Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
108.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Downfall He Never Had

The Downfall He Never Had

LichtAyuzawa
For the past years in Arra's life she only wished for her family to have good health and be safe. She's been a servant of god all her life kaya hindi siya nagkakasala intentionally pero dadating sa puntong susubukin ng diyos ang pananampalataya ng isang tao at yun ang nangyari kay Arra nung makilala niya si Prince isang criminology student mula sa universidad ng san juliano. Si Prince ay kagaya din ni Arra na isang servant ng panginoon at masunuring anak pero ang tahimik sanang buhay ng dalawa ay magugulo dahil sa pagtatagpo ng kanilang mga landas at ang sinless nilang pamumuhay ay mababahiran ng makamundong kasalanan na labis nilang pag-sisisihan pero huli na dahil parehas na silang nasaktan. Sa pag-alis ni Arra sa lugar kung saan niya naranasan ang unang sakit ng pag-ibig ay mahanap niya kaya ang kaligayahang matagal niyang ninais? Ano ang mangyayari kung sa pag-alis niya ay makilala niya si Marco isang mayaman at ubod ng bait na lalaking magmamahal sa kanya ng buo. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling magbabalik ang kanyang nakaraan para gulugin ang kanyang tahimik na kasalukuyan.      
Romance
101.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)

Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)

Rated SPG Thea Reyes' common-law husband cheated on her, nahuli niya sa aktong hubo't-hubad at magkapatong ang kanyang partner at matalik na kaibigan sa ibabaw ng kama sa kanilang kuwarto kaya't walang pag-aatubili itong lumayas mula sa kanilang bahay at naghanap ng maupahang apartment para doon muna mamalagi habang hinihintay ang tawag mula sa ina-applyan niyang trabaho. Mahigit isang buwan na ang lumipas ng umalis siya sa kanilang bahay ngunit hindi siya hinanap ng kanyang partner. Naisipan niyang pumunta ng club para libangin ang sarili, gusto na niyang makalimutan ang sakit na ibinigay ng kanyang asawa at ng inakala niyang mabuting kaibigan. She went to the club and accidentally encounter a handsome stranger and had a one-night stand with him. Kinabukasan ay tinawagan na ito sa kanyang ina-applyang trabaho bilang katulong sa mansyon. Nabigla nalang si Thea ng malaman niya na ang naka one-night stand niya ay anak pala ng magiging boss niya. Ano pa kaya ang mangyayari sa mga susunod na kabanata ng storya nila? Paninindigan kaya nila ang kanilang na simulan? Paano kung hindi sasang-ayon ang Ina nito? Maisasakatuparan pa kaya ang mga pangako?
Romance
8.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight

The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight

Matagal ng inaasam ni Cecelia Raymundo na mabuntis siya, pero noong araw na nalaman niyang buntis siya ay ang araw rin na natuklasan n’ya na pinagtataksilan siya ng kanyang asawang si Maxwell de Silva at ng kanyang bestfriend na si Valentina Dionisio. Dahil isa siyang bulag at inakala ng mga ito ay hindi niya malalaman. Nagpanggap s’ya na hindi ‘yon alam at noong araw na ibibigay ng kanyang ama ang kompanya nito sa asawa n’ya ay inagaw niya ‘yon subalit hindi n’ya inaasahan na makunan siya. Sa tindi ng galit ay nilisan n’ya ang Pilipinas, pinagamot ang mga mata at muling bumalik para maghiganti. Malinaw na niyang nakikita ang magandang buhay ng asawa niya at kabit nito. Gusto n’ya lamang sirain ang mga ito pero hindi niya inaasahan na maka-one night stand niya si Magnus Quinn de Silva—ang nakatakdang pakakasalan niya at ang tiyuhin ng dating asawa. Subalit ang tunay na layunin nito ay gagawin lamang siyang trophy wife. Nasa rurok na s’ya ng tagumpay ng muling bumalik si Maxwell at nagmakaawang hiwalayan niya ang tiyuhin nito.
Romance
108.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Mister Billionaire's Sunshine

Mister Billionaire's Sunshine

Si Lirah Sarmiento, isang haciendera at masunuring anak. Wala siyang ibang ginawa kundi sundin ang mga inuutos ng mga magulang at kapatid para lang makuha ang inaasam na pagmamahal ng mga ito. Kahit na ang magpakasal sa isang lalakeng hindi naman niya kilala para lamang mailigtas ang kanilang kompanya.. Si Matias Gomez, ang panganay na anak ng mga Gomez. Isang bilyonaryong bigo sa pag-ibig. Lumaki siyang may galit sa mga magulang dahil gusto ng mga itong maging perpekto siya bilang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian. Kahit na pati sa magiging asawa niya. Dalawang tao na may magkaibang katauhan. Parehas na pinagkaitan ng pagmamahal. Magawa kaya nilang mahanap ang pag-ibig na kanilang inaasam sa piling ng isa’t isa?
Romance
910.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Possessive Prince

