Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Arranged Marriage to the Cold-Hearted CEO

Arranged Marriage to the Cold-Hearted CEO

Prologue Celine Dela Cruz never imagined na mauuwi sa ganito ang buhay niya. Sa probinsya, simple lang ang mundo niya—gising ng maaga para tumulong sa tindahan ng pamilya, makipagbiruan sa mga kapatid, at mangarap na balang araw… magkakaroon din siya ng love story na parang sa pelikula. Pero isang gabi, habang sabay-sabay silang kumakain, bumagsak ang bombang hindi niya inasahan. “Anak…” mabigat ang boses ng tatay niya. “May kasunduan tayo. Ikakasal ka.” Nag-freeze si Celine. “What? Papa, seryoso ka ba?” At doon niya narinig ang pangalan. Liam Alcantara. CEO ng Alcantara Group. Isa sa pinakamakapangyarihang tao sa Maynila. Mayaman, guwapo raw sabi sa mga balita, pero kilala ring cold at walang puso. Arranged marriage. Hindi niya choice, hindi niya gusto. Pero dahil nalulunod na sa utang ang pamilya niya, wala siyang nagawa. Sa moment na iyon, narealize niya—hindi lahat ng love story nagsisimula sa kilig. Minsan, nagsisimula ito sa kontrata. At minsan, ang taong akala mong magpapabagsak sa’yo, siya pala ang matututunan mong mahalin.
Romance
10118 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Seduced By My Stepbrother

Seduced By My Stepbrother

Akala ni Havana ay kasayahan lang ang meron sa pre-wedding party ng kanyang ina. Pero hindi niya in-expect na ang gabing yun ay siyang gugulo pala sa mundo niya. One night, one stranger, one big mistake. At mas lalong pang naging disaster nang malaman niyang ang lalaking nakasiping niya ay ang magiging stepbrother niya. Jacob Young. The youngest billionaire in the country. Dangerous. Arrogant. Siya ang tipo ng lalaki na dapat iniiwasan, pero siya rin yung tipong hindi mo makakalimutan no matter how hard you try. It was supposed to be nothing, just one night. Pero paano kung magbunga ang isang gabi na may nangyari?
Romance
100 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Married to my scumbag ex-boyfriend's Brother

Married to my scumbag ex-boyfriend's Brother

Isang araw bago ang kanyang kasal, bumagsak ang buong mundo ni Cassandra. sa mismong opisina, nahuli niya ang kanyang nobyo na kaisa ng magiging hipag niya isang malupit na pagtataksil na walang kapantay. Wasak ang puso, halos hindi na siya makahinga sa sakit ng kanyang natuklasan. At sa gitna ng pagkawasak na iyon, isang malamig ngunit matatag na tinig ang biglang umalingawgaw sa tabi niya. "Pakasalan mo ako at mula bukas ang dalawang walang hiya na iyon ay mapipilitan kang tawaging hipag araw-araw. Ano sa tingin mo?"
Romance
1089 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
His Perfect Servant

His Perfect Servant

Prologue Hawak ang maliit na bag, nakatayo si Althea Santos, 20, sa harap ng marangyang tahanan ng pamilya Velasco. Para bang ibang mundo ang kaharap niya—malayo sa simpleng buhay sa probinsya. Kailangan niya ang trabahong ito, at ang pagiging kasambahay ng isang kilalang doktor ang tanging daan upang makatulong sa pamilya. Pagpasok niya sa sala, sinalubong siya ng bango ng mamahaling pabango at kinang ng chandelier. Ang bawat sulok ay parang larawan mula sa magasin, at halos hindi siya makapaniwala na dito siya maninirahan. “Ah, ikaw pala si Althea,” isang malalim na tinig ang umalingawngaw. Lumingon siya at napatigil. Isang matangkad, gwapo, at matipunong lalaki ang naroon—may malamig na tingin ngunit hindi maitatangging kaakit-akit. Si Dr. Adrian Velasco, 25, amo niya at isang respetadong doktor. “Y-yes, Sir,” sagot niya, pilit pinapakalma ang nanginginig na tinig. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso, hindi lamang dahil sa kaba kundi sa paraan ng pagtitig ni Adrian—parang binabasa ang kanyang buong pagkatao. Lumapit ito, mabagal at tiyak ang bawat hakbang. “Welcome sa Velasco residence. Sana makapag-adjust ka nang mabuti.” Kasabay ng banayad na babala ang isang maliit na ngiti na nag-iwan ng init sa dibdib ni Althea. Sa sandaling iyon, naramdaman niya ang tensyon—isang halong respeto, kaba, at hindi maikakailang kilig. Alam niyang hindi magiging ordinaryo ang mga susunod na araw. Sa ilalim ng bubong na ito, magsisimula ang kwento ng damdamin na susubok sa kanya—mga lihim, selos, kilig, at sakit na magbabago sa kanyang puso magpakailanman. ---
Romance
81 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Honey, I don't want the Crown

