Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Basorerong Bilyonaryo

Ang Basorerong Bilyonaryo

si Winston Lawrence ay ipinanganak ng kaniyang Ina sa tabi ng bundok na mga Basura at dito na lumaki at nagka isip si Winston Lawrence isang araw, habang pumapasok ito sa School, lagi itong binubully ng kaniyang mga kaklase dahil na rin sa Mabaho ang kaniyang mga damit at halos tatlong notebook lang ang dalaga nito araw araw at ang mga pinag tirahan lang ng mga kaklase at kapit bahay lang nito ang mga Notebook na ginagamit niya at minsan napupulot lang nito sa bundok ng basurahan kinuha niya ito ang mga walang sulat, at kaniyang pinag sama sama upang maging isang notebook. sa tindi ng hirap nang kaniyang, nag sikap si Winston Lawrence na mag aral ng mabuti, at lagi nitong sinasabi sa kaniyang magulang at mga kapatid pag ako naging mayaman, aalis tayo sa lugar na ito, at ititira ko kayo sa isang malaking bahay si Winston ay panganay sa Tatlong mag kakapatid, at tanging siya lang ang nag iisang lalake sa magkakapatid. isang araw, nasa 406,549,000 Million Pesos na ang Jockpot Price ng Lotto, at may isang lalake ang nanalo nito, ayon sa Balita ngunit pagkalipas ng isang Linggo, nabalitaan ng Lahat na patay na ang Lalake ayon sa Balita, pinatay ito dahil sa Ticket Lotto na kaniyang napanalunan ngunit ang lalakeng tumama sa Lotto ay nagawa nitong ilagay sa isang Sobre ang ticket at ito ay naka singit sa isang Notebook. dahil wala na ang kanilang Anak, kaya tinapon na lamang ng kaniyang Pamilya ang lahat ng gamit nito sa basura, at ang lahat ng gamit ng lalake ay itinabi sa isang maliit na bodega, isang araw nangangalakal si Winston ng Basura sa at napansin nito ang isang Notebook, ung una ito ay gagamitin niya lamang sa School ngunit dito pala magbabago ang buhay ni Winston Lawrence...
Urban
1012.2K viewsOngoing
Read
Add to library
When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

Ipinambayad si Angel Anzores ng kanyang tiyahin at tiyuhin sa kanilang pagkakautang matapos nilang itago ang kanyang nakababatang kapatid na si Angelo at pagbantaang ito ang ibebenta kung hindi siya papayag. Kaya walang nagawa ang dalaga kung hindi ang sundin ng mga taong umako sa kanilang magkapatid matapos mamatay sa isang car accident ang kanyang mga magulang. Si Salvatore Ravalli ay 35 years old at kilala sa tawag na “Tore” sa underground at isang malupit na mafia na siyang inutangan ng tiyuhin at tiyahin ni Angel at mahuhulog ang loob sa dalaga. Matatanggap kaya ni Angel ang lalaki na noong una ay nang-alipin sa kanya at tinakot gamit ang buhay ng sariling kapatid? Ano ang gagawin ni Salvatore kapag nalaman ni Angel na sangkot siya sa aksidenteng kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang na naging dahilan upang masadlak silang magkapatid sa buhay na ibinigay sa kanila ng mga taong kumupkop sa kanila? Magagawa kaya ni Salvatore na mailigtas ang babaeng minamahal sa kamay ng mga malupit din niyang kaaway?
Romance
1073.6K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
MysterRyght
Hi po. Sobrang salamat po sa pagsubaybay sa story nila Salvatore at Angel. Kila Gracie, Irene Wong at Vanessa na nagregalo ng coins thank you so much po. Pati na rin sa mga nagbigay ng gems. Sobrang grateful po ako sa inyong generosity kaya sana po ay pagpalain pa po kayo ng Panginoon.
Erichine Asuncion
nakakaworry na nawala xa ng malay,bka yung ama ni victor ang nasa likod niyan...pero mas gusto ko mgpkapositive na nahilo lang sia kc buntis ulit sia and this time twin boys naman hahaha taz gud samaritan yung driver dinala sia sa hospital
Read All Reviews
Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Rizza was kidnapped and brought to the place where Drake is living with his men. Hindi siya dinukot para ipatubos sa kanyang pamilya hindi kagaya ng mga napapanood niya sa mga drama sa telebisyon. Siya ay dinukot ng mga hindi kilalang lalaki upang bigyan ng anak na magiging tagapagmana si Drake na ayaw na mag-asawa sa takot na baka lokohin at iwan na naman ito. Pumayag kaya si Rizza sa nais ng bilyonaryong binata na bigyan niya ito ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya nito? Paano kung tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake? Makabalik pa kaya siya sa kanyang pamilya na buhay? Kahit tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake hindi na niya matatakasan ito.
Romance
10.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Rejected Wife

