Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Wife For Sale

Wife For Sale

Blazingfire
Si Tyronia Gonzales ay anak sa labas ng kanyang ama. Namatay ang ina niya dahil sa panganganak sa kanya kaya naman sa bahay ng ama niya siya nakatira, at lumaki. Kahit pa mayaman ang ama niya ay kahit kailan ay hindi siya naging buhay prinsesa dahil galit sa kanya ang asawa ng ama niya. Walang araw na sinasabi nito na anak lang siya sa labas, at malandi ang ina niya kahit hindi naman totoo. Isang araw dahil nalulugi na ang kompanya ng ama niya ay nakaisip ng paraan ang asawa nito. Nabalitaan nito na naghahanap ng mapapangasawa si Grey Del Rosario. Bibili ito ng mapapangasawa dahil walang gustong magpakasal dito dahil sa sunog nitong itsura. Binenta si Tyronia ng asawa ng ama niya, at wala siyang nagawa. Naging madali din naman kay Tyronia na mahalin ang binata lalo na't mabait ito sa kanya, at binibigay ang lahat ng gusto niya. Pero natatakot siya na baka magbago ang pakikitungo ng binata sa kanya kapag nalaman nitong isa lang siyang bastardo. Pero ang mas malaking tanong ay handa ba siyang makita ang mukha ng asawa na nakatago sa maskara? Handa kaya niya itong tanggapin kapag nalaman niya ang malaki nitong lihim sa kanya?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
Romance
102.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Framed the Prince to be My Baby Daddy

Framed the Prince to be My Baby Daddy

aiwrites
Gumuho ang mundo ni Aldrick Laureus nang piliin ng babae na pinakamamahal niya ang kan'yang kapatid sa ina. Sa ikalawang pagkakataon ay iniwan siya na lugmok at luhaan ng prinsesa na inalayan niya ng buong mundo niya. Nagpasiya siya na tuluyan nang lumayo at kalimutan ang nakaraan nila ngunit dahil sa isang pakiusap ay mapipilitan siya na muling harapin ang pait ng kahapon na ayaw na sana niyang balikan pa. Isang misyon ang ipinakiusap sa kan'ya: hanapin ang prinsesa na naglayas upang takasan ang isang arranged marriage. Sounds familiar, right? Russia Mercado has been living a good life, but that is until she falls stupidly in love with the wrong person. In a blink of an eye, things have not been easy, especially when she decided to run away from home. Napasok siya sa isang magulong sitwasyon dahil lamang sa pagtalikod niya sa sariling pamilya niya at pagpili sa maling tao. She made the biggest mistake of her life, and now she is paying all the consequences of her actions. She needs to reclaim her life and her freedom, and for her to do that, she needs to complete one mission. Isang misyon na maglalapit sa kan'ya sa isang bagay na pilit na niya na tinatakasan: ang salitang pagmamahal. Pag-ibig ang sumira sa kan'ya, ngunit pag-ibig din kaya ang muling bubuo sa pagkatao niya? Can she frame the prince to be her baby daddy and still find love in the end? Love comes in the most unexpected way at the most uncertain times. Dalawang taong galit sa salitang pag-ibig at hindi na naniniwala sa salitang pagmamahal ang pagtatagpuin ng tadhana upang guluhin ang kanilang paninindigan. Pagmamahal na isinumpa o pagmamahalan na aabot hanggang sa sumpaan? Handa na nga ba sila na muli na sumugal sa magulong mundo ng pag-ibig?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

writerNJ017
Si Sudara Boone ay isang taong lumaki sa pangangalaga ng mga taong lobo. Siya ay iniwan ng kaniyang tunay na ina sa kagubatan ng Aerabella at siya’y kinupkop ng prinsesa na si Sadi, at kaniya itong itinuring na anak. Nilihim ng ina ang tungkoll sa kaniyang tunay na pagkatao, kung kaya’t namuhay siya sa kasinungalingang natatangi siyang taong-lobo. Tahimik at masaya siya sa kaniyang kinagisnang buhay, ngunit nagbago ito nang kaniyang makilala ang litratistang binata na si Azro. Sa unang pagtatagpo ng kanilang landas ay ang malagim na panaginip, kung saan pareho silang napahamak sa isa’t isa, ngunit naging daan ito upang kanilang kilalanin ang bawat isa. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang sa sila’y naging magkaibigan at nagkamabutihan ng loob. Hindi ito ipinagsabi ni Sudara sa kaniyang tribo, hanggang sa lumalim ang kanilang samahan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at nalaman din ito ng tribo at nagpasiya silang patayin ng lihim kay Sudara si Azro. Dahil sa kaniyang matalik na kaibigan, naipagtapat kay Sudara ang tungkol sa plano ng kaniyang tribo. Alam niyang wala siyang laban dito. Sa kadahilanang iyon, nagpasiya si Sudara na ibuwis ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal at naging sanhi ito ng pagkatalo ng tribo, at walang nagawa kundi ang hayaan si Azro na lumaya kasama ang ala-alang masaya’t puno ng pangarap ngunit mapait na pag-iibigan.
Other
1.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

