Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Fierce Comeback of the Ex-Wife

The Fierce Comeback of the Ex-Wife

Rixxxy
Si Eleanor ay isang martir na asawa ni Herbert. Ang lalaki ang naging mundo niya at kaya niyang tiisin ang lahat para dito kahit pa ang pisikal na pananakit ng kaniyang biyenan at mga anak nitong babae. Ngunit nang malaman niyang nakabuntis ito, ay tila nawasak ang buong pagkatao niya. Kaya naman upang mabuo muli ang sarili at paghigantihan ang asawa at ang kabit nito ay tatanggapin niya ang tulong ng CEO at tagapagmana ng MADRIGAL Group of Companies na si Noah Madrigal. Pupulutin niya ang mga nasira at nabasag niyang mga piraso at gagamitin iyon upang paghigantihan ang mga nanakit sa paraang hindi nila mga inaasahan. Ngunit hanggang saan ang mararating ng paghihiganting pagtutulungan nilang dalawa? Paano kung sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang magmahal at higit na masaktan at tuluyang mawasak?
1.7K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 45 kali sebagai mga pick up lines
Baca
+Pustaka
THE INVESTIGATOR

THE INVESTIGATOR

SAMANTHA VELASCO, edad na dalamput apat na taong gulang. Pumasok ito bilang Isang NBI Agent ng Black Stone upang matulungan ang mga taong naaapi. Taglay ang kasungitan sa katawan, lalo na pagdating sa mga lalaki. Ngunit hindi matatawaran ang angking kagandahan. Isa rin ito sa mga babae na labis na hinahangaan ng mga kalalakihan. Ang papel niya ay imbestigahan ang mga nangyayaring krimen sa bansang pinaglilingkuran. Nais din niyang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kaniyang kapatid na babae. Sa patuloy na pagtanggap sa mga mission at paghahanap sa taong pumatay sa kapatid at Ama ay hindi niya inaasahan ang makadaupang palad si Mr. Brayn Corts. Sa bawat pagkikita nilang dalawa ay para silang aso at pusa na hindi magkasundo. Sa bawat mission na magkasama ay palagi silang nagbabangayan dahil magkasalungat sila sa buhay. Kung baga parihas silang ma-pride at walang gustong magpatalo. Sa dalawang taong pinagtagpo ng maling panahon, may mabuo kayang pag-ibig sa kanila? Abangan!
281 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 7 kali sebagai mga pick up lines
Baca
+Pustaka
Mamamatay in Three, Two, One

Mamamatay in Three, Two, One

Lagi akong ikinukunsidera ng pamilya ko na tagapagdala ng kamalasan. Dahil ito sa nakikita ko ang countdown bago mamatay ang mga kamag-anak ko. Sinabi ko sa kanila kung kailan mamamatay si lolo, ama, at ina. Nagkakatotoo ito dahil sa iba’t ibang mga aksidente. Ang tatlong mga kapatid ko ay kinamumuhian ako mula sa kaibuturan nila dahil sa tingin nila isinumpa ko ang mga magulang ko at lolo. Ang nanay ko ay namatay matapos iluwal ang nakababata kong kapatid na babae, pero ang mga kapatid ko ay walang tigil siyang iniispoil. Sinasabi nila na siya ang suwerte nila dahil nagiging okay ang lahat para sa pamilya sa oras na iluwal siya. Pero hindi ba’t namatay si Ina noong iniluwal siya? Sa ika-18th kong kaarawan, nakikita ko ang death countdown kapag tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Bumili ako ng urn at naghanda ng pagkain. Gusto ko kumain ng huling beses kasama ang mga kapatid ko, pero walang nagpakita sa kanila noong nag zero na ang timer...
1.7K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 51 kali sebagai mga pick up lines
Baca
+Pustaka
Taming the Ruthless CEO

