Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Behind Her Innocence

Behind Her Innocence

“Maaari ko bang isangla muna sa iyo ang kwintas na ito kasama ng singsing ng aking mommy?” Anya ng pitong taong gulang na batang babae sa isang lalaki na nakapikit habang nakasandig ang ulo sa sandalan ng upuan sa isang waiting area ng hospital. Seryosong tumitig ang 20 years old na binata sa isang munting bata sa kan’yang harapan. “Alam ba ng mommy mo na isinasangla mo ang ang wedding ring niya?” Seryosong tanong na hindi maalis ang tingin sa mala anghel na mukha ng bata. “Ang sabi ng doctor ay kailangang maoperahan si mommy, pero wala akong pera, hindi mo naman siguro ipapaalam kahit kanino na sinangla ko ito sayo, di’ba?” Malungkot na sagot nito, bago matapang na sinalubong ng batang babae ang mga mata ng lalaki. “Paano kung kukunin ko ‘yan, paano mo ito matutubos sa akin? Hindi ako tumatanggap ng pera.” Seryosong pahayag ng lalaki. Saglit na nag-isip ang bata na wari mo’y naguluhan. “Kukunin ko ‘yan at sasagutin ko ang operasyon ng mommy mo pero sa isang kondisyon, magiging akin ka at pagtuntong mo sa tamang edad ay ikakasal ka sa akin. Kung hindi ka tutupad ay hindi ko babalik sayo ang kwintas at ang singsing ng mommy mo.” “Pumapayag po ako.” Inosenteng sagot nito. ————— Isang batang babae ang nakipagkasundo sa nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Smith, si HARRIS SMITH. No read, no write at mangmang sa lahat ng bagay ‘yan si ZAHARIA LYNCH. Isang simpleng dalaga na sinamantala ang kainosentihan ng mga taong itinuturing niyang pamilya. Paano magkakaroon ng katuparan ang kasunduan ng dalawa kung sa apat na sulok ng kwarto umiikot ang mundo ni Zaharia?
Romance
1029.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Love Me for Who I Am

Love Me for Who I Am

Siya si Danielle, short for Daniella Marasigan Sandoval. Anak mayaman, kung kayat lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Sa katunayan siya ang nag isang anak ni Eduardo Sandovall, ang nagmamay ari ng pagawaan ng mamahaling sasakyan sa bansa. Maganda, mabait at higit sa lahat mapagmahal sa mga taong itinuturing siyang pamilya. Isa lang ang kulang sa kanyang buhay at ang pinakaasam asam niya, walang iba kundi ang atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama. Lalaki kasi ang gusto ni Eduardo Sandoval na maging anak kung kayat sobra itong nadismaya ng babae ang lumabas noong manganak ang kanyang asawa na si Victoria Marasigan Sandoval. Muntik kasi itong mamatay nang ipanganak siya kung kayat hindi na siya nasundan o di kaya ay nagkaroon pa ng kapatid. Noong kabataan niya ay isa siyang prinsesa ngunit ng nagkaroon ng isip at nalaman ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa kanya ng kanyang ama ay binago niya ang kanyang sarili. Mula sa magagandang bestida ay pinalitan niya ng maluluwang na t-shirts at jeans. Ang laruan niyang manika ay naging barilbarilan at ang pangarap niyang maging model ay naging taga kalikot ng makina ng mga sasakyan. Ang mga activities na kanyang sinasalihan ay para sa mga kalalakihan, kagaya ng karate, taekwando, shooting, motto cross, drag race at kung ano ano pa. Hindi naman iyon sinabi ng kanyang ama bagkus ay sarili niya itong pasya lalo na ng sabihin nito minsan na ayaw niya sa babaeng mahina kung kayat pati ang pagtatago ng emosyon ay praktisado na niya. Ngunit ang lahat ng kanyang effort ay tila hindi nakikita ng kanyang ama, bagkus ay bale wala ang lahat ng ito sa kanya.
Romance
1026.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
SHANTAL, The innocent turned into wild. (SPG)

SHANTAL, The innocent turned into wild. (SPG)

