Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1022.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Only Love

My Only Love

Re-Ya
Isang ubod lalim na paghinga ang ginawa ni Anya bago inilibot ang tingin sa kanyang paligid. Pagkatapos ay sinuot niya ang de- kulay na salamin sa mata. Sinukbit ang signature na shoulder bag at maingat na hinila ang katamtamang maleta. Marahan siyang naglakad palabas ng paliparan. Dalawampu’t taon ang lumipas ng lisanin niya ang bansang Pilipinas para manirahan sa Amerika. Baon ang labis na hinagpis at pagkabigo sa pag-ibig ay nakipagsapalaran sya sa ibang bansa. Kaya naman ngayon sa muling pagtapak ng kanyang mga paa sa bansang kanyang tinakasan ay may kung anong pakiramdam sa dibdib niya ang hindi niya sukat mawari. Isa lang ang sigurado si Anya naroon pa rin ang bigat sa puso niya. Tila nanariwa ang pighati na dulot ng nakaraan. May butil ng luha na gustong bumukal sa sulok ng kanyang mga mata. Agad niyang pinawi iyon at pinuno ng hangin ang nagsisikip na dibdib. Mayroon siyang mahalagang pakay sa kanyang pagbabalik. Iyon ay ang lalaking kanyang inibig ng wagas subalit nagawa niyang talikuran. Subalit lagi na’y naroon ang katanungan sa isip niya. Kaya ba niya itong harapin? Handa ba siyang anihin ang poot at galit ni Clark sa kanilang muling pagtatagpo? Pagka’t ang tingin na ng lalaki sa kanya ay isang talusira.
Romance
2.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Mariecris Bayubay, isang probinsyanang naging biktima ng karahasan sa syudad. Namuhay sa apat na sulok ng madilim na silid. Walang karamay. Walang masasandalan. Nag-iisa. Walang kamag-anak. Wasak. Bigo. Nabuhay sa takot at pagpapakamatay. Halos mawala siya sa sariling katinuan hanggang sa mapadpad siya sa puder ng isang napakayamang lalaki at magaling na psychiatrist na nagngangalang Seven Castillion, isang binatang bigo sa pag-ibig dahil ang unang babaeng minahal niya ay siya na ngayong asawa ng kanyang nakakatandang kapatid. Nagparaya siya kahit sobrang sakit na pakawalan ito. Hinding hindi na niya nakikita ang sariling magmamahal ulit dahil kahit na may sarili ng pamilya ang babaeng unang minahal ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Ang binata ang nagbihis at nag-alaga kay Mariecris sa mga panahong gusto na niyang sumuko. Dahil sa kabutihan nito ay hindi niya namalayang nahuhulog na siya, pero anong mapapala ng pagmamahal niya para dito kung may ibang tinitibok ang puso nito? Siya nga ba ang unang babaeng babali sa tadhana ng mga Castillion? Siya nga ba ang unang babaeng magsasabing hindi totoo ang paniniwala ng mga ito na kung sino ang unang minahal ay siya ang huli? O dahil sa pag-ibig niya sa binata ay mas lalo siyang mawawasak at muling nanaisin na mamatay nalang?
Romance
1016.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
Romance
1020.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
His Heir, His Sin, His Obsession (SPG)

His Heir, His Sin, His Obsession (SPG)

