He Left Me? I Married His Mysterious Brother
Kilala sa high society ng Pilipinas ang five year relationship nina Nevaeh Solene Dizon at Jeston Stefan Ferrer. Sigurado ang lahat na kasal na ang susunod na mangyayari. Pero sa araw mismo na pipirma na sana sila ng marriage certificate, hindi dumating si Jeston dahil sa adopted sister nito.
Doon na napuno si Nevaeh. Nakipaghiwalay siya at piniling talikuran ang lalaking akala niya’y makakasama niya habang-buhay. Ngunit dahil sa isang mapang-asar na phone call, bigla siyang gumawa ng impulsive decision, ang magpakasal sa ibang lalaki.
Kay Sven Antonius Ferrer.
Si Sven ang kinatatakutang “Prince” ng Philippine Entertainment Industry at ang utak sa likod ng isang malaking financial empire sa ibang bansa. Powerful, Cold, and no one could easily approach him. Pero may isang mas malaking problema… si Sven ang nakatatandang kapatid ng ex-boyfriend ni Nevaeh kaya laking gulat ng lahat nang bigla silang maging mag-asawa.
Mas lalo pang nagulat ang mga tao nang makita kung paano tratuhin ni Sven si Nevaeh. Sobra ang pag-aalaga ni Sven kay Nevaeh: pinoprotektahan, inaalagaan, at tinatrato na parang reyna. At nang muli si Nevaeh maliitin ng ex-boyfriend, hindi nagdalawang-isip si Sven na ipagtanggol siya, kahit kapatid pa nito ang kaaway.
Doon lang nalaman ni Nevaeh ang totoo: sampung taon na palang may lihim na pagtingin si Sven sa kanya. Ang kasal nila ay hindi aksidente… bahagi ito ng planong matagal na niyang hinihintay.
Ngayon na alam na niya ang lahat, tatakbo ba si Nevaeh… o pipiliin niyang mahalin ang lalaking sampung taon na naghintay para sa kanya?