Shantal, The innocent turned into wild.(spy)TeenagerForbidden LoveContemporaryDramaCampusFirst-Person POV
Shantal she's simple beautiful and innocent, namumuhay siyang masaya sa hacienda de monteverde at isa mga magulang niya ang kasalukoyan nag tatatrabaho sa loob ng malawak na hacienda ng mga monteverte at kilalang mayaman hindi lang dito sa pilipinas maging sa ibat ibang bansa at dito narin sila nanirahan simula ng mapadpad sila sa lugar at masasabi niyang masaya at maayos naman ang pamumuhay nila dito kasama ang mga magulang at mga kapatid niya. Sa idad niyang 18 never pa siya pumasok sa isang relasyos kasi gusto muna niya makapag tapos sa course niyang architecture kaya wala siyang time sa ibang bagay lalo na about sa lovelife o sexual b*b* siya pag dating sa bagay na yun kaya tinatawag siyang shantal the innocent. Pero pano kung isang araw dumating sa mundo niyang tahimik ang isang happy go lucky arogante pilyo bastos mata pobreng at higit sa lahat walang galang na c prince ace monteverde kaya niya kayang patutungohan ang binata at turuan ng tamang asal o mag papadala siya sa bugso ng damdamin at mauwi sa walang humpay na kaligayahan na silang dalawa lang ang nakakaalam kahit wala silang level ng binata, at tuloyan ng mag laho ang shantal na inosente. Si prince ace 25 years old happy go lucky walang derection ang buhay niya gasto dito gasto doon babae dito babae doon at ayaw din imanage ang sandamakmak na business ng mga magulang kaya sa inis at galit ng mga ito tinapon siya sa hacienda de monteverde ng matoto siya sa buhay hindi yung mag lustay lang ng kayaman nila. Ano kaya ang nag hihintay na kapalaran kay ace sa hacienda matatagpuan niya kaya dito ang ang magpapabago sa boa niyang pag katao at pananaw sa buhay..?
Romance
1028.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CEO'S UNEXPECTED BABY

CEO'S UNEXPECTED BABY

Ako si Anne Villar Tambalos, 25 years old. May nobyo ako for 3 years at may balak na kaming magpakasal. Sya si Conrad Lim, galing sa mayamang angkan sa Bohol. Akala ko ay ito na ang lalaking para sa akin pero hindi pala.  Nahuli ko itong nagmu-mukbang sa talaba ng ibang babae. Labis akong nasaktan dahil dalawang buwan na lang ay kasal namin.  Lahat sama ng loob ay sinabi ko sa'kin ina. Kaya agad akong pinayuhan na mag-move on ako, dahil hindi lang ito lalake sa mundo.  Kahit masakit ay kinailangan kong mag-move on sa kabiguan ng pag-ibig.  Isang araw niyaya nila akong mag-bar upang mabawasan ang sakit na aking nararamdaman. Agad akong sumama dahil naroon naman si Celyn kaya walang dapat ipag-alala.  Hindi ko alam naparami ang nainom namin. Kaya nagawa kong makipag-siping sa isang estrangherong lalake.  "Congratulations, you're 1 week pregnant!" parang bombang sumabog na aking pandinig. Hindi ko akalain magbubunga pala ang isang gabing pinagsaluhan namin estrangherong lalake. Dahil sa takot nagtago ako dala-dala ang aming anak sa aking sinapupunan at umalis patungo sa Maynila kasama ang aking kaibigan.  Masaya sana dahil natakasan ko ang dalawang lalaking naging malaking parte pagbabago sa buhay ko. Pero ang ama aking anak ay syang magiging Boss ko pala. Dahilan upang magkunwari ako na hindi ko ito kilala o nakita man lang.  Siya si Dixon Stanley Floyd, multi- billionaire. Hanggang umeksena ang kanyang ina at pinagbintangan ako ng isang bagay na hindi ginawa. Hindi man lang kasi ako pinagtanggol ni Dixon sa kanyang ina.  Hanggang niluwal ko ang anak namin, na sya namang muling pagpapakita ng aking ex. Humingi ito ng tawad sa kanyang ginawa noong nagtaksil ito sa'kin. Nais itong tumayong ama sa'king anak.  "Hihintayin ko ang sagot mo, babalik ako bukas. Kaya pag-isipan mo ang aking sinabi!" saad nito, saka tuluyang umalis.
Romance
1026.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
THE TWIN'S EFFECT

THE TWIN'S EFFECT

Dahil sa matinding sakit at kahihiyan na inabot ni Daniela sa hindi pagsipot sa araw ng kasal nila ng groom niyang si Drewner Ramsel, ang batam-batang CEO ng Ramsel Business Conglomerate ay kaagad siyang nagtungo sa ibang bansa. Doon niya ipinanganak ang mga naging bunga ng minsan nilang pagtatalik ng binata. Ngunit sa unang kaarawan ng kanilang kambal ay kinidnap siya kasama ang isa sa kambal. Tinangka siyang patayin ngunit nakaligtas siya, iyon nga lang ay nasunog ang kalahati ng kanyang mukha. Magmula noon ay hindi na niya nakita pang muli ang isa niyang anak hanggang sa bumalik siya sa bansa ngunit sa ibang mukha at katauhan. Natuklasan niya na ang nag-iisang anak ni Drewner ay kamukhang-kamukha ng kanyang nawawalang anak kaya nagduda siyang ito ang may pakana sa pagdukot at pagtangkang pagpatay sa kanya. Ipinangako niya sa sarili na babawiin niya ang kanyang anak sa kahit anong paraan at papapagbayarin niya ang lalaki sa ginawa nito sa kanya. Ngunit paano kung malaman niya ang totoong dahilan kung bakit hindi siya sinipot nito sa araw ng kasal nila noon at kung sino ang totoong may pakana sa mga nangyari sa kanya? May pag-asa pa bang madugtungan ang naudlot nilang kahapon lalo pa't may dalawang anak na sila at kambal pa?
Romance
1023.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Romance
8.522.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Ugly Wife

