa halip na lumigaya, nauwi sa sumbatan, kasinungalingan, at pananakit ang kanilang relasyon. Sa likod ng mga ngiti nila, may sikretong nakatago. Si Braxton pala ay may kabit. At si Keilani? May lihim din na nakakatikimang lalaki. Sa gitna ng sakit at pagtataksil, pumasok sa buhay ni Keilani si Sylas, ang CEO at Bilyonaryong asawa ng kabit ni Braxton na si Davina. Habang tinatago ni Keilani na alam niyang nangangabit ang asawa niya, doon na rin siya nademonyong gumawa ng mali. Nabighani si Keilani sa asawa ni Davina na si Sylas dahil sa guwapo at ganda ng katawan nito. Nung una, dapat ay magkakampihan lang sila sa pagtugis sa kani-kaniyang asawa, pero iba ang nangyari dahil nagkahulugan sila. Hindi na dapat itutuloy ni Keilani ang binabalak niyang pagtataksil na rin sa asawa niyang si Braxton, kaya lang, kakaiba mang-akit si Sylas, kaya nung gabing iyon, hindi na rin niya napigilang gawin ang kakaibang tikim na nasubukan niya sa piling ni Sylas. Simula nang may mangyari sa kanila, nagsunod-sunod na ito dahil aminado si Keilani na ibang sarap ang dulot ng isang Sylas sa kama kapag kasama niya ito. Pagkalipas ng ilang buwan, lumubo na lang bigla ang tiyan ni Keilani. Nung malaman ni Braxton na buntis na siya, doon ito biglang nagbago. Hindi na siya nakikipagkita kay Davina, nagbalik ang dating niyang asawang mabait, sweet at maalaga. Naiyak na lang si Keilani kasi alam niyang siya naman ang may malaking problema ngayon. Kung kailan nagseryoso na ang asawa niya, saka naman na niya ito gustong hiwalayan dahil nahulog na ang loob niya kay Sylas.
Romance
10270.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Secret Wife of My Boss

Secret Wife of My Boss

"Sa opisina, ikaw ang sekretarya ko. Sa bahay, asawa kita. At walang sinuman ang dapat makaalam sa totoong estado natin." Hindi inakala ni Stella na magbabago ang buhay niya sa isang iglap. Napilitan siyang pakasalan si Ayres — ang CEO na malamig, arogante, at malupit sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Sa gitna ng lihim at pang-aalipusta, magagawa kaya ni Stella na mapasuko ang puso ng lalaking laging nagpaparamdam na wala siyang halaga?
Romance
1028.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Nagmakaawa siyang makipagbalikan

Nagmakaawa siyang makipagbalikan

Matapos ang limang taon kasama si Nathaniel Sinclair, inisip ni Sylvia Garner ang kanilang pagmamahal ay aabot sa habang buhay na commitment. Pero ng pinostpone ni Nathaniel ang kanilang kasal, ang kanyang mundo ay nagsimulang gumuho. Sa private club, nakita ni Sylvia ang isang eksena na dumurog sa kanyang puso—Si Nathaniel nakaluhod sa isang tuhod, nagpropose sa ibang bbabae. “Kasama mo si Sylvia ng limang taon, pero ngayon bigla mong papakasalan si Vivian Hayes. Hindi ka ba takot na malulungkot siya” May nagtanong. Nagkibit balikat si Nathaniel. “Si Vivian ay may sakit. Ito ang kanyang dying wish. Sobrang mahal ako ni Sylvia para iwan ako.” Alam ng buong mundo na mahal ni Sylvia si Nathaniel sa punto na obsessed siya, naniniwala na hindi siya mabubuhay ng wala ito. Pero sa oras na ito, mali siya. Sa araw ng kanyang kasal, sinabi niya sa kaibigan niya, “Bantayan mo si Sylvia. Huwag siyang hayaan na malaman na may iba akong papakasalan!” Napahinto ang kaibigan niya. “Ikakasal din si Sylvia ngayon. Hindi mo ba alam?” Sa sandaling iyon, nagbreak down si Nathaniel.
Short Story · Romance
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
He Loves Me, He Loves Me Not

He Loves Me, He Loves Me Not

Matagal nang may gusto si Zyline kay Nick. Anim silang magkakabarkada kasali si Nick. Alam na ng lahat ang pagtatangi niya sa kaibigan maliban na lang yata rito. Hindi niya alam kung manhid lang ito or talagang wala lang gusto sa kanya. Si Brent ang pinaka-bestfriend niya sa lahat ng mga kaibigan niya. Kahit hindi niya sinasabi rito ang nararamdaman kay Nick dahil sa hiya ay alam din ni Brent iyon. Paano kung nagbago ang lahat nang halikan siya ni Brent? Hindi nya maikakaila ang kuryenteng naramdaman no'ng gabing hinalikan siya nito. Pinagbigyan niya ang lalaki sa gusto nitong mangyari. Susubukan nilang maging sila pero palihim. Ngayon ay litong-lito na siya. Sa pag-aakala ni Brent na si Nick pa rin ang gusto niya ay bigla itong umalis at hindi na nagpakita. Saka naman siya niligawan na nang tuluyan ni Nick. Pero bakit sa halip na maging masaya at sa wakas ay napansin na rin siya ni Nick bilang babae ay si Brent na ang hinahanap ng puso niya? Si Brent na hindi na nagparamdam sa kanya mula no'ng gabing muntik nang may mangyari sa kanila.
Romance
1010.0K viewsCompleted
Read
Add to library
BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

Ipinakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikilala. Hindi dumating si Timothy Richmon sa araw ng kasal nila ni Zennara Reyes ngunit sa papel ay tunay na silang mag-asawa. Ang kasal na walang pagmamahal at ni minsan ay hindi man lang umuwi si Timothy sa bahay nila ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw ay pinaghandaan ni Zennara ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nais niya itong makita kaya sasalubungin niya sana ito sa Airport.  Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may lalaking bigla na lang humila sa kanya at dinala siya sa madilim na lugar. Malakas ang lalaki at hindi niya ito kayang labanan. Pagkatapos ng nangyari ay lumabas ang lalaki at nangako ito na babalik. Ngunit nakatanggap si Zennara ng tawag mula sa secretary ng kanyang asawa na nais nitong makipaghiwalay na sa kanya. Ang kanilang kasal ay nauwi sa diborsyo. Umalis ng bansa si Zennara at sa kanyang pagbabalik ay may kasama na siyang dalawang cute na bata.  Ano ang gagawin ni Zennara kapag nadiskubre niya ang isang malaking lihim? Ang lihim na hindi niya inaasahan.
Romance
1097.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Beyond Contract

Love Beyond Contract

Synopsis Si Sienna ay napilitang sumang-ayon sa isang kontrata ng kasal kay Denver Thompson, isang bilyonaryo at CEO ng Thompson Corporation, kapalit ang malaking halaga para sa gastusin ng kanyang mama at kuya. Dahil sa malalang aksindente at wala siyang malaking halaga ng pera. Ang kontrata ay may dalawang taong tagal. Bago nito, si Sienna ay nagtrabaho bilang sekretarya ni Denver ngunit umalis siya nang malaman niya na si Denver ang dahilan sa  pagkamatay ng kanyang pangalawang kuya. Alam na sa sarili ni Denver na mahal na niya si Sienna unang kita pa lang niya sa dalaga. Ngunit ayaw na ng dalaga magmahal dahil sa naranasan niya sa ex-boyfriend. Nang sumang-ayon si Sienna sa kasunduang kasal ay hindi ito nagustuhan ng ama ni Denver lalong lalo na fiancée at ang pamilya nito. Habang tumatagal na magkasama ang dalawa ay unti-unting nahuhulog ang loob ng dalaga sa binata, na halos makalimutan na niya ang kasalanan na ginawa nito sa kaniyang kuya, halos naibigay na niya ang sarili niya sa binata at nabuo ang munting sanggol. Ngunit sa isang aksidente na nagdulot sa lalaki ng pagkakaroon ng amnesia at nakalimutan niya ang mga nangyari sa kaniya sa loob ng 7 taon. Si Denver na isang maginoo, mabait at makulit kay Sienna, na babalik sa kaniyang dating masamang ugali, na siyang gagamitin ng ex fiancée niya upang bumalik sa kaniya. Maibabalik pa ba kaya ni Sienna ang pagmamahalan at alala na binuo nila ni Denver ng magkasama? Kakayanin kaya no Sienna ang mga hamon na kakaharapin niya? Ibabalik pa ba niya ang lalaking minahal kung ang makakalaban niya ang ama ni Denver na hindi siya tanggap bilang daughter-in-law at mga iba pang hamon?  
Romance
10640 viewsOngoing
Read
Add to library
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Si Alexandria Saavedra— Maangas. Basagulera. Walang trabaho. May bisyo. Matigas pa sa adobe ang puso. Higit sa lahat, galit sa mundo. Lalo na sa sariling amang ginamit lamang siya para sa pansariling pangangailangan... Hanggang ang magulo niyang mundo ay binulabog ni Heiz Mikael. Isang binatang basta na lamang sumusulpot sa t'wing nasa panganib ang kanyang buhay. Sa pagdating ni Heinz sa kanyang buhay, 'di inaasahan ni Alexandria na pati na ang nananahimik niyang puso ay ginulo ng binatang ito. . . Sa unang pagkakataon, ang pusong niyang kasintigas ng adobe ay napalambot nito. Subalit isang araw, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang biglang pagsulpot nito sa kaniyang buhay...
Romance
1025.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status