“Limang taon mo akong iniwan… akala mo ba papayagan kitang umalis ulit?” Si Isabella Reyes ay isang simpleng sekretarya na nagkaroon ng isang gabing puno ng bawal na pagnanasa kasama ang billionaire mafia boss na si Marcus Villanueva. Isang “mistake” lang daw iyon para sa kanya—pero para kay Isabella, nagbunga ito ng kambal. Nang malaman ni Marcus, pinilit niyang pakasalan siya sa contract marriage. Cold, possessive, at walang pag-ibig—puro galit at hate-sex lang ang namamagitan sa kanila. Natuklasan niya ang betrayal ni Vanessa, ang ex-fiancée na lihim na spy, at nagising ang galit niya. Habang buntis pa, tumakas siya patungong Italy. Doon niya pinalaki ang kambal na sina Mia at Milo bilang single mom, habang lihim na binubuo ang sariling imperyo—bilang ang hidden heiress ng Monteverde clan, karibal na mafia family ng Villanueva. Limang taon ang lumipas. Bumalik siya sa Pilipinas—hindi na mahina, kundi makapangyarihan na CEO na may hawak na sa shares ng Villanueva Empire. Paghihiganti ang nasa isip niya. Pero nang muli silang magtagpo, hindi na makapagpigil si Marcus. Chasing, begging, at intense na passion ang sumunod—habang natutuklasan ang mas malaking lihim: ang kambal ay may mafia bloodline powers, at ang bagong pagbubuntis ni Isabella ay nagbunga ng quadroplets—kasama ang “Stormbringer” na baby girl na may kapangyarihan sa elements. Sa gitna ng digmaan ng tatlong clans—Villanueva, Monteverde, at ang misteryosong Salvatore—lalaban sila para sa pamilya nila. Mula sa isang sinful mistake, magiging eternal obsession ba ang pag-ibig nila? O masisira lahat sa kapangyarihan ng Stormbringer?
Romance
10168 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Beloved Bodyguard

My Beloved Bodyguard

Shamia Gyllette Sandler. Filipino-American. A famous Enterprenuer who owns the biggest magazine company, the Shamia’s Magazine located in London, the agency also have offices in New York City, Los Angeles and here in the Philippines. And as for the moment she’s giving her full attention in the SM that located in the Philippines.In her status in life she badly needed a skilled and trusted bodyguard that can protect and defend her in anything that may happen to her. She also wants the kind of bodyguard that she can bring anywhere around the world because she has many appointment and meetings around Philippine premises and abroad.Kaya lamang ay tila mahihirapan siya sa paghahanap ng ganoong klase ng bodyguard dahil hindi niya kayang ipagkatiwala ng basta ang kanyang buhay. Lalo na sa estado ng pamumuhay ng dalaga.Marami na siyang agencies na nakausap dahil na rin sa suhestiyon ng kanyang pamilya pero wala siyang natipuhan sa mga tauhan ng nasabing agencies. Hanggang sa may agency na nabanggit ang kaibigan niyang si Krystaleen. The good thing in the said agency is that she can choose whoever she wants to entrust her life. At nang papiliin at iharap na sa dalaga ang mga tauhan na maari niyang pagpilian nakuha ang atensiyon ni Shamia ng isang lalaki.Lalaking nag-ngangalang Kaiser Pineda. Ang lalaking pakiramdam niya’y ligtas siya sa mga bisig nito at kapag nasa tabi niya ito. Kaya’t ginawa niya ang sa tingin niya’y tama. Ngunit tama ba ang desisyon ng dalaga? Paano kung mahulog ang loob niya sa kaniyang bodyguard?Ngunit paano kung ang binatang kaniyang iniibig ay may mahal na palang iba? Ipaglalaban ba niya ang pusong umiibig o magparaya at palayain ang binatang minamahal, para sa sarili nitong kaligayahan?
Romance
1024.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband

Hiding the Triplets of My Billionaire Ex-Husband

In the past three years of being married to Damon Gallagher, Amara Samonte felt lonely all those years. Kung sabagay ano pa ba ang aasahan niya kung pinilit lamang si Damon ng kanyang lolo na pakasalan siya dahil sa isang utang na loob. Ngunit may hangganan ang lahat ng pagtitiis. Sa mismong burol ng ina ni Mara, sa halip na siya ay damayan sana ni Damon ay nalaman niyang may kasama itong ibang babae sa isang private villa. Labis ang hinagpis at ang sakit na naidulot nito kay Mara. After her mother’s burial, Amara left the whole town without a trace carrying the child of her ex-husband. Mapaglaro ang tadhana, Damon and Amara’s world collided again at the auction house. Sa limang taong paghahanap ni Damon sa kanya ngayon ay hindi na siya makakawala pa. “Mara, are you trying to flee again?” “Anong pinagsasabi mo, Damon? Matagal na tayong hiwalay.” “Nasaan ang mga anak natin?” Damon fired back. “Hindi ba ay pinalaglag ko?” Mara still tried to hide the truth. Ngunit hindi na nakapalag pa si Mara nang lumabas ang tatlo nilang anak at tumayo ang mga ito sa kanilang harapan. Makakaya kaya ni Mara na makipag-ayos kay Damon para sa mga bata? Gayong kasal na ito sa babaeng pinakamamahal niya at ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan? Will she co-parent with her ex-husband or will she hide the triplets again?
Romance
89 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
His Inevitable Obsession

