Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE ARROGANT EX-CRUSH

THE ARROGANT EX-CRUSH

Mauve never taught she would meet Hendrick again. Subalit  nang mag-krus ang kanilang landas, dumating ito kung kailan bagsak na bagsak siya at kailangang-kailangan niya ng tulong.He offered help which she reluctantly accepted dahil kailangan niyang bumalik sa San Carlos. Alam niyang sa pagbabalik niya ay anumang iwas ang gawin niya ay muli niyang makakaharap ang kanyang papa at kapatid.Ganoon nga ang nangyari. Natuklasan niya na hindi humupa ang maliit na galit ng kanyang ama sa kanya. Gayundin ang Ate Tiffany niyang nagbanta pang aangkinin muli nito si Hendrick sa kabila ng katotohanang may asawa na ito.Nakabuo ng plano si Hendrick, magpanggap daw silang magkasintahan para layuan na siya ng Ate  niya. Pumayag naman siya at natuklasan niya, she enjoyed playing the role of being his fiancée. Compatible sila sa lahat ng bagay, especially when they were kissing. He even offered marriage na tinanggap niya naman .Pero hindi niya maiwasang makadama ng agam-agam. Alam niyang bahagi lamang iyon ng pagpapanggap nila. Magpapatuloy ba ang pagpapanggap ni Mauve at Hendrick bilang magkasintahan, o mauuwi ba ito sa totoong pagmamahalan?
Romance
627 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili nitong pamamahay. Paano ipaglalaban ni Maurine ang karapatan ng kanyang anak kung ang pinanghahawakan lang niya ay ang tattoo sa likod ng binata? Kung ikaw si Andrade ay a-akuin mo ba ang responsibilidad, hindi lang ng isang bata kundi ng dalawang anak ni Maurine? Isa na namang kwento ng pag-ibig ang ating susubaybayan mula sa pamilyang Hilton. Ang kwentong ito ay tungkol sa ikalimang anak ni Cedric Hilton na may title na: “The CEO’s Sudden Childs”
Romance
1074.6K viewsCompleted
Read
Add to library
I'm The Only Human Who Entered The Night Academy

I'm The Only Human Who Entered The Night Academy

Yami Sukehiro
Ang isang taong nakayanang pumasok sa school ng mga bampira. Isang taong kailan man ay hindi natakot sa mga bampira. Isang taong makakapagbago sa tingin ng bampira sa mga tao. "A human who was entered the Vampires School"
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Unexpected Marriage

Her Unexpected Marriage

Sabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi ang mga magulang niya na magkatotoo ang sumpa ng Lola niya na kapag umabot siya ng trenta at wala pa siyang asawa, tatanda raw siyang dalaga. Tumutol si Miles sa kasalang iyon lalo na ng malaman niyang si Zandy Saavedra ang lalaking ipakakasal sa kaniya. Ito lang naman ang lalaking naging parte ng masakit niyang nakaraan at naging dahilan kung bakit nagkahiwalay siya at ang ex-boyfriend niya. Pero dahil sa sa nangyari sa kaniyang ama, wala siyang naging ibang choose kung 'di pakasalanan ang lalaking iyon na inisip niyang isang bakla. Paano niya pakikisamahan ang katulad ni Zandy? May mabubuo bang pag-ibig sa pagsasama nila kahit sa tingin niya'y bakla ito at ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kaniyang ex-boyfriend? Handa ba siyang makipaglaro sa laro ng tadhana?
Romance
1061.7K viewsCompleted
Show Reviews (58)
Read
Add to library
Morianne Joy Tayamora
So far so good mr.A...First time ever na mgbasa ako ng romance novel na lalaki ang author.And ur doing great....I love the flow of da story,the emotions were there at mgnda ang pagkaedit.The character's attitude had been introduce slowly dat made me hooked and curious at da same time...Nice work...
xhhxchcj
I like the plot of the story. It was unique for me. Isa sa mga gusto ko sa kuwento ay ’yong linis ng narrations and this novel get me there. Sobrang linis din dialogue, walang sabaw na batuhan ng linya. Congratulations sa author nitong kuwento. keep it up the good work...
Read All Reviews
THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE

THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE

Hindi lubos maisip ni Althea na matatapos ang noon ay mala-fairy tale love story nila ng kanyang asawa na si Hendrix. Hindi kaagad niya napansin ang naging pagbabago rito, hanggang sa para nalang itong bomba na sumabog sa mukha niya. Her husband is cheating on her, at alam ito halos ng lahat ng mga kaibigan nila maliban sa kanya. Nang kinompronta niya ito ay madiin nitong itinatanggi ang mga paratang niya, kahit pa ba matibay ang mga ebidensyang nakakarating sa kanya. Dahil sa sakit, pumayag si Althea sa prinopose ng mother-in-law niya, ang sikretong papirmahin ng annulment papers si Hendrix at siya na raw ang bahala rito. Kapalit ng pagpayag niya ay ang malaking halaga na ibibigay ng mother-in-law niya. Pero sapat nga bang kabayaran ang pera para sa sakit ng pagtataksil ng asawa na noon ay labis niyang minahal?
Romance
9.786.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Playboy Playmate (SPG)

Mr. Playboy Playmate (SPG)

Hindi type ni Bernard ang mga babaeng masyadong bata sa kanya. Dahil ang pakiramdam niya ay magiging baby sitter lang siya ng mga ito kapag inaatake ng tantrums. Ngunit may isang babaeng gumulo sa kanya, si Marie, secretary ng dati niyang nililigawan na naging asawa ng kaibigan niya. Naiinis siya dito dahil mapang asar ito, hanggang isang gabi, bigla na lang niyang narealize na pwede pala niya itong magustuhan. At kabaliktaran ng pagkakakilala niya sa babaeng mas bata ang ugali nito, matured at maunawain ang dalaga. Kahit siya ang may kasalanan ay nagsosorry ito. Bigpang dumating ang kangyang first love, si Eleanor o mas kulala sa tawag na Ellue, akala niya, masisira ang telasyon nila dahil dito, ngunit si Marie ay siya lang ang pinapaniwalaan. Kaya naging maayos pa rin ang takbo ng relasyon nila, until makilala niya si Domeng, kahit noon lang niya nakilala ang kaibigan nito, sinakmal siya ng matinding selos, lalo pa at may mga ipinakitang pruweba sa kanya si Ellie na niloloko siya ni Marie. Lalo siyang nagalit sa babae. Ng matauhan siya sa mga nangyari, at nalaman niya ang totoo, parang huli na ang lahat. Kulang na lang isumpa siya ni Marie sa sobrang galit. Ayaw na siyang balikan ng babae. May pag asa pa kaya na mahalin siya ulit ng dalaga? Paano niya mapapatunayan ang pagmamahal dito kung pati mga kaibigan niya ayaw ng makialam sa kanila?
Romance
10151.6K viewsCompleted
Read
Add to library
You Broke Me First

You Broke Me First

Diosa Mei
Nagkamali si Yhzel nang tanggapin niya ang pag-ibig ni Menard. Naniwala siya sa matatamis nitong salita ngunit sa huli ay sinaksak siya nito ng patalim mula sa likuran. Pagkatapos nitong makuha ang lahat ng kayamanan niya ay saka nito inilabas ang mga sungay na hindi niya nakita dahil sa pagkabulag sa pagmamahal dito. Nalaman niyang matagal ng may relasyon sina Menard at ang sekretarya niyang si Sasha. Hinayaan niyang isipin ng mga itong patay na siya para sa kanyang pagbabalik ay pagbayarin niya ang mga ito sa kahayupang ginawa sa kanya. Walang puwang sa puso niya ang pagmamahal hangga’t hindi niya naipaghihiganti ang kahihiyang ipinalasap ng mga ito sa kanya at ang muntikan nang pagpatay ng mga ito sa kanya at sa kanyang anak. Ngunit mapipigilan nga ba ang puso? Kung sa tuwing kakailanganin niya ng lakas at masasandalan ay nariyan ang isang Rhett Montezar na handa siyang protektahan at ipaglaban sa kahit na sinong gustong manakit sa kanya?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Runaway from My Jerk Husband