Jonai Barnabas
"MAPAGLARONG TADHANA." Ito lagi ang aking bukambibig sa tuwing binabalikan ko ang masasayang ala-ala ng nakaraan. Ang dati na masayang pamilya na binuo ng aking mga magulang na ngayon ay hindi ko na yata masisilayan pa. MAGDA ang tawag sa akin. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Hindi ko ginusto ang kapalaran kong ito. Isang tanikalang bakal na tila nakagapos sa aking mga paa na kahit pilit akong kumawala ay wala akong magawa. Wala na bang pag-asang makaahon sa putik na aking kinalugmukan? Huli na ba ang lahat?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Woman in disguise

Woman in disguise

Nightfall
Si Prince Cassius ang nakatakdang magmana ng trono ng mga bampira and he spent thousand of years preparing for the duty. However, his grandfather king Lukasz urged him to find a suitable wife and get married which he always rejected. Sa pagpupumilit nito ay napapayag siyang makipag-date at sa pagmamakaawa ng Prinsesa ng mga werewolves na kababata niya ay napilitan din siyang i-broadcast ang blind-date niya. Dito niya nakilala si Arriana Faye na sa simula pa lang ay alam niyang may kakaiba dito. Kalaunan ay nalaman niya ang itinatago nitong lihim. Si Arriana Faye Monroe ay isang mortal na aksidenteng napagkamalang isang bampira. Ang presensiya ng dalaga sa kingdom ng Astral ay makapagdadala ng panganib hindi lang sa mundo ng mga werewolves at bampira kundi sa mga mortal sa Pilipinas. Sa kabila ng kaalamang ito ay hindi pa rin magawang pakawalan ni Cassius ang dalaga. Mauulit bang muli ang blood war oras na magising ang lycan na si Darrius? Magagawa bang ipagtanggol ni Cassius ang dalagang mortal o dadating siya sa puntong kailangan niyang burahin ang alaala nito at pakawalan ang dalaga,? alang-alang sa kapakanan nito at ng mga nabubuhay sa Pilipinas o maging sa buong mundo.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Scars From The Past

Scars From The Past

Sweety Elle
Eliza Janice Montebon  Simpleng babae, matalino, masipag, madiskarte at malambing na anak. Lahat ay gagawin matupad lang ang inaasam na pangarap at mithiin.Ngunit may lihim na hinagpis sa kanyang nakaraang pagkatao. Ito ang nagsisilbing hugot niya upang magtagumpay sa buhay at makamtan ang inaasam na katarungan sa kanyang yumaong magulang.  Lorenzo Aragon Multi-billionaire and super hunk na business tycoon at a young age. Natotong tumayo sa sariling sikap dahil na rin sa walang makuhang suporta mula sa magulang dahil sa komplikadong pamilya niya. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa kanya, lahat ay kanya lamang pinagbibigyan dahil sa tawag ng laman at pangungulila sa iisang prinsesa ng kanyang buhay na kanyang kababata. Isang krimen at trahedya ang nagpawasak sa malaprinsesang buhay ni Eliza. Musmos pa lamang siya nang walang-awang pinatay ang kanyang mga magulang sa loob pa mismo ng kanilang bagong biling lupain na niregalo ng kanyang ama sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang mas masakit pa ay nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa mga ito at ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng kanyang kababata at minamahal ng kanyang pusong paslit na si Enzo Aragon. Dahil sa takot at pangamba sa kanyang buhay naggawang magtago ni Eliza at mamuhay ng malayo sa kanyang nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanyang puso't isipan ang galit at pagkapoot sa pamilyang sumira sa kanyang magandang kinabukasan. Isa na riyan ang paghihigante kay Enzo dahil wala man lang siya hinanap nito. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang puso kung ang isa ay may masamang binabalak? Matatagumpayan kaya ni Enzo ang ibalik ang tiwala sa kanya ni Eliza kung ang kanyang puso ay puno ng hinagpis at mantsa ng nakaraan? Mapapatawad kaya ng pusong nasaktan at puno ng hinagpis ng pilat ng nakara.Mananaig kaya ang pag-ibig at pagpapatawad kaysa paghihiganti?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO

