Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1

THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1

Isang babaeng kinatatakokotan ng kahit sinong tao na makabangga niya dahil sa angking galing nito sa pakikipagtunggali--- Nathalie Collins. Isang mahusay na NBI Agent, dahil lahat ng misyong ibinibigay sa kaniyan ay walang kahirap-hirap niyang nalutas. Ngunit sa kaniyang puso ay nakapaloob ang lungkot at paghihiganti upang mabigyan ng katarungan ang mga magulang na basta na lang pinatay ng taong hindi niya kilala. Sa patuloy niyang paghahanap sa mga kriminal na pumaslang sa pamilya niya, ay unti-unti namang lumalambot ang puso niya sa babaero niyang boss na si Frank Smith. Para sa kanya ay kailangan niyang sumipilin ang kaniyang puso lalo na at alam ni Natalie na sa bandang huli ay siya pa rin ang uuwing luhaan. Ngunit hanggang kailan niya kayang paglabanan ang pag-ibig na nadarama para kay Frank? At may pag-asa pa kayang makamit ng mga magulang ni Natalie ang hustisyang nararapat para sa pamilya?
Romance
1016.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

Sa loob ng tatlong taon, namuhay si Clarissa Montefalco sa ilalim ng anino ng kasinungalingan—isang simpleng babae sa paningin ng lahat, ngunit sa likod ng tahimik na anyo ay ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking business empires sa bansa. Minahal niya si Joaquin nang totoo, kahit pa hindi nito alam ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit sa pagbabalik ng babaeng mahal ni Joaquin, iniwan siya nito nang walang pasabi—pinahiya, sinaktan, at sinabihang siya pa ang pilit na humahabol. Hindi alam ni Joaquin na ang babaeng tinapakan niya ay may kapangyarihang baguhin ang buhay ng kahit sinong lalaki… kabilang na siya. Sa muling pag-uwi ni Clarissa sa Maynila upang pamunuan ang kompanyang iiwan ng kanyang ina, hindi niya inaasahang makikilala niya si Luis Antonio Dela Cruz—ang pinsan ng kanyang matalik na kaibigan, at isang lalaking may sarili ring itinatagong yaman at lihim. Sa gitna ng sakit, isang gabing puno ng alak ang nagtulak kay Clarissa sa piling ni Luis. At sa isang hindi inaasahang kasunduan upang makaiwas sa mga piling asawa ng kanilang mga magulang, lihim silang nagpakasal. Ngayon, si Clarissa Montefalco ay hindi lamang isang tagapagmanang hindi kinikilala—isa na rin siyang asawa ng isang secret billionaire. At si Luis? Isang lalaking dumarating sa mga panahong hindi niya inaasahan, dala ang pag-ibig na kailanman ay hindi naibigay ni Joaquin. Ngunit handa ba si Clarissa na magmahal muli, o mananatili siyang bihag ng sakit ng nakaraan?
Romance
1023.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionare Behind Her Forgotten Life

The Billionare Behind Her Forgotten Life

Nagising si Maxine sa ospital sa Maynila na walang matandaan, hindi maalala ang sarili niyang pangalan o ang nangyari bago siya na-ospital. Hinarap niya ang mundong hindi niya kilala, kasama si Anthony, isang lalaking mayabang na tila may alam sa kanyang nakaraan, at si Amanda, isang mahinahong babae na may lihim na intensyon at protektado ni Anthony. Sa gitna ng kanyang pakikipaglaban para maibalik ang alaala, natutuklasan ni Maxine ang mga piraso ng relasyon niya, lalo na kay Mikael, isang misteryosong lalaki na posibleng kasintahan niya.. Habang hinaharap ang galit at pagkukulang ng pamilya, at mga suliraning pinansyal, nakita siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Claudine at iwinaksi ang kanyang nakaraan. Sa gitna ng nakalimutang nakaraan, komplikadong pamilya, pagmamahal at pagtataksil, kailangang piliin ni Maxine kung haharapin ba niya ang nakalimutang buhay o sisimulang muli ang bagong yugto ng kanyang buhay.
Romance
72 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Personal Nurse Ako Ng Rp Boyfriend Kong Mafia Boss

