Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaires Regretted Fury

The Billionaires Regretted Fury

Ahhhhh...... Tama na Luther maawa ka, maawa ka sa magiging anak natin... Umiiyak na pagmamakaawa ni Abby ng maramdaman niya na tumama sa likod niya ang latigo na inihampas sa kanya ng kanyang asawa na si Luther. Puro pasa na din ang aking mukha at katawan sa walang tigil na pananakit nito sa akin. Sobrang sakit nito at pakiramdam ko matatanggal pati balat ko tuwing hinahampas sa akin ang latigo na gamit nito. Nakadapa ako sa lapag habang walang tigil sa pananakit sa akin si Luther. May mga bakas na din ng dugo sa sahig na nanggaling sa akin. "Your Slut Abby... Pagbabayaran mo ang lahat ng ito. Alam mong ayaw ko sa lahat ang niloloko ako. Sigaw ni Luther sa akin sabay hawak sa aking mukha ng mariin at sinampal ako. Halos mabagok ang ulo ko sa sahig sa lakas ng impact nito. Nandito kami sa basement ng mansion. Alam kong walang makakarinig sa akin kahit na ilang beses akong sumigaw para humingi ng tulong. Parang mga bingi ang mga tauhan ni Luther sa pagmamakaawa ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko na mabilang kong ilang suntok, sampal, at latigo ang tumama sa aking katawan. Siguro kailangan ko ng tanggapin na hanggang dito na lang ako. Marahan kong kinapa ang aking tiyan. "Sorry anak, hindi kita magawang ipagtanggol. Siguro hanggang dito na lang tayo. Pangako mamahalin kita sa kabilang buhay." anas ko sabay pikit.
Romance
10120.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionaire One Night Stand with the Saleslady

Billionaire One Night Stand with the Saleslady

Si Jela ay isang simpleng saleslady na nagtatrabaho sa isang high-end na department store. Sanay na siya sa simpleng buhay, tahimik, iwas sa gulo at paulit-ulit na routine sa buhay—trabaho, bahay, ulit. Iwas siya sa mga katrabaho upang maiwasan ang mga intriga sa kanyang buhay. Gusto niyang panatilihing lihim ang kanyang buhay, lalo na pagkatapos ng isang gabing pagkakamali at nagbunga ang kapusakang iyon. Si Jupiter ay kilala sa kanyang malupit na taktika sa negosyo, ngunit kulang ang kanyang personal na buhay. Pagkatapos ng nakaka-stress na meeting sa kumpanya, naisipan niyang pumunta sa luxury bar. He spends a passionate night kasama ang isang kaakit-akit na babae. Sa isang gabi ng kapusakan, walang pangalan, walang contact details ang mayroon sila sa isa't isa. He can't shake the memory of their night together. Bigla kasi siyang na-attach sa babae mula sa 'di malilimutang gabi. Pursigido siyang hanapin ang misteryosong babae na humatak sa kanyang puso. Habang iniimbestigahan niya kung sino ang babaeng iyon, hindi niya akalaing nasa paligid lang pala ito. Na-recognize niya ang isang pabango na katulad sa pabango ng naka-one night stand niya. Pabango ng isang saleslady na nagtatrabaho sa pagmamay-ari nilang department store. Habang lumalalim ang koneksyon nila, lalo pang lumalaki ang mga sikreto, mga intriga, at mga hadlang sa kanilang dalawa, lalo na ang malaking agwat sa estado ng buhay nila. Ngayon, kaya ba nilang panindigan ang isang pagmamahalan na nagsimula sa isang gabing pagkakamali? Puso ba ang pipiliin o katahimikan para sa lahat?
Romance
108.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling for My Boss