The Rejected Wife

Matagal ng inaasam ni Elise na mapansin siya ng kanyang ultimate crush at ang makaahon sa hirap pero nais niya itong gawin sa sarili niyang pagsisikap pero paano niya gagawin iyon kung pasan niya sa kanyang balikat ang mga kapatid at mga magulang na ini ire pa lamang ata siya ay nakalista na ang mga obligasyun at mga dapat niyang gawin. Tama, isinilang lamang ata sila para maging sunod sunuran at cash cow ng mga ito. Hindi man lamang niya magawang makabili ng kahit polbos o lipstik para naman masulyapan ng kanyang kababata. Eh paano naman mangyayari iyon gayung wala na ata siyang panahon kahit na ang huminga. Siya lahat mula sa gawaing bahay hanggang sa pagtatrabaho para may pagkain sa lamesa. Batugang ama, sakitin pero chismosang ina at mga pasaway na kapatid yun ang kalbaryo niya. Pero ang tadhana ni Elise ay nakatakdang magbago ng mabalitaan niya na ang kanya palang yumaong lola at ang lola ng kanyang binatang crush ay matalik na magkaibigan. Perahas may iniwang kasunduan ang dalawa at iisa ang sinasabi doon. Na ipapakasal sila ng kanyang crush sa takdang panahon. Labis ang naging kaligayahan ni Elise dahil sa wakas may pagkakataon na siyang makasama at mapakasalan ang man of her dreams. Si Kenzo Madrigal. Hindi akalain ni Elise na ang kanyang pinapangarap at ang lalaking laman ng kanyang mga panaginip ay siya palang magdudulot sa kanya ng bangungot at malalim na sugat sa kanyang puso at kaluluwa. Ngunit sa kanyang bangongot niya ay may sumulpot na guwapong prinsipe na nakalahad ang mga kamay at gusto siyang tulungang makaahon sa bangongot. Paano ba aabutin ni Elise ang kamay ng lalaking iyon kung ito ay walang iba kundi si Kevin Madrigal ang kapatid na panganay ng kanyang dating asawa?
Romance
1044.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Nanny and The Playboy Señorito

Nanny and The Playboy Señorito

Madame Marites
Isang labandera si Marie sa mansyon nang mga Del Lucia. Siya ay may lihim na pagtingin kay Lenon Del Lucia, ang mayaman, gwapo, at higit sa lahat ang kinababaliwan ng mga babae. Maagang namulat si Marie sa sex. Sa edad na kinse anyos ay hindi na ito Virgin dahil sa maaga din ito nagkaroon nang kasintahan. Palagi niyang inaakit si Lenon ngunit hindi siya pinapansin ng binata. Hanggang kailan ang kayang gawin na pang-aakit ni Marie para lang matikman at maranasan nitong romansahin ni Lenon Del Lucia? Paano kung matuklasan niya na si Lenon ay ang anak ng mga taong pumatay sa kanyang mga magulang? Paano kung ang planong paghihiganti ay magiging tunay na pag-ibig? Will Marie choose her love to Lenon? Or she will revenge and kill Lenon? What if Lenon is a Mafia Boss?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
You Broke Me First

