Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Young Bride of Mr. Alaric Levine

The Young Bride of Mr. Alaric Levine

Walang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa mansyon ng hindi niya kilalang magiging asawa? Ang dinig niya pa ay matanda na ito at mahilig pa raw sa mga babae. Handa kaya siyang harapin ang pagsubok sa kanya ng kapalaran? Kaya niya bang mag isa na harapin ang pait at kasakiman ng mga may ayaw sa kanya? O sasamahan siya at poprotektahan ng lalaking nagpakilalang anak ng matandang mapapangasawa niya?
Romance
11.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT

PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT

Isang gabing hindi inaasahan. Isang pagkakamali na hindi na mababawi. Akala ni Brielle, matapos ang gabing ‘yon ay wala nang balikan, walang magiging komplikasyon. Pero nagkamali siya. Ngayon, may isang buhay sa sinapupunan niya. At ang ama? Si Matthias Castillejo—isang lalaking mayaman, makapangyarihan, at walang balak akuin ang responsibilidad. Para sa kanya, isang gabi lang ‘yon. Pero para kay Brielle, isang panghabambuhay na pagbabago.
Romance
399 viewsOngoing
Read
Add to library
Relived To Marry The Masked CEO

Relived To Marry The Masked CEO

Astrid Guevarra, isang 3rd Year college student na gusto lamang makapagtapos. Ngunit ang kanyang ina ay mukang may ibang plano para sa kanya. Sa hindi malaman na rason, siya ay ipinakasal (ibinenta) ng kanyang ina sa isang kilalang at mayaman na anak ng pamilyang ito. "Nay naman! Nag aaral pa po ako! 3rd year nako, malapit na ako grumaduate! Hindi ba kayang maaantay yun?!" "Hindi." Sa loob ng isang araw na yun, hindi na alam ni Astrid ang kanyang gagawin. Lahat ng pagod, galit, gulat at pagkabalisa naramdaman niya, ngunit wala naman siyang ibang magawa kundi tanggapin na lamang. Eh ano pa nga bang magagawa niya? Pumayag na ang kanyang nanay? Hindi rin naman ito makikinig sa kanya. Ngunit ng paggising niya galing sa kanyang mahimbing na tulog, ay kaharap na niya ang tatay ng kanyang papakasalan. "Are you okay Miss Astria?” "I'm Timothy Miller. Ang tatay ng iyong mapapangasawa na si Tristan Miller, ang aking anak.” At teka sino si Astria?! Ito na ba ang sinasabi ng kanyang nanay? Ngunit bakit wala siya rito?! Natulog lamang siya, at pag gising ibang tao na siya?! Anong ibig sabihin non? Siya ba ay namatay? Sa buhay din na ito, siya ay papakasalan sa hindi niya na naman kakilala, at nakamaskara ito?!
Romance
10786 viewsOngoing
Read
Add to library
Take you out (BL - Taglish)

Take you out (BL - Taglish)

Si Vance Haidezo, isang friendly, hard working and charismatic Journalist. Naatasan siya para sa isang private project ng TV Station na pinapasukan niya. He will make a documentary film for the daily life of a billionaire heir. Hindi niya inaasahan na ang tinutukoy na tagapagmana ay si Steven Kiazxon. Si Steven Kiazxon na heartthrob, bad boy ay boyfriend niya Vance noong nasa college sila na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya. Vance waited him after Steven promised to come back but suddenly disappeared three years ago. Now that they meet again. Akala ni Vance tapos na ang paghihintay niya pero hindi pala dahil hindi na siya kilala ni Steven na nagka-amnesia. Ano ang dapat gawin ni Vance para maalala siya ng nobyo? Paano niya gagawin 'yon kung nakalimutan na din ni Steven ang tunay nitong pagkatao? Na ang kaya din nitong ibigin at pangarapin ay isang lalakeng kagaya niya... "Steven, kung hindi ako maalala ng isip mo, ipapaalala ko 'yon sa puso mo. Ramdam kong alam mong mahalaga ako sayo kaya maghihintay ako hanggang sa maalala mo ako. Nababasa ko sa mga mata mong mahal mo pa rin ako kaya hindi ako susuko." - Vance. Anong misteryo ang matutuklasan ni Vance sa pangyayari tatlong taon na ang nakakaraan na dahilan ng pagkawala ng alaala ni Steven?
LGBTQ+
109.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Bargain Bride

