Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Obsession

The Billionaire's Obsession

Ang wasak na puso ni Astrid ang nagtulak sa kaniya sa bar at uminom hanggang sa malasing dahil nahuli niya ang kaniyang boyfriend na nakikipagtalik sa iba. Sa sobrang kalasingan hindi namalayan ni Astrid ang mga nangyari at nagising na lang siya katabi ang estrangherong lalaki. Si Thor Santos ay isang Bilyonaryong arogante na biktima ng droga at ginamit ang magandang babae upang maibsan ang init na nararamdaman. Nagising ang binata na wala na ang dalaga sa tabi niya. Naalala pa niya ang mga nangyari kagabi ngunit hindi na niya matandaan ang mukha ng dalaga. Nalaman din ng binata na siya ang nakauna sa dalaga kaya naman pinahanap niya ito. Paglipas ng limang taon, nangailangan ng pera si Astrid kaya naman kahit walang pinag-aralan ay sumabak pa rin siya sa malaking kompanya upang magtrabaho. Samantala, si Thor naman ay tinakot ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan si Sofia o kailangan niyang maikasal upang mabigyan sila ng apo, kung hindi siya pumayag ay tatanggalin siya sa kompanya. Hindi papayag si Thor na mawala sa kaniya ang kompanya kaya naman ng makita niya ang babae na desperada na makapagtrabaho sa kompanya. Kaya binigyan niya ito ng kasunduan kapalit ang malaking pera na alam niyang hindi matatanggihan ng dalaga, ang kontrata ng pagpapakasal.
Romance
10834 viewsOngoing
Read
Add to library
My Loveless Marriage With Attorney Chandler

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.” Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?
Romance
484 viewsOngoing
Read
Add to library
My Sister's Lover is my Husband

My Sister's Lover is my Husband

Ang kasal ay nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan. Pinapangarap ito ng bawat kababaihan dahil sa hatid nitong kaligayahan—pero hindi para kay Aira. Ang groom niya kasi na si Dave ay ang long-time boyfriend ng bunso niyang kapatid na si Trina. Pakiramdam tuloy ni Aira ay magiging kontrabida lang siya sa pag-iibigan ng dalawa. Gayun pa man ay wala rin siyang nagawa dahil iyon ang gusto ng mga magulang niya. Natuloy ang kasal nila Dave at Aira. Sa kabila ng pagiging opisyal na mag-asawa ng dalawa ay nagpatuloy pa rin ang pagkikita nila Dave at Trina. Hindi naman ito naging lihim kay Aira. Hinayaan nya lang ang dalawa na ipagpatuloy ang relasyon nila. Tanggap niya na kasi ang katotohanang hindi naman talaga siya mahal ni Dave at napilitan lamang itong magpakasal sa kanya dahil sa kasunduan ng kanilang mga magulang. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari kay Dave at Aira Matapos nilang pagsaluhan ang isang mainit na gabi ay unti-unting nahulog ang loob nila sa isa't isa. Isang pag-iibigan ang nabuo nang hindi nila namamalayan. Sa pagsasamahang dulot lamang ng isang kasunduan ay mahanap kaya ng dalawa ang tunay na pagmamahal? Kaya bang agawin ni Aira si Dave kay Trina na una nitong minahal?
Romance
10241.0K viewsCompleted
Show Reviews (22)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
Ms A bakit ganun prang Ang bagal Ng usad...wag mo sbihin na Meron pa dating na problema dhil Anjan pa SI Trina gagawa at gagawa Siya Ng masama Kay aira...prang doin nlng umikot,kulang Ang aksyon ni aira...Meron ako hinahanap na higit pa sna kaso Ikaw Ang writer Ms A haha
Arceli Galamgam
maganda xa pro prang gets ko n ung love story n rayver at shiela...wag nman sanang ganun...pra kcng ung love story n rayver at Sheila is magkatulas s story N Dave at aira...tapos ung pinapahanap n tao n joey s bicol is ung pamilya n Sheila.....
Read All Reviews
My Unexpected Love

My Unexpected Love

Mr. Redeemed
Isang karaniwang empleyado si Cristine Santos sa isang kumpanya sa Makati. Bagamat siya'y ampon ay hindi siya itinuring na hindi tunay na anak ng kanyang mga magulang. Makikilala niya si Carl Montreal na anak ng kanilang CEO at mahuhulog ang loob nito sa kanya ng hindi nito namamalayan. Subalit sa kabila ng kanilang mga nararamdaman ay may mga hadlang na pipigil sa kanilang pagmamahalan. Posible nga kaya na isang babaeng lumaki sa karaniwang pamumuhay at isang lalakeng lumaki sa marangyang pamumuhay ay mahalin ang isa't-isa? Maipaglaban kaya nila ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng mga hadlang? Mapagtagumpayan kaya nila ang mga pagsubok na kanilang pagdaraanan?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Exclusive Wife Of A Billionaire

