The CEO's Revenge
Si Xaiqa Qealil Dhal'Pzion na mas kilala sa tawag na Xai ay nakaranas ng labis na kalupitan sa kamay mismo ng sarili niyang ama, hindi pag mamalupit sa mismong katawan niya ngunit sa mga taong mahal at labis na malapit sa kaniya, sa edad na siyam ay iniwan sila ng kaniyang pulis na ama, at walang hiya nitong ipinahiya ang kaniyang ina, sa murang edad ay walang nagawa ang kawawang bata, lalo na't sila ay nagmula lamang sa mahirap na pamilya. Ngunit simula ng iwanan sila ng kaniyang ama, si Xaiqa at ang nakababata niyang kapatid na si Ziekye ay binuhay ng kanilang ina, halos araw araw at madalas gabi na kung maka uwe ang kanilang ina dahil sa labis na pagtatrabho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan, mas naging maayos din ang buhay nila, simula noong hindi na nila nakakasama ang kanilang ama, wala ng nananakit sa kanilang ina.
Ngunit sa edad niyang dose ay muling nag pakita ang masamang mukha ng kanilang ama, at sa gabing iyon, tuluyang nawasak ang puso ni Xaiqa, dahil pinahirapan ng labis ang kanilang ina habang nasa harap nila, walang awang pinag hahampas ng latigo, at sa huli ay kinitil ng sarili nilang ama ang buhay nito, sa oras din nayon ay ibenenta ang kaniyang kapatid sa malaking sindikato, walang nagawa si Xaiqa kundi ang umiyak, mag luksa at sumigaw, hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.
13 years ang nakalipas, ang batang dumaan sa labis na hirap at sakit ay muling magbabalik para sa hustisya, nais niyang tuparin ang sumpang binitawan sa labi ng kaniyang ina, at ang pangako na hahanapin ang kaniyang kapatid, si Xaiqa ngayun na anak na ng mga asawang bilyonaryo sa ibat ibang bansa at isa ng ganap na CEO. makakamit niya kaya ang hustisya? para sa mahal.