Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia Boss' Bedmate

The Mafia Boss' Bedmate

Purpleyenie
Zelena Artemis Caitlin Harris is a typical girl who loves her family so much. Dahil para sa kaniya, pamilya ang dapat na inuuna nino man. Kahit pa ang ibig sabihin nito ay ibenta niya ang sarili niya sa iba para lamang masuportahan ang kaniyang ina, at dalawang nakababatang kapatid. Si Zeno Black ay isang binatang bilyonaryo at kinatatakutan ng lahat. He's a ruthless, wicked Mafia Boss, and he is the boss of a mafia group called the Blacks. Everything was fine until Zelena came to Zeno's club, and free herself for a night. Pero paggising niya kinaumagahan, isang estranghero ang tumambad sa kanyang mukha. Hindi rin naman maikakailang sa una nilang pagkikita ay nagkagusto sa kanya ang binata. At dahil doon, naisipan ni Zeno ang isang kakaibang bagay. Ang gawing playmate sa kama si Zelena na nakita niya sa bar. And Zelena always deem na wala lang ang nangyari sa kanila, but everything will takes place as she start unraveling the truth about her life, and his dad who was killed when she was a child. Little did she know na ang pagkikita nila ng lalaki ang tuluyang magpapabago sa buhay niya. Because Zeno's father was the one who killed her dad, and what upsets her more is Zeno hid it to her, but despite of that she believes him. But no, everything was just a plan, a mafia group called Dritt Organization planned it all. All the killings were their doing, they set up everything--from start to finish. And when Zelena and Zeno knew it, they start eliminating the group, they start working together. Once and for all, all the beginnings has an ending, for some is a tragic ending, but on their love story, it is magically a happy ending.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
Romance
9.8568 viewsOngoing
Read
Add to library
Ibang Nanay ang Pinili ng Anak Ko

Ibang Nanay ang Pinili ng Anak Ko

Matapos mamatay ng aking asawa sa isang car accident, walang sawa akong nagtrabaho sa pagpapatakbo ng isang maliit na restawran upang palakihin ang aking anak na si Henry. Bago ang kasal ni Henry, nanalo ako ng walong milyon sa lotto. Tuwang-tuwa ako, nagpasya akong ibenta ang restaurant at sa wakas ay tamasahin ang pagreretiro. Kaya naman, tumawag ako upang sabihin kay Henry ang tungkol sa pagbebenta ng restaurant, ang kanyang karaniwang magalang na fiancee ay nagbago ang ugali. "Hindi mo naman inaasahan na susuportahan ka namin, 'di ba? Halos kaka-simula lang natin magtrabaho!" Binantaan niya pa si Henry, "Kung gagastusan mo ang mama mo gamit ang pera natin, hindi na natin itutuloy ang kasal!" Nakipagtalo sa kanya si Henry ngunit pagkatapos ay sinigurado, at nangako siya, "Nagsumikap ka na nang husto, Ma. Aalagaan kita." Gumanda ang pakiramdam ko, Binalak kong bigyan siya ng dalawang milyon para makapagsimula ng negosyo. Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag na nagsasabing si Henry ay nasangkot sa car accident at agad na nangangailangan ng limampung libo para sa operasyon. Agad kong ipinadala ang pera, ngunit pagkatapos, nawala si Henry. Desperado, matapang akong dumaan sa isang bagyo upang hanapin siya sa lungsod niya, ngunit napunta lamang ako sa isang kasalan sa isang mamahaling hotel. Naroon si Henry, nakikipag-toast sa isa pang babae “Ma.” Ah, at ang katabi niya? Ang aking “patay” na asawa mula noong nakaraang sampung taon.
Read
Add to library
Defend Me, Ninong Azrael

