Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Dormmate is a Billionaire

My Dormmate is a Billionaire

Tey
Ang buong akala ni Chelsea ay si Kevin na ang para sa kaniya, ngunit nagkamali siya nang makipaghiwalay ito sa kaniya matapos ang kanilang one year anniversarry. Nadurog ang puso ni Chelsea, saka pumasok sa buhay niya ang kaibigan ng kapatid niyang si Franco na si Camerman. Lingid sa kaalaman ng lahat, isang secret billionaire si Camerman na nakatakdang humalili sa kanyang ama na si Don Pablo bilang CEO ng SOL Foundation—isang sikat na Foundation para sa mga bata at matatanda. Napilitan na lumayas si Camerman sa pamamahay nila matapos sumama ang loob nito sa kanyang ama sa kadahilanang ipapakasal siya nito sa isang hindi kilalang babae. Ayaw niyang matali sa babaeng hindi niya naman mahal. Dahil dito ay napadpad siya sa dormitoryo ng kaibigan niyang si Franco. Nangako si Camerman na tutulungan niya ang kaibigan niya na protektahan ang nakababata nitong kapatid na si Chelsea kapalit ng pananahimik ni Franco at hayaan siya nitong magtago muna mula sa kanyang ama. Naging aso't pusa si Chelsea at Camerman, ngunit kalaunan ay nahulog ang loob nila sa isa't isa. Paano kung malaman ni Chelsea na ang lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso ay nakatakda na palang ikasal sa iba? Manaig pa rin kaya pagmamahal niya? O tuluyan na niyang tatapusin ang lahat?
Romance
10830 viewsOngoing
Read
Add to library
Kataksilan Ang Siyang Ugat

Kataksilan Ang Siyang Ugat

Don Leonardo De Capre; His eyes my look a little more crinkled around the edges but his face, a tad more weather-beaten,pero Leonardo De Capre ay hindi pa naman malapit sa kanyang edad ang taglay na kakisigan at kagapwuhan. Leonardo,fourty years of age. Owner of a Paradise Resort. Happily married for ten years to Minerva Matamis May nag-iisang anak, ang prinsesa nang kanilang tahanan Reyna Lynvy Marie. Siya ang taga pagmana ng isla mula sa kanyang ninuno at namana ng kanyang Daddy Leonardo. Ngunit natuklasan niyang mayroon nang ibang taong nag mamay-ari niyon--si Hanz,isang lalaking may tatlong M's--mayaman,masama ang ugali at mayabang.Pilit siyang pinapa-alis sa isang isla na mana raw niya mula sa kanilang Papa Leonardo.Pero sa isang tulad niya ay hindi aalis sapagkat sa kanya ang isla na iyon.Magkamatayan man sila! Donya Minerva Matamis; Legal na asawa ni Don Leonardo De Capre,kabiyak sa sampung taong pagsasama. Sa personal niyang buhay,siya ay nagpapagaling mula sa naghihinalong kasal kay Don Leonardo. Ang tubong Isabelenia ay isang sikat na Modelo ng magazine.She was travelling around the world because of her career. Until she heard humor that his loving husband are having affair with other womens. Kaya nagpasya siyang umuwi sa Pilipinas kasama ang kanyang Reyna Lynvy Marie. Para sa pagtutuos niya sa kanyang asawa at sa kabit nito. Na kung sino man siya. Lintik lang ang walang ganti!
Romance
8.5K viewsCompleted
Read
Add to library
My Bully is a Mafia King

My Bully is a Mafia King

claudellaire
Napilitan magpakasal si Harmony Rio sa lalaking alam niyang may lihim na pagtingin sa kanyang nakatatandang kapatid na babae---dahil lamang sa isang gabing pagkakamali na nagbunga ng isang supling. Ang tanging nais lamang niya ay makatakas mula sa pressure ng negosyo ng kanyang pamilya at pati na rin ang magtago mula kay Logan Silva na nagbigay sa kanya ng malaking problema. Mula nang mawala ito ng isang buong buwan matapos siyang mabuntis ay bigla nalamang itong lumitaw na parang kabute para guluhin ang pangarap niyang maging isang sikat na manhwa artist at gumawa ng sariling pangalan na hindi ginagamit ang yaman ng kanyang pamilya. Ngunit kahit anong pilit ay hindi magkasundo ang dalawa dahil sa mga hindi pagkakaunawaan na nagbigay sa kanila ng mga komplikadong sitwasyon na hindi matakasan ng dalaga. Ngunit dahil mahal niya ang binata ay nakipag kasundo siya na magpakasal dito dahil sa pakiusap nito na maging isang Silva ang kanilang magiging anak na lingid sa pagkaka-alam ni Harmony ay pamilya pala ng isang malaking Mafia na matagal nang pumuprotekta sa negosyo ng kanyang ama. Hanggang saan aabot ang hindi pagkakaunawaan nina Logan at Harmony? Hahayaan ba ng dalaga na ang pride at takot niya ang mangibabaw kahit na alam niyang si Logan lamang ang sinisigaw ng puso niya?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.7K viewsOngoing
Read
Add to library
HER TURN TO BREAK HIM