Taming the Ruthless CEO

Si Keira Amara Lacson ay napilitang pumasok sa isang kasunduang kasal. Ang kanyang mapapangasawa ay walang iba kundi si Xavier Cross Dela Vega, ang kinatatakutang CEO na kilala sa pagiging malupit at walang awa. Ginawa niya ito upang iligtas ang negosyo ng kanyang ama, ngunit hindi niya inaakalang hahakbang siya sa isang mundong puno ng lihim at panganib. Akala niya ay simpleng pagpapanggap lamang ang lahat, ngunit habang tumatagal ay may mga bagay siyang natutuklasan tungkol kay Xavier. May mga pagkakataong ipinapakita nito ang lambing at pag-aalaga, ngunit may mga sandaling tila ibang tao ang kanyang kasama. Magulo ang kanyang nararamdaman, lalo na at tila may mga lihim na itinatago ang buong pamilya Dela Vega at ang mga taong nakapaligid sa kanila. Habang lumalalim ang kanilang ugnayan, sunod-sunod na lumalabas ang mga katotohanang yumayanig sa kanyang paniniwala. Ang kanyang pagkikita at kasal ay tila hindi sadyang tadhana lamang at may mas malalim na dahilan ang lahat ng ito. Sa gitna ng mga nakatagong plano at nakaraang puno ng galit ay may isang nakakagulat na rebelasyong naghihintay na mabunyag ang isang katotohanang magbabago ng lahat at magtutulak sa kanila sa isang sitwasyong hindi nila inaasahan.
53 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 2 kali sebagai mga pick up lines
Baca
+Pustaka
CARMELLA

CARMELLA

"Kilala mo ba kung sino ako Carmella?" Tanong nito at binaggit nanaman nito ang pangalan nya."O.. opo... Kayo po ang anak ng may-ari ng Del Castillo Resort" sagot nya. Ngumisi ito at humakbang sa kinatatayuan nya, wala sa loob na napa atras sya at nagpatuloy ito sa paglapit at pag atras naman ang sa kanya hanggang sa madikit sya sa kahoy na dingding. "Kilala mo ko alam ko" sabi nito at hiniharang ang dalawang kamay nito sa tabi ng mga balikat nya, tila sya nasukol nito habang nakatingin sa mga mata nya."Bakit oh?" Tanong nya at sinulyapan ang mga nakaharang nitong kamay sa kanya at lumapit pa ito ng isang hakbang at nasasamyo nya ang mainit na hininga nito na tila humahaplos sa mukha nya. Napalunok sya ng ilang beses dahil kahibla lang ang layo ng mga labi nito sa mga labi nya."Anong ginagawa ng isang Carmella Perez sa loob ng solar ko? Alam mo ba ang pinasok mo? Teretoryo ng kaaway" sabi nito na nagpagulat sa kanya at nanlalaking mga mata napatitig sya rito, kitang-kita nya ang pagbalasik ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya, nakikita nya ang galit at pagkasuklam na nakita nya noon rito limang taon na ang nakakalipas.
9.944.0K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 1.2K kali sebagai mga pick up lines
Baca
+Pustaka
MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

Lanie
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Cearina Guzman si Ezekiel Wang. He was her first everything—her first love, her first heartbreak. Sa kabila ng lahat ng alalahanin, nagawa niyang iwan si Ezekiel para sa pangarap nito. Ang sabi ng mga magulang ni Ezekiel, tatanggalan ng mana ang anak at hindi na susuportahan financially kapag ipinagpatuloy pa nila ang relasyon. Hindi ito sinabi ni Cearina kay Ezekiel, kaya hanggang ngayon, galit pa rin ang binata sa kanya sa pag-iwan niya. Akala ni Cearina, nakalimot na siya. Pero boom! Muli silang nagkita nang mag-apply siya sa SummitBridge Global—hindi niya alam na ang kompanyang aaplayan niya ay pag-aari ng ex-boyfriend niyang si Ezekiel! At nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi maitatanggi na nandoon pa rin ang mga damdamin na tinago niya. She still wants him. Pero ang daming hadlang sa relasyon nila. Kailangan niyang harapin ang lahat ng ito, pero hindi niya alam kung paano. Ang mga alaala nila, ang mga pangarap na sabay nilang pinangarap—parang nagbabalik sa kanya sa pinakamasakit na mga sandali. Sa kabila ng mga hadlang, ano ang pipiliin niya—ang kanyang sarili o ang pag-ibig na dati niyang iniwan?
27.8K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 225 kali sebagai mga pick up lines
Baca
+Pustaka
RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories

RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories

Kalipunan ng mga maiinit na kwento ng pagnanasa, tukso, at bawal na pag-ibig. Mga kwentong magpapaalab ng damdamin at maghahatid ng init sa bawat pahina.
23.7K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 878 kali sebagai mga pick up lines
Baca
+Pustaka
My Master Is A Monster (Tagalog)

