Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love's Final Diagnosis

Love's Final Diagnosis

Dati, naniniwala si Amara na love could heal everything. Ikinasal siya kay Lucien—isang napakatalino ngunit cold-hearted na surgeon—ang lalaking minsang naging sandalan niya sa gitna ng sakit. Sa mga panahong iyon, kahit ang hapdi ng bawat araw ay nagiging matiisin, basta’t naroon ito. But love does not survive betrayal disguised as indifference. Nang bumalik si Lysandra—ang babaeng kailanman ay hindi nawala sa puso ni Lucien—doon tuluyang gumuho ang mundong pilit binuo ni Amara. Unti-unti niyang tinanggap ang katotohanang matagal na niyang tinatakasan: she was never the one he chose. Isa lang siyang substitute. Isang pansamantalang kapalit sa isang kuwentong hindi kailanman naging kanya. Buntis siya. At ang batang dinadala niya’y itinuturing ng mali. Para kay Lucien, ang lahat ay parang isang operasyon: dapat malinis, kontrolado, walang “error.” Kahit pa ang kapalit nito ay isang buhay… o isang pusong tuluyang madudurog. Ngunit ang wakas ay dumating nang makita ni Amara ang huling pruweba ng pagtataksil. Sa sandaling iyon, may kung anong tuluyang namatay sa loob niya. Hindi na siya umiyak. Hindi na siya nagtanong. Hindi na siya umasa. “I want a divorce.” Apat na salitang sapat para patahimikin ang buong mundo ni Lucien. Ngunit imbes na magalit, tumawa ito—mababa, malamig, mapanlait. “Divorce? Saan ka pupunta? You have no degree, no job, and your mother is sick.” Ngunit ang babaeng nasa harapan niya ngayo’y hindi na ang Amara na kilala niya. “Maybe I’ll struggle,” mahina ngunit matalim ang boses niya. “Pero mas pipiliin kong maghirap sa labas kaysa manatili dito—sa ‘yo—bilang kapalit ng babaeng hindi mo kailanman binitawan.” Sa unang pagkakataon… natahimik si Lucien. Dahil ang babaeng akala niyang hindi kailanman aalis—ay siya mismong handang iwan ang lahat. At sa pagkakataong ito, Amara will rewrite everything—walang babalikan, walang aayusin, at wala nang pagmamahal na muling magliligtas sa kanila.
102.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 73 Beses bilang mad ne yo lyrics
Read
+Library
ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

Jessica Adams
"You're breaking up with me kasi sa tingin mo mas magaan? Ganoon ba iyon?" ang mahinahon pero puno ng hinanakit na tanong-sagot sa kanya ni Uriel. Sinubukan niyang magbuka ng bibig para magpaliwanag pero walang anumang salita siyang naibulalas kaya nagpatuloy ang binata. "Kasi wala pa tayong isang taon kaya iniisip mong hindi pa kita ganoon kamahal?" noon na galit na napatayo si Uriel. "Very childish, and I should tell you, that was the most bullshit excuse that I have ever heard!" ang galit na sagot ni Uriel na tila ba hindi narinig ang sinabi niya. Malakas na sampal ang pinadapo ni Therese sa pisngi ng binata dahil doon. "Sa tingin mo madali ito? Ginagawa ko ito para sa'yo!" "Really?" ang binata na mapait pang tumawa. "para sa'kin o para sa sarili mo?" "How dare you!" si Therese na muling napaiyak. "Well same here! Bakit sa tingin mo ba may magbabago sa kundisyon mo kapag inalis mo ako sa buhay mo?" "Tumigil ka!" "No! Hayaan mo akong magsalita okay? You've done too much talking already so I guess it's my turn now!" Natigilan si Therese sa nakita niyang magkahalong galit at paghihirap sa mukha ni Uriel kaya hindi siya nakapagsalita at umiiyak na pinakinggan ang lahat ng sinabi ng binata. "Masakit oo, at ako mismo natatakot na ngayon palang. But I'm not like you. Kasi kahit natatakot ako at nahihirapan, sinusubukan ko paring ihanda ang sarili ko. Pinag-aaralan kong tanggapin ang lahat. Kasi gusto kong maging masaya ngayon, habang nandito ka pa, habang kilala mo pa ako," ani Uriel na tuluyan na nga ring napaiyak. "Simple lang naman ang gusto ko, bigyan mo ako ng role sa buhay mo, kahit maliit lang," ang pagpapatuloy nitong pakiusap saka nagpahid ng mga luha. "U-Uriel," aniyang isinubsob ang mukha sa palad saka napahagulhol.
1.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 44 Beses bilang mad ne yo lyrics
Read
+Library
Kidnapped By My Possessive Husband