Personal Nurse Ako Ng Rp Boyfriend Kong Mafia Boss

Marie_23
I wan't to ask why did you said that? Rich, Money and Fame is a sh*t." he asked on me."Kasi dahil sa mga 'yon nawalan ng oras si Dad sa amin ni Mom ko nun, syempre wala eh mahal s'ya ni Mommy kaya nag-stay siya kahit nagiging malupit si Dad. Pero dumating din sa pagsawa at nahirapan na si Mommy at pinapili ako nilang dalawa." bata pa ako non.
Romance
103.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Ang Unang Tagapagmana

Ang Unang Tagapagmana

Miranda Stone
Limang daang libong piso ba ang katumbas ng pride at dignidad ni Lorenzo Villaverde? Pilit siyang pinapaluhod ng asawa sa mga biyenan para sa pampagamot ng nagaagaw buhay nilang anak. Nang nagmatigas si Lorenzo ay isang ahas na kaibigan naman ang tinakbuhan ng asawa. Pride nga lang ba ang dahilan ng pagtanggi ni Lorenzo na mangutang sa biyenan at sa dating kaibigan? Tuklasin kung sino ba Ang Unang Tagapagmana.
Urban
1010.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN

ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN

READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ Si Maya ay isang bilanggo sa mansion ng mga Gustin dahil sa malaking pagkakautang. Tanggap niya ang kapalaran niya na habang buhay magbayad ng pagkakautang sa mga ito kapalit ng kanyang paninilbihan... Isa lang ang hiling niya, iyon ang bumalik ang nanay niya na bigla nalang siyang iniwan sampong taon na ang nakakaraan. Nang bumalik si Hannah galing sa America, ang apo ng mga Gustin ay agad na ipinagkasundo ito sa isang mayamang binata na si Tyler Montemayor; Ngunit nagmatigas si Hannah. Sa takot ng mga Gustin na baka i-pull-out ng binata ang investment nito sa kanilang kumpanya ay naisip nilang si Maya ang ipakasal kay Tyler dala ang kanilang apelido. Walang nagawa si Maya kundi ang pumayag na ma-ikasal sa mayamang binata. Hinanda niya ang sarili na masaktan at pagmalupitan ng mayamang binata ngunit hindi iyon ang nangyari... "Araw-araw kitang mamahalin, Maya.” Katagang sinabi ni Tyler na labis n'yang ikinagulat. Mapanindigan kaya ni Tyler ang pangako gayong maraming tutol at hadlang sa pag iibigan nilang dalawa? O sa bandang huli ay magkakahiwalay din sila?
Romance
1034.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Because... I love you

Because... I love you

DuraneousMxMDramaCEO
Mahirap lang ang buhay na mayroon si Mavy. Maliit na bahay, simpleng mga gamit at walang trabaho. Pero sa kabila ng hirap, pinipilit niyang maging malakas at matatag para sa kapatid niya. Dalawa na lang silang magkasama sa buhay simula nang namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Isang mabuti at responsableng Kuya naman siya pero hindi ito naging sapat para maalagaan ang katapid niyang may breast cancer. Dumating pa sa puntong kinailangan niyang magnakaw at pumasok sa isang club bilang isang cross dresser para mabayaran ang mga gastusin sa hospital. Hindi na niya alam ang gagawin niya hanggang nakilala niya si Kfer Vargaz. Isang mayamang negosyante si Kfer, at pipirmahan lang ng mga magulang nito ang kumpanya na para sa kaniya sa isang kondisyon. Kaya naman inalok niya si Mavy ng isang bagay sa pag-aakalang babae siya. Hanggang unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Kfer sa kaniya. Lahat kayang iwan at isakripisyo ni Michael para sa kapatid. Ngunit kaya pa ba niyang isakripisyo kahit ang nararamdaman niya para lang maging masaya ang kapatid niya?
LGBTQ+
101.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Gisingin ang Puso