Defend Me, Ninong Azrael

Lumaki si Lara sa isang mahirap at magulong pamilya. Lasinggero ang ama, at madalang ang ina sa bahay dahil sa hindi niya maintindihang dahilan. Sa pagkamatay ng ina dahil sa isang "aksidente," nagsimula ang kanyang paghihirap. Sa edad na 16, sinaktan siya at inabusong sekswal ng kanyang tiyuhin at pinsan. Ang pinakamasakit, pati ang ama niya na dapat ay maging sandalan niya, ay pinagtangkaan din siyang abusuhin. Dalawang beses siyang nagbuntis at nagpa-abort sa pamimilit na rin ng mga hayup na nang-abuso sa kanya. Sa edad na 18, tumakas siya at nagmakaawang makapasok sa kumbento. Doon niya aksidenteng nakita si Azrael Fove, isang mayamang abogado na "ninong" niya. Tinulungan siya nito at kinupkop. Nangako rin ito na proprotektahan siya at kailanman ay hindi nito uulitin ang ginawa ng mga lalaking sumalbahe sa kanya. Ngunit paano kung sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay malabag ng Ninong Azrael niya ang pangako nito at magbunga pa iyon ng isa na namang binhi sa kanyang sinapupunan? Paano kahaharapin ni Lara ang pagbabalik ng matinding takot na minsan na niyang kinasadlakan, matapos isang lalaki na naman ang dapat na proprotekta sa kanya ang siya pang muling nagwasak sa kaniya? At kahit pa sabihin niyang may namumuo na siyang pagtingin ko sa lalaki, paano niya pa rin niya haharapin ang katotohanan na magkakaanak na sila nito? Gayong bago pa siya pumasok sa buhay nito ay meron nang babae na mahal at nakatakda nang pakasalan nito?
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
A Love Reclaimed: Fated To Love You

A Love Reclaimed: Fated To Love You

"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. A-ayoko na, Zack, hindi ko na kaya pa, kaya naman sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal. H-hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang makalaya sa kasal na ito?" Garalgal at may halong pait na tanong ni Rhian. "Pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Ngunit sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na inilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..." Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya. "Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!" Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan. Gusto lang maangkin ni Rhian ang asawa sa una at huling pagkakataon. Pagkatapos ng gabing ito, siya ay lalayo. Ngunit ang una at huling na pinagsaluhan nilang dalawa ay nagbunga at sa kanyang pagbabalik ay muli silang nagkita... “Zack, bitiwan mo ako! Baliw ka ba? Nasa isang pribadong silid tayo! Maaaring may pumasok anumang oras!” Ang kanyang ex-husband na ‘hindi siya minahal ay hinahalikan siya ngayon... ngayon, ito naman ang naghahabol sa kanya!
Romance
9.886.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1010.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving you in Contract

Loving you in Contract

Sachi
Si Danielle Tina Fajardo ay ampon ng mga Fajardo. Sa kabila ng masamang pagtrato ng magulang nito sa papel ay nandyan naman si Madam Anna, ang kanyang lola, na mahal na mahal at tanggap siya kaya kung ituring niya ito ay ang kanyang hero. Ngunit isang araw, bigla na lamang ito namatay na nagpaguho sa mundo ni Danielle. Ang taong tumanggap sa kanya, ang taong nagbigay ng pagmamahal sa kanya ay bigla na lamang nawala. Paano na ito sa kamay ng kanyang masamang magulang? Ngunit sa araw na rin iyon ay halos gumuho ang mundo nito nang makatanggap ito ng kontrata na iniwan sa kanya ng kanyang lola at isa itong Arrange Marriage Contract! Mas gumuho ang mundo nang malaman na ipapakasal pala ito sa kanyang childhood crush na si Aries Florenzo. Ang the most handsome and most wealthiest man in the Philippines! Naging mag-asawa ito ngunit hindi maramdaman ni Danielle ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman kay Aries kaya isa na lang pag-asa niya, ang malaman ni Aries na magkakaanak na sila. Ngunit bago pa niya sabihin ito ay halos madurog ang kanyang puso nang inabot ni Aries ang divorce paper dahil sa pagdating ng kanyang ex-lover, ang totoong mahal niya. Dahil sa bigo at sakit na idinulot ni Aries kay Danielle ay napagpasyahan nitong umalis at magpakalayo-layo ngunit sa hindi inaasahan, dumating ang isang lalaki na tutulong sa kanya upang magbago ng tuluyan ang kanyang buhay.
Romance
10549 viewsOngoing
Read
Add to library
Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire

Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire

“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo,” sabi niya kay Hannah, habang nakatitig sa mga mata nito. “Alam mo?” napamaang na lang si Hannah ng marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito ay unti unting nabasa na parang binubukalan ng tubig. “Oo– alam ko ang lahat ng nangyayari sayo, Hannah.. At marahil.. Natatandaan mo na kung sino ako,” sabi niya sa babae. “Ni-ninong Edward–” halos pabulong lang ang tinig na iyon, subalit puno iyon ng pagsusumamo at parang paghingi ng tulong. “Anong nais mo?” tanong niya kay Hannah, determinado siyang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya. “Nais ko silang magdusa.. At magsisi sa mga ginawa nila sa akin. Nais kong lumubog sila at masaktan, gaya ng mga ginawa nilang kahayupan sa akin ninong. Gusto ko silang gumapang sa putik kung saan sila nagmula. Nais kong bawiin ang lahat ng pag aari ko!” umiiyak nitong sabi sa kanya. Nahabag si Ed sa babae. Pinagmasdan niya ito ng husto. "Pwede kitang tulungan, pero may kondisyunes ako sayo.." sabi niya dito. "Kahit ano ninong, gagawin ko, sabihin mo lang!" determinado ang mga mata ni Hannah habang nakatingin sa kanya. "Pakasalan mo ako.. Nais kong magkaroon ka ng karapatan sa kayamanan ko, upang makalaban ka ng patas sa kanila. Sa papel lang tayo magiging mag asawa hannah.. nais ko lang na makapaghiganti ka.."
Romance
1022.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Come To Me, Mistress

Come To Me, Mistress

Si Seraphina Velarde—isang masipag, maganda, at palaban sa buhay ay isang babaeng nahulog sa bawal na pag-ibig. Isa siyang kabit—isang relasyong lihim, isang pagmamahalang itinatago. Sa kabila ng init at atensyong natatanggap niya, nananatiling may kulang… sapagkat hanggang kailan siya magiging pangalawa? Hanggang kailan siya mamahalin sa dilim? Dahil kahit ilang ulit pa siyang angkinin sa mga gabing punong-puno ng pagnanasa, may isang alaala pa rin siyang hindi matakasan, isang gabing nangyari walong buwan na ang nakalipas. Isang one-night stand na punong-puno ng damdamin, init, at koneksyon. Hindi niya matandaan ang mukha ng lalaki, pero hindi niya malilimutan ang haplos. Ang gabing iyon ang nagbukas sa kanya sa tunay na sarap—ang klase ng sensasyong hindi niya muling naranasan. At ang lalaking iyon ay si Pierce Damien Saveedra—isang makapangyarihan, misteryoso, at hindi niya inaakalang muling papasok sa buhay niya. Sa bawat pagtatama ng kanilang mga mata, sa bawat paglapit, dama ni Seraphina na siya ang lalaking iyon—ang unang dumampi sa kanya, ang lalaking hindi lang nagpagising sa kanyang katawan kundi sa kanyang pagkatao. Si Pierce ang lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi palihim. Sa mga titig at haplos niya, ramdam ni Seraphina na hindi siya kailanman magiging pangalawa. Naramdaman nyang karapat-dapat din siyang mahalin ng buo, walang kahati, at walang limitasyon. Sa piling ni Pierce, unti-unti niyang natutuklasan kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal na totoo—yung hindi kailangang itago, hindi kailangang ipaglaban sa dilim… kundi isang pagmamahal na malaya, malinaw, at buong-buo.
Romance
10295 viewsOngoing
Read
Add to library
ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

Sa loob ng dalawang taong pagsasama ay puno ng pag-asa si Annie na matututunan rin siyang mahalin ni Lucas ngunit laking pagkakamali niya dahil sa araw mismo ng second anniversary nila ay inabot nito sa kaniya ang divorce agreement. Puno ng sakit at pagkadismaya ay pumayag siya kahit na noong araw sana na iyon ay gusto na niyang sabihin rito na buntis siya, ngunit bigla na lamang namatay ang lolo ni Lucas at hiniling nito na kung pwede ay huwag na lamang silang maghiwalay at ayusin nila ang kanilang pagsasama kaya sinabi niya na susugal siya muli at aasa na baka isang araw ay matutunan na siyang mahalin ni Lucas. Hanggang sa isang araw ay nasangkot siya sa aksidente kung saan ay ang una niyang tinawagan ay si Lucas para magpasaklolo, gusto niyang mabuhay, gusto niyang mabuhay ang mga anak niya. "Iligtas mo ako, iligtas mo ang mga anak natin... " "Tumigil ka! Palagi tayong gumagamit ng proteksiyon! Kaya napakaimposible ng sinasabi mo!" Doon siya nagising sa katotohanan na hanggang sa mga oras na iyon ay walang ibang mahalaga rito kundi ang unang minamahal nito, mas inuna nitong puntahan ito kaysa ang iligtas siya at ang anak nila. Patatawarin niya ba ito sa kabila ng pagkawala ng mga anak niya sa ngalan ng kanilang pagsasama kahit na labis ang pagsisisi nito sa nangyari? O tuluyan na niya na itong palalayain at hahayaang maging masaya sa piling ng pinakamamahal nitong babae?
Romance
9.8596.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1011121314
...
16
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status