Honey, I don't want the Crown

Sa mata ng lahat, si Cassandra ay ang “Queen” ng mundo ng negosyo ang asawa ni Nathaniel, isang makapangyarihang negosyante na tinaguriang “King of Business Empire.” Marangya ang kanilang buhay, puno ng pera, impluwensya, at kasikatan. Ngunit sa likod ng kinang, itinatago ni Cassandra ang bigat ng pagiging isang “trophy wife” na nakatali sa imahe at kapangyarihan ng asawa. Habang mas lumalawak ang kaharian ni Nathaniel sa mundo ng negosyo, mas nararamdaman ni Cassandra ang pagkawala ng sarili. Ang mga simpleng pangarap niya maging isang fashion designer, mamuhay nang tahimik at payapa ay natatabunan ng mga korona at trono na ipinipilit isuot sa kaniya ng asawa. Sa pagbabalik ng isang matalik na kaibigan mula sa nakaraan, muling nabuhay ang mga tanong sa puso ni Cassandra: Ano ba talaga ang tunay na halaga ng kaligayahan? Pera, kapangyarihan, at titulo? O ang kalayaan na sundin ang sariling pangarap kahit kapalit nito ay mawala ang lahat ng yaman at impluwensya?
Romance
62 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
60 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MAID OF A MILLIONAIRE

MAID OF A MILLIONAIRE

Book Title: Maid of a Millionaire Synopsis: "This time...you can't escape from me," bulong nya. Nagtubig ang ilalim ng mga mata ko nang bigkasin ko ang pangalan nya. "J-james...." And, yes. I feel in love with my boss. *** Ipinanganak sa mahirap na pamilya si Ella Balona kaya't pagkatapos gr-um-aduate ay kailangan nitong makahanap ng trabaho. Nagbakasakali naman ito sa Maynila at nakahanap ng trabaho bilang personal maid ng anak ng isa sa kinikilalang tao sa bansa. Nakilala nito ang arugante at mayabang nitong boss na si James David Lauren. Alam nyang ayaw sa kanya ng lalake at lahat ay ginawa mapaalis lang sya sa mansion pero dahil kailangan nya ng pera ay hindi sya nagpaapekto rito. Hindi mabilang ang naranasan nyang pagsubok sa kamay ng binata pero kahit gano'n ay hindi nya pa rin maitatangging kakaiba ang kagwapohan nito na kahit sa kanya ay umeepekto. Kaya nyang tanggapin kahit anong masasakit na salita para lamang maintindihan ang binata. Pero hanggang kelan? Paano kong tuluyan syang mahulog pero alam nyang bawal? Paano kung hinahanap-hanap nya ang maiinit nitong halik pero alam nyang ito ay kasalanan? Sana ba mapupunta ang pagmamahalan kung kalaban nyo na ang buo mundo? Kaya nya kayang ipagtanggol ang babaeng mahal nya?
Romance
51 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

Si Althea Cruz ay isang simpleng babae na may pangarap na makalaya sa mahigpit na mundong ginagalawan niya. Ngunit isang pagkakamali ang nagtulak sa kaniya sa kamay ng lalaking kinatatakutan ng marami—Governor Silas Montenegro, isang makapangyarihan, mayaman, at misteryosong lider na sanay makuha ang lahat ng gusto niya… maliban sa puso ni Althea. Dahil sa isang lihim at kasunduang hindi niya maiiwasan, napilitang pakasalan ni Althea ang lalaking ayaw niyang makasama. Sa mata ng mundo, isa silang perpektong mag-asawa. Pero sa loob ng kanilang tahanan, malamig ang bawat titig, at mas malamig ang bawat salitang hindi binibigkas. Ngunit gaano katagal mananatiling bato ang pusong pilit pinapainit ng isang lalaking sanay makuha ang lahat sa pamamagitan ng pwersa? At gaano kalayo ang kayang gawin ng isang obsessed na gobernador… para makuha ang babaeng hindi siya kayang mahalin?
Romance
22 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Falling Twice for My Billionaire Boss

Falling Twice for My Billionaire Boss

Kaella Ponce has always been the sales manager everyone relies on—palaging on time, mahusay sa numbers, at hindi basta-basta natitinag. Sa mundo ng Roque Corporation kung saan bawat deal ay critical, she’s the woman who keeps the department running smoothly. Kaya nang ma-assign sa kanya ang isang tila clueless na trainee, she’s ready to roll her eyes and move on. Pero hindi ordinaryong newbie si Jerome. Sa likod ng kanyang simpleng trainee facade, siya pala ang Jerome Roque, ang tanging tagapagmana ng snack empire na pinagtatrabahuhan nila. Sa utos ng kanyang ama, nagkunwari siyang baguhan para maintindihan ang kumpanya at makita kung sino ang tunay na loyal. Nang kailangan niyang biglang umalis dahil sa family business crisis abroad, hindi na niya naipaliwanag ang buong katotohanan. Naiwan si Kaella—brokenhearted at feeling betrayed—at nangakong hindi na muling magpapaloko. Pagkalipas ng ilang taon, matagumpay at kilala na sa industriya si Kaella—mas strong, mas guarded, pero may mga sugat pa ring hindi tuluyang naghilom. Sa isang malaking business conference, nakasalubong niya ulit ang isang ngiti na matagal na niyang gustong kalimutan. Si Jerome Roque, ngayon ay isang charismatic CEO, bumalik para patunayan na hindi nagbago ang feelings niya. Muling nagbabalik ang kilig, ang sakit, at ang mga alaala. Pero handa pa bang buksan ni Kaella ang puso niya? Kaya ba niyang muling mahulog—this time sa billionaire boss na minsan na siyang iniwan? O hahayaan niyang manatili ang distansya sa pagitan nila kahit na malinaw na may spark pa rin?
Romance
1022 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
414243444546
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status