The Billionaire's Ugly Wife

Dahil sa isang aksidente nasira ang mukha ni Sonia Salazar. Isang batikan na actress at kilala sa taglay nitong ganda at talento. Sa pagbabago ng kaniyang mukha ay kasabay 'non ang pagbabago ng mga tao sa paligid niya. Iniwan siya ng kaniyang asawa, kinatakutan ng anak at tuluyang nasira ang kaniyang career. Pinalayas din ito sa mansion ng mga Valencia at tinalikuran ng mga inaakala niya na kaibigan. Sa pag-aakala na iyon na ang katapusan at sa pagkakataon na malapit na siya sumuko. Dumating ang dalawang tao na tuluyan na magpapabago sa buhay niya. "Mommy!" "Sonia." Lumapit ang dalawang tao na 'yon habang ang mga camera ay kumikislap galing sa iba't ibang bahagi ng lobby. "Pasensya na ngunit nagmamadali kami ng asawa at anak ko. Malapit na mag-start ang movie," ani ni Fabian habang hawak sa bewang si Sonia na nakatingala at nakatingin kay Fabian na buhat ang anak na si France. Noong nagtama ang mata nilang dalawa kasunod 'non ang pagyakap ni France sa leeg no Sonia at tumawag ng mommy. "Ibig sabihin si Sonia Salazar ang nababalitaan na second wife ni Fabian Martinez? Oh my gosh! big news ito!"
Romance
1018.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ang ampon ng aking ama ay ikinulong lamang sa masikip na storage closet nang halos labinlimang minuto, ngunit tinalian niya ako at itinapon sa loob bilang parusa. Tinakpan pa niya ang ventilation gamit ang mga tuwalya. "Bilang nakatatandang kapatid ni Wendy, kung hindi mo siya kayang alagaan, marapat lamang na maranasan mo rin ang takot na naramdaman niya,” seryoso niyang sabi. Alam niyang may claustrophobia ako, ngunit ang aking mga desperadong pakiusap, ang aking matinding takot, ay sinagot lang ng malupit na sermon. "Magsilbi sana itong aral sayo para maging mabuting kapatid." Nang tuluyang lamunin ng kadiliman ang huling hibla ng liwanag, nakakaawa akong nagpumiglas. Isang linggo ang lumipas bago muling naalala ng aking ama na may anak pa siyang nakakulong at nagpasya siyang tapusin na ang aking parusa. "Sana'y naging magandang aral sa iyo ang isang linggong ito, Jennifer. Kung mangyayari pa ito muli, hindi ka na pwedeng manatili sa bahay na ito." Ngunit kailanman ay hindi niya malalaman na matagal ko nang nalanghap ang aking huling hininga sa nakakasulasok na silid na iyon. Sa kadiliman, unti-unti nang nabubulok ang aking katawan.
Read
Idagdag sa library
My Billionaire Ex-husband Regrets

My Billionaire Ex-husband Regrets

"Magkano ang kailangan mo, upang layuan ang anak ko?" tanong ni donya Marsha kay Estella, "hindi kita maaaring tanggapin dahil isa ka lamang dukha! saan ka ba napulot ni Ludwig? sa club? At sinong nakakaalam, kung yang dinadala mo, ay sa anak ko?" Isang sampal iyon para kay Estella. Ang inaasahan niyang maayos na pagtanggap sa kanya, ay magiging isa palang bangungot! Ang akala niya, matapos niyang matakasan ang matandang ipinagkakasundo sa kanya ng kanyang ama, ay magiging maayos na ang buhay niya, hindi pa pala. Kaharap niya ngayon ang isang repleksiyon ng matapobre niyang madrasta. Kuyom ang kamao, nilisan niya ang lugar na iyon, upang hindi na maalipusta pa, ng kahit na sino, sa pamilya ni Ludwig, dala dala ang anak nilang kambal, na hindi pa man naiisilang, ay itinakwil na. "Ako ang bahala sa inyo mga anak. Hindi ko hahayaang may mang-api pa sa inyo, gaya ng naranasan ko," kinakausap niya ang mga bata sa kanyang tiyan. "Babangon ako, at maniningil!" Tiningnan niyang muli ang mansiyon, sa huling pagkakataon. Hinulma niya sa isipan ang sinabi sa kanya ng kanyang biyenan. Saka hilam ng luha ang mga matang lumayo, na hindi alam kung saan tutungo.
Romance
9.523.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1027.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4243444546
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status