You Broke Me First

Diosa Mei
Nagkamali si Yhzel nang tanggapin niya ang pag-ibig ni Menard. Naniwala siya sa matatamis nitong salita ngunit sa huli ay sinaksak siya nito ng patalim mula sa likuran. Pagkatapos nitong makuha ang lahat ng kayamanan niya ay saka nito inilabas ang mga sungay na hindi niya nakita dahil sa pagkabulag sa pagmamahal dito. Nalaman niyang matagal ng may relasyon sina Menard at ang sekretarya niyang si Sasha. Hinayaan niyang isipin ng mga itong patay na siya para sa kanyang pagbabalik ay pagbayarin niya ang mga ito sa kahayupang ginawa sa kanya. Walang puwang sa puso niya ang pagmamahal hangga’t hindi niya naipaghihiganti ang kahihiyang ipinalasap ng mga ito sa kanya at ang muntikan nang pagpatay ng mga ito sa kanya at sa kanyang anak. Ngunit mapipigilan nga ba ang puso? Kung sa tuwing kakailanganin niya ng lakas at masasandalan ay nariyan ang isang Rhett Montezar na handa siyang protektahan at ipaglaban sa kahit na sinong gustong manakit sa kanya?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Memories of the Past [COMPLETED]

Memories of the Past [COMPLETED]

Demie
Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila. Date Written: March 5, 2021 Date Finished: September 25, 2021
History
6.4K viewsCompleted
Read
Add to library
She's One Of The Boys (Tagalog)

She's One Of The Boys (Tagalog)

Kezia Chloe Villanueva smart, pretty, brave and talented. she's a princess of Villanueva clan. Iniingatan at Inaalagaan. Over protective sa kanya ang nag-iisang kapatid na si Lucas at ang tatlo nitong pinsan. Pati na rin ang dalawa niyang kababata. Minsan na rin siyang napag-kamalan na tomboy dahil lagi niyang nakakasama ang mga ito. Minsan din ay napapaaway siya dahil sa mga girlfriends ng kanyang pinsan at kababata dahil sa selos o kung hindi naman napag-kakamalan siya na isa sa mga Girlfriend ng mga ito. Her life was going happily, Until one day the person she didn't expect came back. The person she forgot, The person she cried, The person who left her without knowing the reason, Left without even saying goodbye. And also one of her childhood friend. Will she be able to face it again? Especially now, that they live in the same house?
Romance
9.840.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Payak na pamumuhay ang mayroon si Xariel Cassandra Fumidor kasama ng kaniyang mga anak. Ngunit isang dukha lamang siya at hirap na kumakayod sa pamumuhay upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Rumaraket ito ngunit hindi pa rin iyon sapat. Kaya naman pinasok nito ang posisyong sekretarya sa Alvarez's Company nang siya ay matanggap doon. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang magiging boss niya ay ang dati nitong asawa na si Nathan Antonio Alvarez. Muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit maibabalik kaya nila ang dating tamis ng kanilang pag-iibigan kung may mga anak na ito habang ang lalaki naman ay engaged na? Muli bang mamahalin ni Nathan ang dati nitong asawa na nilisan siya o mananatili sa piling ng kaniyang kasintahan na siyang nariyan na simula pa noong mga panahong nasasaktan siya?
Romance
1016.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My Flawless Diamond

My Flawless Diamond

Ped Xing
Isang buwan bago ideklara ng dating management na bankrupt na ang TheCompany pinakilala si Gil bilang bagong Presidente at CEO. Ayon sa mga business expert imposibleng makaahon ang TheCompany dahil sa pagkalubong nito sa utang. Pero pinatunayan ni Gil na kaya niyang maging posible ang imposible. Ano pang mga balakid na haharapin ni Gil sa kabila ng tinatamasang tagumpay? Si Ellie isang baguhang real estate agent. Ano ang magiging papel niya sa buhay ni Gil? Paalala: Ang kwentong ito ay kathang- isip lamang. Ang mga karakter, lugar at sitwasyon ay nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may akda.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status