Slave By My Stepfather
Mahigpit parin ang hawak niya sa walis tingting kaya may naisip akong idea.
"Magwawalis ba kayo 'Ma? Bakit dito sa labas? Wala ka pasok?" Sunod-sunod na tanong ko sabay kuha ng walis tingting sa kanya at kinuha agad ang dust pan.
"Oo, magwawalis sana ako ng taong balahura at binatang walang pasabi ni-text man lang di magawang magpa-alam, parang walang magulang." Paghahayag ni Mama ng saloobin, ganyan ang Mama ko kaya mahal na mahal ko. Sa halip na diretsuhin ka, paririnigan ka hanggang sa ikaw na mismo kusa aamo at makikisuyo sa kanya. "Ano pa ba ang saysay ng load at cellphone kung hindi gagamitin? My God! I am beautifully stress."