The CEO's Bargain Bride

Sa mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan, ang kasal ay hindi palaging tungkol sa pag-ibig. Minsan, isa lang itong kasunduan. Solen Mira Callisto, isang occupational nurse sa Monteverde Lines Inc., ay biglang nabaon sa utang matapos pumanaw ang kanyang ama. Dalawang milyong piso—isang halagang hindi niya kayang bayaran sa loob ng tatlong linggo. Sa gitna ng kanyang desperasyon, dumating ang isang hindi inaasahang alok mula kay Leonidas “Leon” Monteverde, ang matikas pero mailap na COO ng Monteverde Lines. Bilang susunod na tagapagmana ng kanilang shipping empire, may isang kondisyon bago niya makuha ang kumpanyang matagal nang itinakda para sa kanya. Kailangan niyang magpakasal. Isang kasunduan ang nabuo. Isang taon ng pagpapanggap bilang mag-asawa. Walang damdamin, walang komplikasyon. Para kay Leon, ito ay isang kasunduan lang. Para kay Solen, ito ang kanyang tanging paraan para mabawi ang lahat ng nawala sa kanya. Dapat ay simple lang, pero bakit parang hindi lang basta umaarte si Leon? He’s too convincing and too protective. Sa tuwing tatawagin siyang "asawa ko" sa harap ng iba, hindi niya alam kung dapat ba siyang mataranta o kiligin. Unti-unti, nagiging malabo ang linya sa pagitan ng kasunduan at katotohanan. Sa mundo ng kapangyarihan at intriga, paano kung ang isang relasyong nagsimula sa papel… ay mauwi sa isang bagay na totoo?
Romance
10489 viewsOngoing
Read
Add to library
Played by Mafia & Billionaire

Played by Mafia & Billionaire

"Sa akin siya! Ako ang asawa niya kaya hindi mo siya puwedeng angkinin. Magkakamatayan muna tayo bago mo siya maagaw sa akin!" "Hindi ko siya ibibigay sa 'yo. Oo. Mag-asawa nga kayo pero ginamit mo lang siya para sa sarili mong kapakanan. Ngayong nakuha mo na ang pakay mo sa kaniya, hindi mo na siya kailangan. Doon ka na lang sa kabit mo. huwag mo na kaming guluhin ni Derie May!" "At paano ka naman nakasigurado na ginamit ko lang siya? kailan ka pa naging tsismoso? Mahal ko ang asawa ko kaya babawiin ko siya sa 'yo sa kahit na anong paraan. Huwag mong angkinin ang hindi sa 'yo, Bryce. Huwag mo akong subukan!" Parehong matapang at walang gusto na magpatalo sa dalawang lalaki na ang pinag-aagawan ay ang isang babae. Isang inosenteng babae na naipit sa gulo ng pamilyang Avendaño at Vicente. Parehong nagkagusto si Stefano at Bryce kay Derie May at halos magpatayan na para sa pag-ibig nila rito. Ang hindi nila alam ay habang nagpapatayan sila ay tumakas naman si Derie May para makalayo sa kanilang dalawa. "Pareho lang kayong manggagamit! Mga mapagsamantala! inabuso niyo ang pagiging inosente ko. Wala sa inyong dalawa ang pipiliin ko. Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa ang makasama ang isa man sa inyo."
Romance
1031.0K viewsCompleted
Read
Add to library
My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)

My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)

