Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married to a Heartless Ugly Billionaire

Married to a Heartless Ugly Billionaire

Sa madilim na sulok ng kanyang silid, isinumpa ng isang lalaki ang kanyang kapalaran. Ipinanganak na may birthmark na halos sakop ang kalahati ng kanyang mukha, lumaki siyang iniiwasan ng mga tao—at sa huli, siya na mismo ang lumayo. Ang tanging nagmahal sa kanya ay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ang sariling kapatid ay hindi pa siya nasisilayan. Dahil sa mga pangungutya at pag-iwas ng iba, isinara na niya ang kanyang puso—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi na niya hinangad na mahalin o mahalin pa ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babaeng katulong sa kanilang bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naagaw nito ang kanyang atensyon. May kakaiba rito, at hindi niya mapigilan ang sariling mahulog. Ngunit isang araw, isang lihim na usapan ng kanyang mga magulang at ng babaeng iyon ang kanyang narinig—isang kasunduang pag-aasawa kapalit ng malaking halaga. Isang pagtataksil. Isang panloloko. Sa galit at pagkasuklam, isinumpa niya ang babae. "Gold digger!" Wala itong pinagkaiba sa lahat ng iba pang tao. Mula noon, nagbago ang kanyang pagtingin dito. Hindi na pagmamahal ang nais niyang ipadama—kundi paghihiganti. Pero hanggang kailan niya maitatanggi ang tunay niyang nararamdaman? At totoo nga bang panloloko lang ang naging dahilan ng babae sa paglapit sa kanya? Abangan ang kanilang kwento—isang kasunduang puno ng sakit, galit, at isang pag-ibig na pilit na itinatanggi.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire

Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire

“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo,” sabi niya kay Hannah, habang nakatitig sa mga mata nito. “Alam mo?” napamaang na lang si Hannah ng marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito ay unti unting nabasa na parang binubukalan ng tubig. “Oo– alam ko ang lahat ng nangyayari sayo, Hannah.. At marahil.. Natatandaan mo na kung sino ako,” sabi niya sa babae. “Ni-ninong Edward–” halos pabulong lang ang tinig na iyon, subalit puno iyon ng pagsusumamo at parang paghingi ng tulong. “Anong nais mo?” tanong niya kay Hannah, determinado siyang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya. “Nais ko silang magdusa.. At magsisi sa mga ginawa nila sa akin. Nais kong lumubog sila at masaktan, gaya ng mga ginawa nilang kahayupan sa akin ninong. Gusto ko silang gumapang sa putik kung saan sila nagmula. Nais kong bawiin ang lahat ng pag aari ko!” umiiyak nitong sabi sa kanya. Nahabag si Ed sa babae. Pinagmasdan niya ito ng husto. "Pwede kitang tulungan, pero may kondisyunes ako sayo.." sabi niya dito. "Kahit ano ninong, gagawin ko, sabihin mo lang!" determinado ang mga mata ni Hannah habang nakatingin sa kanya. "Pakasalan mo ako.. Nais kong magkaroon ka ng karapatan sa kayamanan ko, upang makalaban ka ng patas sa kanila. Sa papel lang tayo magiging mag asawa hannah.. nais ko lang na makapaghiganti ka.."
Romance
1023.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Wayward Daughter

The Wayward Daughter

msalchemist
Ibinibida ang isang babaeng hindi padadaig sa mga pagsubok na darating sa buhay nito. Kahit na nga ba masama ang tingin ng nakararami rito, patutunayan nito na mali ang sabi-sabi ng iba. Malalaman dito ang tunay na kwento ng mga tinatawag nilang 'malandi, kaladkarin, babaeng mababa ang lipad'. Tampok ang buhay ng apat na bidang sinubok ng panahon at pinatatag ng karanasan sa buhay. Kilalanin sina Clip, Sinatra Blue, Ross, at Badong. Iba't ibang taong pinaglapit ng kinagisnang lugar. Iisa ang ginagalawan. Walang lumisan, walang nang-iwan. Patuloy na bumabalik. Lagi silang bumabalik dahil baka totoo nga na ang happy place nila ay matatagpuan sa mga apat na bidang pinagtagpo pero pilit nilalabanan ang tadhana.
YA/TEEN
3.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mafia's Secret