The Possessive Prince

Ako si Skyler Dela Rio ang nag-iisang slave ni Prince Alexander Monte Verde Matalik kaming magkaibigan simula pagkabata dahil ako ay isa ring prinsipe noon na anak ng hari at reyna ng Kaharian ng Dela Rio ngunit nagbago ang takbo ng lahat simula noong mamatay ang aking mga magulang. Kinupkop ako sa kaharian ng Monte Verde at nagtrabaho bilang slave ng prinsipe Magkaibigan kami ngunit hindi niya alam na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kaniya Paano kaya kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya? Susuklian niya ba itong pagmamahal ko sa kaniya o ipagtatabuyan niya ako sa kaharian? Basahin kung ano ang magiging takbo ng aming storya!
LGBTQ+
912.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
An Everlasting Love (Book 1 & 2)

An Everlasting Love (Book 1 & 2)

Babz07aziole
"Sa larangan ng pag-ibig ano ang makakaya mong isakripisyo para sa kapakanan ng iyong minamahal?" Si Armina Deo Gracia at Xander Luis Montenegro, pinagtagpo sa maling panahon. Nagkaroon man ng kanya-kanyang pamilya ay nanatili ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Hanggang dulo... Si Katherine Salcedo at Ivan Sammuel Stevenson, apo ng yumaong Armina at Xander Luis. Pinagtagpo at kusa nilang nasumpungan ang pag-ibig sa bawat isa kahit na magkaiba ang estado nila sa pamumuhay at marami ang humahadlang. Magiging katulad din ba ng kanilang namayapang abuela at abuelo ang kanilang pag-iibigan? Sa panahong malupit ang kapalaran, magkakaroon ba ng pag-asa ang kanilang pag-iibigan? Kaya bang mapanindigan ang wagas na pagmamahal kung ang alaala nila’y maaaring mahadlangan ng kanilang pagitan sa nakaraan?
YA/TEEN
5.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Assistant, My Secret Husband

My Assistant, My Secret Husband

Only child si Honey Jane  De Guzman. Kaya di nakapagtataka na lahat ng gusto niya ay makakakuha ng di na kailangang magbanat ng buto. Spoiled sa magulang at higit sa lahat ay napaka-care free niyang babae.  Ngunit paano kung isang araw bigla na lang siyang mawawalan ng magulang dahil sa isang aksidente na siyang sanhi ng pagpanaw ng mga ito?  At paano kung malaman niya na inihahabilin siya ng kanyang ama sa executive assistant nito na sobrang seryuso, expressionless, nonchalant na si Zacharias Joey Macapagal? At ang mas masaklap pa ay kailangan niya itong pakasalan upang makuha ang mana at ang pagiging CEO niya sa kumpanya? Makakatagal kaya ang isang makulit na si Honey Jane  sa isang introvert na si Zacharias? 
Romance
629 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Marry Him At The Age Of Eighteen

Marry Him At The Age Of Eighteen

Hindi naisip ni Charlotte na sa edad na labing-walo ay magkakaroon agad siya ng asawa— lalo na sa kaibigan ng kanyang kapatid, ang seryoso at mapalinlang na si Elijah. Sa isang gabi na puno ng tensyon at luha, nauwi ang lahat sa kasal. Matatali si Charlotte sa lalaking hindi pa niya lubos na kilala kahit pa kaibigan ito ng kanyang kuya. Sa pagsasama ng dalawa maraming lihim si Elijah na mabubunyag, at maging si Charlotte dahil may nabuo sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang lahat ay hindi matatahimik dahil sa isang babae na handang gawin ang lahat para lang sa pagmamahal ni Elijah. Magkaroon kaya ng pagbabago habang nagsasama sila, o mauuwi ang lahat sa trahedyang hindi inaasahan ng lahat?
Romance
1035.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
exclusively Yours

exclusively Yours

Hindi akalain ni Alexa Perez na makakaranas siya ng pagtataksil mula sa dalawang tao na malapit sa kanyang puso. Ikakasal na siya at ang nobyo niya nang madiskubre niyang may lihim itong relasyon sa kanyang matalik at nagiisang kaibigan. Dahil sa sakit na dulot ng pagtatasil ng nobyo ay naisipan niyang maghiganti rito. Nangahas siya na akitin at ialok ang kanyang sarili sa isang gwapo at batang tiyuhin ng kanyang nobyo. Hindi pinagsisihan ni Alexa ang nagawa niya, kahit na ang lalaki na binigyan niya ng kanyang kapurihan ay bigla siyang iniwasan. Sa araw mismo ng kanyang kasal ay hindi lumitaw si Alexa, bigla na lang siyang naglaho dala-dala ang isang munting bagay na siyang magbabago ng buong buhay niya.
Romance
9.94.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status