Kidnapped By My Possessive Husband

"I'll stop running away, Jago! Promise, hindi na ako tatakas!" Pagmamakaawa ko sa asawa or soon-to-be ex-husband ko kapag nakatakas ako rito. Pinilit kong makatayo sa pagkakahiga pero hindi ko kaya dahil nakagapos ang kamay ko sa headboard. "You already told me that earlier and yet, you still tried to run away from me... Hindi na gagana sa'kin 'yan..." Madilim ang ekspresyong sagot nito. Lumapit ito kaya naman napapikit ako. Naramdaman ko ang pagsikip ng tali sa kamay ko kaya napadilat ako. "Promise, totoo na talaga 'to! Tanggalin mo na yung tali, please? Natatakot na ako sa'yo!" Kinakabahang usal ko kay Jago pero hindi ito sumagot. Pumatong ito sa'kin at malambing na sinapo ang mukha ko. Impit akong napaung*l nang marahan nitong halikan ang aking leeg. Alam nito kung paano ako kunin dahil kaagad nanghina ang katawan ko sa ginawa nito. "Uhm, Jago! Please!" Hiyaw ko sa pangalan nito nang magsimulang maglandas ang kamay nito sa katawan ko. "I'll make you love me again. You're mine, Isla. You're only f*cking mine..." *********** Matapos ang pagtatalo ng mag-asawang sina Jago River Laxamana at Allona Isla Avellino ay inihagis ni Isla ang wedding ring niya kay Jago upang mapagtanto nitong seryoso siya sa kagustuhan niyang makipaghiwalay. Matapos gawin iyon ay nanakbo ito paalis sa bahay nilang mag-asawa. Nasa bingit na talaga sila ng hiwalayan dahil sa pagkawala ng sana'y panganay nilang anak. Walang araw na hindi nagbabangayan ang mga ito kaya hindi maayos ang kanilang relasyon. Kinidnap ni Jago si Isla. Nang magising ito ay mahimbing ang pagkakatulog ni Jago sa tabi niya. Napagtanto nitong nasa island sila kaya nagpatuloy ang bangayan nila at nagtangkang tumakas si Isla mula kay Jago. Makakatakas kaya si Isla sa asawa niyang si Jago? O magtatagumpay itong muling kuhanin ang kaniyang puso at angkinin siya?
10847 viewsOngoingIdinagdag sa Library 32 Beses bilang mad ne yo lyrics
Read
+Library
Hahamakin Ko ang Lahat

Hahamakin Ko ang Lahat

“Minsan, ang pinakamadilim na pagkabulag… ay ang pagkabulag sa pag-ibig.” Si Lorie Philip, ang nag-iisang tagapagmana ng Philip Empire, ay nawala ang lahat sa isang iglap. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang at nagdulot ng kanyang pagkabulag — iniwan siyang mag-isa, mahina, at umaasa lamang sa lalaking akala niya’y kanyang sandigan: si Jason Curry, ang asawa niyang ipinagkasundo sa kanya mula pagkabata. Ngunit ang pag-ibig na inakala niyang totoo, ay isa palang malupit na panlilinlang. Habang siya’y nabubuhay sa dilim, ginamit siya ni Jason upang makuha ang lahat ng ari-arian ng Philip family, habang palihim na nilalapastangan ang kanilang kasal kasama ang sekretarya nitong si Necy. Sa paningin ni Lorie, siya ay minamahal. Ngunit sa katotohanan, siya ay ginamit, pinagtawanan, at niloko. Hanggang sa isang araw, isang pagkadulas sa banyo ang nagbalik ng kanyang paningin at kasabay nito, ang katotohanang mas masakit pa sa pagkabulag. Nakita niya mismo ang kanyang asawa at sekretarya, naglalampungan sa study room, at mula sa bibig ni Jason, narinig ang mga salitang pumunit sa kanyang puso: “Hindi ko siya mahal. Kayamanan lang niya ang kailangan ko.” Ngunit ang mas mabigat na katotohanan, ang aksidenteng pumatay sa kanyang mga magulang ay hindi aksidente, kundi isang maingat na plano ng pamilya Curry. Sa gitna ng luha at galit, nanumpa si Lorie: “Pagbabayarin ko kayo sa lahat ng ginawa n’yo sa akin.” Sa tulong ng isang matalino at misteryosong private investigator na si Fernan James, unti-unti niyang binuo ang kanyang lakas upang bawiin ang lahat — kayamanan, hustisya, at dignidad. Ngunit habang lumalalim ang imbestigasyon, unti-unting nagigising ang damdamin niyang matagal nang natulog. Pag-ibig ba o hustisya ang pipiliin niya? At handa ba siyang magmahal muli sa lalaking handang ipaglaban siya, kahit kapalit ay buhay niya?
101.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 39 Beses bilang mad ne yo lyrics
Read
+Library
PREV
1
...
8910111213
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status