Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MY COMBATIVE MAID IS A ZILLIONAIRE'S DAUGHTER!!

MY COMBATIVE MAID IS A ZILLIONAIRE'S DAUGHTER!!

Paano mag-kasundo ang dalawang tao sa iisang bubong kung para silang aso't-pusang nag babangayan?...Isang mapag-laban na maid at isang aroganteng billionaire...Walang araw o gabi na hindi sila magkasutan kahit kunting bagay pinagtatalunan nilang dalawa...Pero paano kung sa kabila ng hindi nila pagkakaintindihan ay unti-unti na pala nahuhulog ang loob nila sa isat-isa pero walang sinoman sa kanila ang umamin na lihim na pala nila iniibig ang isat-isa...Hanggang sa isang araw unti-unting natuklasan ni hope ang tunay niyang pagkatao lalo na ng bigla nalang siya dinakip ng tatlong lalaking naka-maskara sinakay siya ng mga ito sa itim na magarang van at nagising nalang siya bumungad sa kanya ang tatlong lalaki mag-kamukha at nagimbal siya ng sabihin ng mga ito na siya ang kapatid nilang babae at sila ay quadruplets! Mas nagulat pa siya ng makita ang medyo may idad na banyagang lalaki at tinatawag siya nitong my princess! Si Night ubod ng sungit at arogante kaya walang nakakatagal na maid sa kanya dahil sa kasungitan nito...Ngunit pano kung pag uwi niya sa mansyon niya naabutan nalang niya doon ang pasaway na bagong maid niya?...Pinag-kamalan pa siyang mag nanakaw at pulubi...Hindi man lang umobra sa dalaga ang kasungitan at kaarogantehan niya bagkos mas masungit pa ito sa kanya at lagi siya nitong binabara hindi lang yun bully pa ang dalaga at pasaway na palaban sa mga taong minamaliit ang pagkatao nito. Hanggang sa hindi namalayan ni Night nahuhulog na pala ang loob niya sa dalaga bukod kasi sa palaban ito ay subrang ganda sexy at mistisa ito talo ang mga model at beauty queen sa taglay nitong ganda kaya kahit sinong lalaki maakit sa taglay na alindog ng dalaga...Hanggang sa bigla nalang itong nawala kaya hindi siya mapakali at nag alala siya sa dalaga.
Romance
10231 viewsOngoing
Read
Add to library
Starting Over Again With The Twin's Daddy

Starting Over Again With The Twin's Daddy

Para kay Josephine Thomas, ang arranged marriage niya kay Nicholas Herrera ay hindi isang sakripisyo kundi isang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Mahal niya ito mula pa noon pa man. Kahit alam niyang isa lang siyang ampon at ginamit ng pamilya niya para sa negosyo, hindi siya nagreklamo. Kahit malamig si Nicholas at hindi siya minahal pabalik, tiniis niya ang sakit. Ngunit ang akala niyang magiging daan para mahalin siya ng asawa ay siya ring sumira sa kanya. Sa araw na balak niyang sabihin kay Nicholas na buntis siya, nakita niya ito sa ospital, kasama ang babaeng totoong minamahal nito. At sa harap ng mga mata niya, narinig niya ang pinaka-masakit na salita. “Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file na ako ng divorce.” Gumuho ang mundo niya, pero hindi siya sumuko. Kahit delikado para sa puso niya, pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Hanggang sa isang araw, nawala siya sa buhay ni Nicholas… at hindi na muling lumingon. Apat na taon ang lumipas, at muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong ito, si Nicholas na ang humahabol. Puno ng pagsisisi, gustong bumawi. Pero may puwang pa ba siya sa puso ni Josephine? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?
Romance
178 viewsOngoing
Read
Add to library
Doctor 's Bargain Wife

Doctor 's Bargain Wife

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
Romance
9.8178 viewsOngoing
Read
Add to library
Triplets and a Second Chance

Triplets and a Second Chance

Nagluluksa si Amara Alcantanra sa burol ng kaniyang ina habang abala ang kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng unang babaeng minahal nito—punong-puno ng kasiyahan at engrande ang selebrasyon. Klarong-klaro ang lahat kay Amara. Kung hindi siya mahal ng lalaki, ayaw na rin niya dito. Iniwan niya ang kasunduan ng diborsyo sa ibabaw ng mesa at piniling ipalaglag ang dinadala, at lumakad palayo nang mag-isa. Limang taon ang lumipas. Sa isang marangyang subastahan, lumitaw ang chief auctioneer nakasuot ito ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya. Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata. "Ang pangalan niya'y Reina?" Tumango ang kanyang assistant. "Yes, Sir. May nabalitaan rin akong minsan may nag-alok ng sampu-sampung milyon kapalit ng pagkakataong makita ang tunay niyang mukha pero tinanggihan niya." Sa wakas, natagpuan na ni Argus De Luca ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa loob ng limang taon. Kinagabihan ay hinarang niya ito sa isang kanto. "Auctioneer Reina, hanggang ngayon ay tinatakbuhan mo pa rin ako o mas tamang sabihin kong Amara?" "Argus, hiwalay na tayo." "Hindi ko kailanman sinang-ayunan 'yon. Nasaan ang anak ko?" "Mukhang nakalimot ka, Argus… ikaw mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang bata, limang taon na ang nakalipas!" Ngunit ngumisi si Argus, at may inilantad sa harap niya. "Kung gayon, ipaliwanag mo ito." Triplets na limang taong gulang ang nakatayo sa harap nila.
Romance
37 viewsOngoing
Read
Add to library
Come To Me, Mistress

Come To Me, Mistress

Si Seraphina Velarde—isang masipag, maganda, at palaban sa buhay ay isang babaeng nahulog sa bawal na pag-ibig. Isa siyang kabit—isang relasyong lihim, isang pagmamahalang itinatago. Sa kabila ng init at atensyong natatanggap niya, nananatiling may kulang… sapagkat hanggang kailan siya magiging pangalawa? Hanggang kailan siya mamahalin sa dilim? Dahil kahit ilang ulit pa siyang angkinin sa mga gabing punong-puno ng pagnanasa, may isang alaala pa rin siyang hindi matakasan, isang gabing nangyari walong buwan na ang nakalipas. Isang one-night stand na punong-puno ng damdamin, init, at koneksyon. Hindi niya matandaan ang mukha ng lalaki, pero hindi niya malilimutan ang haplos. Ang gabing iyon ang nagbukas sa kanya sa tunay na sarap—ang klase ng sensasyong hindi niya muling naranasan. At ang lalaking iyon ay si Pierce Damien Saveedra—isang makapangyarihan, misteryoso, at hindi niya inaakalang muling papasok sa buhay niya. Sa bawat pagtatama ng kanilang mga mata, sa bawat paglapit, dama ni Seraphina na siya ang lalaking iyon—ang unang dumampi sa kanya, ang lalaking hindi lang nagpagising sa kanyang katawan kundi sa kanyang pagkatao. Si Pierce ang lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi palihim. Sa mga titig at haplos niya, ramdam ni Seraphina na hindi siya kailanman magiging pangalawa. Naramdaman nyang karapat-dapat din siyang mahalin ng buo, walang kahati, at walang limitasyon. Sa piling ni Pierce, unti-unti niyang natutuklasan kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal na totoo—yung hindi kailangang itago, hindi kailangang ipaglaban sa dilim… kundi isang pagmamahal na malaya, malinaw, at buong-buo.
Romance
26 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
101112131415
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status