I Caught The Billionaire's Obsession
Bakit kaya hindi pantay ang mundo? Bakit hindi na lang kaya mayaman ang lahat ng tao para wala ng mahirap? Para wala ng nagugutom? Para wala ng gumagawa ng masama para lang may mauwing pagkain sa hapag? Bakit kaya may mga mahihirap na katulad ko?
Bata pa lang ako. Iyon na palagi ang tinatanong ko sa sarili ko. Kung bakit may mga mahirap na kagaya ko. Masama ba akong tao sa nakaraan kong buhay at pinaparuhasan Niya ako't ang pamilya ko ng ganito? Ewan ko.
Basta ang alam ko lang na tinatak ko sa isip ko ng magdalaga ako- hindi titigil ang mundo sa 'yo kung patuloy at patuloy mo lang iisipin kung gaano kahirap ang buhay. Hindi uulan ng pera kapag hiniling mo. At mas lalong hindi magiging magaan ang buhay mo kung puro hiling ka lang sa Kanya at walang kasamang pagbabanat ng buto.
Natuto ako sa mahirap na paraan. At iyon ang ginagamit ko ngayon na sandata araw-araw sa malupit at madilim na mundo na ginagalawan ko ngayon.
"KEISHA! Ikaw na ang sasalang sa stage! Bilisan mo na! Marami ng mga guest ang naghihintay sa 'yo!"
A novel by: TheGuyWithTheGlasses
STATUS: COMPLETED
Date started: June 18, 2022
Date finished: September 19, 2022