My Master Is A Monster (Tagalog)

Planet Wayne, isang planeta kung saan itinuturing na Diyos ang mga bampira at tila hayop naman ang mga tao na ginagawang alipin. Bilang isang alipin, isa itong walang katarungang mundo para kay Lana. Mahahanap pa kaya niya ang kaligayahan at kalayaan na pinakaaasam niya lalo pa at isang masamang prinsepe na kilala sa pagpatay ng mga alipin ang nakabili sa kanya?
9.938.2K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 1.2K kali sebagai mga pick up lines
Baca
+Pustaka
The Billionaire's Certainty

The Billionaire's Certainty

Author T
Nabalot ng inggit at galit ang puso ni Jane sa kaniyang nakakatandang kapatid babae na si Shiba dahil ito na lamang ang magaling sa mga mata ng kanilang mga magulang. Ngunit mas lalong sumidhi ang kaniyang galit sa kapatid ng pati ang pinakamamahal niyang bilionaryo na si Keiron ay sa kapatid niya rin nagkagusto at ito ang nais na mapang-asawa kaya isang sakim na plano ang napagdesisyunan niyang gawin 'yon ay ang akitin si Keiron upang tuluyan itong mapasakaniya. Nagtagumpay si Jane sa kaniyang plano but to her surprised next morning she woke up in someone else's bed dahil lasing na lasing siya noong isinagawa niya ang kaniyang plano kung kaya't ibang lalaki ang kaniyang naakit at napag-alayan ng kaniyang puri. She mistaken the young billionaire who also Kieron's brother as Keiron, mahahanap ba nilang dalawa ang katiyakan sa piling ng isa't-isa o, kakalimutan na lamang ang isang gabing may nangyari sa kanila?
101.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 50 kali sebagai mga pick up lines
Baca
+Pustaka
OVEN

OVEN

Imelda Aviles
Si Carlo Tavez nag iisang namumuhay sa mundo. Akalain niyo ba naman mula ng nagkaisip siya ay hindi na niya nasisilayan o makita man lang ang kanyang ama. Ang kanyang ina lamang ang kanyang nakakasama hanggang sa lumaki siya. Subalit sa kasawiang palad ay biglaan ang pagkamatay nito dahil sa isang kagimbal gimbal na aksidente. Lumaking walang mga magulang si Carlo. Dahil masipag ito at hindi umaasa sa mga kamag anak ay matiyagang namuhay mag isa ang binata. Hanggang sa nakapagtrabaho ito ng maganda. At binigyan sila ng break ng kanilang CEO. Sino mag aaakala na halos kalahating taon ang binigay sa kanila na bakasyon. Laking tuwa ng mga ito ngunit ang ipinagtataka nila bakit ang tagal ng kanilang bakasyon anim na buwan. Dito pala makikita ni Carlo ang kanyang ama na matagal nang nawala. Dito niya matutuklasan ang katotohanan ng matagal na niyang hinahanap ang mga kasagutan. Ang mga sigaw na lagi niyang naririnig mula ng bata pa siya magpasa hanggang ngayon ay dito lang pala niya malalaman ang mga katotohanang nagaganap . Ang kanyang laging nakikita sa panaginip . Ang taong sumisigaw at humihingi ng saklolo. Ang taong sinaksak, pinaghiwa hiwa ang mga laman nito na parang karne. Ginawang chop at nilagyan ng paminta , asin, soysauce, bawang , sibuyas, asin , sugar. Saka minarinate ng dalawang oras . Pagkatapos ay nilagay sa oven niluto at pagkatapos ay inihain sa mesa at kinain. Brutal ang pagpatay at talagang hindi makatao ang ginawa . Ano ang intesiyon ng kanilang Ceo bakit sila pinadala sa isang forest para magbakasyon. Ano ang magiging papel ng kanilang Boss sa kwentong ito. Bakit parang weird ang kanyang mga galaw. Abangan niyo mga tagpong kagimbal gimbal dito lang yan sa aking kwentong oven. Sana po ay tatangkilin niyo po ang aking obra maestra at inyong subaybayan ang mga tagpo . Salamat po..
103.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 101 kali sebagai mga pick up lines
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
1213141516
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status