Simula nang mamatay ang ama ni Vanessa, nagkandaletse-letse na ang buhay niya. Pinabayaan siya ng kaniyang malupit na stepmother—inalipusta at itinuring na walang halaga. Sa bawat araw nang pang-aapi, natuto siyang maging matatag… hanggang sa dumating ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang puso. Si Hector—ang bagong asawa ng kaniyang stepmother. Apatnapung taong gulang, guwapo, mayaman, at puno ng karismang hindi niya kayang balewalain. Sa unang titig pa lang, may kung anong kumislot sa dibdib ni Vanessa—isang damdaming alam niyang bawal ngunit hindi niya mapigilan. Ngunit sa likod ng marangyang buhay na hatid ni Hector, nagtatago ang isang pusong sugatan—isang lalaking unti-unting napagod sa malamig na pagtrato ng asawa. At sa pagitan ng mga nakaw na tingin, unti-unting nabubuo ang koneksyong hindi dapat umusbong. Ngayon, nasa pagitan si Vanessa ng tukso at takot. Pipiliin ba niya ang lalaking pinagbabawal ng mundo? O mas gugustuhin na lamang niyang manahimik upang hindi masangkot sa anumang gulo?
Romance
10393 viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Sa isang marangyang hotel sa gitna ng lungsod, natagpuan ni Lily May Salvador ang panandaliang paglimot sa sakit ng pagtataksil ng kanyang asawa—sa bisig ng isang misteryosong estranghero. Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay sa kanila, isang sandaling hindi niya inasahang mag-iiwan ng panghabambuhay na marka. Ngunit bago pa sumikat ang araw, pinili niyang lumayo, dala ang isang lihim na babago sa kanyang buhay. Siya ay buntis. At hindi lang isa—triplets ang kanyang dinadala. Sa paglipas ng mga taon, matagumpay niyang itinaguyod ang kanyang mga anak, malayo sa anino ng kanilang ama. Ngunit isang araw, bumalik ang kanyang dating asawa, desperadong humihingi ng pangalawang pagkakataon. Kasabay nito, isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naganap—ang pagbabalik ng lalaking hindi niya kailanman nakalimutan, ang tunay na ama ng kanyang mga anak. Pareho silang may nais. Ngunit sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, sino ang dapat niyang piliin? Ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso, o ang estrangherong itinakda ng tadhana para sa kanya?
Romance
10461 viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying the Billionaire's Twin Babies

Carrying the Billionaire's Twin Babies

Queen_Sienna
Nagmula sa isang mayamang pamilya si Sienna Montemayor kaya nang malaman niyang ipinagkasundo siyang ipakasal sa isang lalaking hindi niya kilala ay naglayas siya. Napadpad siya sa isang bar at doon ibinuhos niya ang sarili upang makalimot subalit dahil sa kalasingan ay nagbago ang kaniyang buhay. Naibigay niya ang sarili sa isang lalaki na hindi niya kilala at hindi niya inaasahang mabubuntis siya. Sa takot na bumalik sa pamilya niya ay sinubukan niyang pumasok bilang sekretarya sa isang sikat na kompanya. Pagpasok sa opisina ng kaniyang magiging boss ay halos liparin niya na ang daan paalis. Nakilala niya ang kaniyang magiging amo bilang ama ng kaniyang dinadala. Ang mas lalong nagpanginig sa buong katawan niya ay nang malaman niya na ang ama ng dinadala niyang anak ay sa bilyonaryong si Liam Del Fierro pala, ang mortal na kalaban ng pamilya niya. Ngayon hindi niya alam kung paano siya tatakas dahil binakuran na siya ng bilyonaryo pagkatapos malamang buntis siya sa anak nito.
Romance
10803 viewsOngoing
Read
Add to library
AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK

AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK

Nang dahil sa utang na loob ng mga magulang ni Liliana Cruz sa pamilyang Silverio ay ipinakasal siya sa bilyonaryo at tagapagmanag si Dwayne Silverio. Hindi niya ‘yon tinutulan dahil lihim na niyang iniibig ang binata noon pa man. Ngunit sa loob ng apat na taon nilang mag-asawa, ay ni minsan hindi siya nito nagawang mahalin. Hindi niya akalain na sa pagmamahal niya at pagiging butihin niyang may bahay ay “divorce paper” pa ang isusukli ni Dwayne. Ayaw niya sanang pumayag, ngunit nang makita niya ang babaeng minamahal ni Dwayne habang magkasalo ang mga ito sa kama ay tuluyan siyang nawasak. Dwayne’s first love, and ex-fiance came back. Kaya sino siya para hadlangan ang pagmamahalan ng dalawa? Matapos niyang pirmahan ang divorce paper, saka pa lamang siya ginulat nang balitang nagdadalang tao siya– hindi lang isa, kundi kambal pa! Paano kung mag-krus muli ang landas nila at willing si Dwayne na makipagbalikan at bumawi sa kaniya? Maniniwala pa rin ba siya o tuluyan na ngang magiging bato ang puso niya?
Romance
1036.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status