HER TURN TO BREAK HIM

Synopsis Sa mata ng lahat, si Safara Gomez ay isang simpleng estudyanteng nerd na walang kapansin-pansin—laging nakasuot ng makapal na salamin at simpleng damit. Ngunit ang hindi nila alam, si Safara ay anak ng isang mayamang angkan, may taglay na katangi-tanging ganda, at itinago lamang ang kanyang tunay na pagkatao upang makaiwas sa mapanirang intriga ng mundo ng mga mayayaman. Sa kabila ng kanyang pagpapakumbaba, hindi siya nakaligtas sa pang-aapi ng mga kaklase, lalo na ng elitistang grupo ni Sabrina. Gayunpaman, nanatili siyang matatag dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ngunit isang pustahan mula kay Vince Rosales, ang gwapo at sikat na campus heartthrob, ang nagdala sa kanya sa pinakamasakit na karanasan sa buhay niya. Sa gitna ng pagkabigo at pagkasira ng puso, napilitan si Safara na ilantad ang kanyang tunay na katauhan sa isang grandeng beauty pageant na ginanap sa kanilang campus. Sa kabila ng pagkagulat ng lahat, siya ang naging sentro ng atensyon at itinanghal bilang reyna ng gabi. Ngunit hindi iyon ang huling sorpresa ni Safara—sa parehong gabi, iniwan niya ang eskwelahan, dala ang pangakong babalik siya hindi para magpatawad, kundi para maghiganti sa mga taong nagmalupit sa kanya. Handa na si Safara na muling ipakita ang kanyang lakas at talino. Ngunit paano kung ang kanyang pagbabalik ay hindi lang magdulot ng hustisya, kundi muling buhayin din ang sugatang puso?
Romance
105.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Revenge of the Billionaire

Revenge of the Billionaire

Si Evren Morales, mabait at masipag, ngunit dahil sa kahirapan, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nagtrabaho siya para kumita ng pera at para na rin sa kaniyang ina. Ngunit pinagbintangan siya sa kasalanang 'di naman niya ginawa. Habang nasa kulungan nakilala niya ang isang matandang lalaki, nalaman nito na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, kaya tinulungan at tinuruan siya nito. Dumating ang araw ng paglaya nito, kaya nangako ito kay Evren na tutulungan nito ang binata na makalaya. Isang buwan ang nakalipas, tulad ng pangako ng matanda tinulungan nito si Evren na makalaya, gamit ang pera at sa tulong ng mga matataas na kakilala nito. Sa tulong ni Don Ronaldo, malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Evren, siya'y naging makisig, guwapo at may pinag-aralan. Upang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng dating amo, muli itong pina-imbestigahan ng binata. Doon niya nalaman na planado ang kaniyang pagkakakulong at laking gulat niya ng malaman kung sino ang may pakana. Kaya naman nais niyang maghiganti, sa tulong ni Don Ronaldo, ibinigay sa kaniya ang isa sa mga negosyo nito. Pinalitan din niya ang kaniyang pangalan at ipinaiilala sa publiko bilang si Calvin Del Fierro. CEO nang isang sikat na magazine, ang CDF magazines. Ngunit paano niya gagawin ang balak kung ang asawa ng tao na kaniyang paghihigantihan ay asawa na ng dati niyang kasintahan. Magawa ba niyang maghiganti, kung malalaman niya na mahal pa rin siya nito?
Romance
6.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Unwanted Divorce: The CEO Wants Me Back

Unwanted Divorce: The CEO Wants Me Back

Underworld Queen
“Just because of the husband’s incapability, he could no longer fulfill his duty.” “Tonight, you'll prove if I am incapable of my husband duty, Sierra Navarro-Delgado,” mahinang usal ng asawa sa kanya. Si Sierra Navarro-Delgado ay nakipaghiwalay sa kanyang asawa at nang araw din iyon, mabilis na kumalat ang balita tungkol sa kanyang pakikipahiwalay sa asawang si Nathan Delgado. Pagkatapos ng kanilang hiwalayan, naging sikat na international designer si Sierra at ngayo’y napapalibutan ng maraming mga gwapong lalaki. Napansin niya rin na ang kanyang dating asawa na bihirang umuwi, ay madalas na magpakita sa kanya. Malamig at malayo ito sa umaga, ngunit malapit at nakabantay naman ito tuwing gabi na ayaw siyang alisin sa pagkakayakap. “Sierra, please love me back.” Bulong ng asawa kay Sierra at hindi tinigilan sa paghalik sa kanya nq halos ayaw na nitong humiwalay sa kanya. Sa kabila ng kanyang muling kasikatan at dami ng mga manliligaw, hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang dating asawa dahil sa palagi nitong ginagawa sa kanya sa kabila ng kanilang paghihiwalayan. Ngayon nakikita ni Sierra ang kanyang sarili na nahihirapang alisin ang kanyang nararamdaman sa dating asawa kahit pa man sa masasakit na nakaraan na kanyang naranasan sa kamay nito. Paano pa kaya makakalimot si Sierra kung walang ibang ginawa ang kanyang dating asawa kung hindi ipadama sa kanya ang mga bagay na pinangarap niya lang noon sa piling nito? Will she give Nicholas Delgado a chance to fixed her broken heart?
Romance
10926 viewsOngoing
Read
Add to library
The Star