Mafia's Secret

Totoy
Damon Falcone is an orphan when his parents died when he was eight, pinatay ang mga ito sa harap niya at simula noon, wala siyang ibang inisip kung 'di ang maghiganti sa mga taong pumatay sa kaniyang mga magulang. Nang makakita siya ng pagkakataon, pumasok siya sa pamilya Dawson na pinaniniwalaan niyang dahilan ng lahat at pakiramdam niya, umaayon sa kaniya ang pagkakataon nang italaga siya bilang bodyguard ng sikat na model na anak ng mga Dawson na si Savannah, a beautiful yet fierce woman. Savannah Dawson, is a well-known model in the country. She's beautiful and sexy pero sa kabila nang kasikatan niya, nakatago ang tunay niyang pagkatao. She's trying to be someone just to satisfied her parents at nagkaroon siya ng lakas ng loob na gawin ang gusto niya nang makilala niya ang cold and ruthless na si Damon Falcone. Para makalaya, inalok niya ito ng kasal. Paano kung tuluyang mahulog si Savannah sa isang Damon Falcone at sa huli'y malaman nito ang sikreto ng binata? May mabubuo bang pagmamahal kay Damon sa kabila ng madilim niyang balak sa dalaga? Maiipit kaya si Damon sa gitna ng pagmamahal at paghihiganti?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CARRYING THE TRIPLETS  OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND

CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND

Sa loob ng tatlong taon na sila ay kasal, ni minsan ay hindi pa naramdaman ni Cristina na may asawa siya sa kanyang tabi. Una palang ay alam niya ng hindi siya mahal ni Nigel dahil may mahal itong iba at napilitan lamang ito na pakasalan siya dahil sa isang kasunduan ng pamilyang Montefalco sa ama ni Cristina. Ngunit may hangganan ang mga bagay na hindi pinapahalagahan. Nang malaman ni Cristina na napaparty si Nigel kasama ang pinakamamahal nitong babae na si Millicent habang siya ay mag-isang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina. Doon niya naisipang hiwalayan na ang asawa at lumayo kasama ang ipinagbubuntis niya. Makalipas ang limang taong pagtatago ay tadhana na ang gumagawa ng paraan upang mag-cross ulit ang kanilang mga landas. Paano kung hindi niya na kaya pang itago ang tungkol sa triplets na isinilang niya mula kay Nigel. Paano siya at ang mga triplets na sisingit sa buhay ni Nigel gayong kasal na ito sa ibang babae. Ilalaban ba ni Cristina ang kanyang mga anak pati na rin ang kanyang puso or she will run away again with her children?
Romance
32 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
It's My Day, Happy Birthday!

It's My Day, Happy Birthday!

cuttie.psycheDramaCampus
Celebrating your birthday means you acknowledge your existence as a human here on earth. But what if your special day in life turns into nightmare that haunts you forever? What would you do? Kimberly Jade Quesada loves to celebrate her birthday every year eversince she was a child. Lahat halos ng gusto niyang regalo ay nakukuha niya magmula sa mga damit, gadgets at kahit na ang presensya ng kanyang mga magulang na abala sa trabaho ay nagagawa siyang paglaanan ng oras sa kanyang kaarawan. Ito ang petsa na palagi niyang inaabangan kada taon kung saan nakukuha niya ang lahat at nararamdaman niya ang pagmamahal ng mga taong nakapalibot sa kanya. Pero paano kung ang mismong petsa na minamahal-mahal niya ay unti-unting maglaho at mapalitan ng pagkamuhi at pagkasuklam? Anong gagawin niya? "No matter how many times we argue, I still think that you are the best and will always be the greatest mom here on earth," saad ko kasabay ng pagdausdos ng luha sa gilid ng mga mata ko. "Open your eyes for me, Hyacinth. Mama, hayaan mo naman akong makabawi sayo," pakiusap ko pa habang nakayapos sa malamig at nababahiran ng dugo niyang katawan. She loves to celebrate birthdays not until binawi ng langit ang dalawang regalong ibinigay sa kanya.
Romance
104.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Midnight Temptations