His Inevitable Obsession

AtengKadiwa
Wala ng mahihiling pa si Candice Gonzales, dahil sa kaniya na lahat. Subalit isang araw, kinausap siya ng kaniyang magulang na ipapakasal siya sa anak na lalaki ng kaibigan ng kaniyang ina. Hindi iyon nagustuhan ni Candice Gonzales, lalo at may kasintahan siya! Pero hindi niya akalain na ang lalaking ipapakasal sa kaniya ay ang antipatikong lalaki na nakabangga sa sasakyan niya at humalik sa kaniya. Pero, pumayag din siya magpakasal. Dahil ba iyon sa halik na pinagsaluhan nila na nagdala sa kaniya sa alapaap kaya siya pumayag?
Romance
101.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Hidden Mafia King and the Fearless CEO

Hidden Mafia King and the Fearless CEO

Wanted: Mayaman, matulungin, at mamamatay na... sana. Joke lang ‘yon ng kaibigan—pero ang ending? Natagpuan ni Jenica ang sarili sa harap ng pinakamayamang lalaki sa siyudad: si Alexander Fuego, nasa wheelchair, naghihingalo, at nag-alok ng kasal na parang promo lang sa mall: "Marry me now, and inherit everything when I die." Siyempre, sino ba naman ang tatanggi sa instant yaman? Pero may problema: Hindi ito namatay. Ilang taon na ang lumipas, buhay pa rin si Alexander Fuego—fresh na fresh, at parang si kamatayan pa ang natigok sa halip na ang lalaki. Kaya tumakas si Jenica, dala ang sikreto: buntis siya sa tagapagmana ng Fuego Empire! Fast forward, balik bansa si Jenica. Mayaman na rin. Confident. Glamorous. Pero—wait lang. Si Alex? Gumaling na, mas hot pa, at may fiancé? Excuuuse me? Buhay pa siya, pero may balak na itong magpakasal sa iba? Game na. Pupunta si Jenica sa engagement party. Hindi para bawiin si Alex. Hindi para manira. Okay fine... maybe a little.
Romance
107.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Chained To My Husband's Uncle

Chained To My Husband's Uncle

Tatlong taon nang ibinuhos ni Arielle Fuentes ang sarili niya sa asawa niyang si Lucian Davenhart — isang malamig at walang pusong lalaki. Akala niya, sapat ang pagmamahal niya para matutunang mahalin din siya nito. Pero nang malaman niyang may sakit siya, mas matindi pa ang natuklasan niyang katotohanan, hindi siya kailanman ang pinili ni Lucian. Isa lang talaga siyang kapalit ng babaeng minsang iniwan ito, at ngayo’y bumalik na. Nang humiling siya ng diborsyo, doon lang nagsimulang ipaglaban ni Lucian ang isang relasyon na matagal nang wala. At sa gitna ng gulong ’yon, dumating si Magnus Davenhart—ang makapangyarihang tiyuhin ni Lucian na may sariling mga lihim. Ngayon, si Arielle ay naipit sa pagitan ng dalawang lalaking parehong mapanganib. Makakawala ba siya sa pag-ibig na hindi kailanman kanya? O tuluyan na siyang malulunod sa pagitan ng dalawa.
Romance
10263 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3031323334
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status