HACIENDA DE HERMOSA BOOK 1: FRANCO

JessSkyla
Sina Katrina Reign Mendez, Marco at Franco Hermosa ay magkakaibigan. Pero paano kung paglayuin sila ng tadhana dahil sa isang pangyayari? At paano, kung tadhana rin ang gagawa ng paraan para pagtagpuin silang muli? Mananatili pa rin kaya silang magkaibigan o mauuwi sa pag-iibigan? Sino kaya ang pipiliin ng dalaga kung sakali? Bata pa lang nangarap na si Katrina ng mala-fairytale love story na kung saan siya ang Prinsesa at pinagsisilbihan ng kaniyang Prinsipe. Pero wala pang happy ending ay magulo na agad ang love story ng dalaga. Naging magulo ang buhay niya simula nang magtagpo ang landas nila ng kambal na sina Marco at Franco Hermosa. Kababata niya ang kambal pero batid niyang hindi siya magkakagusto isa man sa kanila dahil bukod sa kaibigan niya ang mga ito, isa lang din naman siyang hamak na anak ng mayordoma sa mansion ng mga binata. Pero bakit kabaliktaran yata ang lahat? Naging mapaglaro ang tadhana dahil sa kambal pa tumibok ang kaniyang puso. Hindi niya alam na ang kambal pa ang magpapagulo sa tahimik niyang mundo. Hindi alam ng dalaga na magkakagusto siya sa magkapatid kahit na magkaiba ito ng ugali. At lalong hindi niya maintindihan na sa kabila ng hindi magandang katangian ni Franco ay nahulog pa rin ang loob niya rito. Samantalang kabaliktaran naman ito ni Marco na mabait, maginoo, at maalalahanin. Lahat na yata ng magandang katangian ay na kay Marco na. Pero bakit pakiramdam ng dalaga may kulang pa? Paano niya kaya iiwasan ang kambal kung sila naman ang panay na lumalapit? At paano niya sasabihin na isa lang ang gusto niya kung dalawa ang nagpapagulo sa mundo niya? Sino kaya ang mas matimbang sa puso niya? The arrogant Franco or the good man Marco?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Castillo's pride 2: Cold Sweetheart

The Castillo's pride 2: Cold Sweetheart

Bern Evangeles
A night of blunders leads to a wedding that will bind their names forever. Hindi inakala ni Isaac Hendrick Castillo na ang matinding pagnanasa niya sa itinuturing na Prinsesa ng mga Contreras ay mabigyan niya nang katuparan sa mismong gabi ng debut party ni Freya Beatrice Contreras. Ang lahat nang ikinilos niya sa gabing iyon ay kanyang isisinisi sa ispiritu ng alak. Pero noong inakala niyang magtatagumpay siya sa kahibangan niya nang gabing 'yon ay doon naman sila nahuli ng mga magulang ng dalaga. They were very angry with him and the only thing that calmed their anger was when he said he would marry Bea. They agreed with him and as soon as everything's settled they got married. Sa unang buwan ng kanilang pagsasama ay naging maayos naman ang lahat sa pagitan nila ni Bea. She was his beautiful and submissive wife and he didn't regret his decision that he married her. Pero noong inakala niya na perpekto na ang lahat sa buhay may asawa niya ay nagkakamali siya. He almost got everything; Business, money, power, and a beautiful wife. Dahil isang hapon ay umuwi na lamang siya sa kanilang bahay na wala na ang kaniyang asawa. She left him without saying a single word. Hinanap niya ito kung saan-saan pero hindi niya ito nakita. Tinanggap niya ang lahat ng sakit nang pang-iiwan nito sa kanya. Pero isang araw ay nasorpresa siya sa pagbalik nito. She changed a lot, she is now cold, sophisticated, a grown-up woman, elegant, beautiful... and has a new lover! And what hurts the most is that he knows that her lover is none other than his cousin, Brent Timothy Castillo! She asked for his signature for their annulment paper, but he would never agree to annul their marriage. She will bear his name forever!
Romance
10934 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Presyo ng Mga Akala

Presyo ng Mga Akala

Tinatawag ako ng kapatid kong lalaki bilang kanyang prinsesa at nagpapadala sa’kin ng perang pangbaon; nagkakamali ng intindi ang kanyang mapapangasawa at iniisip nito na lihim niya akong nobya. Susugurin ng babae ang tirahan ko, na maayos kong pinalamutian, kasama ang grupo ng mga kamag-anak at kaibigan. “Hindi ako makapaniwalang lihim na nobya ka ng iba’t ngayong napakabata mo pa! Tuturuan kita ng leksyon sa ngalan ng mga magulang mo! Ikakalat ko online ang imoral ninyong relasyon para malaman ng mga guro at kaklase mo kung gaano ka kawalang-hiya!” Kinalat nila ang tirahan ko at pinunit ang mga damit ko. Pagkatapos, sinigurado nilang nakunan ang ID ko sa eksena habang nire-record nila ang pang-aapi sa akin. Nagmamadaling pumunta ang kapatid kong lalaki, namumula sa galit ang kanyang mga mata. “Nasiraan na ba kayo ng bait? Ang lakas ng loob ninyong apihin ang kapatid ko!”
Read
Idagdag sa library
PREV
1234
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status