Falling for My Boss

Sa murang edad, maagang namulat si Elisia Delgado sa hirap ng buhay. Sa paglipas ng panahon, hindi nagbago ang kanyang sitwasyon, ngunit sa gitna ng kanyang paglaki, natutunan niyang maging matatag at mangarap para sa sarili. Ang buhay ay mahirap ngunit madaling maging matatag, iyon ang naging panlaban ni Elisia. Sa kabila ng lahat, mawawala ba ang kanyang lakas ng loob sa pagdating ng isang lalaki sa kanyang buhay? Lalo na't siya ay unti-unti nang nahuhulog sa lalaking ito. Mahina nga ba ang mga babae pagdating sa pag-ibig? Dahil tila ba nawawala na ang kanyang lakas. Ano kaya ang gagawin ni Elisia kung ang nagiging hadlang sa kanyang pangarap ay ang siyang magpapaibig sa kanya nang wagas?
Romance
22.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Vampire who will fall inlove with me

The Vampire who will fall inlove with me

Iam Sorowenpein
Habang nagtatago sa grupong humahabol sa kanya ay di sinasadyang napadpad si Erinn sa mapunong parte sa likod ng kanilang eskwelahan. Nung gabing iyon, di niya lubos akalain na Magtatagpo ang landas nila ni Volt, na isang bampira, na puno ng sugat ang buong katawan at may pana pang nakabaon sa likudan nito. Dahil sa pagtulong ni Erinn, ay di niya akalain na mapapaloob siya sa isang ugnayan na ang tanging makakapagpasawalang bisa lang ay kamatayan. Magiging obligasyon ni Volt na protektahan si Erinn hanggang sa pinakadulo ng buhay nito dahil sa pagkakaligtas nito sa kanya.
LGBTQ+
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
BEYOND HER DESIRE

BEYOND HER DESIRE

Tearsilyne
Dahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang unibersidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Isa itong high-class university sa buong bansa ngunit mas gugustuhin pa niyang mag-aral sa ibang university huwag lamang dito. Gustuhin man niyang magback-out ngunit wala na siyang ibang pagpipilian sapagkat pasukan narin sa susunod na linggo at ang unibersidad lamang na ito ang tumaggap sa kanya. Labis pa niyang ipinagtaka na sa dami ng unibersidad na pinag-applyan niya ay wala ni isa sa mga ito ang nag-email sa kanya upang magbigay ng feedback. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang mga magulang, ay wala na silang magagawa sapagkat isa sa mga batas dito ay hindi na pwedeng mag-back out ang mga natanggap sa enrollment. Kung hindi ay mas lalong malalagay sa alanganin ang kanilang buhay. Sa unang tapak pa lamang niya sa Shioma University ay hindi niya lubos maisip na may isang lalakeng makakapasok sa kanyang dorm. Ang lalakeng mas lalong magpapagulo sa kanyang buhay. "I won't let anyone to see your precious body, babe. No one or I'll not hesitate to kill them."
Romance
105.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Casanova's Contracted Wife

The Casanova's Contracted Wife

Ikakasal na dapat si Alexandra sa nobyo niyang isang half chinese na si Triton Chu. Handa silang suwayin ang lahat maging ang mommy ni Triton na hindi boto sa kanya. Pero isang gabing naimbitahan siya sa isang party sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya ay hindi niya ito pinalampas. Pero hindi niya inakala na iyon pa la ang magdadala sa kanya sa papunta kay Zachary Luthman, isang appointed CEO ng kanilang construction company- kilala bilang casanova. Lahat ng babae ay nakukuha niya sa alindog at kaguwapuhan niya. Gawa ng labis na kalasingan ay namali ng kuwartong pinagpahingahan si Alexandra at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalo niya sa isang mainit na gabi si Zachary. Sa kahihiyan kinabukasan ay halos gumuho ang mundo ni Alexandra. Wala siyang kaalam-alam kung sino ang nakasalo niya sa kama. Wala na siyang mukhang maihaharap sa nobyo niya. Pero paano kung ang kasalanang iyon ang maglalayo pa la sa kan'ya sa maling tao? Paano kung sa muling pagtatagpo nila ni Zachary ay makilala niya kung sino talaga ang isang Zachary Luthman? Mahulog kaya siya sa babaerong si Zach? Gayong dahil sa kasalanang iyon ay napagkasunduang ipakasal silang dalawa?
Romance
9.939.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)

Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)