The Star

Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan. Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala. Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa. Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)

Matinding galit ang naramdaman ni Detective Marga Castro nang mahuli ang sariling ina na may relasyon sa boyfriend niyang si Dominic Mendoza. Para sa kanya, iyon ang pinakamalaking kataksilan na hindi niya kailanman mapapatawad. Sa isang iglap, gumuho ang mundo niya—ang ina niyang pinagkatiwalaan at ang lalaking minahal niya, parehong nagtraydor sa kanya. Umalis siya sa bahay nang walang direksyon, puno ng poot at hinanakit, hanggang sa isang aksidenteng kinasangkutan niya ang nagbago ng lahat. Nasagasaan siya ng isang lalaking kalaunan ay malalaman niyang si Dr. Oliver Mendoza—ang ama ng ex niya. Isang sikat ngunit kilalang malupit na surgeon. Habang nagpapagaling sa bahay ng doktor, naisip ni Marga ang isang mapanganib na plano. Gagantihan niya si Dominic sa pinakamasakit na paraan—sa pamamagitan ng pag-akit sa sariling ama nito. Alam niyang delikado, alam niyang mali, pero sa isip niya, ito ang hustisyang karapat-dapat sa kaniya. Ngunit habang isinasagawa niya ang plano, natuklasan ni Marga ang panig ni Dr. Mendoza na hindi niya inaasahan. Sa likod ng malamig na anyo at mapait na nakaraan, nakita niya ang isang lalaking marunong magmahal at marunong umintindi—isang lalaking unti-unti niyang minahal sa kabila ng lahat ng kasinungalingan. Paghihiganti ang plano, pag-ibig ang naging kapalit. Ipagpatuloy ba ni Marga ang paghihiganti o ipaglalaban ang pag-ibig na hindi kailanman dapat umusbong? Dahil kapag lumabas ang katotohanan, hindi lang puso niya ang mawawasak—pati ang tanging taong natutunan niyang mahalin.
Romance
108.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Boss who Ghosted Me

The Boss who Ghosted Me

Moon De Vera was never the type to take risks—lalo na sa pag-ibig. Pero nang inalok siya ng isang deal ng estrangherong si Lucas Madrigal, pumayag siya. Fake relationship. No strings attached. Lucas needed a pretend girlfriend para patahimikin ang media, at si Moon—she badly needed the money para sa pamilya niya. Sa simula, malinaw ang kasunduan. Walang selosan, walang expectations. Pero kahit gaano nila tangkaing panatilihing peke, hindi nila mapigilan ang spark na unti-unting nabubuo. Late-night talks. Unexpected kilig. Lingering stares. Halos. Pero sa kasagsagan ng paglalim ng nararamdaman ni Moon, biglang nawala si Lucas. Walang paalam. Walang mensahe. Ghosted. Left hanging. Pitong taon ang lumipas. Si Moon, mas matatag na ngayon. Mas kampante, mas kumpleto. Sa pagbabalik niya sa corporate world, nag-apply siya sa isang sikat na kumpanya—hindi niya alam, doon din siya muling masasaktan. Lucas Madrigal is back. Pero ngayong CEO na siya, at si Moon ang magiging sekretarya niya, tables have turned. Lucas acts cold, pero may halong pag-aalalang hindi niya maitagong lubos. Moon, on the other hand, pretends she's fine. But the tension? It's there. Unspoken. Unfinished. Undeniable. As they spend more time together, lumalabas ang mga lihim—kung bakit bigla siyang nawala. Kung anong nangyari sa pagitan nila noon. At kung totoo nga bang wala siyang naramdaman. Pero ang mas mabigat: May bagong plano si Moon. At hindi ito para muling magmahal. It’s to make him fall—this time, without catching him. Matutuloy ba ang plano ni Moon? O hahayaan na lang nya ang nakaraan at sasabay sa agos ng pag-iibigang mabubuo muli
Romance
10572 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
171819202122
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status