Midnight Temptations

MsDayDreamer99
Mula nang dumating nang walang anumang alaala mula sa party ng kanyang matalik na kaibigan, si Elise ay nagkakaroon ng kakaibang panaginip. Habang lumilipas ang mga araw ay mas nagiging kakaiba ang kanyang mga panaghinip. Natatagpuan niya na lang ang sarili sa isang madilim na kwarto kasama ang isang napakagwapong estranghero. At bawat araw ay hindi niya mapigilan ang sariling mahulog dito. Subalit alam niya na ang kung ano mang namamagitan sa kanila ng estrangherong iyon ay hindi bahagi ng kanyang reyalidad. Hanggang sa nagpakita sa kaniya ang isang lalaking kamukhang-kamukha nito at bumago sa takbo ng kanyang buhay. Ngunit, ano ang misteryong bumabalot sa pagkatao nito? Ano ang mga lihim na pilit nitong itinatago sa kanya?
Paranormal
1.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Florist In Dangwa

The Florist In Dangwa

MissJAM
Bata pa lang ay namulat na si Alie sa kahirapan ng buhay. Naiwan sa pangangalaga niya ang kapatid na may kapansanan dahil maagang nawala ang Tatay niya at iniwan naman sila ng Nanay niya para sumama sa mayamang lalaki. Hindi niya gustong lahatin pero ang tingin ng mga mayayaman lahat ay naaareglo ng pera. Kaya naman ng magdalaga at magka-isip ay galit na siya sa mga nakakaangat sa buhay at wala siyang balak makipagmabutihan sa mga ito. Pero dumating si Erwann Vallejo para ipamukha sa kanya na hindi lahat ng mayaman ay ganoon. Tanggap nito kung ano siya at ganoon rin ang kapatid niya. He has everything and he's willing to give it to her. But one unfortunate event will ruin her life and what they have.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
HER REPLACEMENT: REGRETS

HER REPLACEMENT: REGRETS

“Ang bata lang naman ang dahilan kung bakit nanatili pa rin ako. Pero ngayong wala na ang baby, maghiwalay na tayo.” — KARINA BERMUDEZ KARINA BERMUDEZ, a college working student, took responsibility for her younger siblings. Bilang isang panganay na ayaw mahiwalay sa mga kapatid niyang puro lalaki, pilit niya silang binubuhay nang walang hinihinging kahit ano sa kanilang mga magulang matapos maghiwalay ang mga ito. She despised her parents for ruining their almost perfect family. By night, she works at the VIP Hotel, where she met the man who would change everything about her—LUTHER MENDEZ, a man in his 30's who had no interest in relationships, but accidentally slept with her. What will Luther do if he finds out that he got her pregnant? Will he take responsibility? And will she be ready to be with someone she's not even familiar with?
Romance
104.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Virgin Writer

The Virgin Writer

missfriees
Isla Adelaide Austria – isang kilalang manunulat. Ngunit malaki ang posibilidad na matanggal siya sa trabaho sa kadahilanang naalis siya sa pwesto bilang top-grossing author hanggang sa tuluyang hindi na bumenta ang kan'yang mga storya. Ang manunulat na katunggali niya ay magaling magsulat ng mga romantic novels na may kalakip na mature contents at iyan ang kahinaan niya dahil sa edad na 22, wala pa siyang karanasan sa mga gan'yan. At sa 'di inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Ezra Hudson – gwapo, malakas ang appeal, at higit sa lahat eksperto na sa gan'yang usapan ngunit siya ay isang broken hearted. Dahil dito, magkakaroon sila ng deal, magpapanggap siya bilang girlfriend ni Ezra at ang kapalit noon ay bibigyan siya nito ng mga impormasyon at ideya upang makapagsulat siya ng mature contents. Pero paano kung ang akala niyang simpleng deal ay siya pala ang magdadala ng gulo sa buhay niya? Paano kung dahil sa isang deal na 'to ay tuluyan siyang mahulog sa binata? At paano kung dahil din sa deal na 'yan, may mabuong bata sa kan'yang sinapupunan? Paano na ang magiging buhay ng ating virgin writer?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2930313233
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status