Gisingin ang Puso

Clara Alonzo
Langit at lupa. Isang heredera si Camilla Montoya na umibig sa anak ng katiwala na si Santiago Santos. Ang pag-ibig nila'y puro at wagas. Minahal niya ang binata higit sa inaasahan at handa siyang iharap nito sa dambana. Perpekto ang lahat para sa dalaga kung hindi lamang nakialam ang tadhana. At lahat ng pangarap niya'y nasira para sa kanilang dalawa. Lumipas ang ilang taon at nagkrus muli ang landas nilang dalawa. Hindi akalain ni Camilla na mababaligtad ang sitwasyon nilang dalawa. Kilala pa siya ni Santiago ngunit wala ng pag-ibig sa mga mata nito. Ang nakasalamin sa mga iyon ay galit, pighati at kalungkutan. Batid niyang wala na siyang puwang sa buhay ni Santiago. Masakit isiping hindi na siya nito mahal. Paano niya sasabihin na wala siyang ibang lalaking minahal kung hindi ito lamang? Paano niya gigisingin ang pusong siya mismo ang nagwasak?
Romance
102.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Her Billionaire Ex, Her Babies' Father

Her Billionaire Ex, Her Babies' Father

Ang bilyonaryong ito’y nais maghiganti. Limang taon na ang nakalipas mula nang biglaang iwan ni Damon Thorne si Selene, walang paliwanag, walang kahit isang dahilan. Akala ni Selene'y naka-move on na siya. Ngunit nagbalik ang lahat nang mag-apply siya sa isa sa pinakamalalaking kompanya sa siyudad at matagpuan si Damon, nakaupo sa dulo ng mesa bilang CEO, mas malamig, mas makapangyarihan, at mas mapanganib kaysa dati. Ngayon, ikakasal na si Damon sa iba. Iniwan ba siya noon dahil sa ibang babae? Ang hindi alam ni Selene ay bahagi siya ng isang masalimuot na plano ng paghihiganti. Wala siyang kamalay-malay sa galit at damdaming pilit niyang tinakasan. Ngunit habang muling bumubulwak ang mga lumang damdamin at sumisiklab ang mga bagong eskandalo, isang maling hakbang lang ang maaaring sumira sa lahat… o magbalik sa kanila sa isang pag-ibig na kailanman ay hindi tuluyang nawala.
Romance
10344 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Billionaire Ex-husband Regrets

My Billionaire Ex-husband Regrets

"Magkano ang kailangan mo, upang layuan ang anak ko?" tanong ni donya Marsha kay Estella, "hindi kita maaaring tanggapin dahil isa ka lamang dukha! saan ka ba napulot ni Ludwig? sa club? At sinong nakakaalam, kung yang dinadala mo, ay sa anak ko?" Isang sampal iyon para kay Estella. Ang inaasahan niyang maayos na pagtanggap sa kanya, ay magiging isa palang bangungot! Ang akala niya, matapos niyang matakasan ang matandang ipinagkakasundo sa kanya ng kanyang ama, ay magiging maayos na ang buhay niya, hindi pa pala. Kaharap niya ngayon ang isang repleksiyon ng matapobre niyang madrasta. Kuyom ang kamao, nilisan niya ang lugar na iyon, upang hindi na maalipusta pa, ng kahit na sino, sa pamilya ni Ludwig, dala dala ang anak nilang kambal, na hindi pa man naiisilang, ay itinakwil na. "Ako ang bahala sa inyo mga anak. Hindi ko hahayaang may mang-api pa sa inyo, gaya ng naranasan ko," kinakausap niya ang mga bata sa kanyang tiyan. "Babangon ako, at maniningil!" Tiningnan niyang muli ang mansiyon, sa huling pagkakataon. Hinulma niya sa isipan ang sinabi sa kanya ng kanyang biyenan. Saka hilam ng luha ang mga matang lumayo, na hindi alam kung saan tutungo.
Romance
9.529.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status