Hindi agad nakukuha ni Sebastian ang mga gusto niya sa buhay ng hindi ito pinaghihirapan. Laki siya sa isang squatters area at may kaya lamang sa buhay. Pagkatapos nito sa kolehiyo at makapasa sa Civil Service Exam ay nakakuha siya ng magandang trabaho bilang isang Support Specialist sa BIR tuwing umaga at ang kanilang pangarap ng kaniyang mga kaibigan na makadevelop ng sarili nilang laro ang inaatupag niya tuwing gabi. Bilang pangako sa kaniyang magulang ay nag-iipon siya ng malaking halaga upang maipaayos ang kanilang munting tahanan na kaniya ring inaasam. Habang naghihintay sa kaniyang katrabaho sa isang fountain ledge ay may isang magandang dalaga na bumihag agad sa kaniyang puso't paningin. Paano kaya niya mapapasagot ang dalaga kung wala pa siyang kayang patunayan sa lahat? Lalo na't ang kaakibat ng pagmamahal sa dalaga ay kailangan lumalangoy rin siya sa dagat ng kayamanan. Mananaig pa rin ba ang puso sa isang taong mayroong pitakang butas?
Romance
10214 viewsCompleted
Read
Add to library
THE ATTORNEY's WIFE

THE ATTORNEY's WIFE

Pagkatapos ng limang taong paninirahan sa New York, napilitang umuwi ng Pilipinas si Elysia Samonte dahil sa pamimilit ng kanyang ina.Nakapagtapos s'ya sa New York University at isa s'yang sikat na Modelo sa ibang bansa, lingid sa kanyang kaalaman naka-arranged marriage na pala s'ya sa lalaking nag ngangalangang Xavi Hernandez na s'yang kinababaliwan n'ya noon. Isa itong babaerong abogado, at ang tingin kay Elysia ay isang babaeng magaling mang-akit ng mga lalaki dahil isa 'din s'ya sa naakit sa ganda ng dalaga. Dahil sa pamimilit ng kanilang mga ina kaya napilitan silang magpakasal sa isa't-isa ngunit para kay Elysia at Xavi sa lamang na paligsahan ang kasal kong sino ang unang bibigay sa kanilang dalawa ay s'yang matatalo. Si Xavi Hernandez kaya ang unang mahuhulog sa mapang-akit na ganda at alindog ni Elysia? O baka naman si Elysia Samonte ang mauunang mahulog sa mapanlinlang na kilos ni Xavi?
Romance
9.587.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Contract Bride

The CEO's Contract Bride

Napilitang makipagtrabaho ang matapang at matalinong marketing manager na si Miles Cruz sa kanilang bagong CEO, ang bilyonaryong si Bruce Peter Navarro. Ngunit nalagay sa alanganin ang kontrol ni Bruce sa kanyang kumpanya dahil sa isang "marriage clause" sa mana ng kanyang ama, kaya isang alok ang inalok niya kay Miles: isang pekeng kasal kapalit ng promosyon at kapangyarihan nito sa trabaho. Walang emosyon. Walang komplikasyon. Pero sa bawat halik na para sa publiko, sa bawat titig na hindi na scripted ay unti-unting nagiging totoo. At kapag nalaman ni Miles ang tunay na dahilan ng alok sa kanya, bibitaw na ba siya sa kontrata of ipaglalaban ang nabuong pagmamahal?
Romance
336 viewsOngoing
Read
Add to library
Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Mr. Noi
Si William Styles, isang tipikal na cute na binatilyo ay namumuhay ng payapa at normal na buhay gaya ng iba hanggang sa isang insidente ang nagpasindak sa kanyang buong pagkatao. Sa hindi inaasahang pagbabagong ito sa kanyang buhay, nakahanap siya ng bagong tahanan, mga kaibigan, at isang usbong ng pag-ibig sa grupo ng mga taong lobo na may dilaw na mata. Pangil sa pangil at kuko sa kuko ay kung paano nila labanan ang kanilang mga kaaway, ang mga taong lobo na may pulang mata. Isang gabi, isang nakakatakot na pangyayari ang naganap. Umagos ang sariwang dugo sa bundok at nagkalat ang mga bangkay sa kagubatan. Magagawa ba nilang ipaghiganti at protektahan ang kanilang mga mahal sa buhay sa ilalim ng pulang buwan?
Other
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status