Exclusive Wife Of A Billionaire

Hindi inakala ni Shayne Morsel na ang blind date niya ay hahantong sa ganito—isang makapangyarihan at tusong lalaki na agad na nalaman ang lihim niyang pilit tinatago mula sa gabing iyon. Matinik ang dila, sobrang arogante, at determinado siyang itali sa isang kasunduan ng kasal sa kanilang unang pagkikita pa lang. Ngunit kahit anong pagtanggi niya, hindi siya nito kayang bitawan. Siya si Eldreed Sandronal, gamit ang charm, pananakot, at likas na talento sa pagkapikon, handa siyang laruin ang matagalang laro. Pero hindi rin papayag si Shayne na matalo nang ganun-ganun lang. Kung iniisip niyang magiging sunod-sunuran siyang asawa, nagkakamali siya. Magsisimula na ang laban ng puso at kapangyarihan.
Romance
105.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Beg Me, Professor (TagLish)

Beg Me, Professor (TagLish)

"Good morning, sir," nakangiti niyang sabi at sinulyapan ang lalaking nakatayo sa harap ng klase-si Zachary Villarreal, ang dati niyang kasintahan. Dahil sa galit para sa kanyang pamilya, bumalik si Atasha sa Pilipinas pagkatapos ng dalawang taong pananatili sa Amerika. Narinig niya ang tungkol sa paparating na kasal ng kanyang kapatid na babae at hindi niya ito matanggap. Hindi niya matanggap na magiging masaya ang mga taong sumira sa buhay niya—ang buhay ng hindi pa isinisilang na anak. Nais niyang mamuhay silang lahat sa parehong miserableng buhay gaya ng sa kanya. "Magmakaawa ka sa akin, Propesor, habang pinagsisilbihan mo ang aking galit," tatak niya sa kaniyang isip.
Romance
1039.7K viewsCompleted
Read
Add to library
I'm Marrying the Worst

I'm Marrying the Worst

Dalawang taon na... Dalawang taon na akong nagdurusa sa pagmamahal ko kay Querem Tuazon. Patuloy pa rin akong umaasa na sana ako naman ang piliin niya. Na sana makalimutan na niya si Amie. Kailan niya ba matatanggap na hindi na maibibigay ni Amie ang pagmamahal na nais niya dahil matagal na siyang kasal sa kapatid ko! Ano bang mahirap intindihin doon? Nandito lang naman ako, e. Hinihintay ko siyang ako naman ang makita niya. Pero hanggang kailan ako maghihintay? Mukhang hindi ko na ata maiintay ang pangarap kong 'yon dahil ang sakit sakit na. Kailangan ko nang bumitaw. At mukhang hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Romance
1011.6K viewsCompleted
Read
Add to library
My Boss, My Fiancé

My Boss, My Fiancé

"Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa'yo." Iyan ang mga salitang palaging bukambibig ni Louise sa tuwing aasarin siya ng kaniyang childhood best friend slash boss na si Troy. Guwapo, mayaman, mabait. Halos lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay nasa kaibigan niya na. Tunay ngang napakadaling sabihin sa isang tao na hindi mo siya gusto, pero napakahirap naman nitong panindigan lalo na kung araw-araw mo itong nakikita at nakakasama. Makakaya nga ba niyang panindigan ang mga salitang sinabi sa kaniyang kaibigan o kakainin niya ang kaniyang sinabi dahil sa paglaon ay hindi niya na rin mapigil ang damdaming nais kumawala sa kaniyang puso?
Romance
9.1104.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PASAGAD, MR. DRAKE (SSPG)

PASAGAD, MR. DRAKE (SSPG)

Immortal enemy si Drake at Blaire simula pa noong high school. Ngunit naghiwalay ang kanilang landas nang mag-aral abroad si Drake. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil naging bagong executive secretary si Blaire ni Drake ngayon. Habang magkasama silang nagtatrabaho, walang oras na hindi nagtatalo ang dalawa. Lalo pa't nakikita ni Blaire kung gaano ka playboy at kasama ang ugali nito. Kung magpalit ng babae ay parang designer outfits nito. Pero may rules ang lalaki, hindi nito kailanman pinapakialaman ang sariling mga empleyado.  Pero paano kung ang simpleng sagutan ay unti-unting mauuwi sa malalim na pagtitinginan? Hanggang saan kayang panindigan ng dalawa na hindi tuluyang masunog ng tensyon at damdamin?
Romance
8.55.6K viewsOngoing
Read
Add to library
That Seductive President is my Baby's Father

That Seductive President is my Baby's Father

Isang gabi, nakatanggap si Sanya ng hindi inaasahang tawag mula sa katrabaho. May komplikadong problema si Adler Samaniego sa kompanya, dahilan para hindi ito makadadalo sa meeting kasama ang mga investor. Bilang secretary niya, pumayag si Sanya na maging proxy ng President. Pero ang gabing iyon ay umikot sa pangyayaring hindi kailanman inakala nina Sanya at Adler. Isang mainit na gabi... na nagdugtong sa mga landas nila at nagtulak kay Sanya na harapin ang bagong kapalarang naghihintay matapos ang gabing iyon na puno ng pagkakamali. Kinailangan niyang talikuran ang karera, at takasan si Adler... ngunit paano nga ba niya matatakasan ang lalaki kung tadhana na gumagawa ng paraan para paglapitin sila?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status