The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi
Warning: Contains steamy scenes and emotional rollercoaster rides.
Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang lihim na hindi habambuhay na maitatago.
Limang taon na ang nakararaan,
nagpadala si Mia sa init ng isang gabi sa piling ng estrangherong si Gabriel Altamirano. Kinaumagahan, tumakas siya dala ang isang sikreto: ang bunga ng kanilang pagnanasa.
Sa loob ng limang taon, namuhay si Mia nang tahimik bilang isang single mother sa anak nilang si Gabby. Sinikap niyang burahin si Gabriel sa kanyang alaala.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, muling nagkrus ang landas nila. At nang makita ng ruthless billionaire ang batang kamukhang-kamukha nito, sumabog ang galit at pagdududa.
Hinarap ni Gabriel si Mia dala ang isang malamig na ultimatum: "Be my wife on paper, or you will never see our son again."
Walang pagpipilian, pinasok ni Mia ang isang contract marriage. Mula sa simpleng buhay, natagpuan niya ang sarili sa marangyang penthouse ng bilyonaryo, nakakulong sa piling ng lalaking galit sa kanya pero tila obsessed sa bawat galaw niya.
Sa likod ng saradong pinto ng Master's Bedroom, ang kanilang kasunduan ay magiging laro ng apoy. Ang galit ay magiging pagnanasa. Ang sumbat ay mapapalitan ng mainit na mga halik.
Pero paano kung bumalik ang nakaraan para sirain sila? At paano kung marealize ni Gabriel na hindi lang ang anak ang gusto niyang angkinin... kundi pati na ang puso ng inang pilit siyang tinatakbuhan?
"You ran away with my heir, Mia. Now, you will pay for those five years... in my bed."