Runaway from My Jerk Husband

Sa mata ng buong mundo, si Catherine Adams ang pinakamapalad na babae—minahal, pinrotektahan, at pinangakuan ng habang-buhay ng lalaking pinapangarap ng lahat: si Nolan Martinez. Mula pagkabata hanggang sa proposal na isinahimpapawid sa buong mundo, saksi ang lahat sa tila perpektong pag-iibigan nila. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at engrandeng singsing, may lihim na pilit niyang nilulunok—ang pagkakanulo ng lalaking minahal niya ng buong puso. Sa bawat "overtime", sa bawat palusot, unti-unting nalaman ni Catherine ang sakit ng katotohanang may ibang babae sa buhay ni Nolan. Kaya’t isang desisyon ang binuo niya: maglaho. Sa mismong araw ng kasal, ang bride na inaasahang pupuno ng altar ay isang “patay” na katauhan. “Wala na kaming kinabukasan.” Ito ang paniniwala ni Catherine, kahit pa sa bawat sulyap ni Nolan ay tila may lambing na totoo. Pero sa isang mundong puno ng kasinungalingan, may lugar pa ba para sa tunay na pagmamahal? Isang kwento ng pagkakanulo, paglimos ng katotohanan, at ang masakit na pagpili—pag-ibig o paghilom?
Romance
5.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Life As An Omega

Life As An Omega

AshMeNaeNae
Alpha bilang pinakamataas, Beta bilang normal, at Omega naman bilang pinakamababa. Nang nadiskubre ng mga tao ang ikalawang sekswalidad (secondary sexuality), ito na ang naging basehan nila ng estado sa buhay. Nang matuklasan ni Nikko na isang siyang omega, pinakamababang secondary sexuality, nawalan na siya ng tiwala sa ibang tao. Alam niya ang trato ng mga tao sa mga kauri niya kaya naman pakiramdam niya ay lahat ng mga tao ay pinagbabalakan siya ng masama. Ang tanging tao na pinagkakatiwalaan lamang niya ay ang matalik na kaibigan niyang si Pier - isang alpha. Bilang isang alpha at omega, manatili pa rin kaya ang pagkakaibigan nila sa oras na magsimula na ang problema nila tungkol sa ikalawang sekswalidad nila? O may mas malalim pa na koneksyon na mabubuo sa pagitan nilang dalawa?
LGBTQ+
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
She's Mine (Battle of the Gangsters)

She's Mine (Battle of the Gangsters)

Chrispepper
"What the memory forgets, a heart can remember." Yan ang mga katagang pinaniniwalaan at pinanghahawakan ni Ken lalo na nang malaman niyang ang lahat ng ala-ala ni Ciashet patungkol sa kanya at sa mga taong related sa kanya ay nakalimutan nito. Gusto ni Ken na maalala ni Ciashet ang feelings ng babae para sa kanya pero mayroong puwang sa isip niya na nagsasabing ayaw niya ring makaalala pa ang nobya dahil natatakot siya sa mga posibleng maalala nito. Baka hindi lang pagmamahal ang maalala nito kundi pati na rin ang galit na maging dahilan pa ng pag-iwas at pag-alis ulit ng babae palayo sa kanya. Paano nga ba haharapin ng magkasintahang ito ang mga ala-ala sa nakaraan na nakalimutan ng babae at ala-ala naman sa kasalukuyan na makakalimutan naman ni Ken dahil sa isang aksidente. Posible kayang magtagpo pang muli ang mga ala-ala nila? O tuluyan na lang nilang kakalimutan ang isa't isa?
YA/TEEN
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status